Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Bible in 90 Days

An intensive Bible reading plan that walks through the entire Bible in 90 days.
Duration: 88 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
1 Corinto 15:1 - Galacia 3:25

Ang Muling Pagkabuhay ni Cristo

15 Mga kapatid, ipinaalam ko sa inyo ang ebanghelyo na ipinangaral ko sa inyo na inyo ring tinanggap at inyong pinaninindigan.

Sa pamamagitan din nito kayo ay ligtas, kapag nanghahawakan kayong matatag sa salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na lamang kung sumam­palataya kayo nang walang kabuluhan.

Ito ay sapagkat ibinigay ko na nga sa inyo nang una pa lamang ang akin ding tinanggap, na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan. Siya rin ay inilibing at siya ay ibinangon sa ikatlong araw ayon sa mga kasulatan. Siya ay nagpakita kay Cefas at gayundin sa labindalawang alagad. Pagkatapos nito sa isang pagkakataon, nagpakita siya sa mahigit na limandaang kapatiran. Ang nakakaraming bahagi nito ay nananatili hanggang ngayon at ang ilan ay natulog na. Pagkatapos siya ay nagpakita kay Santiago at saka sa lahat ng mga apostol. Sa kahuli-hulilan, nagpakita siya sa akin, ako na tulad ng isang sanggol na ipinanganak ng wala sa panahon.

Ito ay sapagkat ako ang pinakamababa sa lahat ng mga apostol, na hindi nararapat tawaging apostol dahil inusig ko ang iglesiya ng Diyos. 10 Dahil sa biyaya ng Diyos ako ay naging ako at ang biyaya niya na para sa akin ay hindinaging walang kabuluhan. Ako ay nagpagal nang higit pa sa kanilang lahat, ngunit hindi ako kundi ang biyaya ng Diyos na sumasaakin. 11 Kaya nga, maging ako man o sila, ito ang ipinangaral namin at kayo ay sumampalataya.

Ang Muling Pagkabuhay ng mga Patay

12 Si Cristo ay ipinangangaral na ibinangon mula sa mga patay. Yamang gayon nga, bakit sinasabi ng ilan sa inyo na walang muling pagkabuhay mula sa mga patay?

13 Kung wala ngang muling pagkabuhay mula sa mga patay, kahit na si Cristo ay hindi ibinangon. 14 Kung si Cristo ay hindi naibangon, ang aming pagpapahahayag ay walang kabuluhan at ang inyong pananampalataya ay wala ring kabuluhan. 15 Kami rin naman ay masusumpungang mga bulaang saksi ng Diyos sapagkat nagpatotoo kami patungkol sa Diyos na ibinangon niya si Cristo. Hindi na sana niya ibinangon si Cristo kung hindi rin lang ibabangon ang mga patay. 16 Ito ay sapagkat kunghindi ibabangon ang patay, maging si Cristo ay hindi nagbangon. 17 Kung si Cristo ay hindi nagbangon, ang inyong pananampala­taya ay walang kabuluhan, kayo ay nasa inyong mga kasalanan pa. 18 Kung magkaganito, sila na mga namatay kay Cristo ay napahamak. 19 Kung sa buhay lamang na ito tayo ay umaasa kay Cristo, tayo na ang higit na kahabag-habag sa lahat ng mga tao.

20 Ngayon, si Cristo ay ibinangon mula sa mga patay. Siya ang naging unang bunga nila na mga namatay. 21 Yaman ngang sa pamamagitan ng tao ang kamatayan ay dumating, sa pamamagitan din naman ng isang tao ay dumating ang muling pagkabuhay sa mga patay. 22 Kung papaanong kay Adan ang lahat ay namatay, gayundin naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin. 23 Ngunit ang bawat tao ay may kaniya-kaniyang pagkakasunod-sunod. Si Cristo ang pinaka-unang bunga, pagkatapos sila na mga kay Cristo, sa kaniyang pagdating. 24 Pagkatapos ng mga ito ay ang katapusan, kapag naibigay na niya ang paghahari sa kaniya na Diyos at Ama. Ito ay kapag kaniyang napawalan ng kapangyarihan ang lahat ng pamumuno at lahat ng kapamahalaan at lahat ng kapangyarihan. 25 Ito ay sapagkat kinakailangan niyang maghari hanggang sa mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga paa ang lahat ng kaaway. 26 Ito ay sapagkat ang huling kaaway na pawawalan ng kapang­yarihan ay ang kamatayan. 27 Ito ay sapagkat kaniya na ngang ipinasailalim sa kaniyang mga paa ang lahat ng mga bagay. Ngunit nang sabihin niya na ang lahat ng mga bagay ay ipinasailalim niya, maliwanag na siya na magpasailalim ng lahat ng mga bagay ay hindi kasama. 28 Kapag ang lahat ng mga bagay ay mapasailalim na niya, ang Anak din naman ay mapapasailalim sa Ama na nagpasailalim ng lahat ng mga bagay sa kaniya. Ito ay upang ang Diyos ay maging lahat sa lahat.

29 Kung hindi gayon, ano pa ang gagawin nila na mga nabawtismuhan alang-alang sa mga patay kung hindi rin lang ibabangon ang mga patay? Bakit pa sila binawtismuhan alang-alang sa mga patay? 30 At bakit nasa panganib tayo bawat oras? 31 Masasabi ko, ayon sa aking pagmalalaki patungkol sa inyo na na kay Cristo Jesus na ating Panginoon, na namamatay ako araw-araw. 32 Kung ayon sa paraan ng tao ako ay nakikipaglaban sa mga mababangis na hayop sa Efeso, ano ang kapakinabangan sa akin kung ang patay ay hindi ibabangon? Kumain tayo, uminom tayo, sapagkat sa kinabukasan tayo ay mamamatay. 33 Huwag kayong magpadaya. Ang masamang kasama ay sumisira sa magandang pag-uugali. 34 Gumising kayo na may katuwiran at huwag magkasala sapagkat ang iba ay hindi nakakakilala sa Diyos. Nagsasalita ako para sa inyong kahihiyan.

Ang Katawang Binuhay Muli ng Diyos

35 Subalit maaaring may magsabi: Papaano ibinabangon ang mga patay? At ano ang magiging katawan nila?

36 Ikaw na hangal, anuman ang iyong itanim, hindi ito mabubuhay maliban ito ay mamatay. 37 Anuman ang iyong itanim, hindi mo itinatanim ang magiging katawan noon. Ang itinatanim ay ang butil, ito ay maaaring butil ng trigo o anumang ibang butil. 38 Ang Diyos ang siyang nagbibigay ng katawan ayon sa kaniyang kalooban, at sa bawat isang binhi ay binibigyan niya ng sariling katawan. 39 Hindi lahat ng laman ay magkatulad na laman. Iba ang laman ng tao, iba ang sa hayop, iba ang sa isda at iba naman ang sa ibon. 40 May katawan na panlangit at mayroon ding panlupa, ngunit iba ang kaluwalhatian ng panlangit at iba ang sa panlupa. 41 Iba ang karilagan ng araw at iba ang karilagan ng buwan. Iba ang karilagan ng mga bituin dahil ang karilagan ng isang bituin ay iba kaysa sa isang bituin.

42 Ganito rin nga ang pagkabuhay muli ng mga patay. Ito ay inililibing sa kabulukan, ito ay ibinabangon sa walang kabulukan. 43 Ito ay inililibing sa walang karangalan, ito ay ibinabangon sa kaluwalhatian. Ito ay inililibing sa kahinaan, ito ay ibinabangon sa kapangyarihan. 44 Ito ay inihasik na likas na katawan, ito ay babangon na espirituwal na katawan.

Mayroong likas na katawan at mayroong espirituwal na katawan.

45 Gayundin ang nasusulat: Ang unang tao na si Adan ay naging buhay na kaluluwa. Ang huling Adan ay espiritu na nagbibigay buhay. 46 Hindi una ang espirituwal kundi ang likas, pagkatapos ay ang espirituwal. 47 Ang unang tao ay mula sa lupa, gawa sa alabok. Ang ikalawang tao ay ang Panginoon na mula sa langit. 48 Kung ano siya na gawa sa alabok, gayundin sila na mga gawa sa alabok. Kung ano siya na panlangit, gayundin sila na panlangit. 49 Kung paano natin tinataglay ang anyo ng gawa sa alabok, gayundin natin tataglayin ang anyo ng nagmula sa langit.

50 Ngayon, ito ang sinasabi ko mga kapatid: Ang dugo at laman ay hindi makakapagmana ng paghahari ng Diyos. Maging ang kabulukan ay hindi makakapagmana ng walang kabulukan. 51 Narito, sinasabi ko sa inyo ang isanghiwaga: Hindi lahat sa atin ay matutulog ngunit lahat ay babaguhin. 52 Lahat ay babaguhin sa isang iglap, sa isangkisap mata, sa huling pagtunog ng trumpeta dahil ang trumpeta ay tutunog at ang mga patay ay ibabangong walang kabulukan at tayo ay mababago. 53 Ito ay sapagkat kinakailangang ang may kabulukang ito ay maging walang kabulukan at ang may kama­tayang ito ay maging walang kamatayan. 54 Kapag ang may kabulukan ay maging walang kabulukan at ang may kamatayan ay maging walang kamatayan, matutupad ang salitang isinulat:

Ang kamatayan ay nilamon na sa tagumpay.

55 Kamatayan, nasaan ang iyong tibo? Hades, nasaan ang iyong tagumpay?

56 Ngayon, ang tibo ng kamatayan ay kasalanan at ang lakas ng kasalanan ay ang kautusan. 57 Ngunit salamat sa Panginoon na nagbigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo.

58 Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo, hindimakilos, laging nananagana sa gawain ng Panginoon. Alam ninyo na ang inyong mga pagpapagal ay hindi walang kabuluhan sa Panginoon.

