Add parallel Print Page Options

11 Tungkol(A) naman sa iyo, dahil sa dugo ng aking tipan sa iyo
    ay aking palalayain ang iyong mga bilanggo mula sa hukay na walang tubig.
12 Bumalik kayo sa inyong muog, kayong mga bilanggo na may pag-asa,
    ngayo'y ipinahahayag ko na aking ibabalik sa inyo nang makalawa.
13 Sapagkat aking binaluktot ang Juda bilang aking busog,
    ginawa ko ang Efraim na aking palaso.
Gigisingin ko ang iyong mga anak, O Zion,
    laban sa iyong mga anak, O Grecia,
    at gagawin kitang parang tabak ng mandirigma.

Read full chapter