Add parallel Print Page Options

15 Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,

16 Kaarawan (A)ng pakakak at ng hudyatan, laban sa mga bayang nakukutaan, at laban sa mataas na kuta.

17 At aking dadalhan ng kahapisan ang mga tao, na sila'y magsisilakad na (B)parang mga bulag, sapagka't sila'y nangagkasala laban sa Panginoon; at (C)ang kanilang dugo ay mabububo na parang alabok, at ang kanilang katawan ay parang dumi.

Read full chapter