Font Size
Isaias 41:22
Ilabas nila, at ipahayag sa amin kung anong mangyayari: ipahayag ninyo ang mga dating bagay, maging anoman ang mga yaon, upang aming mabatid at maalaman ang huling wakas nila: o pagpakitaan ninyo kami ng mga bagay na darating.
Hayaang dalhin nila, at ipahayag sa amin kung anong mangyayari. Sabihin sa amin ang mga dating bagay, kung ano ang mga iyon, upang aming malaman ang kalalabasan nila; o ipahayag ninyo sa amin ang mga bagay na darating.
Ilabas nila, at ipahayag sa amin kung anong mangyayari: ipahayag ninyo ang mga dating bagay, maging anoman ang mga yaon, upang aming mabatid at maalaman ang huling wakas nila: o pagpakitaan ninyo kami ng mga bagay na darating.
Lumapit kayo at sabihin sa amin kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Sabihin ninyo sa amin ang mga sinabi nʼyo noon na mangyayari para malaman namin kung nangyari nga ito. Sabihin ninyo sa amin kung ano ang mangyayari sa hinaharap para malaman namin na kayo ngaʼy mga dios. Gumawa kayo ng mabuti o ng masama para kami ay magtaka at matakot sa inyo.
Lumapit kayo at inyong hulaan ang mga mangyayari sa kinabukasan. Ipaliwanag ninyo sa harap ng hukuman, upang pagtuunan ng aming isipan, ang mga pangyayari sa kahapong nagdaan.
Lumapit kayo at inyong hulaan ang mga mangyayari sa kinabukasan. Ipaliwanag ninyo sa harap ng hukuman, upang pagtuunan ng aming isipan, ang mga pangyayari sa kahapong nagdaan.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978; Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001; Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905) Public Domain; Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®; Magandang Balita Biblia (MBBTAG) Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.; Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC) by