Add parallel Print Page Options

Makikita ito ng mga taga-Ashkelon at matatakot sila. Mamimilipit sa sakit ang mga taga-Gaza at ganoon din ang mga taga-Ekron dahil mawawala ang kanilang inaasahan. Mamamatay ang hari ng Gaza, at ang Ashkelon ay hindi na matitirhan. Ang Ashdod ay titirhan ng ibaʼt ibang lahi. Lilipulin ng Panginoon ang ipinagmamalaki ng mga Filisteo. Hindi na sila kakain ng karneng may dugo[a] o ng mga pagkaing ipinagbabawal na kainin. Ang matitira sa kanila ay ibibilang ng ating Dios na kanyang mga mamamayan na parang isang angkan mula sa Juda. Ang mga taga-Ekron ay magiging kabilang sa mga mamamayan ng Panginoon katulad ng mga Jebuseo.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:7 kakain … dugo: o, iinom ng dugo.
  2. 9:7 Jebuseo: Ang tubong mga mamamayan ng Jerusalem na sinakop ni David pagkatapos niyang agawin ang bayan (2 Sam. 5:6-10).