Zacarias 13:3-5
Ang Biblia (1978)
3 At mangyayari, na pagka ang sinoman ay manghuhula, sasabihin nga sa kaniya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya, Ikaw ay hindi mabubuhay; sapagka't ikaw ay nagsasalita ng kabulaanan sa pangalan ng Panginoon; at palalagpasan (A)siya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya samantalang siya'y nanghuhula.
4 At mangyayari sa araw na yaon na (B)ang mga propeta ay mangahihiya bawa't isa dahil sa kaniyang pangitain, pagka siya'y nanghuhula; hindi man sila (C)mangagsusuot ng kasuutang balahibo, upang mangdaya:
5 Kundi kaniyang sasabihin, (D)Ako'y hindi propeta, ako'y mangbubukid sa lupa; sapagka't ako'y pinapaging alipin mula sa aking pagkabinata.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978