Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Bible in 90 Days

An intensive Bible reading plan that walks through the entire Bible in 90 days.
Duration: 88 days
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Version
1 Cronica 1-9

Mga Lahi Mula kay Adan Hanggang sa mga Anak ni Noe(A)

Ang mga lahi ni Adan ay sina Set, Enosh, Kenan, Mahalalel, Jared, Enoc, Metusela, Lamec at Noe. Ang mga anak na lalaki ni Noe ay sina Shem, Ham at Jafet.

Ang Lahi ni Jafet

Ang mga anak na lalaki ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras. Si Gomer ay may mga anak din na lalaki na sina Ashkenaz, Rifat,[a] at Togarma. Ang mga anak na lalaki ni Javan ay sina Elisha, Tarshish, Kitim at Rodanim.[b]

Ang Lahi ni Ham

Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cush, Mizraim,[c] Put, at Canaan. Si Cush ay may mga anak ding lalaki na sina Sheba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raama ay sina Sheba at Dedan. 10 May isa pang anak si Cush na ang pangalan ay Nimrod na naging magiting na sundalo sa mundo.

11 Si Mizraim ang pinagmulan ng mga Ludeo, Anameo, Lehabeo, Naftu, 12 Patruseo, Caslu, at mga Caftoreo na siyang pinagmulan ng mga Filisteo.

13 Si Canaan ang ama nina Sidon at Het.[d] Si Sidon ang panganay. 14 Si Canaan ang siya ring pinagmulan ng mga Jebuseo, Amoreo, Girgaseo, 15 Hiveo, Arkeo, Sineo, 16 Arvadeo, Zemareo at Hamateo.

Ang Lahi ni Shem

17 Ang mga anak na lalaki ni Shem: sina Elam, Ashur, Arfaxad, Lud at Aram. Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina,[e] Uz, Hul, Geter at Meshec.[f] 18 Si Arfaxad ang ama ni Shela, at si Shela ang ama ni Eber. 19 May dalawang anak na lalaki si Eber: ang isa ay pinangalanang Peleg, dahil noong panahon niya, ang mga tao sa mundo ay nagkahati-hati; ang pangalan naman ng kanyang kapatid ay Joktan. 20 Si Joktan ang ama nina Almodad, Shelef, Hazarmavet, Jera, 21 Hadoram, Uzal, Dikla, 22 Obal,[g] Abimael, Sheba, 23 Ofir, Havila at Jobab. Silang lahat ay anak na lalaki ni Joktan.

24 Ito ang lahi na mula kay Shem: sina Arfaxad, Shela, 25 Eber, Peleg, Reu 26 Serug, Nahor, Tera, 27 at si Abram na siya ring si Abraham.

Ang Lahi ni Abraham(B)

28 Ang mga anak na lalaki ni Abraham ay sina Isaac at Ishmael. 29 Ang mga anak na lalaki ni Ishmael ay sina Nebayot (ang panganay), Kedar, Adbeel, Mibsam, 30 Mishma, Duma, Masa, Hadad, Tema, 31 Jetur, Nafis at Kedema. Sila ang mga anak na lalaki ni Ishmael. 32 Ang mga anak na lalaki ni Ketura na isa pang asawa ni Abraham ay sina Zimran, Jokshan, Medan, Midian, Ishbak at Shua. Ang mga anak na lalaki ni Jokshan ay sina Sheba at Dedan. 33 Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Efa, Efer, Hanoc, Abida at Eldaa. Silang lahat ang angkan ni Ketura.

Ang Lahi ni Esau(C)

34 Si Abraham ang ama ni Isaac. Ang mga anak ni Isaac ay sina Esau at Israel.[h] 35 Ang mga anak na lalaki ni Esau ay sina Elifaz, Reuel, Jeush, Jalam at Kora. 36 Ang mga anak na lalaki ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo,[i] Gatam, Kenaz at Amalek. Si Amalek ay anak niya kay Timna.[j] 37 Ang mga anak na lalaki ni Reuel ay sina Nahat, Zera, Shama at Miza.

Ang mga Edomita(D)

38 Ang mga anak na lalaki ni Seir ay sina Lotan, Shobal, Zibeon, Ana, Dishon, Ezer at Dishan. 39 Ang mga anak na lalaki ni Lotan ay sina Hori at Homam.[k] Magkapatid sina Lotan at Timna na isa pang asawa ni Elipaz. 40 Ang mga anak na lalaki ni Shobal ay sina Alvan,[l] Manahat, Ebal, Shefo[m] at Onam. Ang mga anak na lalaki ni Zibeon ay sina Aya at Ana. 41 Ang anak na lalaki ni Ana ay si Dishon. Ang mga anak na lalaki ni Dishon ay sina Hemdan,[n] Eshban, Itran at Keran. 42 Ang mga anak na lalaki ni Ezer ay sina Bilhan, Zaavan at Akan.[o] Ang mga anak na lalaki ni Dishan[p] ay sina Uz at Aran.

Ang mga Hari ng Edom(E)

43 Ito ang mga hari ng Edom, noong panahon na wala pang mga hari ang mga Israelita:

Si Bela na taga-Dinhaba na anak ni Beor ay naging hari sa Edom. 44 Pagkamatay niya, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bozra. 45 Pagkamatay ni Jobab, pinalitan siya ni Husham na taga-Teman. 46 Pagkamatay ni Husham, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang nakatalo sa mga Midianita roon sa Moab. 47 Pagkamatay ni Hadad, pinalitan siya ni Samla na taga-Masreka. 48 Pagkamatay ni Samla, pinalitan siya ni Shaul na taga-Rehobot na malapit sa Ilog ng Eufrates. 49 Pagkamatay ni Shaul, pinalitan siya ni Baal Hanan na anak ni Acbor. 50 Pagkamatay ni Baal Hanan, pinalitan siya ni Hadad na taga-Pau. Ang asawa niya ay si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Me-Zahab. 51 Hindi nagtagal, namatay si Hadad.

Ito ang mga pinuno ng angkan ng Edom: Timna, Alva, Jetet, 52 Oholibama, Elah, Pinon, 53 Kenaz, Teman, Mibzar, 54 Magdiel at Iram.

Ang mga Anak ni Israel

Ito ang mga anak na lalaki ni Israel: Reuben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun, Dan, Jose, Benjamin, Naftali, Gad at Asher.

Ang Lahi ni Juda

May tatlong anak na lalaki si Juda sa asawa niyang si Batshua na Cananea. Silaʼy sina Er, Onan at Shela. Si Er ang panganay sa magkakapatid. Masama siya sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay siya ng Panginoon. May mga anak pang lalaki si Juda kay Tamar na kanyang manugang. Silaʼy sina Perez at Zera. Lima lahat ang anak na lalaki ni Juda. Ang mga anak na lalaki ni Perez ay sina Hezron at Hamul. Lima lahat ang anak na lalaki ni Zera: sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda.[q] Ang anak na lalaki ni Carmi[r] ay si Acar.[s] Si Acar ang nagdala ng kasamaan sa Israel dahil kinuha niya ang bagay na inilaan nang buo[t] para sa Dios. Ang anak na lalaki ni Etan ay si Azaria.

