Bible in 90 Days
Ang Caldea ay itinaas upang parusahan ang Juda.
1 (A)Ang hula na nakita ni Habacuc na propeta.
2 Oh Panginoon, hanggang kailan dadaing ako, at hindi mo didinggin? Ako'y dadaing sa iyo dahil sa pangdadahas, at hindi ka magliligtas.
3 Bakit pinagpapakitaan mo ako ng kasamaan, at iyong pinamamasdan ang kasamaan? sapagka't ang kasiraan at pangdadahas ay nasa harap ko; at may pakikipagalit, at pagtatalong bumabangon.
4 Kaya't ang kautusan ay natitigil, at ang katarungan ay hindi lumalabas kailan man; sapagka't (B)kinukulong ng masama ang matuwid; kaya't ang kahatulan ay lumalabas na liko.
5 Mangagmasid kayo (C)sa gitna ng mga bansa, at tumingin kayo at mamangha kayo ng kagilagilalas; sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga kaarawan na hindi ninyo paniniwalaan bagaman saysayin sa inyo.
6 Sapagka't narito, aking itinitindig ang mga Caldeo, yaong makapangingilabot at marahas na bansa, na lumalakad sa kaluwangan ng lupa, upang magari ng mga tahanang dako na hindi kanila.
7 Sila'y kakilakilabot at nangakatatakot; ang kanilang kahatulan at ang kanilang karangalan ay mula sa kanilang sarili.
8 Ang kanilang mga kabayo naman ay matutulin kay sa mga leopardo, at mababangis kay sa lobo sa gabi; at ang kanilang mga mangangabayo ay nagtutumulin na may kapalaluan: oo, ang kanilang mga mangangabayo ay nanganggagaling sa malayo; sila'y nagsisilipad na parang aguila na nagmamadali upang manakmal.
9 Sila'y nagsisiparitong lahat sa pangdadahas; ang kanilang mga mukha ay nangakatitig sa silanganan; at sila'y nangagpipisan ng mga bihag na parang buhangin.
10 Oo, siya'y nanunuya sa mga hari, at ang mga prinsipe ay katuyaan sa kaniya; kaniyang kinukutya ang bawa't katibayan; sapagka't nagbubunton siya ng alabok, at sinasakop.
11 Kung magkagayo'y lalampas siya na parang hangin, at magdaraan, at magiging salarin, sa makatuwid baga'y (D)siya na ang kapangyarihan ay ang kaniyang dios.
Ang pakikipagsagutan ni Habacuc.
12 (E)Di baga ikaw ay mula sa walang hanggan, Oh Panginoon kong Dios, aking Banal? (F)kami ay hindi mangamamatay. Oh Panginoon, iyong itinakda siya (G)ukol sa kahatulan; at ikaw, Oh Malaking Bato, ay iyong itinatag siya na pinakasaway.
13 Ikaw na may mga matang malinis kay sa tumingin ng kasuwailan, at hindi ka makatitingin sa kasamaan, bakit mo minamasdan ang nagsisigawa ng paglililo, at tumatahimik ka pagka sinasakmal ng masama ang tao na lalong matuwid kay sa kaniya;
14 At kaniyang ginagawa ang mga tao na parang mga isda sa dagat, parang nagsisigapang na walang nagpupuno sa kanila?
15 Kaniyang binubuhat ng (H)bingwit silang lahat, kaniyang hinuhuli sila sa kaniyang dala, at kaniyang pinipisan sila sa kaniyang lambat: kaya't siya'y nagagalak at siya'y masaya.
16 (I)Kaya't siya'y naghahain sa kaniyang lambat, at nagsusunog ng kamangyan sa kaniyang lambat; sapagka't sa pamamagitan ng mga yao'y ang kaniyang bahagi ay mataba, at ang kaniyang pagkain ay sagana.
