Add parallel Print Page Options

Ang mga bumibili at kumakatay sa kanila ay hindi pinarurusahan. Ang mga nagtitinda ng mga tupang ito ay nagsasabi, ‘Purihin ang Panginoon! Mayaman na ako!’ Pati ang kanilang mga pastol ay hindi naaawa sa kanila.

Alagaan mo ang aking mga mamamayan, dahil ako, ang Panginoon, ay nagsasabing hindi ko na kahahabagan ang mga tao sa mundo.[a] Ako mismo ang uudyok sa bawat tao na magpasakop sa kanyang kapwa at sa kanyang hari. At silang mga namamahala ay magdadala ng kapahamakan sa buong mundo, at hindi ko ililigtas ang mga tao mula sa kanilang mga kamay.”

Kaya inalagaan ko ang mga tupang kakatayin ng mga nagbebenta ng mga tupa.[b] Kumuha ako ng dalawang tungkod; ang isa ay tinawag kong Kabutihan[c] at ang isa naman ay tinawag kong Pagkakaisa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:6 mundo: o, lupain ng Israel.
  2. 11:7 mga tupa: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, lalung-lalo na ang mga walang silbing tupa.
  3. 11:7 Kabutihan: o, Maganda.