Font Size
Zacarias 11:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Zacarias 11:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Sinabi(A) (B) ko sa kanila, “Kung gusto ninyong ibigay ang aking sahod, salamat; kung ayaw ninyo, sa inyo na lang.” At binigyan nila ako ng tatlumpung pirasong pilak bilang sahod.
13 Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh, “Ilagay mo iyan sa kabang-yaman ng Templo.”[a] Kaya't kinuha ko ang tatlumpung pirasong pilak bilang pasahod nila sa akin, at ganoon nga ang aking ginawa. 14 Pagkatapos, binali ko rin ang tungkod na tinawag kong Pagkakaisa upang ipakitang wala nang pagkakaisa ang Juda at Israel.
Read full chapterFootnotes
- 13 Ilagay…ng templo: Sa ibang manuskrito'y Ibigay mo iyan sa magpapalayok .