17 Mawawalan nga baga ng laman ang kaniyang lambat, at hindi mahahabag na pumatay na palagi sa mga bansa.
Ang kaabaaba ay sinalita sa Caldea.
2 Ako'y tatayo sa (J)aking bantayan, at lalagay ako sa moog, at tatanaw upang maalaman ko kung ano ang kaniyang sasalitain sa akin, at kung ano ang aking isasagot tungkol sa aking daing.
2 At ang Panginoon ay sumagot sa akin, at nagsabi, (K)Isulat mo ang pangitain, at (L)iukit mo na malinaw sa mga tapyas na bato upang makatakbo ang bumabasa niyaon.
3 Sapagka't ang (M)pangitain ay sa panahong takda pa, at nagmamadali sa pagkatapos, at hindi magbubulaan: bagaman nagluluwat ay hintayin mo; sapagka't walang pagsalang (N)darating, hindi magtatagal.
4 Narito, ang kaniyang kaluluwa ay nagpapalalo, hindi tapat sa kaniya; nguni't (O)ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya.
5 Oo, (P)bukod dito'y ang alak ay magdaraya, isang taong hambog, at hindi natitira sa bahay; na lumaki ang kaniyang nasa na parang Sheol, at siya'y parang kamatayan, at hindi masisiyahan, kundi pinipisan sa kaniya ang lahat na bansa, at ibinubunton sa kaniya ang lahat na bayan.
6 Hindi baga ang lahat ng ito ay magbabadya ng talinhaga laban sa kaniya, at ng nakagagalit na kawikaan laban sa kaniya, at mangagsasabi, Sa aba niya na nagpaparami ng di kaniya! hanggang kailan? at nagpapasan siya sa kaniyang sarili ng mga sangla!
7 Hindi baga sila mangagtitindig, na bigla na kakagat sa iyo, at magsisigising na babagabag sa iyo, at ikaw ay magiging samsam sa kanila?
8 Dahil sa iyong sinamsaman ang (Q)maraming bansa, lahat ng nalabi sa mga tao ay magsisisamsam sa iyo, (R)dahil sa dugo ng mga tao, at dahil sa karahasang ginawa sa lupain, sa bayan at sa lahat ng nagsisitahan doon.
9 Sa aba niya na (S)nagiimpok ng masamang pakinabang para sa kaniyang sangbahayan, upang kaniyang mailagay ang pugad niya sa itaas, upang siya'y maligtas sa kamay ng kasamaan!
10 Ikaw ay naghaka ng ikahihiya ng iyong sangbahayan, sa paghihiwalay ng maraming tao, at ikaw ay nagkasala laban sa iyong sarili.
11 Sapagka't ang bato ay dadaing mula sa pader, at ang tahilan mula sa mga kahoy ay sasagot.
12 Sa aba niya na nagtatayo ng bayan (T)sa pamamagitan ng dugo, at nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan!
13 Narito, hindi baga dahil sa Panginoon ng mga hukbo na (U)ang mga tao ay nagsisigawa para sa apoy, at ang mga bansa ay nangagpapakapagod sa walang kabuluhan?
14 Sapagka't ang lupa ay mapupuno ng (V)kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon, gaya ng pagtakip ng tubig sa dagat.
15 Sa aba niya na nagpapainom ng alak sa kaniyang kapuwa, na idinadagdag mo ang iyong kamandag, at nilalasing mo rin naman siya, upang iyong mamasdan ang kaniyang kahubaran!
16 Ikaw ay puno ng kahihiyan, at hindi ng kaluwalhatian: uminom ka naman, at maging gaya ng isang hindi tuli; ang saro ng kanan ng Panginoon ay mababalik sa iyo, at kasuklamsuklam na kahihiyan ang mahahalili sa iyong kaluwalhatian.
17 Sapagka't ang pangdadahas na ginawa sa (W)Libano ay tatakip sa iyo, at ang panggigiba sa mga hayop na nakatakot sa kanila; dahil sa dugo ng mga tao, at dahil sa pangdadahas na ginawa sa lupain, sa bayan, at sa lahat na nagsisitahan doon.