Ang Paglilikom Para sa mga Anak ng Diyos

16 Patungkol naman sa nalilikom na para sa mga banal, gawin ninyo ang tulad sa ibinilin ko sa mga taga-Galacia.

Tuwing unang araw ng sanlinggo, bawat isa sa inyo ay maglagak ayon sa naging pagpapala niya. Ito ay upang sa pagdating ko ay wala nang paglilikom na gagawin. Kapag dumating ako, sinuman ang inyong payagan sa pamamagitan ng sulat ay aking isusugo saJerusalem upang dalhin ang inyong tulong. Kung nararapat din akong pumunta, kasama nila akong pupunta.

Sariling Kahilingan

Pupunta ako sa inyo kapag nakadaan na ako sa Macedonia sapagkat sa Macedonia ako dadaan.

Maaaring tumigil ako sa inyo o maging hanggang sa taglamig upang matulungan ninyo ako saan man ako pumaroon. Ito ay sapagkat hindi ko ibig na makita ko kayo ngayon sa aking pagdaan, ngunit umaasa akong makapanatili ng ilang panahon kasama ninyo, kung pahihin­tulutan ng Panginoon. Ngunit ako ay mananatili sa Efeso hanggang sa Pentecostes. Ito ay sapagkat isang malaki at mabisang daan ang binuksan sa akin doon at marami ang humahadlang.

10 Kapag dumating diyan si Timoteo, tiyakin ninyo na makakasama ninyo siya ng walang pagkatakot sapagkat gawain ng Panginoon ang kaniyang ginagawa, tulad ng ginagawa ko. 11 Kaya nga, huwag ninyo siyang hayaang hamakin ng sinuman, sa halip, tulungan ninyo siyang makahayo nang mapayapa upang makarating siya sa akin sapagkat hinihintay ko siya kasama ng mga kapatid.

12 Patungkol kay kapatid na Apollos, lubos kong ipina­manhik sa kaniya na pumunta sa inyo kasama ng mga kapatid. Hindi niya kaloobang pumunta sa panahong ito ngunit pupunta siya sa inyo kapag may pagkakataon siya.

13 Magbantay kayo, tumayo kayong matatag sa pananam­palataya, maging matapang kayo, magpakalakas kayo. 14 Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay nang may pag-ibig.

15 Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid. Kilala ninyo ang sambahayan ni Estefanas. Alam ninyo na ito ang unang bunga ng Acaya at itinalaga nila ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa mga banal. 16 Ipinamamanhik ko na magpa­sakop din kayo sa kanila at sa bawat isang gumagawa at nagpa­pagal na kasama namin. 17 Ako ay nagagalak sa pagdating nina Estefanas, Fortunato at Acaico dahil ang inyong kaku­langan ay pinunan nila. 18 Ito ay sapagkat napagpanibagong-sigla nila ang aking espiritu, at ang inyong espiritu kaya kilalanin nga ninyo sila.

Panghuling Pagbati

19 Binabati kayo ng iglesiya sa Asya. Lubos kayong bina­bati nina Aquila at Priscilla kasama ang iglesiya na nasa kanilang tahanan.

20 Ang lahat ng mga kapatid ay bumabati sa inyo. Magbatian kayo sa isa’t isa ng banal na halik.

21 Ito ang pagbati ko, akong si Pablo, sa pamamagitan ng sarili kong kamay.

22 Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoong Jesucristo, sumpain siya. Maranatha![a]

23 Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Jesucristo.

24 Sumainyo ang aking pag-ibig sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Siya nawa!

Akong si Pablo ay apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos. Kasama ko si Timoteo na ating kapatid.

Sumusulat ako sa iglesiya ng Diyos na nasa Corinto, kasama ang lahat ng mga banal na nasa buong Acaya.

Sumainyo ang biyaya at kapayapaan na mula sa Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesucristo.

Ang Diyos na Nagbibigay ng Lakas-loob sa Ating Lahat

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesucristo. Siya ang Ama ng kahabagan at Diyos ng lahat ng kaaliwan.

Siya ang nagbibigay sa amin ng kaaliwan sa lahat ng aming kahirapan. Ito ay upang maaliw namin silang mga nasa kahirapan sa pamamagitan ng kaaliwan na kung saan inaliw kami ng Diyos. Ito ay sapagkat kung papaanong ang paghihirap ni Cristo ay sumasagana sa amin, gayundin naman sa pamamagitan ni Cristo sumasagana ang aming kaaliwan. Ngunit kung kami man ay nahihirapan, ito ay para sa inyong kaaliwan at kaligtasan. Ito ay ginawa sa pamamagitan ng pagbabata ng katulad na paghihirap na aming dinanas. Ngunit kung kami man ay aliwin, ito ay para sa inyong kaaliwan at kaligtasan. Tiyak ang aming pag-asa sa inyo dahil alam namin na kung paanong kabahagi kayo sa mga paghihirap, kabahagi rin kayo sa kaaliwan.

Sapagkat hindi namin ibig mga kapatid, na hindi ninyo malaman ang aming mga paghihirap na nangyari sa Asya. Kami ay nabigatan nang higit sa aming lakas, kaya kami ay nawalan ng pag-asa maging sa aming buhay. Ang hatol ng kamatayan ay sa aming mga sarili upang hindi na kami magtiwala sa aming mga sarili kundi sa Diyos na nagbabangon sa mga patay. 10 Ang Diyos ang siyang nagligtas sa amin sa malagim na kamatayan at patuloy na nagliligtas. Sa kaniya ay may pag-asa kami na patuloy siyang magliligtas. 11 Kayo rin naman ay kasamang gumagawa para sa amin sa pamamagitan ng inyong pananalanging may paghiling. Ito ay upang sa pamamagitan ng maraming tao, ang mga kaloob na para sa amin ay maging isang pagpapasalamat ng marami.

Nagbago ng Balak si Pablo

12 Ito ang aming ipinagmamalaki at ito ang patotoo ng aming mga budhi sapagkat namuhay kami sa sanlibutang ito na sumasagana para sa inyo nang may dalisay na layunin at may katapatan sa Diyos, hindi sa pamamagitan ng karunungang pantao kundi sa biyaya ng Diyos.

13 Wala na kaming ibang isinulat sa inyo maliban sa mga nabasa ninyo at kinilala at umaasa ako na hanggang sa wakas ay inyong kikilalanin. 14 Ayon sa pagkilala ninyo sa amin ng bahagya, na kami ay inyong ipinagmamalaki, gayundin naman kayo sa amin sa araw ng Panginoong Jesus.

15 At sa pagtitiwalang ito naging layunin kong pumunta sa inyo noong una upang magkaroon kayo ng ikalawang kapa­kina­­bangan. 16 Binalak ko rin na dumaan sa inyo sa aking pagpunta sa Macedonia at muling dumaan sa inyo pagkagaling sa Macedonia. At sa pamamagitan ninyo ako ay makapaghanda sa paglalakbay patungong Judea. 17 Kaya nga, sa layuning ito, hindi ko ba ito pinag-isipang mabuti? Ang layunin ko bang ito ay layunin ng tao, upang ang aking oo ay maging oo, at ang aking hindi ay hindi?

18 Ang Diyos ay tapat upang ang aming salita sa inyo ay hindi maging oo at hindi. 19 Ang Anak nga ng Diyos na si Jesucristo ay aming ipinangaral sa inyo, ako, kasama sina Silas at Timoteo. Hindi namin siya ipinangaral na oo at hindi kundi siya ay laging oo. 20 Ito ay sapagkat ang lahat ng pangako ng Diyos ay oo sa kaniya, at sa kaniya ang siya nawa, para sa kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan namin. 21 Ang Diyos ang nagpapatatag at nagtalaga sa amin kasama ninyo sa pamamagitan ni Cristo. 22 Siya rin ang nagtatak saamin at nagbigay ng katiyakan na siya ang Banal na Espiritu sa aming puso.

23 Ngunit ang Diyos ang tinatawag kong saksi sa aking kaluluwa na kaya hindi ako pumunta sa Corinto ay upang iligtas kayo. 24 Hindi namin hinahangad na mamuno sa inyong pananampalataya. Sa halip kami ay kapwa ninyo kamang­gagawa para sa inyong kagalakan. Ito ay upang kayo ay maging matatag sa inyong pananampalataya.

Ito ang pasiya ko sa aking sarili na hindi ako pupunta sa inyo na namimighati. Ito ay sapagkat kapag pipighatiin ko kayo, sino rin nga ang magpapasaya sa akin maliban siya na aking pinighati? Ganito rin ang isinusulat ko sa inyo at baka sa pagdating ko ay mapighati ako nila na dapat ay magpagalak sa akin. May pagtitiwala ako sa inyong lahat na ang aking kagalakan ay ang kagalakan ninyong lahat. Ito ay sapagkat sa maraming kapighatian at kahapisan ng puso, sumulat ako sa inyo na may maraming pagluha, hindi upang pighatiin kayo kundi upang malaman ninyo ang kasaganaan ng pag-ibig ko sa inyo.

Pagpapatawad para sa Nagkasala

Ngunit kung may nakapagdulot man ng pighati, hindi ako ang napighati, kundi ang bahagi lamang upang hindi ako makapagpabigat sa inyong lahat.

Sapat na sa nakagawa ng gayon ang maparusahan ng marami sa inyo sa ganitong paraan. Sa kabila naman nito dapat ninyo siyang patawarin at aliwin at baka siya aymatigib ng lubhang kalungkutan. Kaya nga, ipinamamanhik ko sa inyo na bigyan ninyo siya ng katiyakan ng inyong pag-ibig. Ito rin ang dahilan kung bakit ako sumulat sa inyo, upang makita ko ang katunayan kung kayo ay naging masunurin sa lahat ng mga bagay. 10 Ngunit ang sinumang pinatatawad ninyo sa anumang bagay, pinatatawad ko rin sapagkat kung pinatatawad ko ang anumang bagay, kanino ko man ito ipinatatawad ay pinatatawad ko alang-alang sa inyo sa katauhan ni Cristo. 11 Ito ay upang hindi makapag­samantala si Satanas dahil hindi lingid sa atin ang kaniyang mga layunin.

