Add parallel Print Page Options

Parusa sa Bansang Filistia

Wala nang titira sa Gaza at Ashkelon. Ang mga mamamayan ng Ashdod ay palalayasin sa loob lamang ng kalahating araw. Palalayasin din ang mga mamamayan ng Ekron sa kanilang bayan. Nakakaawa kayong mga Filisteo[a] na nakatira sa tabing-dagat. Ito ang sinasabi ng Panginoon laban sa inyo: “Kayong mga Filisteo sa Canaan, lilipulin ko kayo, at walang matitira sa inyo.” Kaya ang inyong mga lupain sa tabing-dagat ay magiging pastulan at kulungan ng mga tupa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:5 Filisteo: sa Hebreo, Kereteo. Mga taong sakop ng Filistia. At sa talatang ito ay kumakatawan sila sa lahat ng taga-Filistia.