18 (X)Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao'y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan?
19 Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka! Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon.
20 Nguni't ang Panginoo'y (Y)nasa kaniyang banal na (Z)templo: tumahimik ang buong lupa sa harap niya.
Ang pagliligtas ng Panginoon sa kaniyang bayan.
3 Panalangin ni Habacuc na propeta, itinugma sa Sigionoth.
2 Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot:
Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon;
Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid;
Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan.
3 Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema,
At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran. (Selah)
Ang kaniyang kaluwalhatia'y tumakip sa langit.
At ang lupa'y napuno ng kaniyang kapurihan.
4 At ang kaniyang ningning ay parang liwanag;
Siya'y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay;
At (AA)doo'y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan.
5 Sa unahan niya'y nagpapauna ang salot,
At nagniningas na baga ang lumalabas sa kaniyang mga paa.
6 Siya'y tumayo, at sinukat ang lupa;
Siya'y tumingin, at pinaghiwalay ang mga bansa;
(AB)At ang mga walang hanggang bundok ay nangalat;
(AC)Ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod;
Ang kaniyang mga lakad ay gaya noong araw.
7 Nakita ko ang mga tolda sa Cushan sa pagdadalamhati;
Ang mga tabing ng lupain ng Madian ay nanginig.
8 Kinasasamaan baga ng loob ng Panginoon ang mga ilog?
Ang iyo bagang galit ay laban sa mga ilog,
O ang iyo bagang poot ay laban sa dagat,
(AD)Na ikaw ay sumakay sa iyong mga kabayo,
Sa iyong mga karo ng kaligasan?
9 Ang iyong busog ay nahubarang lubos;
Ang mga panunumpa sa mga lipi ay tunay na salita. (Selah)
Iyong pinuwangan ng mga ilog ang lupa.
10 Ang mga bundok ay nangakakita sa iyo, at (AE)nangatakot;
Ang unos ng tubig ay dumaan:
Inilakas ng kalaliman ang kaniyang tinig,
At itinaas ang kaniyang mga kamay sa itaas.
11 Ang araw at buwan ay (AF)tumigil sa kanilang tahanan,
Sa liwanag ng iyong mga pana habang sila'y nagsisiyaon,
Sa kislap ng iyong makinang na sibat.
12 Ikaw ay lumakad sa mga lupain sa pagkagalit;
Iyong giniik ang mga bansa sa galit.
13 Ikaw ay lumabas sa ikaliligtas ng iyong bayan,
Sa ikaliligtas ng iyong pinahiran ng langis;
(AG)Iyong sinugatan ang pangulo ng bahay ng masama,
(AH)Na inililitaw ang patibayan hanggang sa leeg. (Selah)
14 Iyong mga pinalagpasan ng kaniyang sariling mga sibat ang ulo ng kaniyang mga mangdidigma:
Sila'y nagsiparitong parang ipoipo upang pangalatin ako;
Ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha.
15 Ikaw ay nagdaan sa dagat sa iyong mga kabayo.
Sa bunton ng makapangyarihang tubig.
Ang propeta ay nagtitiwala sa Panginoon.
16 Aking narinig, at ang aking katawan ay (AI)nanginginig,
Ang aking mga labi ay nangatal sa tinig;
kabuluka'y pumapasok sa aking mga buto, at ako'y nanginginig sa aking dako;
Sapagka't ako'y kailangang magtiis sa kaarawan ng kabagabagan,
Sa pagsampa ng bayan na lumulusob sa atin.
17 Sapagka't bagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak,
Ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas;
Ang bunga ng olibo ay maglilikat.
At ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain;
Ang kawan ay mahihiwalay sa kulungan,
At hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan:
18 Gayon ma'y magagalak (AJ)ako sa Panginoon,
Ako'y magagalak sa Dios ng aking kaligtasan.
