Font Size
Zacarias 10:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Zacarias 10:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
7 Ang mga mamamayan ng Israel[a] ay magiging katulad ng mga malalakas na kawal. Magiging masaya sila na parang nakainom ng alak. Ang tagumpay na ito ay maaalala ng kanilang mga kaapu-apuhan at matutuwa sila dahil sa ginawa ko. 8 Tatawagin ko ang aking mga mamamayan at titipunin ko sila. Palalayain ko sila, at dadami sila tulad nang dati. 9 Kahit na ipinangalat ko sila sa ibang bansa, maaalala pa rin nila ako roon. Mananatili silang buhay pati ang kanilang mga anak, at babalik sila sa kanilang lupain.
Read full chapterFootnotes
- 10:7 mga mamamayan ng Israel: sa Hebreo, taga-Efraim. Tingnan ang footnote sa 9:10.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®