Add parallel Print Page Options

(A)Huwag kayong maging gaya ng inyong mga magulang, (B)na siyang mga pinagsabihan ng mga unang propeta, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Manumbalik kayo ngayon na mula sa inyong mga masamang lakad, at sa inyong mga masamang gawain: nguni't hindi nila dininig, o pinakinggan man ako, sabi ng Panginoon.

Ang inyong mga magulang, saan nangandoon sila? at ang mga propeta, nangabubuhay baga sila ng magpakailan man?

(C)Nguni't ang aking mga salita at ang aking mga palatuntunan, na aking iniutos sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi baga nagsiabot sa inyong mga magulang? at sila'y nanumbalik at nangagsabi, (D)Kung paano ang inisip na gawin ng Panginoon ng mga hukbo sa amin, (E)ayon sa aming mga lakad, at ayon sa aming mga gawa, gayon ang ginawa niya sa amin.

Read full chapter