Ginawa niya ang mga haligi niyaon na pilak, Ang pinakailalim niyaon ay ginto, at ang upuan ay kulay ube, Ang gitna niyaon ay nalalatagan ng pagsinta, Na mula sa mga anak na babae ng Jerusalem.
Ginawa niyang pilak ang mga haligi niyon, ang likod niyon ay ginto, at ang upuan ay kulay ube; ang loob niyon ay hinabi ng may pag-ibig ng mga anak na babae ng Jerusalem.
Ginawa niya ang mga haligi niyaon na pilak, ang pinakailalim niyaon ay ginto, at ang upuan ay kulay ube, ang gitna niyaon ay nalalatagan ng pagsinta, na mula sa mga anak na babae ng Jerusalem.
Nababalot sa pilak ang haligi nito at palamuting ginto ang tumatakip dito. Ang kutson ng upuan ay binalot sa telang kulay ube at mga babaeng taga-Jerusalem ang nagpaganda ng loob ng karwahe.
Ang lahat ng tukod nito'y nababalutan ng pilak, ang habong naman nito'y may palamuting gintong payak, iyon namang mga kutson, kulay ube ang nakabalot; mga dalaga sa Jerusalem ang humabi at naggayak.
Ang lahat ng tukod nito'y nababalutan ng pilak, ang habong naman nito'y may palamuting gintong payak, iyon namang mga kutson, kulay ube ang nakabalot; mga dalaga sa Jerusalem ang humabi at naggayak.