Nguni't ang Panginoon ay sumasaakin na parang makapangyarihan at kakilakilabot: kaya't ang mga manguusig sa akin ay mangatitisod, at sila'y hindi mangananaig; sila'y lubhang mangapapahiya, sapagka't sila'y hindi nagsisigawang may karunungan, ng walang hanggang kapintasan na hindi malilimutan.
Ngunit ang Panginoon ay kasama ko na gaya ng isang kinatatakutang mandirigma; kaya't ang mga umuusig sa akin ay matitisod, hindi nila ako madadaig. Sila'y lubhang mapapahiya, sapagkat sila'y hindi magtatagumpay. Ang kanilang walang hanggang kahihiyan ay hindi malilimutan.
Nguni't ang Panginoon ay sumasaakin na parang makapangyarihan at kakilakilabot: kaya't ang mga manguusig sa akin ay mangatitisod, at sila'y hindi mangananaig; sila'y lubhang mangapapahiya, sapagka't sila'y hindi nagsisigawang may karunungan, ng walang hanggang kapintasan na hindi malilimutan.
Pero kasama ko po kayo, Panginoon. Para kayong sundalo na matapang at makapangyarihan, kaya hindi magtatagumpay ang mga umuusig sa akin. Mapapahamak sila at mapapahiya, at kahit kailan, hindi makakalimutan ang kahihiyan nila.
Subalit ikaw, Yahweh, ay nasa panig ko, tulad sa malakas at makapangyarihang mandirigma; mabibigo ang lahat ng umuusig sa akin, mapapahiya sila at hindi magtatagumpay kailanman. Hindi na makakalimutan ang kanilang kahihiyan habang panahon.