At siya'y susunod sa mga mangingibig sa kaniya, nguni't hindi niya sila aabutan; at hahanapin niya sila, nguni't hindi niya sila masusumpungan; kung magkagayo'y sasabihin niya, Ako'y yayaon at babalik sa aking unang asawa; sapagka't naging mabuti sa akin kay sa ngayon.
Hahabulin niya ang kanyang mga mangingibig ngunit sila'y hindi niya aabutan; at sila'y hahanapin niya, ngunit sila'y hindi niya matatagpuan. Kung magkagayo'y sasabihin niya, “Ako'y hahayo at babalik sa aking unang asawa; sapagkat mas mabuti ang kalagayan ko noon kaysa ngayon.
At siya'y susunod sa mga mangingibig sa kaniya, nguni't hindi niya sila aabutan; at hahanapin niya sila, nguni't hindi niya sila masusumpungan; kung magkagayo'y sasabihin niya, Ako'y yayaon at babalik sa aking unang asawa; sapagka't naging mabuti sa akin kay sa ngayon.
Habulin man niya ang kanyang mga lalaki, hindi niya maaabutan. Hahanapin niya sila pero hindi rin niya makikita. Pagkatapos, sasabihin niya, ‘Babalik na lang ako sa asawa ko dahil higit na mabuti ang kalagayan ko noon sa piling niya kaysa sa ngayon.’
Hahabulin niya ang kanyang mga mangingibig, ngunit sila'y hindi niya maaabutan. Sila'y kanyang hahanapin, ngunit hindi niya matatagpuan. Kung magkagayon, sasabihin niya, “Babalik ako sa aking unang asawa, sapagkat higit na mabuti ang buhay ko sa piling niya noon kaysa kalagayan ko ngayon.”