Font Size
Zefanias 3:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Zefanias 3:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
10 Mula sa kabilang panig ng mga ilog ng Etiopia,[a]
ang aking nangalat na bayan,
ay sasamba sa akin at magdadala ng kanilang handog.
11 “Sa araw na iyon ay hindi na kayo mapapahiya
sa ginawa ninyong paghihimagsik sa akin,
sapagkat aalisin ko ang mga mapagmataas,
at hindi na kayo maghihimagsik sa aking banal na bundok.
12 Iiwan ko roon
ang mga taong mapagpakumbaba;
lalapit sila sa akin upang magpatulong.
Footnotes
- 10 ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.