Ang Lahi na Pinagmulan ni David

Ang mga anak na lalaki ni Hezron ay sina Jerameel, Ram at Caleb.[u] 10 Si Ram ang ama ni Aminadab, at si Aminadab naman ang ama ni Nashon na pinuno ng lahi ni Juda. 11 Si Nashon ang ama ni Salmon,[v] at si Salmon ang ama ni Boaz. 12 Si Boaz ang ama ni Obed at si Obed ang ama ni Jesse. 13 Ang panganay na anak ni Jesse ay si Eliab, ang ikalawa namaʼy si Abinadab, at ang ikatlo ay si Shimea, 14 ang ikaapat ay si Netanel, ang ikalima ay si Radai, 15 ang ikaanim ay si Ozem, at ang ikapito ay si David. 16 Ang mga kapatid nilang babae ay sina Zeruya at Abigail. Si Zeruya ay may tatlong anak na lalaki, sina Abishai, Joab at Asahel. 17 Ang asawa ni Abigail ay si Jeter na Ishmaelita at may anak silang lalaki na si Amasa.

Ang Angkan ni Hezron

18 Ang anak ni Hezron na si Caleb ay may mga anak sa asawa niyang si Azuba na tinatawag ding Jeriot. Sila ay sina Jesher, Shobab at Ardon. 19 Pagkamatay ni Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrat[w] at ang naging anak nila ay si Hur. 20 Si Hur ang ama ni Uri, at si Uri ang ama ni Bezalel. 21 Noong 60 taong gulang na si Hezron, napangasawa niya ang anak ni Makir, ang kapatid na babae ni Gilead. Si Segub ang naging anak nila. 22 Si Segub ang ama ni Jair, na namahala ng 23 bayan sa Gilead. 23 (Dumating ang panahon na inagaw ni Geshur at ni Aram ang mga bayan ni Jair[x] at ang Kenat, pati ang 60 bayan sa paligid nito.) Silang lahat ang angkan ni Makir na ama ni Gilead.

24 Kamamatay lang ni Hezron sa Caleb Efrata nang manganak ang asawa niyang si Abijah. Ang anak niya ay si Ashur na ama ni Tekoa.

Ang Angkan ni Jerameel na Anak ni Hezron

25 Ito ang mga anak na lalaki ni Jerameel na panganay na anak ni Hezron: Si Ram ang panganay, sumunod sina Buna, Oren, Ozem at Ahia. 26 Si Jerameel ay may isa pang asawa na ang pangalan ay Atara. Siya ang ina ni Onam. 27 Ang mga anak na lalaki ni Ram na panganay ni Jerameel ay sina Maaz, Jamin at Eker.

28 Ang mga anak na lalaki ni Onam ay sina Shamai at Jada. Ang mga anak na lalaki ni Shamai ay sina Nadab at Abishur.

29 Ang pangalan ng asawa ni Abishur ay Abihail. May mga anak silang lalaki, sina Aban at Molid.

30 Ang mga anak na lalaki ni Nadab ay sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak.

31 Ang anak na lalaki ni Apaim ay si Ishi. Si Ishi ang ama ni Sheshan at si Sheshan ang ama ni Alai. 32 Ang mga anak na lalaki ni Jada na kapatid ni Shamai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay si Jeter na walang anak. 33 Ang mga anak na lalaki ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Silang lahat ang angkan ni Jerameel.

34 Walang anak na lalaki si Sheshan, kundi puro babae. May alipin siyang Egipcio na ang pangalan ay Jarha. 35 Ibinigay ni Sheshan ang anak niyang babae kay Jarha bilang asawa. Nagkaanak sila na ang pangalan ay Atai. 36 Si Atai ang ama ni Natan, at si Natan ang ama ni Zabad, 37 si Zabad naman ang ama ni Eflal, si Eflal ang ama ni Obed, 38 si Obed ang ama ni Jehu, at si Jehu ang ama ni Azaria. 39 Si Azaria ang ama ni Helez, si Helez ang ama ni Eleasa, 40 at si Eleasa ang ama ni Sismai. Si Sismai ang ama ni Shalum, 41 si Shalum ang ama ni Jekamia, at si Jekamia ang ama ni Elishama.

Ang Iba pang Angkan ni Caleb

42 Ang panganay na anak na lalaki ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesha na ama ni Zif. Ang ikalawa niyang anak ay si Maresha na ama ni Hebron. 43 Ang mga anak na lalaki ni Hebron ay sina Kora, Tapua, Rekem at Shema. 44 Si Shema ang ama ni Raham, at si Raham ang ama ni Jorkeam. Si Rekem ang ama ni Shamai, 45 si Shamai ang ama ni Maon, at si Maon ang ama ni Bet Zur.

46 Ang isa pang asawa ni Caleb na si Efa ang ina nina Haran, Moza at Gazez. May anak si Haran na Gazez din ang pangalan.

47 Ang mga anak na lalaki ni Jadai ay sina Regem, Jotam, Geshan, Pelet, Efa at Shaaf.

48 Ang isa pang asawa ni Caleb ay si Maaca. May mga anak silang lalaki na sina Sheber, Tirhana, 49 Shaaf na ama ni Madmana at Sheva na ama naman nina Macbena at Gibea. Ang anak na babae ni Caleb ay si Acsa. 50 Sila ang angkan ni Caleb.

Ang Angkan ng Anak ni Caleb na si Hur.

Si Hur ang panganay na anak ni Caleb at ni Efrata. Ang mga anak na lalaki ni Hur ay sina Shobal na ama ni Kiriat Jearim, 51 si Salma na ama ni Betlehem, at si Haref na ama ni Bet Gader. 52 Ang angkan ni Shobal na ama ni Kiriat Jearim ay ang mga Haroe, ang kalahati ng mga naninirahan sa Manahat,[y] 53 at ang angkan ni Kiriat Jearim ay ang mga Itreo, Puteo, Sumateo at Misraita. Sila ang pinagmulan ng mga Zoratita at mga Estaolita.

54 Ang angkan ni Salma ay ang mga taga-Betlehem, mga taga-Netofa, mga taga-Atrot Bet Joab, ang kalahati ng mga Manahateo, at ang mga Zorita. 55 Ang lahi ng mga Tirateo, Shimeateo at Sucateo na magagaling sumulat ng mga dokumento ay nakatira sa bayan ng Jabez. Sila ang mga Keneo na nagmula kay Hamat, na ama ng pamilya ni Bet Recab.[z]

Ang mga Anak na Lalaki ni David

Ito ang mga anak na lalaki ni David na isinilang sa Hebron: Si Amnon ang panganay, na anak niya kay Ahinoam na taga-Jezreel. Si Daniel[aa] ang pangalawa, na anak niya kay Abigail na taga-Carmel. Si Absalom ang pangatlo, na anak niya kay Maaca na anak na babae ni Haring Talmai ng Geshur. Si Adonia ang pang-apat, na anak niya kay Hagit. Si Shefatia ang panglima, na anak niya kay Abital. Si Itream ang pang-anim, na anak niya kay Egla. Silang anim ay isinilang sa Hebron, kung saan naghari si David sa loob ng pitong taon at anim na buwan.