19 Si Jehova, na Panginoon, siyang aking lakas;
At ginagawa niya ang aking mga paa na (AK)gaya ng sa mga usa.
At ako'y palalakarin niya (AL)sa aking mga mataas na dako.
Sa Pangulong Manunugtog, sa aking mga panugtog na kawad.
Ang araw ng kagalitan ng Panginoon ay darating sa Juda.
1 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Zefanias na anak ni Cushi, na anak ni Gedalias, na anak ni Amarias, na anak ni Ezechias, nang mga kaarawan ni Josias na anak ni Amon, na hari sa Juda.
2 Aking lubos na lilipulin ang lahat na bagay sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.
3 Aking lilipulin ang tao (AM)at ang hayop; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at (AN)ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.
4 At aking iuunat ang aking kamay sa Juda, at sa lahat na nananahan sa Jerusalem; at (AO)aking ihihiwalay ang nalabi kay Baal sa dakong ito, at ang pangalan ng mga (AP)Chemarim sangpu ng mga saserdote;
5 At ang nagsisisamba sa natatanaw sa langit sa mga bubungan ng bahay; at ang nagsisisamba na (AQ)nanunumpa sa Panginoon at (AR)nanunumpa sa pangalan ni Malcam;
6 At ang nagsisitalikod na mula sa pagsunod sa Panginoon; at yaong mga hindi nagsisihanap sa Panginoon, ni sumangguni man sa kaniya.
7 Pumayapa ka sa harap ng Panginoong Dios; (AS)sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na: sapagka't inihanda ng (AT)Panginoon ang isang hain, kaniyang itinalaga ang kaniyang mga panauhin.
8 At mangyayari sa kaarawan ng hain sa Panginoon, na aking parurusahan ang mga prinsipe, at ang mga anak ng hari, at ang lahat na nangagsusuot ng pananamit ng taga ibang lupa.
9 At sa araw na yaon ay aking parurusahan yaong lahat (AU)na nagsisilukso sa pasukan, na pinupuno ang bahay ng kanilang panginoon ng pangdadahas at pagdaraya.
10 At sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, magkakaroon ng ingay ng hiyawan na (AV)mula sa pintuang-bayan ng mga isda, at ng pananambitan mula sa (AW)ikalawang bahagi, at malaking hugong na mula sa mga burol.
11 Manambitan kayo, kayong mga nananahan sa Mactes; sapagka't ang buong bayan ng Canaan ay nalansag; yaong napapasanan ng pilak ay nangahiwalay.
12 At mangyayari sa panahong yaon, na ang Jerusalem ay sisiyasatin kong may mga ilawan; at aking parurusahan ang mga tao na (AX)nagsisiupo sa kanilang mga latak, na (AY)nangagsasabi sa kanilang puso, Ang Panginoo'y hindi gagawa ng mabuti, ni gagawa man siya ng masama.
13 At ang kanilang kayamanan ay magiging samsam, at ang kanilang mga bahay ay kasiraan: oo, sila'y mangagtatayo ng mga bahay, nguni't (AZ)hindi nila titirahan; at sila'y mag-uubasan, nguni't hindi sila magsisiinom ng alak niyaon.
14 Ang dakilang kaarawan ng Panginoon (BA)ay malapit na, (BB)malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay (BC)sumisigaw roon ng kalagimlagim.
15 Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,
16 Kaarawan (BD)ng pakakak at ng hudyatan, laban sa mga bayang nakukutaan, at laban sa mataas na kuta.
17 At aking dadalhan ng kahapisan ang mga tao, na sila'y magsisilakad na (BE)parang mga bulag, sapagka't sila'y nangagkasala laban sa Panginoon; at (BF)ang kanilang dugo ay mabububo na parang alabok, at ang kanilang katawan ay parang dumi.
18 Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain (BG)ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka't (BH)wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain.