 

Mga Lingkod ng Bagong Tipan

12 Sa pagpunta ko sa Troas para sa ebanghelyo ni Cristo, isang pinto din ang binuksan sa akin ng Panginoon.

13 Hindi ako nagkaroon ng kapahingahan sa aking espiritu dahil hindi ko nakita si Tito na aking kapatid. Subalit nang makapag­paalam ako sa kanila, pumunta ako sa Macedonia.

14 Ngunit salamat sa Diyos na laging nagbibigay tagumpay sa amin kay Cristo at ang samyo ng kaalaman patungkol sa kaniya ay nahahayag sa lahat ng dako sa pamamagitan namin. 15 Ito ay sapagkat sa pamamagitan ni Cristo, kami ay matamis na samyo sa Diyos doon sa mga naligtas at sa mga napapa­hamak. 16 Sa isa, kami ay samyo ng kamatayan patungo sa kamatayan. Sa iba, kami ay samyo ng buhay patungo sa buhay. At sa mga bagay na ito, sino ang makakakaya nito? 17 Ito ay sapagkat kami ay hindi tulad ng marami na nakikinabang sa pamamagitan ng pagsira sa salita ng Diyos. Sa halip, sa paningin ng Diyos kami ay nagsasalita sa pamamagitan ni Cristo nang may katapatan at bilang mga nagmula sa Diyos.

Magsisimula ba kaming papurihan muli ang aming mga sarili? Kailangan ba, tulad ng iba, ang sulat ng pagkilala para sa inyo, o ang sulat ng pagkilala mula sa inyo? Kayo ang aming sulat na iniukit sa aming mga puso na nalalaman at nababasa ng lahat ng mga tao. Nahahayag kayo na mga sulat ni Cristo na pinaglingkuran namin. Hindi kayo isinulat sa pamamagitan ng tinta kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng buhay na Diyos. Hindi kayo iniukit sa mga tipak ng bato kundi sa mga tipak ng pusong laman.

Mayroon kaming ganitong pagtitiwala sa pamamagitan ni Cristo patungkol sa Diyos. Hindi namin inaangkin na kaya naming gawin ang anumang bagay sa aming sarili. Wala kaming kakayahan sa aming sarili, subalit ang aming kakayahan ay sa Diyos. Siya rin ang gumawa na kami ay maging mga may kakayanang tagapaglingkod ng bagong tipan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kasulatan ng kautusan kundi ng Espiritu dahil ang kasulatan ng kautusan ay pumapatay, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.

Ang Kaluwalhatian ng Bagong Tipan

Ang paglilingkod ng kamatayan sa mga sulat na iniukit sa mga bato ay ginawa na may kaluwalhatian. Ito ay upang ang mga anak ni Israel ay hindimakatitig sa mukha ni Moises dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha. Ang kaluwalhatiang iyon ay lilipas.

Kung ganito ito, bakit hindi magiging lalong maluwalhati ang paglilingkod ng Espiritu? Ito ay sapagkat kung ang paglilingkod ng kahatulan ay maluwalhati, lalong higit ang kaluwalhatian ng paglilingkod ng katuwiran. 10 Ito ay sapagkat kahit na ang ginawang maluwalhati ay hindi naging maluwalhati sa ganitong paraan dahil sa nakakahigit na kaluwalhatian. 11 Ito ay sapagkat kung ang lumipas ay may kaluwalhatian, lalo ngang higit ang kaluwalhatian niya na nananatili.

12 Sa pagkakaroon nga ng pag-asang ito, lalong malakas ang aming loob. 13 At hindi kami katulad ni Moises na naglagay ng lambong sa kaniyang mukha upang hindi matitigan ng mga anak ni Israel ang katapusan noong lumilipas. 14 Ang kanilang mga pag-iisip ay binulag dahil hanggang sa ngayon nanatili pa rin na ang lambong na iyon ay hindi inaalis sa pagbasa ng lumang tipan. Iyon ay lumipas na kay Cristo. 15 Hanggang sa ngayon kapag binabasa ang aklat ni Moises, may lambong sa kanilang mga puso. 16 Kapag ito ay bumalik sa Panginoon, ang lambong ay aalisin. 17 Ang Panginoon ay Espiritu at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, naroroon ang kalayaan. 18 Ngunit makikita nating lahat, ng walang takip sa mukha, ang kaluwalhatian ng Panginoon. Tulad sa isang salamin, makikita nating lahat na tayo ay matutulad sa gayong anyo mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian. Ito ay tulad ng nagmula sa Panginoon na siyang Espiritu.

Mga Kayamanan sa mga Sisidlang Putik

Kaya nga, sa pagkakaroon ng paglilingkod na ito, ayon sa pagtanggap namin ng habag, hindi kami nanghihina.

Aming itinakwil ang mga itinatagong bagay na kahiya-hiya. Hindi kami lumalakad sa pandaraya ni minamali ang salita ng Diyos. Sa pagpapakita ng katotohanan, aming ipinagkakatiwala ang aming mga sarili sa budhi ng bawat tao sa harapan ng Diyos. Kung ang ebanghelyo namin ay natatago, ito ay natatago sa kanila na napapahamak. Binulag ng diyos ng kapanahunang ito ang mga kaisipan ng mga hindi sumampalataya upang hindi lumiwanag sa kanila ang liwanag ng ebanghelyo ng kaluwalhatian ni Cristo na siyang anyo ng Diyos. Hindi namin ipinangangaral ang aming sarili kundi si Cristo Jesus na Panginoon at ang aming sarili ay inyong mga alipin alang-alang kay Cristo. Ang Diyos na nag-utos na mula sa kadiliman aymagliwanag ang ilaw ang siyang nagliwanag sa aming mga puso. Ito ay upang magliwanag ang kaalaman ng kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan ng mukha ni Jesucristo.

Taglay namin ang kayamanang ito sa sisidlang putik nang sa gayon ang kahigitan ng kapangyarihan ay mapasa-Diyos at hindi sa amin. Sa magkabi-kabila, sinisiil kami, ngunit hindi nagigipit, naguguluhan kami ngunit hindi lubos na nanghihina. Inuusig kami ngunit hindi pinababayaan, nabubuwal ngunit hindi nawawasak. 10 Taglay naming lagi sa aming katawan ang kamatayan ng Panginoong Jesus upang maipakita rin sa aming katawan ang buhay ni Jesus. 11 Ito ay sapagkat kami na nabubuhay ay laging ibinibigay sa kamatayan alang-alang kay Cristo. Ito ay upang ang buhay rin naman ni Jesus ay makita sa aming katawang may kamatayan. 12 Kaya nga, ang kamatayan ay gumagawa sa amin, ngunit ang buhay ay gumagawa sa inyo.

13 Sa pagkakaroon ng iisang espiritu ng pananampalataya, ayon sa nasusulat:

Ako ay sumampalataya, kaya ako ay nagsalita.

Kami ay sumampalataya, kaya kami rin ay nagsalita.

14 Alam namin na siya na nagbangon sa Panginoong Jesus ay siya ring magbabangon sa amin sa pamamagitan ni Jesus at ihaharap na kasama ninyo. 15 Ito ay sapagkat ang lahat ng mga bagay ay alang-alang sa inyo upang ang biyaya na sumasagana sa marami ay magparami ng pasasalamat para sa kaluwalhatian ng Diyos.

16 Dahil dito, hindi kami nanghihina. Subalit kung ang aming panlabas na katauhan ay nabubulok, ang aming panloob na katauhan naman ay binabago sa araw-araw. 17 Ito ay sapagkat ang panandaliang kagaanan ng aming paghihirap ay magdudulot sa amin ng lalong higit na timbang ng walang hanggang kaluwalhatian. 18 Hindi namin isinasaalang-alang ang mga bagay na nakikita kundi ang mga bagay na hindi nakikita sapagkat ang mga bagay nga na nakikita ay pansamantalangunit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.

Ang Ating Tirahan sa Langit

Sapagkat alam natin na kung ang ating panlupang bahay na isang tolda lamang ay masira, mayroon tayong gusaling mula sa Diyos. Ito ay isang bahay na hindi gawa ng mga kamay, ito ay pangwalang hanggan sa kalangitan.

Sa ganito tayo ay dumaraing at nananabik na mabihisan ng ating tahanang mula sa langit. Kung mabihisan na tayo, hindi na tayo masusumpungang hubad. Ito ay sapagkat tayo na nasa toldang ito ay dumaraing at nabibigatan yamang hindi natin ibig na maging mga hubad. Sa halip ay ibig nating lubos na mabihisan. Ito ay upang ang may kamatayan ay lamunin na ng buhay. Ang Diyos ang siyang gumawa sa atin para sa bagay na ito. Siya rin ang nagbigay sa atin ng Espiritu bilang katiyakan.

Dahil dito lagi tayong may katiyakan at alam natin na habang nananahan tayo sa katawang ito, wala tayo sa tahanang mula sa Diyos. Ito ay sapagkat namumuhay tayo sa pananam­palataya, hindi sa mga bagay na nakikita. Nakakatiyak tayo at higit na nanaising mawala sa katawan at manahang kasama ng Panginoon. Kaya nga, naghahangad tayong maging kalu­guran sa kaniya maging tayo man ay nananahan sa katawan o wala sa katawan. 10 Ito ay sapagkat tayong lahat ay haharap sa luklukan ng paghatol ni Cristo upang ang bawat isa ay tumanggap ng nauukol sa atin para sa mga bagay na ginawa sa katawan maging ito man ay mabuti o masama.