Naghari si David sa Jerusalem sa loob ng 33 taon. At ito ang mga anak niyang lalaki na isinilang doon: si Shimea, Shobab, Natan at Solomon. Silang apat ang anak niya sa asawa niyang si Batsheba[ab] na anak ni Amiel. May siyam pa siyang anak na sina Ibhar, Elishua[ac] Elifelet, Noga, Nefeg, Jafia, Elishama, Eliada at Elifelet. Iyon ang lahat ng mga anak na lalaki ni David, bukod sa iba pa niyang mga anak na lalaki sa iba pa niyang mga asawa. May anak din si David na babae na si Tamar.

Ang mga Hari ng Juda

10 Ito ang angkan ni Solomon na naging hari: Rehoboam, Abijah, Asa, Jehoshafat, 11 Jehoram,[ad] Ahazia, Joash, 12 Amazia, Azaria,[ae] Jotam, 13 Ahaz, Hezekia, Manase, 14 Ammon at Josia.

15 Ito ang mga anak ni Josia: Ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa ay si Jehoyakim, ang ikatlo ay si Zedekia, at ang ikaapat ay si Shalum. 16 Ang pumalit kay Jehoyakim bilang hari ay si Jehoyakin[af] na kanyang anak. At ang pumalit kay Jehoyakin ay si Zedekia na kanyang tiyuhin.[ag]

Ang Angkan ni Jehoyakin

17 Ito ang angkan ni Jehoyakin, ang hari na binihag sa Babilonia: si Shealtiel, 18 Malkiram, Pedaya, Shenazar, Jekamia, Hoshama at si Nedabia. 19 Ang mga anak na lalaki ni Pedaya ay sina Zerubabel at Shimei. Ang mga anak na lalaki ni Zerubabel ay sina Meshulam at Hanania. Ang kapatid nilang babae ay si Shelomit. 20 May lima pang anak na lalaki si Zerubabel na sina Hashuba, Ohel, Berekia, Hasadia at Jushab Hesed. 21 Ang mga anak na lalaki ni Hanania ay sina Pelatia at Jeshaya. Si Jeshaya ang ama ni Refaya, si Refaya ang ama ni Arnan, si Arnan ang ama ni Obadias, at si Obadias ang ama ni Shecania. 22 Ang angkan ni Shecania ay si Shemaya. Anim lahat ang anak ni Shemaya: sina Hatush, Igal, Baria, Nearia at Shafat. 23 Tatlo lahat ang anak na lalaki ni Nearia: sina Elyoenai, Hizkia at Azrikam. 24 Pito lahat ang anak na lalaki ni Elyoenai: sina Hodavia, Eliashib, Pelaya, Akub, Johanan, Delaya at Anani.

Ang Ibang Lahi ni Juda

Ito ang iba pang lahi ni Juda: sina Perez, Hezron, Carmi, Hur at Shobal. Ang anak ni Shobal na si Reaya ay ama ni Jahat. Si Jahat ang ama nina Ahumai at Lahad. Sila ang pamilya ng mga Zoratita.

Ito ang mga anak[ah] ni Etam: sina Jezreel, Ishma at Idbas. Si Hazelelponi ang kapatid nilang babae.

Si Penuel ang ama ni Gedor, at si Ezer ang ama ni Husha. Sila ang mga angkan ni Hur na panganay na anak ni Efrata. Si Hur ang ninuno ng mga taga-Betlehem.

Si Ashur na ama ni Tekoa ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara. Ang mga anak na lalaki nina Naara at Ashur ay sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Haahashtari. Ang mga anak naman nina Hela at Ashur ay sina Zeret, Zohar,[ai] Etnan, at Koz. Si Koz ang ama nina Anub at Hazobeba, at ang pinagmulan ng pamilya ni Aharhel na anak ni Harum.

May isang tao na ang pangalan ay Jabez. Kagalang-galang siya kaysa sa mga kapatid niyang lalaki. Pinangalanan siya ng kanyang ina na Jabez[aj] dahil sinabi ng kanyang ina, “Labis akong nahirapan sa panganganak ko sa kanya.” 10 Nanalangin si Jabez sa Dios ng Israel, “Pagpalain nʼyo po sana ako at palawakin ang aking nasasakupan. Samahan nʼyo po ako at ilayo sa kapahamakan para hindi ako masaktan.” At dininig ng Dios ang kanyang kahilingan.

11 Si Kelub na kapatid ni Shuha ang ama ni Mehir. Si Mehir ang ama ni Eston, at 12 si Eston ang ama nina Bet Rafa, Pasea at Tehina. Si Tehina ang ama ni Ir Nahash. Sila ang angkan ni Reca.[ak]

13 Ang mga anak na lalaki ni Kenaz ay sina Otniel at Seraya. Ang mga anak ni Otniel ay sina Hatat at Meonotai.[al] 14 Si Meonotai ang ama ni Ofra. Si Seraya naman ang ama ni Joab, na nagtatag ng Lambak ng mga Panday.[am] Tinawag itong Lambak ng mga Panday dahil doon nakatira ang maraming panday.

15 Ito ang mga anak na lalaki ni Caleb na anak ni Jefune: sina Iru, Elah at Naam. Ang anak na lalaki ni Elah ay si Kenaz.

16 Ang mga anak na lalaki ni Jehalelel ay sina Zif, Zifa, Tiria at Asarel.

17-18 Ang mga anak na lalaki ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer at Jalon. Asawa ni Mered si Bitia na anak ng Faraon.[an] Ang mga anak nila ay sina Miriam, Shamai at Ishba. Si Ishba ang ama ni Estemoa. May asawa rin si Mered na taga-Judea, at ang mga anak nila ay sina Jered na ama ni Gedor, Heber na ama ni Soco, at Jekutiel na ama ni Zanoa. 19 Napangasawa ni Hodia ang kapatid ni Naham. Ang isa sa mga anak niya ay ama ni Keila na Garmita, at ang isa naman ay ama ni Estemoa na Maacateo.

20 Ang mga anak na lalaki ni Shimon ay sina Amnon, Rina, Ben Hanan at Tilon. Ang mga angkan ni Ishi ay sina Zohet at Ben Zohet.

21 Ito ang mga angkan ni Shela na anak ni Juda: si Er (na ama ni Leca), at si Laada (na ama ni Maresha), at ang pamilya ng mga tagagawa ng telang linen sa Bet Ashbea. 22 Ito pa ang mga angkan Shela: si Jokim, ang mga mamamayan ng Cozeba, si Joash, at si Saraf na namuno sa Moab at sa Jashubi Lehem. (Ang talaang ito ay mula sa matagal nang dokumento.) 23 Sila ang mga magpapalayok na nakatira sa Netaim at Gedera. Nagtatrabaho sila para sa hari.

