Zacarias 11:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Na mga pinapatay ng mga mayari, at hindi mga inaaring maysala; at silang nangagbibili ng mga yaon ay nangagsasabi, Purihin ang Panginoon, sapagka't ako'y mayaman; at ang kanilang sariling mga pastor ay hindi nangaawa sa mga yaon.
6 Sapagka't hindi na ako maaawa sa nagsisitahan sa lupain, sabi ng Panginoon; kundi, narito, aking ibibigay ang bawa't isa ng mga tao sa kamay ng kaniyang kapuwa, at sa kamay ng kaniyang hari; at kanilang ipapahamak ang lupain, at mula sa kanilang kamay ay di ko ililigtas sila.
7 Sa gayo'y aking pinapanginain ang kawan na papatayin, katotohanang (A)kaawaawang kawan. At nagdala ako ng dalawang tungkod; ang isa'y tinawag kong Maganda, at ang isa'y tinawag kong mga Panali; at aking pinapanginain ang kawan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978