Oseas 10:11
Print
At ang Ephraim ay isang dumalagang baka na tinuturuan, na maibigin sa pagiik ng trigo; nguni't aking pinararaan ang pamatok sa kaniyang magandang leeg: ako'y maglalagay ng isang mananakay sa Ephraim; magaararo ang Juda, dudurugin ng Jacob ang kaniyang mga bugal.
Ang Efraim ay isang turuan na dumalagang baka, na mahilig gumiik, at aking iniligtas ang kanyang magandang leeg; ngunit ilalagay ko ang Efraim sa pamatok, ang Juda ay dapat mag-araro, dapat hilahin ng Jacob ang kanyang pansuyod.
At ang Ephraim ay isang dumalagang baka na tinuturuan, na maibigin sa pagiik ng trigo; nguni't aking pinararaan ang pamatok sa kaniyang magandang leeg: ako'y maglalagay ng isang mananakay sa Ephraim; magaararo ang Juda, dudurugin ng Jacob ang kaniyang mga bugal.
Noon, para kayong dumalagang baka na sinanay na gumiik at gustong-gusto ang gawaing ito. Pero ngayon, pahihirapan ko kayong mga taga-Israel at pati ang mga taga-Juda. Magiging tulad kayo ng dumalagang baka na sisingkawan ang makinis niyang leeg at pahihirapan sa paghila ng pang-araro.
“Ang Efraim ay parang dumalagang baka na sanay at mahilig sa gawang paggiik, ngunit ngayo'y isisingkaw ko na siya; ang Juda ang dapat humila ng araro; at ang Israel naman ang hihila ng suyod.
“Ang Efraim ay parang dumalagang baka na sanay at mahilig sa gawang paggiik, ngunit ngayo'y isisingkaw ko na siya; ang Juda ang dapat humila ng araro; at ang Israel naman ang hihila ng suyod.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978; Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001; Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905) Public Domain; Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®; Magandang Balita Biblia (MBBTAG) Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.; Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC) by