Ang Angkan ni Simeon

24 Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera at Shaul. 25 Si Shaul ang ama ni Shalum, si Shalum ang ama ni Mibsam, at si Mibsam ang ama ni Mishma. 26 Si Mishma ang ama ni Hammuel, si Hammuel ang ama ni Zacur, at si Zacur ang ama ni Shimei. 27 May 16 na anak na lalaki si Shimei at anim na anak na babae. Pero kakaunti lang ang anak ng mga kapatid niya, kaya ang buong angkan nila ay hindi kasindami ng mga mamamayan ng Juda. 28 Tumira sila sa Beersheba, Molada, Hazar, Shual, 29 Bilha, Ezem, Tolad, 30 Betuel, Horma, Ziklag, 31 Bet Marcabot, Hazar Susim, Bet Biri at Shaaraim. Ito ang mga bayan nila hanggang sa paghahari ni David. 32 Tumira rin sila sa limang bayan sa paligid nila: sa Etam, Ayin, Rimon, Token at Ashan, 33 pati na rin sa mga baryo sa paligid ng mga bayang ito hanggang sa Baalat.[ao] Ito ang mga lugar na tinirhan nila, at naitago nila ang mga talaan ng kanilang angkan.

Ito ang iba pang lahi ni Simeon: 34 sina Meshobab, Jamlec, Josha na anak ni Amazia 35 Joel, Jehu na anak ni Joshibia at apo ni Seraya, na apo sa tuhod ni Asiel, 36 Elyoenai, Jaakoba, Jeshohaya, Asaya, Adiel, Jesimiel, Benaya 37 at Ziza na anak ni Shifi at apo ni Allon, at apo sa tuhod ni Jedaya. Si Jedaya ay anak ni Shimri at apo ni Shemaya. 38 Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Lalong dumami ang pamilya nila, 39 kaya napunta sila sa hangganan ng Gedor, sa gawing silangan ng lambak. Naghanap sila roon ng mapagpapastulan ng kanilang mga tupa, 40 at nakakita sila ng mayabong at magandang pastulan. Malawak ang lugar na ito at mapayapa. Doon dati nakatira ang ibang lahi ni Ham. 41 Pero noong panahon na si Haring Hezekia ang hari ng Juda, nilusob ang lahi ni Ham ng lahi ni Simeon na ang mga pangalan ay nabanggit sa itaas. Nilusob din nila ang mga Meuneo na doon din nakatira, at nilipol nila sila nang lubusan. Pagkatapos, sila ang tumira roon hanggang ngayon, dahil mayroong pastulan doon para sa kanilang mga tupa. 42 Lumusob ang 500 sa kanila sa kabundukan ng Seir. Pinangunahan sila nina Pelatia, Nearia, Refaya at Uziel na mga anak ni Ishi. 43 Pinatay nila roon ang natitirang mga Amalekita, at doon sila nakatira hanggang ngayon.

Ang Lahi ni Reuben

Si Reuben ang panganay na anak ni Israel,[ap] pero dahil nakipagtalik siya sa isa sa mga asawa ng kanyang ama, ang karapatan niya bilang panganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na kanyang kapatid. Kaya hindi siya inilista sa talaan ng lahi nila bilang panganay na anak. Kahit mas makapangyarihan si Juda kaysa sa kanyang mga kapatid at ang pinuno ay nagmula sa kanyang lahi, ang karapatan ng pagkapanganay ay ibinigay kay Jose. Ito ang mga anak na lalaki ni Reuben na panganay ni Israel: sina Hanoc, Pallu, Hezron at Carmi.

Ito ang mga angkan ni Joel: sina Shemaya, Gog, Shimei, Micas, Reaya, Baal, at Beera. Si Beera ang pinuno ng lahi ni Reuben nang binihag sila ni Haring Tiglat Pileser[aq] ng Asiria. Ito ang mga kamag-anak ni Beera na naitala sa talaan ng kanilang mga angkan ayon sa kanilang lahi: si Jeyel na pinuno, si Zacarias, at si Bela na anak ni Azaz na anak ni Shema at apo ni Joel. Ito ang lahi ni Reuben na tumira mula sa Aroer hanggang sa Nebo at Baal Meon. At dahil dumami ang kanilang hayop doon sa Gilead, tumira sila hanggang sa silangan, sa tabi ng ilang na papunta sa Ilog ng Eufrates. 10 Nang si Saul pa ang hari, nakipaglaban sila sa mga Hagreo at tinalo nila ang mga ito. Sinakop nila ang mga tinitirhan ng mga Hagreo sa buong silangan ng Gilead.

Ang Lahi ni Gad

11 Tumira ang lahi ni Gad sa lupain ng Bashan na kasunod ng lupain nina Reuben, hanggang sa Saleca. 12 Ito ang lahi ni Gad: si Joel, na siyang pinuno sa Bashan, ang sumunod sa kanya ay si Shafam, pagkatapos ay sina Janai at Shafat. 13 Ang kanilang mga kamag-anak ayon sa bawat pamilya ay sina Micael, Meshulam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia at Eber – pito silang lahat. 14 Sila ang mga angkan ni Abihail na anak ni Huri. Si Huri ang anak ni Jaroa at apo ni Gilead, at apo sa tuhod ni Micael. Si Micael ay anak ni Jeshishai at apo ni Jado, at apo sa tuhod ni Buz. 15 Si Ahi na anak ni Abdiel at apo ni Guni ang siyang pinuno ng kanilang pamilya. 16 Tumira sila sa Gilead doon sa Bashan at sa mga baryo sa paligid nito, at sa buong pastulan ng Sharon. 17 Nailista silang lahat sa talaan ng mga angkan noong panahon ng paghahari ni Jotam sa Juda at ni Jeroboam sa Israel.

18 May 44,760 sundalo sa mga lahi nina Reuben, Gad, at sa kalahating lahi ni Manase. Sinanay sila para sa labanan at mahusay silang gumamit ng mga pananggalang, espada at pana. 19 Nakipaglaban sila sa mga Hagreo, Jetureo, Nafiseo, at Nodabeo. 20 Humingi sila ng tulong sa Dios nang nakipaglaban sila, at dahil nagtiwala sila sa kanya, tinugon ng Dios ang panalangin nila. Kaya pinagtagumpay sila ng Dios sa mga Hagreo at sa mga kakampi nito. 21 Pinagkukuha nila ang hayop ng mga Hagreo: 50,000 kamelyo, 250,000 tupa at 2,000 asno. Binihag din nila ang 100,000 tao, 22 at marami silang napatay dahil tinulungan sila ng Dios sa pakikipaglaban. Tinirhan nila ang mga lugar na ito hanggang sa mabihag sila ng ibang bansa.

Ang Kalahating Lahi ni Manase

23 Ang kalahating angkan ni Manase ay napakarami. Tumira sila sa mga lupain mula sa Bashan papunta sa Baal Hermon, Senir, at Bundok ng Hermon. At napakarami nila. 24 Ito ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya: sina Efer, Ishi, Eliel Azriel, Jeremias, Hodavia at Jadiel. Matatapang silang mandirigma at tanyag na mga pinuno ng mga pamilya nila. 25 Pero hindi sila naging tapat sa Dios ng kanilang mga ninuno, sa halip sumamba sila sa mga dios ng mga taong nilipol ng Dios sa lupaing iyon. 26 Ito ang dahilan kung bakit niloob ng Dios ng Israel na lusubin sila ni Pul na hari ng Asiria (na siya ring si Tiglat Pileser). Binihag ni Pul ang mga lahi ni Reuben at Gad, pati na ang kalahating lahi ni Manase at dinala sa Hala, Habor, Hara, at sa Ilog ng Gozan, kung saan doon sila naninirahan hanggang ngayon.

