Add parallel Print Page Options

Ang isang hugong ng panambitan ng mga pastor! sapagka't ang kanilang kaluwalhatian ay nasira; ang isang hugong ng ungal ng mga batang leon! sapagka't ang kapalaluan ng Jordan ay nasira.

Ganito ang sabi ng Panginoon kong Dios, (A)Pakanin mo ang kawan na papatayin;

Na mga pinapatay ng mga mayari, at hindi mga inaaring maysala; at silang nangagbibili ng mga yaon ay nangagsasabi, Purihin ang Panginoon, sapagka't ako'y mayaman; at ang kanilang sariling mga pastor ay hindi nangaawa sa mga yaon.

Read full chapter