Ang bayan ay pinagsabihan na hanapin ang Panginoon.
2 Kayo'y magpipisan, oo, magpipisan, Oh (BI)bansang walang kahihiyan;
2 (BJ)Bago ang pasiya'y lumabas, bago dumaang parang dayami ang kaarawan, bago dumating sa inyo ang mabangis na galit ng Panginoon, bago dumating sa inyo ang kaarawan ng galit ng Panginoon.
3 Hanapin ninyo (BK)ang Panginoon, ninyong (BL)lahat na maamo sa lupa, na nagsigawa ng ayon sa kaniyang kahatulan; hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan: (BM)kaypala ay malilingid kayo sa kaarawan ng galit ng Panginoon.
4 Sapagka't ang (BN)Gaza ay pababayaan, at ang Ascalon ay sa kasiraan; kanilang palalayasin ang Asdod sa katanghaliang tapat, at ang Ecron ay mabubunot.
5 Sa aba ng mga nananahanan sa baybayin ng (BO)dagat, (BP)bansa ng mga Chereteo! Ang salita ng Panginoon ay laban sa iyo, Oh Canaan, na lupain ng mga Filisteo; aking gigibain ka, upang mawalan ng mga mananahan.
6 At ang baybayin ng dagat ay magiging pastulan, na may mga dampa para sa mga pastor, at mga kulungan para sa mga kawan.
7 (BQ)At ang baybayin ay mapapasa nalabi sa sangbahayan ni Juda; sila'y mangagpapastol ng kanilang mga kawan doon; sa mga bahay sa Ascalon ay mangahihiga sila sa gabi; sapagka't (BR)dadalawin sila ng Panginoon nilang Dios, at (BS)ibabalik sila na mula sa kanilang pagkabihag.
8 Aking narinig (BT)ang panunungayaw ng Moab, at ang pagapi ng mga anak ni Ammon, na kanilang ipinanungayaw sa aking bayan, at (BU)nagmalaki sila ng kanilang sarili laban sa kanilang hangganan.
9 Buhay nga ako, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Walang pagsalang ang Moab ay magiging parang Sodoma, at ang mga anak ni Ammon ay parang Gomorra, (BV)pagaari na mga dawag, at lubak na asin, at isang pagkasira sa tanang panahon: sila'y sasamsamin ng nalabi sa aking bayan, at sila'y mamanahin ng (BW)nalabi sa aking bansa.
10 Ito ang kanilang mapapala dahil (BX)sa kanilang pagpapalalo, sapagka't sila'y nanungayaw at nagmalaki ng kanilang sarili laban sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo.
11 Ang Panginoo'y magiging kakilakilabot sa kanila; sapagka't (BY)kaniyang gugutumin ang lahat ng dios sa lupa; (BZ)at sasambahin siya ng mga tao; ng bawa't isa mula sa kanikaniyang dako, ng lahat na pulo ng mga bansa.
12 Kayong mga (CA)taga Etiopia naman, kayo'y papatayin sa pamamagitan ng aking tabak.
13 At kaniyang iuunat ang kaniyang kamay laban sa hilagaan, at (CB)gigibain ang Asiria, at ang (CC)Nineve ay sisirain, at tutuyuing gaya ng ilang.
14 At mga bakaha'y (CD)hihiga sa gitna niyaon, lahat ng hayop ng mga bansa: ang pelikano at gayon din ang erizo ay tatahan sa mga kapitel niyaon; kanilang tinig ay huhuni sa mga dungawan; kasiraa'y sasapit sa mga pasukan; sapagka't kaniyang sinira (CE)ang mga yaring kahoy na cedro.
15 Ito ang masayang bayan na tumahang walang bahala, na nagsasabi sa sarili, (CF)Ako nga, at walang iba liban sa akin: ano't siya'y naging sira, naging dakong higaan para sa mga hayop! (CG)lahat na daraan sa kaniya ay magsisisutsot, at ikukumpas ang kaniyang kamay.