Ang Paglilingkod na Maipagkasundo ang mga Tao sa Diyos

11 Dahil alam namin ang pagkatakot sa Panginoon, kaya hinihikayat namin ang mga tao. Ngunit kami ay nahahayag sa Diyos at umaasa na ako ay mahahayag din sa inyong mga budhi.

12 Ito ay sapagkat hindi namin ipinagmamapuring muli ang aming mga sarili sa inyo. Ibinibigay namin ang pagkakataon sa inyo na kami ay inyong maipagmalaki, upang masagot ninyo sila na mga nagmamalaki ayon sa nakikita at hindi mula sa puso. 13 Ito ay sapagkat kung wala kami sa aming sarili, iyon ay alang-alang sa Diyos. Kung kami naman ay nasa wastong pag-iisip, iyon ay alang-alang sa inyo. 14 Ito ay sapagkat ang pag-ibig ni Cristo ang nag-uudyok sa amin. Dahil pinagpasiyahan namin na yamang may isang namatay para sa lahat, kung gayonang lahat ay patay. 15 Namatay siya para sa lahat upang sila na nabubuhayay hindi na mamuhay para sa kanilang sarili. Sa halip, sila ay mamuhay para sa kaniya na namatay para sa kanila at muling nabuhay.

16 Mula ngayon hindi na natin nakikila ang sinumang tao ayon sa makataong paraan. Kahit kilala natin si Cristo sa ganitong paraan noon, sa ngayon ay hindi na. 17 Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging bago. 18 Ang lahat ng mga bagay ay sa Diyos. Sa pamamagitan ni Jesucristo dinala niya tayo upang ipagkasundo sa kaniya. At ibinigay niya sa atin ang gawain ng paglilingkod para sa pakikipagkasundo. 19 Papaanong sa pamamagitan ni Cristo ay ipinagkasundo ng Diyos ang sanlibutan sa kaniyang sarili, na hindi niya ibinibilang sa kanila ang kanilang mga pagsalangsang. Ipinagkatiwala niya sa amin ang salita ng pakikipagkasundo. 20 Para kay Cristo, kami nga ay mga kinatawan na waring ang Diyos ang namamanhik sa pamamagitan namin. Nagsusumamo kami alang-alang kay Cristo na makipagkasundo kayong muli sa Diyos. 21 Ito ay sapagkat siya na hindi nagkasala ay ginawang kasalanan para sa atin upang tayo ay maging katuwiran ng Diyos sa kaniya.

Bilang kamanggagawa, hinihimok namin kayo. Huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Diyos nang walang kabuluhan. Sinabi niya:

Sa panahong ipinahintulot pina­kinggan kita, at sa araw ng pagliligtas, tinulungan kita.

Narito, ngayon ang panahong katanggap-tanggap. Narito, ngayon ang araw ng kaligtasan.

Ang mga Paghihirap ni Pablo

Sa anumang bagay ay hindi kami nagbigay ng katitisuran upang hindi mapulaan ang gawain ng paglilingkod.

Sa halip, sa lahat ng bagay ay ipinakilala namin ang aming sarili bilang tagapaglingkod ng Diyos. Ito ay maging sa maraming pagba­bata, kabalisahan, pangangailangan at kagipitan. Maging sa paghagupit sa amin, pagkabilanggo, kaguluhan, pagpapagal, pagpupuyat, at pag-aayuno. Maging sa kalinisan, kaalaman, pagtitiis, kabutihan, at maging sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at walang pakunwaring pag-ibig, ipinakikilala naming kami ay mga tagapaglingkod. Ipinakilala namin ito sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Diyos, sa pamamagitan ng sandata ng katuwiran sa kanan at kaliwang kamay. Maging sa karangalan at kawalang karangalan, maging sa masamang ulat at mabuting ulat, ipinakilala naming kami ay tagapaglingkod. Kahit na iparatang na kami ay mandaraya, kami aymga totoo, ipinakikilala naming kami ay tagapag­lingkod. Kahit na sabihing hindi kami kilala bagama’t kilalang-kilala, naghihingalo gayunma’y buhay, pinarurusahan ngunit hindi pinapatay, ipinakikilala naming kami ay tagapag­lingkod. 10 Kahit na namimighati ngunit laging nagagalak, mahirap gayunma’y maraming pinayayaman, walang tinatang­kilik bagama’t nagtatangkilik ng lahat ng bagay, ipinakikilala naming kami ay tagapaglingkod.

11 Mga taga-Corinto, malinaw na nahayag ang aming salita sa inyo. Ang aming puso ay lumaki. 12 Bukas ang aming puso sa inyo, ngunit nakasara ang inyong damdamin sa amin. 13 Bilang ganti, buksan din ninyo ang inyong puso sa amin. Ako ay nagsasalita sa inyo bilang mga anak ko.

 

Huwag Makipamatok sa Hindi Mananampalataya

14 Huwag kayong makipamatok sa hindi mananampalataya sapagkat anong pakikipag-isa mayroon nga ang katuwiran sa hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos? Anong pakikisama mayroon ang liwanag at kadiliman?

15 Paano magkakasundo si Cristo at si Belial? O anong bahagi mayroon ang mananam­palataya sa hindi mananampalataya? 16 Anong kasunduan mayroon ang banal na dako ng Diyos sa mga diyos-diyosan? Ito ay sapagkat kayo nga ang banal na dako ng buhay na Diyos. Tulad ng sinabi ng Diyos:

Mananahan ako sa kanila at lalakad kasama nila. Ako ang magiging Diyos nila at sila ang aking tao.

17 Sabi ng Panginoon:

Kaya nga, lumabas kayo mula sa kanila at humiwalay. Huwag kayong hihipo ng maruming bagay at tatanggapin ko kayo.

18 Ako ang magiging ama ninyo at kayo ang magiging mga anak ko.

Ito ang sabi ng Panginoong Makapang­yarihan sa lahat.

Kaya nga, mga minamahal, yamang nasa atin ang mga pangakong ito, linisin natin ang ating sarili sa lahat ng karumihan ng laman at espiritu. Lubusin natin ang ating kabanalan sa pagkatakot sa Diyos.

Ang Kagalakan ni Pablo

Tanggapin ninyo kami. Wala kaming ginawang mali kaninuman, ni gumawa ng masama kaninuman, ni nag­samantala kaninuman.

Hindi ako nagsasalita upang hatulan kayo sapagkat sinabi ko na noong una na kayo ay nasa aming puso upang mamatay kasama namin at mabuhay na kasama namin. Lubos ang aking katapanganpatungkol sa inyo, ipinagmamalaki ko kayo nang husto. Pinalakas ninyo nang lubusan ang aking kalooban, nag-uumapaw ako sa kagalakan sa lahat ng aming paghihirap.

Ito ay sapagkat noong dumating kami sa Macedonia, totoong ang aming katawan ay walang pahinga. Pinahihirapan kami sa lahat ng paraan. Sa labas ay may pakikipaglaban at sa loob ay pagkatakot. Ngunit ang Diyos na nagpapalakas ng loob ng mga mababang kalagayan ay nagpalakas ng loob sa amin at ito ay sa pamamagitan ng pagdating ni Tito. Hindi lamang ang pagdating niya ang nagpalakas ng loob sa amin subalit maging ang kaaliwang tinanggap niya sa inyo. Sinabi niya sa amin ang pananabik ninyong makita ako at ang inyong kalungkutan. Sinabi niya ang inyong maalab na pagmamahal sa akin at dahil samga ito, ako ay lalong nagalak.

Kung napighati ko kayo sa aking liham, sa ngayon hindi ko pinagsisisihan iyon, bagama’t iyon ay pinagsisihan ko na noon. Ito ay sapagkat alam ko na ang liham kong iyon ay pumighati sa inyo kahit na sa maikling panahon. Ako ngayon ay nagagalak, hindi dahil sa napighati kayo, subalit dahil sa napighati kayo patungo sa pagsisisi. Ito ay sapagkat napighati kayo ayon sa kaparaanan ng Diyos upang hindi kayo mawalan ng anuman. 10 Ito ay sapagkat ang kapighatiang mula sa Diyos ay nagdudulot ng pagsisising patungo sa kaligtasan at hindi dapat pagsisihan. Ang kapighatiang mula sa sanlibutan ay nagdudulot ng kamatayan. 11 Sapagkat narito, ang inyong kapighatiang mula sa Diyos ay nagdulot ng kasigasigan na malinis ninyo ang inyong pangalan. Nagdulot ito ng inyong lubhang pagkagalit, pagkatakot, pananabik, pagsusumigasig at paghahangad ng katarungan. Sa lahat ng bagay pinatunayan ninyong dalisay ang inyong mga sarili sa bagay na ito. 12 Kaya nga, kahit na ako ay sumulat sa inyo, ito ay hindi dahil sa isang gumawa ng pagkakamali ni alang-alang sa ginawan ng pagkakamali. Subalit sumulat ako sa inyo upang ang aming pagsusumigasig para sa inyo ay maging hayag sa inyo sa harap ng Diyos.

13 Dahil dito, lumakas ang aming kalooban dahil sa kala­kasan ng inyong kalooban. Lalo kaming lubos na nagalak sa kagalakan ni Tito dahil napagpanibagong-sigla ninyong lahat ang kaniyang espiritu. 14 Ito ay sapagkat ipinagmalaki ko kayo sa kaniya at hindi ako napahiya. Ang lahat ng mga bagay na sinabi namin sa inyo ay totoo. Maging ang pagmamalaki ko sa inyo kay Tito ay totoo. 15 Ang paggiliw niya sa inyo ay lalong sumagana. Naaalala niya ang pagsunod ninyong lahat at ang pagtanggap ninyo sa kaniya na may takot at panginginig. 16 Nagagalak ako na sa lahat ng mga bagay ay mapagkaka­tiwalaan ko kayo.

