Add parallel Print Page Options

Ang Dahilan ng Pagkabihag

Pinahayag ni Yahweh kay Zacarias, “Sabihin mo sa kanila, ‘Pairalin ninyo ang katarungan at maging mahabagin kayo sa isa't isa. 10 Huwag ninyong aapihin ang mga biyuda, ang mga ulila, ang mga dayuhan o ang mahihirap. Huwag kayong magbabalak ng masama laban sa inyong kapwa.’

11 “Ngunit hindi nila ito pinakinggan; matigas ang kanilang ulo at sila'y nagbingi-bingihan. 12 Ipinilit nila ang sariling kagustuhan at hindi dininig ang sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat sa pamamagitan ng mga propeta. Dahil dito, labis siyang nagalit sa kanila.

Read full chapter