Add parallel Print Page Options

Narito, aalisan siya ng Panginoon, (A)at kaniyang sisirain sa dagat ang kapangyarihan niya; at siya'y lalamunin ng apoy.

Makikita ng Ascalon, at matatakot; ng (B)Gaza rin, at mamamanglaw na mainam, at ng Ecron, sapagka't ang kaniyang pagasa ay mapapahiya; at ang hari ay mamamatay sa Gaza, at ang Ascalon ay hindi tatahanan.

At isang anak sa ligaw ay tatahan sa (C)Asdod, at aking puputulin ang kapalaluan ng mga Filisteo.

Read full chapter