Zacarias 14:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Sapagka't (A)aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka; at ang bayan ay masasakop, at ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay dadahasin; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag, at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan.
3 Kung magkagayo'y lalabas ang Panginoon, at makikipaglaban sa mga bansang yaon, (B)gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng pagbabaka.
4 At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon (C)sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, (D)at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978