Add parallel Print Page Options

“Sabihin mo sa lahat ng mga mamamayan ng Israel pati sa mga pari, na ang kanilang pag-aayuno at pagluluksa sa bawat ikalima at ikapitong buwan sa loob ng 70 taon ay hindi nila ginagawa para sa akin. At kung silaʼy kumakain at umiinom, ginagawa nila iyan para lamang sa sarili nilang kaligayahan. Ito rin ang mensahe na ipinasabi ko sa mga propeta noon, nang masagana pa ang Jerusalem at marami pa itong tao pati ang mga bayang nasa paligid nito, at pati na ang Negev[a] at ang kaburulan sa kanluran.”[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:7 Negev: Lugar na nasa bandang timog ng Juda.
  2. 7:7 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela.