Font Size
Zacarias 14:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Zacarias 14:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Jerusalem at ang Ibang Bansa
14 Darating ang araw na pababayaan ni Yahweh na mapasok ang Jerusalem, at lahat ng masasamsam ay paghahati-hatian sa harapan ninyo. 2 Pagkakaisahin ko ang mga bansa laban sa Jerusalem. Lulusubin nila ito, hahalughugin ang lahat ng bahay, at gagahasain ang mga babae. Ipapatapon ang kalahati sa mga taga-Jerusalem at iiwanan ang kalahati. 3 Ngunit ang mga bansang iyon ay didigmain ni Yahweh tulad ng ginawa niya noong una.
Read full chapter