Sa Punong Mang-aawit: ayon sa mga Liryo. Patotoo ni Asaf. Isang Awit. O Pastol ng Israel, iyong pakinggan, ikaw na pumapatnubay kay Jose na parang kawan; ikaw na nakaluklok sa trono sa ibabaw ng mga kerubin, ikaw ay magliwanag
O Pastol ng Israel, pakinggan nʼyo kami. Kayo na nangunguna at pumapatnubay sa angkan ni Jose na parang mga tupa. Kayo na nakaupo sa inyong trono sa gitna ng mga kerubin, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan,
Awit na katha ni Asaf upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa tono ng “Liryo ng Kasunduan”. Pastol ng Israel, ikaw na nanguna't umakay kay Jose, na tulad sa kawan, ikiling sa amin ang iyong pandinig, kami ay pakinggan; mula sa trono mong may mga kerubin, kami ay tulungan.