Pinayuhan ni Pablo ang mga Tao na Magbigay nang Maluwag

Mga kapatid, ibig naming malaman ninyo na ang biyaya ng Diyos ay ipinagkaloob sa mga iglesiya sa Macedonia.

Ang dinanas nilang paghihirap na naging pagsubok sa kanila ay nagdulot ng kasaganaan ng kanilang kagalakan sa gitna ng matinding karukhaan. At ito ay lalong sumagana sa matapat na pagbibigay. Ito ay sapagkat pinatotohanan ko na ayon sa kanilang kakayahan at higit pa sa kanilang kakayanan, sila ay lalong nagkusa. Sa maraming pakikiusap, namanhik sila sa amin na ipagkaloob namin sa kanila ang karapatan ng pakikipag-isa sa paglilingkod para sa mga banal. Hindi lang ang inaasahan namin ang ginawa nila subalit ipinagkaloob muna nila ang kanilang mga sarili sa Panginoon at sa amin ayon sa kalooban ng Diyos. Dahil dito, ipinamanhik namin kay Tito na kung papaano siya nagsimula noon, lubusin din niya ng gayon sa inyo ang kaloob na ito. Subalit sumasagana ang lahat ng bagay sa inyo, sa pananampalataya, sa salita, sa kaalaman, sa kasigasigan at sa pag-ibig ninyo sa amin. Kung gaano kayo sumagana sa mga ito, sumaganang gayon ang biyayang ito sa inyo.

Nagsasalita ako hindi ayon sa utos kundi sa pamamagitan ngpagsusumigasig ng iba at sa pagsubok sa katapatan ng inyong pag-ibig. Ito ay sapagakat alam ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo. Alam ninyo na kahit na mayaman siya alang-alang sa inyo, siya ay naging mahirap. Ito ay upang sa pamamagitan ng kaniyang kahirapan kayo ay maging mayaman.

10 Ito ang payo ko sa inyo sa bagay na ito. Kayo ang nagpasimula noong nakaraang taon, hindi lamang dahil kayoay handa kundi dahil kayo ay may kusa sa pagbibigay. 11 Ngayon, kapakipakinabang sa inyo na inyong lubusin ang pagsasagawa nito. Kung paano nga kayo naghanda sa kusang pagbibigay, gayundin naman lubusin ninyo ayon sa nasa inyo. 12 Ito ay sapagkat kapag naroroon nga ang kahandaan, ito ay tinatanggap nang ayon sa kung ano ang mayroon sa tao at hindi nang ayon sa wala sa kaniya.

13 Ito ay sapagkat hindi namin ninanais na ang iba ay madadalian at kayo ay mabigatan. Ang nais namin ay pagkakapantay-pantay. Sa kasalukuyan ang inyong kasaganaan ay sa kanilang kakulangan. 14 At upang ang kanilang kasaganaan sa ngayon ay magpuno sa inyong kakulangan upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay. 15 Ayon sa nasusulat:

Siya na nagtipon ng marami ay hindi nagka­labis, at siya na nagtipon ng kaunti ay hindi nagkulang.

Isinugo ni Pablo si Tito sa Corinto

16 Nagpapasalamat ako sa Diyos na nagbigay sa puso ni Tito ng gayunding pagsusumigasig para sa inyo.

17 Ito ay sapagkat tinanggap nga niya ang pamamanhik, ngunit dahil sa higit na pagsusumigasig, nagkusa siyang pumunta sa inyo. 18 Isinugo naming kasama niya ang isang kapatid na ang pagpupuri ay nasa ebanghelyo sa lahat ng mga iglesiya. 19 Hindi lang gayon, kundi siya ay pinili ng mga iglesiya na maglakbay kasama namin sa kaloob na ito na siyang ipinaglingkod namin sa ikaluluwalhati ng Panginoon at nang ikahahayag ng inyong kahandaan. 20 Iniiwasan naming may masabi ang sinuman sa kasaganaang ito na aming ipinag­lingkod. 21 Isinasaalang-alang namin ang nararapat na bagay hindi lamang sa harap ng Diyos kundi maging sa harap ng mga tao.

22 Isinugo naming kasama nila ang ating kapatid na lagi naming napapatunayang masikap sa maraming bagay. Sa ngayon siya ay lalong masikap dahil sa malaking pagtitiwala ko sa inyo. 23 Patungkol kay Tito, siya ang aking katuwang at isang kamanggagawa para sa inyo. Patungkol sa mga iglesiya, sila ay kaluwalhatian ni Cristo. 24 Ipakita nga ninyo sa kanila at sa harap ng iglesiya ang katibayan ng inyong pag-ibig at ang katibayan ng aming pagmamalaki sa inyo.

Sapagkat patungkol sa paglilingkod sa mga banal ay kinakailangang sumulat ako sa inyo. Ito ay sapagkat alam ko ang pananabik ninyo na siya kong ipinagmamalaki sa mga taga-Macedonia na kayong mga taga-Acaya ay handa na noon pang isang taon. At ang inyong pagsusumigasig ay pumukaw sa marami. Isinugo ko ang mga kapatid nang hindi mawalang saysay ang aking pagmamalaki sa inyo patungkol sa bagay na ito. Ayon sa aking sinabi: Kayo ay maging handa. Baka sumama sa akin ang ilan sa mga taga-Macedonia at makita kayong hindi handa, mapapahiya kami, sa tiyak na pagmamalaking ito. Kahit nalalaman naming maaaring higit kayong mapahiya sa bagay na ito. Kaya nga, naisip kong kinakailangang ipamanhik sa mga kapatid na mauna na sa pagpunta sa inyo. Isinugo ko sila upang ihanda ang inyong ipinangakong pagpapala at hindi sapilitang kaloob.

Masaganang Paghahasik

Ito ang sinasabi ko: Ang naghahasik ng kaunti ay aani naman ng kaunti. Ang naghahasik nang sagana ay aani naman nang sagana.

Magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasya ng kaniyang puso, hindi sa kalungkutan o sa pangangailangan sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay ng masaya. Magagawa ng Diyos na pasaganain sa inyo ang bawat biyaya upang sa lahat ng paraan ay magkaroon kayo ng kasapatan at sumagana kayo sa bawat mabuting gawa. Ayon sa nasusulat:

Namamahagi siya sa malalayong dako, nag­bigay siya sa mga mahihirap. Ang kaniyang katuwiran ay mananatili magpakailanman.

10 Ang nagbibigay ng binhi sa manghahasik at nagbibigay ng tinapay na makakain ay siya ring magpaparami ng inyong ani. Pararamihin din niya ang bunga ng inyong katuwiran. 11 Sa lahat ng bagay ay payayamanin niya kayo sa inyong matapat na pagbibigay. Ito ay magdudulot sa amin ng pagpapasalamat sa Diyos.

12 Ang paglilingkod na ito ng pagbibigay ay hindi lang nagpupuno sa pangangailangan ng mga banal. Ito rin ay sumasagana sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Diyos. 13 Sa pamamagitan ng katibayan ng paglilingkod na ito sila ay lumuluwalhati sa Diyos dahil sa inyong pagpapahayag ng inyong pagpapasakop sa ebanghelyo ni Cristo. At ito ay dahil na rin sa inyong pakikipag-isa sa matapat na pagbibigay para sa kanila at para sa lahat. 14 Lumuluwalhati sila sa Diyos sa panalanging may paghiling para sa inyo, sila na nananabik sa inyo dahil sa nakakahigit na biyaya ng Diyos sa inyo. 15 Ang pasasalamat ay sa Diyos dahil sa kaniyang hindi maipaliwanag na kaloob.

Ipinagtanggol ni Pablo ang Kaniyang Gawain ng Paglilingkod

10 Akong si Pablo ay namamanhik sa inyo sa pamama­gitan ng kababaang-loob at kaamuan ni Cristo. Ako ay may mababang-loob kapag kaharap ninyo ngunit kapag hindi ay matapang.

Isinasamo ko na kung ako ay kaharap na ninyo, hindi ako dapat matapang sa mga mananampalataya tulad ng aking balak na maging malakas ang loob sa ibang tao na nagtuturing sa amin na kami ay namumuhay ayon sa laman. Ito ay sapagkat kahit na namumuhay kami sa laman, hindi kami nakikipaglaban ayon sa laman. Ito ay sapagkat ang aming mga sandata sa labanang ito ay hindi pantao. Subalit ito ay makapangyarihan sa pamamagitan ng Diyos na makaka­pagpabagsak ng matitibay nakuta. Ibinabagsak nito ang mga pag-iisip at bawat matataas na bagay na nagtataas sa kaniyang sarili laban sa kaalaman ng Diyos. Dinadala nitong alipin ang bawat kaisipan patungo sa pagsunod kay Cristo. Ito ay handang maghiganti sa lahat ng pagsuway kapag naganap na ang inyong pagsunod.

Tinitingnan ba ninyo ang mga bagay sa panlabas na anyo? Kung ang sinuman ay naniniwala sa kaniyang sarili na siya ay kay Cristo, isipin niyang muli ito. Kung siya ay kay Cristo, kami rin naman ay kay Cristo. Kahit na ako man ay nagmamalaki nang lubos patungkol sa aming kapamahalaan, hindi ako mahihiya sapagkat ang kapamahalaan namin ay ibinigay ng Panginoon sa amin para sa inyong ikatitibay at hindi para sa inyong ikababagsak. Ito ay upang hindi ako maging parang nananakot sa inyo sa pamamagitan ng mga sulat. 10 Ito ay sapagkat may nagsasabi: Ang mga sulat niya ay mabibigat at malalakas, ngunit kung nakaharap, siya ay mahina at ang kaniyang salita ay walang halaga. 11 Isaalang-alang ito ng isang iyon. Kung papaano kami sa salita sa pamamagitan ng sulat kung kami ay wala, gayundin ang aming gawa kung kami ay nakaharap.

