Add parallel Print Page Options

Ang Pangitain tungkol sa Babaeng Nasa Loob ng Kaing

Muling nagpakita sa akin ang anghel na nakipag-usap sa akin at sinabi, “Tingnan mo kung ano itong dumarating.” Nagtanong ako, “Ano iyan?” Sinabi niya, “Kaing.” At sinabi pa niya, “Iyan ay sumisimbolo sa kasalanan[a] ng mga tao sa buong lupain ng Israel.”

Ang kaing ay may takip na tingga. At nang alisin ang takip, nakita kong may isang babaeng nakaupo roon sa loob ng kaing.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:6 kasalanan: Ito ang nasa Septuagint at Syriac. Sa Hebreo, mata.