Ang Lahi ni Levi na mga Pari

Ito ang mga anak na lalaki ni Levi: sina Gershon,[ar] Kohat at Merari. Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises at Miriam. Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. Si Eleazar ay ama ni Finehas, si Finehas ay ama ni Abishua, at si Abishua ay ama ni Buki. Si Buki ay ama ni Uzi, si Uzi ay ama ni Zerahia at si Zerahia ay ama ni Merayot. Si Merayot ay ama ni Amaria, si Amaria ay ama ni Ahitub, si Ahitub ay ama ni Zadok. Si Zadok ay ama ni Ahimaaz, si Ahimaaz ay ama ni Azaria, at si Azaria ay ama ni Johanan. 10 Si Johanan ay ama ni Azaria na siyang punong pari nang ipinatayo ni Solomon ang templo sa Jerusalem. 11 Si Azaria ay ama ni Amaria, si Amaria ay ama ni Ahitub, 12 at si Ahitub ay ama ni Zadok. Si Zadok ay ama ni Shalum, 13 si Shalum ay ama ni Hilkia at si Hilkia ay ama ni Azaria. 14 Si Azaria ay ama ni Seraya at si Seraya ay ama ni Jehozadak. 15 Si Jehozadak ay kasama sa mga bihag nang ipabihag ng Panginoon ang mga mamamayan ng Jerusalem at Juda kay Nebucadnezar.

Ang Iba pang Lahi ni Levi

16 Ang mga anak na lalaki ni Levi ay sina Gershon, Kohat at Merari. 17 Ang mga anak na lalaki ni Gershon ay sina Libni at Shimei. 18 Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. 19 Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Mushi.

Ito ang mga pamilya ng mga Levita na itinala ayon sa kanilang mga ninuno:

20 Sa mga angkan ni Gershon: sina Libni, Jehat, Zima, 21 Joa, Iddo, Zera at Jeaterai.

22 Sa mga angkan ni Kohat: sina Aminadab, Kora, Asir, 23 Elkana, Ebiasaf,[as] Asir, 24 Tahat, Uriel, Uzia at Shaul. 25 Sa mga angkan ni Elkana: sina Amasai, Ahimot, 26 Elkana, Zofai, Nahat, 27 Eliab, Jeroham, Elkana at Samuel.[at] 28 Ang mga anak na lalaki ni Samuel ay si Joel,[au] ang panganay, at ang ikalawa ay si Abijah.

29 Sa mga angkan ni Merari: sina Mahli, Libni, Shimei, Uza, 30 Shimea, Haggia at Asaya.

Ang mga Musikero sa Templo

31 May mga taong itinalaga ni David sa pag-awit at pagtugtog sa bahay ng Panginoon matapos malipat doon ang Kahon ng Kasunduan. 32 Naglingkod sila sa pamamagitan ng pag-awit doon sa Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan hanggang sa panahon na naipatayo ni Solomon ang templo ng Panginoon sa Jerusalem. Ginawa nila ang kanilang gawain ayon sa mga tuntunin na ipinatupad sa kanila. 33 Ito ang mga naglilingkod na kasama ang kanilang mga anak:

Si Heman na isang musikero na mula sa angkan ni Kohat. (Si Heman ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Samuel. Si Samuel ay anak ni Elkana. 34 Si Elkana ay anak ni Jeroham. Si Jeroham ay anak ni Eliel. Si Eliel ay anak ni Toa. 35 Si Toa ay anak ni Zuf. Si Zuf ay anak ni Elkana. Si Elkana ay anak ni Mahat. Si Mahat ay anak ni Amasai. 36 Si Amasai ay anak ni Elkana. Si Elkana ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Azaria. Si Azaria ay anak ni Zefanias. 37 Si Zefanias ay anak ni Tahat. Si Tahat ay anak ni Asir. Si Asir ay anak ni Ebiasaf. Si Ebiasaf ay anak ni Kora. 38 Si Kora ay anak ni Izar. Si Izar ay anak ni Kohat. Si Kohat ay anak ni Levi. Si Levi ay anak ni Israel.)

39 Si Asaf na mula sa angkan ni Gershon. Siya ang unang tagapamahala ni Heman. (Si Asaf ay anak ni Berekia. Si Berekia ay anak ni Shimea. 40 Si Shimea ay anak ni Micael. Si Micael ay anak ni Baaseya. Si Baaseya ay anak ni Malkia. 41 Si Malkia ay anak ni Etni. Si Etni ay anak ni Zera. Si Zera ay anak ni Adaya. 42 Si Adaya ay anak ni Etan. Si Etan ay anak ni Zima. Si Zima ay anak ni Shimei. 43 Si Shimei ay anak ni Jahat. Si Jahat ay anak ni Gershon. Si Gershon ay anak ni Levi.)

44 Si Etan na mula sa angkan ni Merari. Siya ang pangalawang tagapamahala ni Heman. (Si Etan ay anak ni Kishi. Si Kishi ay anak ni Abdi. Si Abdi ay anak ni Maluc. 45 Si Maluc ay anak ni Hashabia. Si Hashabia ay anak ni Amazia. Si Amazia ay anak ni Hilkia. 46 Si Hilkia ay anak ni Amzi. Si Amzi ay anak ni Bani. Si Bani ay anak ni Shemer. 47 Si Shemer ay anak ni Mahli. Si Mahli ay anak ni Mushi. Si Mushi ay anak ni Merari. At si Merari ay anak ni Levi.)

48 Ang mga kapwa nila Levita ay binigyan ng ibang gawain sa Toldang Sambahan, ang bahay ng Dios. 49 Pero si Aaron at ang kanyang angkan ang naghahandog sa altar na pinag-aalayan ng mga handog na sinusunog at sa altar na pinagsusunugan ng insenso. At sila rin ang gumagawa ng iba pang mga gawain na may kinalaman sa ginagawa sa Pinakabanal na Lugar. Naghahandog sila para sa kapatawaran ng kasalanan ng Israel. Ginagawa nila ito ayon sa lahat ng iniutos ni Moises na lingkod ng Dios. 50 Ito ang mga angkan ni Aaron: sina Eleazar, Finehas, Abishua, 51 Buki, Uzi, Zerahia, 52 Merayot, Amaria, Ahitub, 53 Zadok, at Ahimaaz.

Ang mga Lupain ng Lahi ni Levi

54 Ito ang mga lupain na ibinigay sa angkan ni Aaron na mula sa angkan ni Kohat. Sila ang unang binigyan ng lupain sa pamamagitan ng palabunutan. 55 Kabilang sa mga lupaing ito ay ang Hebron na nasa Juda at ang mga pastulan sa paligid nito. 56 Pero ang mga bukirin at ang mga baryo sa paligid ng Hebron ay ibinigay kay Caleb na anak ni Jefune. 57 Kaya ibinigay sa angkan ni Aaron ang mga sumusunod na lupain kabilang ang mga pastulan nito: Hebron (ang lungsod na tanggulan), Libna, Jatir, Estemoa, 58 Hilen,[av] Debir, 59 Ashan,[aw] Juta,[ax] at Bet Shemesh. 60 At mula sa lupain ng lahi ni Benjamin ay ibinigay sa kanila ang Gibeon,[ay] Geba, Alemet at Anatot, pati na ang mga pastulan nito. Ang bayan na ibinigay sa angkang ito ni Kohat ay 13 lahat. 61 Ang natirang mga angkan ni Kohat ay binigyan ng sampung bayan sa pamamagitan ng palabunutan mula sa lupain ng kalahating lahi ni Manase.

