2 Mga Hari 1:6
Print
At sinabi nila sa kaniya, May umahong isang lalake na sinalubong kami, at sinabi sa amin, Kayo'y magsiyaon, magsibalik kayo sa hari na nagsugo sa inyo, at sabihin ninyo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Dahil ba sa walang Dios sa Israel na kaya ikaw ay nagsusugo upang magusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron? Kaya't hindi ka bababa sa higaan na iyong sinampahan, kundi walang pagsalang ikaw ay mamamatay.
At sinabi nila sa kanya, “May dumating na isang lalaki at sinalubong kami, at sinabi sa amin, ‘Kayo'y bumalik sa haring nagsugo sa inyo, at sabihin ninyo sa kanya, Ganito ang sabi ng Panginoon, “Dahil ba sa walang Diyos sa Israel kaya't ikaw ay nagsusugo upang sumangguni kay Baal-zebub na diyos ng Ekron?” Kaya't hindi ka aalis sa higaan na iyong pinanggalingan, kundi tiyak na ikaw ay mamamatay.’”
At sinabi nila sa kaniya, May umahong isang lalake na sinalubong kami, at sinabi sa amin, Kayo'y magsiyaon, magsibalik kayo sa hari na nagsugo sa inyo, at sabihin ninyo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Dahil ba sa walang Dios sa Israel na kaya ikaw ay nagsusugo upang magusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron? Kaya't hindi ka bababa sa higaan na iyong sinampahan, kundi walang pagsalang ikaw ay mamamatay.
Sumagot sila, “Sinalubong po kami ng isang tao at sinabi niya, ‘Bumalik kayo sa hari at sabihin ninyo ang sinabi ng Panginoon: Bakit nagpadala ka ng mga tao para magtanong kay Baal Zebub, ang dios ng Ekron? Wala na bang Dios sa Israel? Dahil sa ginawa mo, hindi ka na makakabangon sa higaan mo. Tiyak na mamamatay ka!’ ”
Sinabi nila, “May nasalubong po kaming tao. Pinabalik niya kami at ipinapatanong sa inyo kung wala nang Diyos ang Israel kaya kay Baalzebub na diyos ng Ekron na kayo sasangguni? Hindi na raw kayo gagaling. Mamamatay na raw kayo sa sakit ninyong iyan.”

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978; Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001; Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905) Public Domain; Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®; Magandang Balita Biblia (MBBTAG) Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.; Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC) by