Add parallel Print Page Options

12 At salitain mo sa kaniya, na sabihin, Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Narito, ang lalake na ang pangala'y (A)Sanga: at siya'y sisibol (B)sa kaniyang dako; at itatayo niya ang templo ng Panginoon;

13 Sa makatuwid baga'y (C)kaniyang itatayo ang templo ng Panginoon; at siya'y (D)magtataglay ng kaluwalhatian, at mauupo at magpupuno sa kaniyang luklukan; at siya'y (E)magiging saserdote sa kaniyang luklukan: at ang payo ng kapayapaan ay mapapasa pagitan nila kapuwa.

14 At ang mga putong ay magiging pinakaalaala sa templo ng Panginoon kay Helem, at kay Tobias, at kay Jedaia, at kay Hen na anak ni Sefanias.

Read full chapter