62 Ang mga angkan ni Gershon ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng 13 bayan mula sa mga lahi nina Isacar, Asher, Naftali, at mula sa kalahating lahi ni Manase sa Bashan.

63 Ang angkan ni Merari, ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng 12 bayan mula sa lahi nina Reuben, Gad at Zebulun.

64 Kaya ibinigay ng mga Israelita sa mga Levita ang mga bayang ito at ang mga pastulan nito. 65 Ibinigay din sa lahi ni Levi ang mga nabanggit na bayan na mula sa lahi nina Juda, Simeon at Benjamin. 66 Ang ibang mga pamilya ni Kohat ay binigyan ng mga bayan mula sa lahi ni Efraim. 67 Ibinigay sa kanila ang Shekem (na siyang lungsod na tanggulan sa kaburulan ng Efraim), ang Gezer, 68 Jokmeam, Bet Horon, 69 Ayalon at Gat Rimon, pati na ang mga pastulan nito. 70 Ang iba pang angkan ni Kohat ay binigyan ng mga kapwa nila Israelita ng mga bayan mula sa kalahating lahi ni Manase. Ang ibinigay sa kanila ay ang Aner at Bileam pati ang mga pastulan nito.

71 Ang angkan ni Gershon ay binigyan ng mga sumusunod na bayan:

Mula sa kalahating lahi ni Manase: Golan sa Bashan at ang Ashtarot, pati ang mga pastulan nito.

72 Mula sa lahi ni Isacar: Kedesh, Daberat, 73 Ramot at Anem, pati ang mga pastulan nito.

74 Mula sa lahi ni Asher: Mashal, Abdon, 75 Hukok at Rehob, pati ang mga pastulan nito.

76 Mula sa lahi ni Naftali: Kedesh sa Galilea, Hammon at Kiriataim, pati ang mga pastulan nito.

77 Ang mga natirang angkan ni Merari ay binigyan ng mga sumusunod na lupain:

Mula sa lahi ni Zebulun: Jokneam, Karta,[az] Rimono at Tabor, pati ang mga pastulan nito.

78 Mula sa lahi ni Reuben na nasa kabilang Ilog ng Jordan sa silangan ng Jerico: Bezer sa may disyerto, Jaza,[ba] 79 Kedemot at Mefaat, pati ang mga pastulan nito.

80 At mula sa lahi ni Gad: Ramot sa Gilead, Mahanaim, 81 Heshbon at Jazer, pati ang mga pastulan nito.

Ang Lahi ni Isacar

May apat na anak na lalaki si Isacar: sina Tola, Pua, Jashub at Shimron. Ang mga anak na lalaki ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jamai, Ibsam at Shemuel.[bb] Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nang si David ang hari, 22,600 ang bilang ng mga lalaking handa sa paglilingkod sa militar mula sa mga angkan ni Tola.

Ang anak na lalaki ni Uzi ay si Izrahia. Si Izrahia at ang kanyang apat na anak na sina Micael, Obadias, Joel at Ishia, ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Marami silang asawaʼt anak, kaya ayon sa talaan ng kanilang mga angkan, mayroon silang 36,000 lalaking handa sa paglilingkod sa militar. Ang bilang ng mga lalaking handa sa paglilingkod sa militar mula sa lahat ng pamilya ni Isacar ay 87,000, ayon sa talaan ng kanilang lahi.

Ang Lahi ni Benjamin

May tatlong anak na lalaki si Benjamin: sina Bela, Beker at Jediael. Si Bela ay may limang anak na lalaki na sina Ezbon, Uzi, Uziel, Jerimot at Iri. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Ang bilang ng kalalakihan nilang handa sa paglilingkod sa militar ay 22,034, ayon sa talaan ng kanilang mga lahi. Ang mga anak na lalaki ni Beker ay sina Zemira, Joash, Eliezer, Elyoenai, Omri, Jeremot, Abijah, Anatot at Alemet. Silang lahat ang anak ni Beker. Ang bilang ng kalalakihan nilang handa sa paglilingkod sa militar ay 20,200. Ito ang mga pinuno ng mga pamilya nila na nakatala sa talaan ng kanilang mga lahi. 10 Ang anak na lalaki ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga anak na lalaki ni Bilhan ay sina Jeush, Benjamin, Ehud, Kenaana, Zetan, Tarshish at Ahishahar. 11 Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. May 17,200 silang kalalakihang handa sa paglilingkod sa militar. 12 Ang mga anak na lalaki ni Ir ay sina Shupim at si Hupim,[bc] at ang anak ni Aher ay si Hushim.

Ang Lahi ni Naftali

13 Ang mga anak na lalaki ni Naftali kay Bilha ay sina Jahziel,[bd] Guni, Jezer at Shilem.[be] 14 May dalawang anak si Manase sa asawa niyang Arameo. Sila ay sina Asriel at Makir. Si Makir ang ama ni Gilead, 15 at siya ang naghanap ng asawa para kina Hupim at Shupim.[bf] May kapatid na babae si Makir na ang pangalan ay Maaca. Ang isa pang anak ni Makir ay si Zelofehad na ang mga anak ay puro babae. 16 May mga anak ding lalaki si Makir kay Maaca na ang mga pangalan ay Peresh at Sheresh. Ang mga anak na lalaki ni Peresh ay sina Ulam at Rakem. 17 Ang anak na lalaki ni Ulam ay si Bedan. Sila ang mga angkan ni Gilead na anak ni Makir, at apo ni Manase. 18 Ang kapatid na babae ni Gilead na si Hammoleket ay may mga anak na lalaki na sina Ishod, Abiezer at Mala.

19 Ang mga anak na lalaki ni Shemida ay sina Ahian, Shekem, Likhi at Aniam.

Ang Lahi ni Efraim

20 Ito ang lahi ni Efraim: si Shutela na ama ni Bered, si Bered na ama ni Tahat, si Tahat na ama ni Eleada, si Eleada na ama ni Tahat, 21 si Tahat na ama ni Zabad, si Zabad na ama ni Shutela. Ang mga anak ni Efraim na sina Ezer at Elead ay pinatay ng mga lalaking katutubo ng Gat nang nagnakaw sila ng mga hayop. 22 Matagal ang paghihinagpis ni Efraim sa kanilang pagkamatay, at pumunta ang kanyang mga kamag-anak para aliwin siya. 23 Nang bandang huli, sumiping si Efraim sa kanyang asawa; nabuntis ito at nanganak ng lalaki. Pinangalanan ni Efraim ang bata na Beria,[bg] dahil sa kasawiang dumating sa kanilang pamilya. 24 May anak na babae si Efraim na si Sheera. Siya ang nagtatag ng itaas at ibabang bahagi ng Bet Horon at ng Uzen Sheera. 25 At ang anak na lalaki ni Efraim ay si Refa. Si Refa ay ama ni Reshef, si Reshef ay ama ni Tela, si Tela ay ama ni Tahan, 26 si Tahan ay ama ni Ladan, si Ladan ay ama ni Amihud, si Amihud ay ama ni Elishama, 27 si Elishama ay ama ni Nun, si Nun ay ama ni Josue.

