Add parallel Print Page Options

Ang Pangitain tungkol sa Apat na Karwahe

Muli akong tumingin at may nakita akong apat na karwaheng lumabas sa pagitan ng dalawang malalaking bundok na tanso. Pula ang mga kabayong humihila sa unang karwahe, kulay itim naman sa pangalawa, mga(A) kabayong kulay puti ang sa pangatlo, at mga kabayong batik-batik ang sa pang-apat. Itinanong ko sa anghel, “Ano po ang kahulugan ng mga karwaheng ito?”

Sumagot(B) siya, “Ang mga iyan ay ang apat na hangin ng himpapawid na nagmula kay Yahweh na Panginoon ng buong daigdig.

Read full chapter