12 Ito ay sapagkat hindi kami naglakas ng loob na mabilang sa kanila o ihalintulad ang aming sarili sa ilan na nagtataas ng sarili. Subalit sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanilang sarili at inihahambing ang kanilang sarili sa kanilang sariliay mga walang pang-unawa. 13 Hindi kami magmamalaki patungkol sa sukat ng mga bagay na hindi masusukat subalit ayon sa sukat ng pananagutan na ibinigay ng Diyos sa amin, na sa sukat na ito ay kabahagi lalo na kayo. 14 Hindi namin pinilit ang aming sarili na abutinkayo nang higit sa hinihingi ng Diyos sa amin sapagkat kayo rin naman ay inabot namin sa pamamagitan lamang ng ebanghelyo ni Cristo. 15 Hindi namin ipinagmamalaki ang mga bagay na hindi namin kaya. Hindi namin ipinagmamalalaki ang mga gawa ng iba. Umaasa kami, na habang lumalago ang inyong pananampalataya, ay lubos na palalawakin ng Diyos, sa pamamagitan ninyo, ang aming gawain sa inyong kalagitnaan. 16 Ito ay upang maipangaral ang ebanghelyo sa mga nayon sa malayo at hindi upang ipagmalaki ang gawain na nagawa na ng iba. 17 Ngunit siya na nagmama­laki ay magmalaki sa Panginoon. 18 Ito ay sapagkat hindi ang nagpaparangal sa kaniyang sarili ang katanggap-tanggap, kundi siya na pinararangalan ng Panginoon ang katanggap-tanggap.

Si Pablo at ang mga Hindi Tunay na mga Apostol

11 Pagtiisan ninyo ako nang kaunti sa aking kamang­mangan. Subalit nagtitiis na nga kayong tunay sa akin.

Ito ay sapagkat ako ay naninibugho sa inyo nang panini­bughong mula sa Diyos dahil ipinagkatipan ko kayo sa isang lalaki upang maiharap ko kayo kay Cristo na isang dalisay na birhen. Subalit ako ay natatakot baka sa anumang paraan, tulad nang dayain ng ahas si Eba sa pamamagitan ng katusuhan, ay madumihan ang inyong kaisipan mula sa katapatan na na kay Cristo. Ito ay sapagkat kung may dumating na nangangaral ng ibang Jesus na hindi naman namin ipinangaral ay maaari ninyo itong pagtiisan. O kung may dumating na nangangaral ng ibangespiritu na hindi naman ninyo tinanggap ay maaari ninyo itong pagtiisan. O kung may dumating na nangangaral ng ibang ebanghelyo na hindi naman ninyo tinanggap ay maaari ninyo itong pagtiisan. Inaakala kong hindi ako huli sa anumang bagay sa kanila na nakakahigit namga apostol. Kung ang aking pananalita ay para bang sa walang pinag-aralan, subalit sa kaalaman ay hindi. Ngunit sa bawat paraan, sa lahat ng bagay ay malinaw kaming nahahayag sa inyo.

Nagkasala ba ako sa pagpapakumbaba ko sa aking sarili upang kayo ay maitaas dahil walang bayad kong ipinangaral sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos? Ninakawan ko ang ibang iglesiya nang tumanggap ako ng kabayaran sa paglilingkod para sa inyo. Nang kasama ninyo ako at nangailangan ako, hindi ako naging pabigat sa kaninuman sapagkat ang kakulangan sa akin ay pinunan ng mga kapatid na mula sa Macedonia. Sa lahat ng bagay ay napanatili kong hindi maging pabigat sa inyo at ito ay pananatilihin ko. 10 Kung papaanong ang katotohanan patungkol kay Cristo ay nasa akin, walang sinumang makaka­hadlang sa akin sa pagmamalaking ito sa mga lalawigan ng Acaya. 11 Bakit ko ito ginagawa? Dahil ba sa hindi ko kayo iniibig? Alam ng Diyos na iniibig ko kayo. 12 Anuman ang ginagawa ko ay patuloy kong gagawin upang huwag magka­roon ng pagkakataon ang mga naghahangad ng pagkakataon na makapagmalaki na sila ay kapantay namin.

13 Ito ay sapagkat ang mga gayon ay hindi tunay na mga apostol. Sila ay mga mandarayang manggagawa na nag-aanyong mga apostol ni Cristo. 14 Hindi ito kataka-taka dahil si Satanas man ay nag-aanyong anghel ng liwanag. 15 Hindi rin nga malaking bagay kung ang kaniyang mga tagapaglingkod ay mag-anyong mga tagapaglingkod ng katuwiran. Ang wakas ng mga ito ay magiging ayon sa kanilang mga gawa.

Ang Pagsasabi ni Pablo ng mga Dinanas Niyang Paghihirap

16 Muli kong sinasabi: Huwag nawang isipin ng sinuman na ako ay isang hangal. Kung magkakagayon man dapat niya akong tanggaping tulad sa isanghangal upang makapagmalaki ako kahit kaunti.

17 Ang sinasabi ko na pagmamalaking may pagtitiwala ay hindi ko sinasabi ayon sa Panginoon. Sinasabi ko ito tulad sa isang hangal. 18 Yamang marami ang nagmama­laki ayon sa pamantayan ng tao, magmamalaki rin ako nang gayon. 19 Pinababayaan ninyo ang mga hangal dahil kayo ay mga matatalino. 20 Ito ay sapagkat pinababayaan ninyo kung inaalipin kayo ng sinuman, kung nilalamon kayo, kung kinu­kunan kayo ng anumang bagay. Gayundin, pinababayaan ninyo kung nagmamalaki ang sinuman sa inyo, kung sinasampalkayo ng sinuman. 21 Nagsasalita ako sa aming kahihiyan, na kami ay parang mahina. Ngunit kung saan man may malakas ang loob, malakas din ang loob ko.

Nagsasalita ako nito nang tulad sa isang hangal.

22 Mga Hebreo ba sila? Ako rin. Sila ba ay taga-Israel? Ako rin. Mga lahi ba sila ni Abraham? Ako rin. 23 Mga tagalingkod ba silani Cristo? Lalo na ako. Nagsasalita ako tulad sa isang hangal. Sa pagpapagal, sagana ako. Sa paghagupit, lalong higit. Sapagkakabilanggo, lalong marami, sa kamatayan, madalas. 24 Hina­gupit ako ng mga Judio sa limang pagkakataon nang apatnapu, maliban sa isa. 25 Tatlong ulit akong pinalo, binato akong minsan, tatlong ulit kong naranasan na nawasak ang barkong sinasakyan. Isang gabi at isang araw akong nasa laot. 26 Madalas akong nasa paglalakbay, nasusuong sa panganibsa mga ilog, nasusuong sa panganib sa mandarambong. Nasusuong ako sa panganib mula sa sarili kong lahi, nasusuong sa panganib mula sa mga Gentil. Nasusuong sa panganib sa lungsod, nasusuong sa panganib sa ilang. Nasusuong ako sa panganib sa karagatan, nasusuong sa panganib mula sa mga hindi tunay na kapatiran. 27 Madalas ako sa pagpapagal at mabibigat na paggawa. Madalas akong nagpupuyat, nagugutom at nauuhaw, madalas akong nag-aayuno, giniginaw at walang damit. 28 Sa kabila ng mga bagay na panlabas, araw-araw ako ay ginigitgit ng pagmamalasakit sa mga iglesiya. 29 Sino ang mahina at hindi ba ako mahina? Sino ang natitisod, hindi ba ako nag-aalab sa galit?

30 Kapag kinakailangan kong magmapuri, ipinagmamapuri ko ang aking mga kahinaan. 31 Ang Diyos na pinupuri magpakailanman at Ama ng ating Panginoong Jesucristo ang nakakaalam na ako ay hindi nagsisinungaling. 32 Sa Damasco, ang namamahalang pinuno sa ilalim ng kapangyarihan ni haring Aretas aynagbabantay sa lungsod ng mga taga-Damasco. Ibig niya na ako ay kaniyang mahuli. 33 Sa pamamagitan ng isang tiklis ako ay inihugos sa bintana pababa sa kabila ng pader at nakaligtas ako sa kaniyang mga kamay.

Ang Pangitain ni Pablo at ang Tinik na Ibinigay ng Diyos sa Kaniya

12 Ang magmalaki ay hindi kapakinabangan sa akin. Paparito ako sa mga pangitain at mga pahayag ng Panginoon.

May alam akong isang lalaki na na kay Cristo. Hindi ko alam kung ito ay sa katawan o wala sa katawan, ang Diyos ang siyang nakakaalam. Labing-apat na taon na ang nakalipas, ang lalaking ito ay inagaw paitaas sa ikatlong langit. May alam akong isang lalaki. Kung ito ay sa katawan o wala sa katawan hindi ko alam, ang Diyos ang nakakaalam. Siya ay inagaw paitaas sa paraiso at nakarinig ng mga salitang hindi mabibigkas. Hindi ito ipinahihintulot na sabihin sa tao. Magmamalaki ako patungkol sa lalaking ito, ngunit hindi ako magmamalaki patungkol sa aking sarili maliban sa aking kahinaan. Ito ay sapagkat ibig ko mang magmalaki, ako ay hindi magiging hangal dahil totoo ang aking sasabihin. Magtitiis na lang ako at baka may mag-isip sa akin nang higit pa sa nakikita niya sa akin o anumang naririnig patungkol sa akin.