Sa aba ng Jerusalem at ng mga bansa.
3 Sa aba niya na mapanghimagsik at nadumhan! ng (CH)mapagpighating kamay!
2 Siya'y hindi sumunod sa tinig; siya'y hindi napasaway; siya'y hindi tumiwala sa Panginoon; siya'y hindi lumapit sa kaniyang Dios.
3 Ang mga prinsipe niya (CI)sa gitna niya ay mga leong nagsisiungal; ang mga hukom niya ay mga (CJ)lobo sa gabi; sila'y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan.
4 Ang kaniyang mga propeta ay mga (CK)walang kabuluhan at mga taong taksil; nilapastangan ng kaniyang mga saserdote ang santuario, (CL)sila'y nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan.
5 Ang Panginoon sa gitna niya ay matuwid; siya'y hindi gagawa ng kasamaan; tuwing umaga'y kaniyang ipinaliliwanag ang kaniyang matuwid na kahatulan, siya'y hindi nagkukulang; nguni't ang hindi ganap ay hindi nakakaalam ng kahihiyan.
6 Ako'y naghiwalay ng mga bansa; ang kanilang mga kuta ay sira; aking iniwasak ang kanilang mga lansangan, na anopa't walang makaraan; ang kanilang mga bayan ay giba, na anopa't walang tao, na anopa't walang tumatahan.
7 Aking sinabi, Matakot ka lamang sa akin; tumanggap ng pagsaway; (CM)sa gayo'y ang kaniyang tahanan ay hindi mahihiwalay, ayon sa lahat na aking itinakda sa kaniya: nguni't sila'y (CN)bumangong maaga, at kanilang sinira ang lahat nilang gawa.
8 Kaya't (CO)hintayin ninyo ako, sabi ng Panginoon, hanggang sa kaarawan na ako'y bumangon sa panghuhuli; sapagka't ang aking pasiya ay (CP)pisanin ang mga bansa, upang aking mapisan ang mga kaharian, upang maibuhos ko sa kanila ang aking kagalitan, sa makatuwid baga'y ang aking buong mabangis na galit; sapagka't ang buong lupa ay sasakmalin, (CQ)ng silakbo ng aking paninibugho.
9 Sapagka't akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na paglingkuran siya na may pagkakaisa.
10 Mula sa dako roon ng mga ilog ng Etiopia, ang mga nagsisipamanhik sa akin, sa makatuwid baga'y ang anak na babae ng (CR)aking pinapangalat, ay magdadala ng handog (CS)sa akin.
11 Sa araw na yao'y (CT)hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka't kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at (CU)hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok.
12 Nguni't aking iiwan sa gitna mo ang isang (CV)nagdadalamhati at maralitang bayan, at sila'y magsisitiwala sa pangalan ng Panginoon.
13 Ang nalabi (CW)sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan, (CX)ni magsasalita man ng mga kabulaanan; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig; sapagka't sila'y magsisikain at magsisihiga, (CY)at walang takot sa kanila.
Ang muling pagkatayo at katatagan ng Israel.
14 Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem.
15 Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo, kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway: ang hari sa Israel, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ay nasa gitna mo; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan.
16 Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, (CZ)huwag manghina ang iyong mga kamay.
17 Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya'y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya'y magagalak sa iyo na may pagawit.
18 Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan, na sila'y mga naging iyo; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan.
19 Narito, (DA)sa panahong yao'y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo: at (DB)aking ililigtas ang napipilay, at aking pipisanin ang pinalayas; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan, na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa.
20 Sa panahong yao'y (DC)aking ipapasok kayo, at sa panahong yao'y aking pipisanin kayo; sapagka't aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa, (DD)pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon.
Sinusugan ni Hagai ang bayan na itayo ang templo.