28 Ang lupaing natanggap at tinirhan ng lahi ni Efraim ay ang Betel at ang mga baryo sa paligid nito, ang Naaran sa bandang silangan, ang Gezer sa kanluran at ang mga baryo sa paligid nito, ang Shekem at ang mga baryo sa paligid nito papunta sa Aya at sa mga baryo nito. 29 Ang lahi ni Manase ang nagmamay-ari sa mga lungsod ng Bet Shan, Taanac, Megido at Dor, pati sa mga baryo sa paligid nito. Sa mga bayang ito nakatira ang lahi ni Jose na anak ni Israel.[bh]

Ang Lahi ni Asher

30 Ang mga anak na lalaki ni Asher ay sina Imna, Ishva, Ishvi at Beria. Ang kapatid nilang babae ay si Sera. 31 Ang mga anak na lalaki ni Beria ay sina Heber at Malkiel. Si Malkiel ang ama ni Birzait. 32 Si Heber ang ama nina Jaflet, Shomer, at Hotam. Ang kapatid nilang babae ay si Shua. 33 Ang mga anak na lalaki ni Jaflet ay sina Pasac, Bimhal at Asvat.

34 Ang mga anak na lalaki ni Shomer ay sina Ahi, Roga,[bi] Hubba at Aram. 35 Ang mga anak na lalaki ng kapatid ni Shomer na si Helem[bj] ay sina Zofa, Imna, Sheles at Amal. 36 Ang mga anak na lalaki ni Zofa ay sina Shua, Harnefer, Shual, Beri, Imra, 37 Bezer, Hod, Shama, Shilsha, Itran,[bk] at Beera. 38 Ang mga anak na lalaki ni Jeter ay sina Jefune, Pispa at Ara. 39 Ang mga anak na lalaki ni Ula ay sina Ara, Haniel at Rizia. 40 Silang lahat ang lahi ni Asher na pinuno ng kanilang mga pamilya. Matatapang silang mandirigma at tanyag na mga pinuno. Ang bilang ng mga lalaki sa lahi ni Asher na handa sa paglilingkod sa militar ay 26,000 ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.

Ang Lahi ni Benjamin

Ito ang mga anak na lalaki ni Benjamin mula sa panganay hanggang sa pinakabata: Bela, Ashbel, Ahara, Noha at Rafa. Ang mga anak na lalaki ni Bela ay sina Adar, Gera, Abihud,[bl] Abishua, Naaman, Ahoa, Gera, Shefufan at Huram. Ang mga angkan ni Ehud na pinuno ng kanilang mga pamilya ay pinaalis sa Geba at lumipat sa Manahat – sila ay sina Naaman, Ahia, at Gera. Si Gera na ama nina Uza at Ahihud ang nanguna sa paglipat nila.

Hiniwalayan ni Shaharaim ang mga asawa niyang sina Hushim at Baara. Kinalaunan, tumira siya sa Moab, at nagkaanak siya sa asawa niyang si Hodes. Ang mga anak nilang lalaki ay sina Jobab, Zibia, Mesha, Malcam, 10 Jeuz, Sakia at Mirma. Naging pinuno sila ng kanilang mga pamilya. 11 May anak ding lalaki si Shaharaim sa asawa niyang si Hushim. Silaʼy sina Abitub at Elpaal. 12 Ang mga anak na lalaki ni Elpaal ay sina Eber, Misam, Shemed (na nagtatag ng mga bayan ng Ono at Lod, at ng mga baryo sa paligid nito), 13 at sina Beria at Shema. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya na nakatira sa Ayalon. Sila rin ang nagpaalis sa mga naninirahan sa Gat. 14-16 Ang mga anak na lalaki ni Beria ay sina Ahio, Shashak, Jeremot, Zebadia, Arad, Eder, Micael, Ishpa at Joha.

17-18 Ang mga anak na lalaki ni Elpaal ay sina Zebadia, Meshulam, Hizki, Heber, Ishmerai, Izlia at Jobab.

19-21 Ang mga anak na lalaki ni Shimei ay sina Jakim, Zicri, Zabdi, Elienai, Ziletai, Eliel, Adaya, Beraya at Shimrat.

22-25 Ang mga anak na lalaki ni Shashak ay sina Ispan, Eber, Eliel Abdon, Zicri, Hanan, Hanania, Elam, Antotia, Ifdeya at Penuel. 26-27 Ang mga anak na lalaki ni Jeroham ay sina Shamsherai, Sheharia, Atalia, Jaareshia, Elias at Zicri. 28 Sila ang mga pinuno ng mga pamilya nila ayon sa talaan ng kanilang mga lahi, at tumira sila sa Jerusalem.

29 Si Jeyel[bm] na ama ni Gibeon ay tumira sa Gibeon. Ang pangalan ng asawa niya ay Maaca. 30 Ang mga anak niyang lalaki mula sa panganay hanggang sa pinakabata ay sina Abdon, Zur, Kish, Baal, Ner,[bn] Nadab, 31 Gedor, Ahio, Zeker,[bo] 32 at Miklot na ama ni Shimea.[bp] Tumira sila malapit sa kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem. 33 Si Ner ang ama ni Kish, si Kish ang ama ni Saul, at si Saul ang ama ni Jonatan, Malki Shua, Abinadab at Eshbaal.[bq] 34 Ang anak ni Jonatan ay si Merib Baal[br] na ama ni Micas. 35 Ang mga anak na lalaki ni Micas ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz. 36 Si Ahaz ang ama ni Jehoada,[bs] at si Jehoada ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza, 37 at si Moza ang ama ni Binea. Ang anak ni Binea ay si Rafa,[bt] na ama ni Eleasa, na ama ni Azel. 38 Si Azel ay may anim na anak na lalaki na sina Azrikam, Bokeru, Ishmael, Shearia, Obadias at Hanan. 39 Ang mga anak na lalaki ng kapatid ni Azel na si Eshek ay sina Ulam (ang panganay), Jeush (ang ikalawa), at Elifelet (ang ikatlo). 40 Matatapang ang anak ni Ulam at mahuhusay silang pumana. Marami silang anak at apo – 150 lahat.

Silang lahat ang lahi ni Benjamin.

Nailista ang lahat ng Israelita sa talaan ng mga lahi sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel. Ang mga mamamayan ng Juda ay binihag sa Babilonia dahil hindi sila naging tapat sa Panginoon. Ang unang nakabalik sa kanilang mga bayan sa sariling lupain ay ang mga ordinaryong Israelita, mga pari, mga Levita, at mga utusan sa templo.[bu]

Ito ang mga lahi nina Juda, Benjamin, Efraim at Manase na nakabalik at tumira sa Jerusalem:

Si Utai na anak ni Amihud (si Amihud ay anak ni Omri; si Omri ay anak ni Imri; si Imri ay anak ni Bani na mula sa angkan ni Perez na anak ni Juda).