Upang hindi ako magmataas dahil sa kalakhan ng mga pahayag sa akin, ibinigay sa akin ang tinik sa laman. Ito ay sugo ni Satanas na magpapahirap sa akin upang hindi ako magmataas. Dahil dito, ipinamanhik ko nang tatlong ulit sa Panginoon na ito ay maalis sa akin. Sinabi niya sa akin: Sapat sa iyo ang aking biyaya dahil ang aking kapangyarihan ay nalulubos sa kahinaan. Kaya nga, lalo akong magmamapuri sa aking kahinaan upang manahan sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. 10 Kaya nga, ako ay malulugod sa mga kahinaan, sa mga panlalait, sa pangangailangan, sa pag-uusig, sa kagipitan alang-alang kay Cristo sapagkat kung kailan ako mahina, saka ako malakas.

Ang Pagmamalasakit ni Pablo sa mga Taga-Corinto

11 Sa pagmamalaki natulad ako sa isang hangal, kayo ang nagtulak sa akin sapagkat dapat ipinagmapuri ninyo ako. Hindi naman ako nahuhuli sa mga napakadakilang apostol kahit na ako ay wala naman.

12 Tunay na ang mga tanda ng apostol ay ginawa sa inyo sa lahat ng pagtitiis, sa mga tanda at sa kamangha-manghang mga gawa at mga himala. 13 Saan kayo nakakababa sa ibang mga iglesiya, maliban na lamang sa hindi ko pagiging pabigat sa inyo? Patawarin ninyo ako sa kamalian kong ito.

14 Narito, sa ikatlong pagkakataon handa akong pumunta sa inyo at hindi ako magiging pabigat sa inyo sapagkat hindi ko hinahangad ang mga bagay na nasa inyo kundi kayo. Ang mga anak ay hindi nag-iipon para sa mga magulang kundi ang mga magulang para sa mga anak. 15 Higit akong maligaya na gugugol at lubos na magpagugol para sa inyong kaluluwa, kahit na kung sagana ang pag-ibig ko sa inyo, ay kakaunti ang pag-ibig sa akin. 16 Magkagayunman, hindi ako naging pabigat sa inyo, subalit sa pagiging tuso, nalinlang ko kayo. 17 Nagsa­mantala ba ako sa inyo sa pamamagitan ng sinuman sa kanila na isinugo ko sa inyo? 18 Ipinamanhik ko kay Tito at isinugo kasama niya ang isang kapatid. Nagsamantala ba sa inyo si Tito? Hindi ba namuhay kami sa iisang espiritu? Hindi ba namuhay kami sa gayunding mga hakbang?

19 Muli, iniisip ba ninyo na kami ay nagtatanggol ng aming sarili sa inyo? Sa harap ng Diyos, kami ay nagsasalita kay Cristo. Minamahal, ginagawa namin ang lahat ng mga bagay para sa inyong ikatitibay. 20 Ito ay sapagkat sa pagdating ko, natatakot ako na hindi ko kayo masumpungan tulad ng ibig ko. Natatakot ako na masumpungan ninyo ako tulad ng hindi ninyo ibig sa akin. Baka magkaroon ng paglalaban-laban, inggitan, poot, pakiki­pagtunggalian, paninirang puri, pagsisitsit,[b] pagmama­­­lakihan at kaguluhan. 21 Baka sa pagdating ko, ibaba ako ng Diyos sa harapan ninyo at ako ay manangis dahil sa kanila na nagkasala roon. Hindi sila nagsisi sa karumihan at pakikiapid at kahalayan na kanilang ipinamuhay.

Mga Huling Babala

13 Ito ang ikatlong pagkakataong pupunta ako sa inyo. Sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ang lahat ng bagayay mapagtitibay.

Sinabi ko na sa inyo noon at aking ipinapaunang-sabi na parang ako ay naririyan sa inyo sa ikalawang pagkakataon. Ngayong wala ako riyan, sumusulat ako sa mga nagkasala noon at sa lahat. Sa pagpunta ko, hindi ko palalampasin ang mga nagkasala. Yaman ngang naghahanap kayo ng katibayan ng pagsasalita sa akin ni Cristo na para sa inyo ay hindi mahina kundi makapangyarihan sa inyo. Ito ay sapagkat kung sa kahinaan, siya ay ipinako sa krus, siya naman ay nabubuhay sa kapangyarihan ng Diyos. Ito ay sapagkat sa kaniya tayo ay totoong mahina, ngunit mabubuhay tayong kasama niya sa kapangyarihan ng Diyos sa inyo.

Suriin ninyo ang inyong sarili kung kayo ay nasa pananampalataya, subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo kinikilala ang inyong sarili, na si Cristo ay nasa inyo, maliban na lang kung kayo ay mga itinakwil? Inaasahan ko na malalaman ninyo na tayo ay mga hindi itinakwil. Idinadalangin ko sa Diyos na huwag kayong gumawa ng anumang masama. Ito ay hindi upang kami ay maging karapat-dapat, subalit magawa ninyo ang tama kahit na kami ay tulad ng mga itinakwil. Ito ay sapagkat wala kaming kapang­yarihan laban sa katotohanan kundipara sa katotohanan. Ito ay sapagkat kami ay nagagalak kung kami ay mahina at kayo ay malakas. Hinahangad din namin ang inyong pagiging-ganap. 10 Sumusulat ako sa inyo ngayon upang sa aking pagdating ay hindi ako maging marahas sa inyo ayon sa kapamahalaan na ibinigay ng Panginoon sa akin para sa inyong ikatitibay at hindi sa inyong ikawawasak.

Mga Panghuling Pagbati

11 Sa katapusan, mga kapatid, paalam. Maging ganap kayo, magkaroon kayo ng lakas ng loob, magkaisa kayo ng pag-iisip. Mamuhay kayo ng payapa. At ang Diyos ng pag-ibig at ng kapayapaan ang sumainyo.

12 Batiin ninyo ang isa’t isa ng banal na halik. 13 Ang lahat ng mga banal ay bumabati sa inyo.

14 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo at ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikipag-isa ng Banal na Espiritu ang suma­inyong lahat. Siya nawa!

Akong si Pablo ay isang apostol, hindi nagmula sa tao, ni sa pamamagitan ng tao. Ako ay apostol sa pamamagitan ni Jesucristo at sa pamamagitan ng Diyos Ama na nagbangon sa kaniya mula sa mga patay. Kasama ang lahat ng mga kapatid na naririto, sumusulat ako sa mga iglesiya sa Galacia.

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at mula sa ating Panginoong Jesucristo. Siya ang nagbigay ng kaniyang sarili para sa ating mga kasalanan upang iligtas tayo mula sa kasalukuyang kapanahunan na masama, ayon sa kalooban ng Diyos at ating Ama. Suma­kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa.

Walang Ibang Ebanghelyo

Ako ay namamangha sa kaparaanan kung bakit napakadali ninyong lumayo mula sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo patungo sa kakaibang uri ng ebanghelyo.

Hindi ito talagang kakaibang ebangheyo maliban na may ilangmga tao na gumugulo sa inyo. Ibig nilang palitan ang ebanghelyo ni Cristo. Subalit kahit kami o isang anghel man na mula sa langit ay mangaral ng ebanghelyo na salungat sa ipinapangaral namin sa inyo, sumpain nawa siya ng Diyos. Gaya ng nasabi na namin noong una pa, sasabihin ko ulit ngayon: Kung ang sinuman ay nangangaral nang salungat sa ebanghelyo na inyong natanggap, sumpain nawa siya ng Diyos.

10 Sapagkat hinihikayat ko ba ngayon ang mga tao o ang Diyos? Ako ba ay naghahangad upang magbigay-lugod sa mga tao? Ito ay sapagkat kung sa mga tao pa ako nagbibigay-lugod, hindi na ako dapat maging alipin ni Cristo.

 

Tinawag ng Diyos si Pablo

11 Mga kapatid, ipinaalam ko sa inyo, na ang ebanghelyo na ipinangaral ko ay hindi nagmula sa tao.

12 Ito ay sapagkat hindi ko ito tinanggap mula sa tao, ni itinuro man ito ng tao sa akin. Bagkus, ipinahayag ito ni Jesucristo sa akin.

13 Sapagkat narinig na ninyo ang patungkol sa dati kong paraan ng pamumuhay noong ako ay sakop pa ng Judaismo. Labis kong pinag-uusig ang iglesiya ng Diyos at winawasak ko ito. 14 Nahigitan ko sa pagtupad sa mga kaugaliang Judaismo ang mga kasinggulang ko na aking kalahi. Ako ay nagsumi­gasig ng labis sa pagsunod sa mga kaugalian ng aking mga ninuno. 15 Nasa sinapupunan pa lamang ako ng aking ina, pinili na ako ng Diyos at tinawag na niya ako sa pamamagitan ng kaniyang biyaya. 16 Ikinalugod ng Diyos na mahayag sa akin ang kaniyang Anak upang maipangaral ko siya sa mga Gentil. Hindi ako sumangguni agad sa tao. 17 Hindi rin ako umahon sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na nauna sa akin. Sa halip, ako ay nagpunta sa Arabia at pagkatapos ay nagbalik sa Damasco.

18 Makalipas ang tatlong taon, umahon ako sa Jerusalem upangmakipagkilala kay Pedro. Tumira akong kasama niya sa loob ng dalawang linggo. 19 Ngunit wala akong nakitang ibang apostol maliban kay Santiago na nakakabatang kapatid ng Panginoon. 20 Patungkol sa mga bagay na ito na aking sinusulat, pinatutunayan ko sa harap ng Diyos na hindi ako nagsisinungaling. 21 Pagkatapos, pumunta ako sa mga lupain ng Siria at Cilicia. 22 Hindi pa kilala ng mga iglesiya ni Cristo sa Judea ang aking mukha. 23 Narinig lang nila ang patungkol sa akin. Narinig nila na: Ang lalaking dating umuusig sa atinay nangangaral na ngayon ng ebanghelyo. Ipinangangaral niyaang pananampalatayang dati ay kaniyang winawasak. 24 At niluwalhati nila ang Diyos dahil sa akin.

