Font Size
Zacarias 10:3-5
Ang Biblia (1978)
Zacarias 10:3-5
Ang Biblia (1978)
3 Ang aking galit ay nagalab laban sa mga pastor, at aking parurusahan (A)ang mga lalaking kambing; sapagka't dinalaw ng Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang kawan na sangbahayan ni Juda, at kaniyang gagawin silang parang magilas na kabayo sa pagbabaka.
4 Sa kaniya lalabas ang (B)batong panulok, sa kaniya ang (C)pako, sa kaniya (D)ang busog na pangbaka, sa kaniya ang bawa't pinuno na magkakasama.
5 At sila'y magiging parang mga makapangyarihang lalake, na yayapakan nila ang kanilang mga kaaway sa putik sa mga lansangan sa pagbabaka; at sila'y magsisilaban, sapagka't ang Panginoon ay sumasakanila; at ang mga mangangabayo ay mangatutulig.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978