1 Nang ikalawang (DE)taon ni Dario na hari, nang ikaanim na buwan, nang unang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta kay Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay (DF)Josue na anak ni Josadac na (DG)dakilang saserdote, na nagsasabi,
2 Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, ang bayang ito'y nagsasabi, Hindi pa dumarating ang panahon, ang panahon ng pagtatayo ng bahay sa Panginoon.
3 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan (DH)ni Hagai na propeta, na nagsasabi,
4 Panahon baga sa inyo na tumahan sa inyong mga nakikisamihang bahay, samantalang ang bahay na ito ay namamalaging wasak?
5 Ngayon nga'y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad.
6 Kayo'y nangaghasik ng marami, (DI)at nagsisiani ng kaunti; kayo'y nagsisikain, nguni't hindi kayo nagkaroon ng kahustuhan; kayo'y nagsisiinom, nguni't hindi kayo nangapapatirang-uhaw; kayo'y nangananamit, nguni't walang mainit; at yaong kumikita ng mga pinagarawan ay kumikita ng mga pinagarawan upang ilagay sa supot na may mga butas.
7 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad.
8 Magsiahon kayo sa bundok, at mangagdala ng kahoy, at mangagtayo kayo ng bahay; at aking kalulugdan, at (DJ)ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoon.
9 Kayo'y nangaghintay ng marami, at, narito, ang dumating ay kaunti; at nang inyong dalhin sa bahay, aking hinipan. Bakit? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Dahil sa ang aking bahay ay nahahandusay na wasak, samantalang tumatakbo bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang sariling bahay.
10 Kaya't dahil sa inyo, (DK)pinipigil ng langit ang hamog, at ipinagkakait ng lupa ang kaniyang bunga.
11 At ako'y nagpasapit ng pagkatuyo sa lupa, at sa mga bundok, at sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa sumisibol sa lupa, at sa mga tao, at sa baka, at sa lahat ng pinagpagalan ng mga kamay.
12 Nang magkagayo'y si Zorobabel na anak ni Sealtiel, at si Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, sangpu ng buong nalabi sa bayan, (DL)nagsitalima sa tinig ng Panginoon nilang Dios, at sa mga salita ni Hagai na propeta, na siyang sinugo ng Panginoon nilang Dios; at ang bayan ay natakot sa harap ng Panginoon.
13 Nang magkagayo'y nagsalita si Hagai, na sugo ng Panginoon ayon sa (DM)pasugo ng Panginoon sa bayan, na nagsasabi, (DN)Ako'y sumasainyo, sabi ng Panginoon.
14 At kinilos ng Panginoon ang kalooban ni Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at ang kalooban ni Josue na anak ni Josadac na pangulong saserdote, at ang kalooban ng buong nalabi sa bayan; at sila'y nagsiparoon, at nagsigawa sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, na kanilang Dios,
15 (DO)Nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, nang buwang ikaanim, nang ikalawang taon ni Dario na hari.
Ang kahirapan ng mga tao ay dahil sa sila'y di tapat.
2 (DP)Nang ikapitong buwan nang ikadalawang pu't isang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,
2 Salitain mo ngayon kay (DQ)Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, at sa (DR)nalabi sa bayan, na sabihin mo,
3 Sino ang nananatili (DS)sa inyo na nakakita sa bahay na ito sa kaniyang dating kaluwalhatian? at paanong nakikita ninyo ngayon? hindi baga sa inyong mga mata ay parang wala?
4 Gayon ma'y magpakalakas ka (DT)ngayon, Oh Zorobabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, Oh Josue, na anak ni Josadac, na pangulong saserdote; at mangagpakalakas kayo, kayong buong bayan sa lupain, sabi ng Panginoon, at (DU)kayo'y magsigawa: sapagka't ako'y sumasa inyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
5 Ayon (DV)sa salita na aking itinipan sa inyo nang kayo'y magsilabas sa Egipto, at ang (DW)aking Espiritu ay nanahan sa inyo: huwag kayong mangatakot.
