Add parallel Print Page Options

Pagkatapos, babaguhin ko ang mga tao,[a] para lahat silaʼy lalapit sa akin at magkakaisang maglilingkod sa akin. 10 Ang aking mga mamamayang nangalat sa kabilang ibayo ng mga ilog ng Etiopia[b] ay magdadala ng mga handog sa akin.

11 “Sa araw na iyon, kayong mga taga-Jerusalem ay hindi na mapapahiya sa lahat ng mga kasalanang ginawa ninyo sa akin, dahil aalisin ko sa inyo ang mga mapagmataas at mayayabang. Kaya wala nang magyayabang doon sa aking banal na bundok.[c]

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:9 babaguhin … tao: sa literal, papalitan ko ng malinis na labi ang labi ng mga tao.
  2. 3:10 Etiopia: sa Hebreo, Cush.
  3. 3:11 banal na bundok: o, bundok ng Zion.