Tinanggap ng mga Apostol si Pablo

Makalipas ang labing-apat na taon, umahon akong muli sa Jerusalem kasama si Bernabe. Isinama ko rin si Tito.

Umahon ako ayon sa inihayag ng Diyos sa akin at ipinaliwanag ko sa kanila ang ebanghelyo na aking ipinangaral sa mga Gentil. Ngunit sa mga ipinapalagay na nasa matataas na katungkulan ay ipinaliwanag ko nang sarilinan ang ebanghelyo, baka ako ay tumatakbo o tumakbo ng walang katuturan. Bagaman si Tito na kasama ko ay isangGriyego, hindi nila siya napilit na magpatuli. Ito ay kagagawan ng ilang hindi tunay na mga kapatid na pumasok ng palihim upang matyagan ang kalayaang tinaglay namin kay Cristo Jesus nang sa gayon gawin nila kaming mga alipin. Hindi kami nagpailalim sa kanila kahit sandaling panahon lamang upang ang katotohanan ng ebanghelyo ay manatili sa inyo.

Ngunit ang mga lalaking ipinapalagay na mga may katung­kulan sa akin, walang anuman sa akin kung sino sila. Hindi tinatanggap ng Diyos ang tao batay sa kaniyang panlabas na kaanyuan sapagkat iyon na wari ay kinikilalang mga may matataas na katungkulan ay walang ano mang naidagdag sa aking itinuro. Sa halip, nakita nila na ipinagkatiwala sa akin ng Diyos ang ebanghelyo para sa mga hindi nasa pagtutuli. Ito ay gaya rin naman ng pagkakatiwala niya ng ebanghelyo kay Pedro para sa mga nasa pagtutuli. Ito ay sapagkat ang Diyos na gumawa kay Pedro upang maging apostol sa mga tuli ay siya ring Diyos na gumawa sa akin para sa mga Gentil. Si Santiago, Cefas at Juan ang mga kinilalang mga haligi. Nang maunawaan nila ang biyayang ibinigay ng Diyos sa akin, iniabot nila ang kanilang kanang kamay ng pakikisama kay Bernabe at sa akin. Ibinigay nila ito upang kami ay pumaroon sa mga Gentil at sila naman ay sa mga Judio na mga tuli. 10 Ang kahilingan lamang nila ay huwag naming kalilimutan ang mga dukha na siya ko rin namang pinagsisikapang gawin.

Sinalungat ni Pablo si Pedro

11 Nang si Pedro ay dumating sa Antioquia, tinutulan ko siya nang harapan dahil siya ay mali.

12 Ito ay sapagkat nang hindi pa dumarating ang ilang lalaking galing kay Santiago, siya ay kumakaing kasalo ng mga Gentil. Ngunit nang sila ay dumating, lumayo siya at humiwalay dahil sa takot siya sa mga nasa pagtutuli. 13 At ang ibang Judio ay sumama na rin sa kaniyang pagkukunwari, kaya maging si Bernabe ay nahikayat na rin ng kanilang pagkukunwari.

14 Subalit nakita kong hindi sila lumalakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng ebanghelyo. Dahil dito, sinabi ko kay Pedro sa harap ng lahat: Ikaw na isang Judio ay namumuhay nang tulad ng mga Gentil at hindi tulad ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay tulad ng mga Judio?

15 Kami ay likas na mga Judio, at hindi kami mga makasalanang Gentil. 16 Alam natin na ang isang tao ay hindi pinapaging-matuwid sa pamamagitan ng gawa ng kautusan kundi sapamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Tayo rin ay sumampalataya kay Cristo Jesus upang tayo ay mapaging-matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kautusan. Kaya nga, walang sinumang mapapaging-matuwid sa pamama­gitan ng pagsasagawa ng kautusan.

17 Kung habang nagsisikap tayong mapaging-matuwid sa pamamagitan ni Cristo, ay nasumpungan pa tayo sa ating mga sarili na mga makasalanan, si Cristo ba, kung gayon, ay tagapaglingkod ng kasalanan? Huwag nawang mangyari. 18 Ito ay sapagkat kung itatayo kong muli ang mga bagay na winasak ko na, pinatutunayan ko lamang na ako ay isang manlalabag ng kautusan. 19 Ito ay sapagkat ako, sa pamama­gitan ng kautusan ay namatay sa kautusan, upang ako ay mabuhay sa Diyos. 20 Napako ako sa krus na kasama ni Cristo, gayunman ako ay nabubuhay. Ngunit hindi na ako ang nabubuhay kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. Ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya ng Anak ng Diyos na siyang umibig sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin. 21 Hindi ko winalang-kabuluhan ang biyaya ng Diyos sapagkat kung ang pagiging-matuwid ay sa pamamagitan ng kautusan, si Cristo ay namatay ng walang-kabuluhan.

Pananampalataya o Pagsunod sa Kautusan

O mangmang na mga taga-Galacia, sino ang bumighani sa inyo upang huwag ninyong sundin ang katotohanan? Malinaw naming ipinaliwanag sa inyo ang patungkol kay Jesu­cristo na ang mga tao ang nagpako sa kaniya.

Ito lamang ang ibig kong malaman mula sa inyo: Tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, o sa pamamagitan ng pakikinig na may pananampalataya? Ganyan ba kayo kamangmang?Kayo ay nagsimula sa pamamagitan ng Espiritu. Kayo ba ngayon ay ginawang ganap sa pamamagitan ng gawa ng tao? Kayo ba ay naghirap sa maraming bagay para lang sa walang kabuluhan, kung ito nga ay walang kabuluhan? Ibinibigay ng Diyos sa inyo ang kaniyang Espiritu at gumagawa ng mga himala sa inyong kalagitnaan. Kaya nga, ginawa ba niya ito sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan o sa pamamagitan ng pakikinig na may pananam­palataya?

Sa ganito ring paraan, si Abraham

ay sumampalataya sa Diyos at iyon ay ibinilang sa kaniya na katuwiran.

Kaya nga, alamin ninyo na ang mga anak ni Abraham ay mga suma­sampalataya. Nakita na nang una pa sa kasulatan na pinapaging-matuwid ng Diyos ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya. Noon pa ay ipinahayag na ng kasulatan ang ebanghelyo kay Abraham:

Pagpapalain ng Diyos ang lahat ng bansa sa pamamagitan mo.

Ito ay upang ang may pananampalataya ay pinagpapalang kasama ni Abraham na sumampalataya.

10 Ito ay sapagkat ang lahat ng nasa ilalim ng kautusan ay nasa ilalim ng sumpa, dahil nasusulat:

Sinumpa ang lahat ng mga hindi nagpapatuloy sa paggawa ng lahat ng mga bagay na nakasulat sa aklat ng kautusan.

11 Ngunit maliwanag na walang sinumang pinapaging-matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng kautusan, sapagkat

ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.

12 Ngunit ang kautusan ay hindi sa pananampalataya. Subalit

ang taong gumaganap ng mga bagay na ito ay mabubuhay sa pamamagitan nito.

13 Nang si Cristo ay naging sumpa nang dahil sa atin, tinubos niya tayo mula sa sumpa ng kautusan sapagkat nasusulat:

Sumpain ang sinumang ibinibitin sa punong-kahoy.

14 Ito ay upang ang pagpapalang ibinigay ng Diyos kay Abraham ay dumating sa mga Gentil sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Ito ay upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay matanggap natin ang ipinangakong Espiritu.

Ang Kautusan at ang Pangako

15 Mga kapatid, ako ay nagsasalita ayon sa pananalita ngtao. Kahit na ito ay tipan lamang ng tao, kung ito ay pinagtibay, walang sinumang nagpapawalang-bisa o nagdadagdag nito.

16 Ngunit ngayon, ang mga pangako ay sinabi kay Abraham at sa kaniyang binhi. Hindi sinabi: Sa mga maraming binhi. Sa halip, ay sa iisa sinabi: At sa iyong binhi, at ang binhing iyan ay si Cristo. 17 Ngayon ay sinasabi ko ito: Ang tipan ay pinagtibay na ng Diyos noong una pa man kay Cristo. Pagkalipas ng apat na raan at tatlumpung taon, ang kautusan ay dumating ngunit hindi nito binawi sa tipan at hindi nito pinawalang-bisa ang pangako. 18 Ito ay sapagkat kung ang mana ay nakabatay sa kautusan, ito ay hindi na nakabatay sa pangako. Ngunit ang mana ay ipinagkaloob ng Diyos kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.

19 Kaya nga, ano ang layunin ng kautusan? Ito ay idinagdag ng Diyos dahil sa pagsalansang, hanggang sa dumating ang binhi, na siyang binigyan ng pangako. Ang kautusan ay itinakda sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng isang tagapamagitan. 20 Ang tagapamagitan ay hindi para sa isang panig lamang, ngunit ang Diyos ay iisa.

21 Kaya nga, kung magkagayon, ang kautusan ba ay laban sa mga pangakong ibinigay ng Diyos? Huwag nawang mang­yari. Ito ay sapagkat kung maaring makapagkaloob ng isang kautusan na makakapagbigay ng buhay, tunay ngang ang pagpapaging-matuwid ay sa pamamagitan ng kautusan. 22 Subalit ang hangganang itinakda ng kasulatan ay, ang bawat isa ay nasa ilalim ng kasalanan upang ang pangako na dumating sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa lahat ng mga nananampalataya.

23 Ngunit bago dumating ang pananampalataya, tayo ay nabilanggo sa ilalim ng kautusan, at nilagyan ng hangganan para sa pananampalataya na ihahayag pagkatapos. 24 Kayanga, ang kautusan ang naging patnugot natin upang tayoay dalhin kay Cristo at upang tayo ay mapaging-matuwidsa pamamagitan ng pananampalataya. 25 Ngayon, kapag dumating na ang pananampalataya, tayo ay hindi na sa ilalim ng isang patnugot.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International