Sa mga Shilonita: si Asaya (ang panganay) at ang mga anak niya.

Sa mga Zerahita: ang pamilya ni Jeuel.

Silang lahat ay 690 mula sa lahi ni Juda.

Sa lahi ni Benjamin: si Salu na anak ni Meshulam (si Meshulam ay anak ni Hodavia; si Hodavia ay anak ni Hasenua), si Ibneya na anak ni Jeroham, si Elah na anak ni Uzi (si Uzi ay anak ni Micri), at si Meshulam na anak ni Shefatia (si Shefatia ay anak ni Reuel; si Reuel ay anak ni Ibnia).

Silang lahat ang pinuno ng kanilang mga pamilya. Mula sa lahi ni Benjamin, ang lahat ng nakabalik na lalaki ay 956 ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.

10 Sa mga pari: si Jedaya, si Jehoyarib, si Jakin, 11 si Azaria na pinakamataas na opisyal sa templo ng Dios (anak siya ni Hilkia; si Hilkia ay anak ni Meshulam; si Meshulam ay anak ni Zadok; si Zadok ay anak ni Merayot; si Merayot ay anak ni Ahitub), 12 si Adaya na anak ni Jeroham (si Jeroham ay anak ni Pashur; si Pashur ay anak ni Malkia), at si Maasai na anak ni Adiel (si Adiel ay anak ni Jazera; si Jezera ay anak ni Meshulam; si Meshulam ay anak ni Meshilemit; si Meshilemit ay anak ni Imer).

13 Ang mga pari na nakabalik ay 1,760 lahat. Mahuhusay silang pinuno ng kanilang mga pamilya. Sila ang mga pinagkatiwalaan sa paglilingkod sa templo ng Dios.

14 Sa mga Levita: si Shemaya na anak ni Hashub (si Hashub ay anak ni Azrikam; si Azrikam ay anak ni Hashabia na mula sa angkan ni Merari), 15 si Bakbakar, si Heres, si Galal, si Matania na anak ni Mica (si Mica ay anak ni Zicri; si Zicri ay anak ni Asaf), 16 si Obadias na anak ni Shemaya (si Shemaya ay anak ni Galal; si Galal ay anak ni Jedutun), at si Berekia na anak ni Asa at apo ni Elkana, na tumira sa baryo ng mga Netofatno.

17 Ang mga guwardya ng pintuan: sina Shalum, Akub, Talmon, Ahiman, at ang kanilang mga kamag-anak.

Si Shalum ang pinuno nila.

18 Hanggang ngayon, sila pa rin ang guwardya ng Pintuan ng Hari sa bandang silangan ng lungsod. Sila noon ang mga guwardya ng pintuang papasok sa kampo ng mga Levita.

19 Si Shalum ay anak ni Kore at apo ni Ebiasaf,[bv] na mula sa pamilya ni Kora. Si Shalum at ang kanyang mga kamag-anak na mula sa angkan ni Kora ang pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng pintuan ng Tolda katulad ng kanilang mga ninuno na pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng pintuan ng bahay[bw] ng Panginoon.

20 Si Finehas na anak ni Eleazar ang namamahala noon sa mga guwardya ng pintuan, at sinamahan siya ng Panginoon.

21 Si Zacarias na anak ni Meshelemia ay guwardya rin ng pintuan ng Toldang Tipanan.

22 Ang mga guwardya ng pintuan ay 212 lahat, at itinala sila ayon sa talaan ng mga angkan nila sa kanilang bayan. Ang nagbigay ng tungkulin sa kanilang mga ninuno bilang mga guwardya ng pintuan (dahil maaasahan sila) ay sina David at Propeta Samuel. 23 Sila at ang kanilang mga angkan ang pinagkakatiwalaang magbantay sa mga pintuan ng bahay ng Panginoon – na tinatawag ding Tolda. 24 Nagbabantay sila sa apat na sulok: sa silangan, kanluran, hilaga at timog. 25 Kung minsan ang mga kamag-anak nilang nakatira sa mga bayan ang pumapalit sa kanila na magbantay sa loob ng pitong araw. 26 Pero ang apat na pinuno ng mga guwardya ng pintuan, na mula sa mga Levita, ang siyang responsable sa mga kwarto at mga bodega ng templo. 27 Nagpupuyat sila sa pagbabantay sa paligid ng templo dahil kailangan nila itong bantayan at sila ang tagabukas ng pinto tuwing umaga.

28 Ang iba sa kanilaʼy pinagkatiwalaan sa pag-aasikaso ng mga gamit sa pagsamba. Binibilang nila ito bago at pagkatapos gamitin. 29 Ang ibaʼy pinagkatiwalaan sa pag-aasikaso ng iba pang mga gamit sa templo gaya ng harina, katas ng ubas, langis, insenso at mga pampalasa. 30 Ngunit katungkulan ng mga pari ang pagtitimpla ng mga pampalasa. 31 Si Matitia na Levita, at panganay na anak ni Shalum na mula sa angkan ni Kora, ang pinagkatiwalaan sa pagluluto ng tinapay para ihandog. 32 Ang ibang angkan ni Kohat ang pinagkatiwalaan sa paghahanda at paglalagay ng mga tinapay sa mesa tuwing Araw ng Pamamahinga. 33 Ang mga musikero sa templo na mga pinuno rin ng mga pamilyang Levita ay doon na rin tumira sa mga silid sa templo. At wala na silang iba pang gawain, dahil ginagawa nila ito araw at gabi. 34 Silang lahat ang pinuno ng mga pamilyang Levita, nailista sila sa talaan ng kanilang lahi. Tumira sila sa Jerusalem.

Ang Angkan ni Saul(F)

35 Si Jeyel na ama ni Gibeon ay tumira sa Gibeon. Ang pangalan ng asawa niya ay Maaca. 36 Ang mga anak niyang lalaki mula sa panganay hanggang sa pinakabata ay sina Abdon, Zur, Kish, Baal, Ner, Nadab, 37 Gedor, Ahio, Zacarias at Miklot 38 (na ama ni Shimeam). Tumira sila malapit sa mga kamag-anak nila sa Jerusalem. 39 Si Ner ang ama ni Kish, si Kish ang ama ni Saul, at si Saul ang ama nina Jonatan, Malki Shua, Abinadab at Eshbaal. 40 Ang anak ni Jonatan ay si Merib Baal[bx] na ama ni Micas. 41 Ang mga anak na lalaki ni Micas ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz.[by] 42 Si Ahaz ang ama ni Jada,[bz] at si Jada ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza, 43 at si Moza ang ama ni Binea. Ang anak ni Binea ay si Refaya, ang anak ni Refaya ay si Eleasa, at ang anak ni Eleasa ay si Azel. 44 Si Azel ay may anim na anak na sina: Azrikam, Bokeru, Ishmael, Shearia, Obadias at Hanan.

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®