6 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (DX)Minsan na lamang, sangdaling panahon, at (DY)aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa;
7 At aking uugain (DZ)ang lahat na bansa; (EA)at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at aking pupunuin ang bahay na ito ng (EB)kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
8 (EC)Ang pilak ay akin, at ang ginto ay akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
9 Ang huling kaluwalhatian (ED)ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng (EE)kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
10 (EF)Nang ikadalawang pu't apat nang ikasiyam na buwan, nang (EG)ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,
11 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (EH)Mangagtanong kayo ngayon sa mga saserdote ng tungkol sa kautusan, na mangagsabi,
12 Kung ang isang tao ay may dala sa kaniyang kandungan na banal (EI)na karne, at magsagi ng kaniyang laylayan ang tinapay, o ulam, o alak, o langis, o anomang pagkain, magiging banal pa baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot, at nangagsabi, Hindi.
13 Nang magkagayo'y sinabi ni Hagai, Kung ang sinomang (EJ)marumi dahil sa bangkay ay (EK)masagi ang anoman sa mga ito, magiging marumi baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot at nangagsabi, Magiging marumi.
14 Nang magkagayo'y sumagot si Hagai, at nagsabi, Gayon nga ang bayang ito, at gayon ang bansang ito sa harap ko, sabi ng Panginoon; at gayon ang bawa't gawa ng kanilang mga kamay; at ang kanilang inihahandog doon ay marumi.
15 At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, na inyong gunitain mula sa araw na ito at sa nakaraan, bago ang bato ay mapatong sa kapuwa bato sa templo ng Panginoon.
16 Nang buong panahong yaon, pagka ang isa ay (EL)lumalapit sa isang bunton ng dalawang pung takal, may sangpu lamang; pagka ang isa ay lumalapit sa (EM)pigaan ng alak upang kumuha ng limang pung sisidlan, may dalawang pu lamang.
17 Sinalot ko (EN)kayo ng (EO)pagkalanta at ng amag at ng granizo sa lahat ng gawa ng inyong mga kamay; gayon ma'y hindi kayo nanumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
18 Isinasamo ko nga sa inyo, na kayo'y magdilidili mula sa araw na ito at sa nakaraan, (EP)mula nang ikadalawang pu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, (EQ)mula nang araw na ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay ilagay, gunitain ninyo.
19 May binhi pa baga sa kamalig? oo, ang puno ng ubas, at ang puno ng igos, at ang granada, at ang puno ng olibo ay hindi nagbunga; mula sa araw na ito ay pagpapalain ko kayo.
Ang pangako ng Panginoon.
20 At ang salita ng Panginoon ay dumating na ikalawa kay Hagai nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, na nagsasabi,
21 Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda, na iyong sabihin, (ER)Aking uugain ang langit at ang lupa;
22 At (ES)aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian, at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; (ET)at aking guguluhin ang mga karo, at yaong nagsisisakay sa mga yaon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog, ang (EU)bawa't isa'y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid.
23 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kita'y kukunin, Oh Zorobabel, na aking lingkod, na anak ni Sealtiel, sabi ng Panginoon, (EV)at gagawin kitang pinaka panatak; sapagka't pinili (EW)kita, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
Ang Panginoon ay muling nagsalita sa bayan.
1 (EX)Nang ikawalong buwan, (EY)nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias na anak ni Berechias, na anak ni (EZ)Iddo, na propeta, na nagsasabi,
2 Ang Panginoo'y totoong naghinanakit sa inyong mga magulang.
3 Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo. (FA)Manumbalik kayo sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
4 (FB)Huwag kayong maging gaya ng inyong mga magulang, (FC)na siyang mga pinagsabihan ng mga unang propeta, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Manumbalik kayo ngayon na mula sa inyong mga masamang lakad, at sa inyong mga masamang gawain: nguni't hindi nila dininig, o pinakinggan man ako, sabi ng Panginoon.
5 Ang inyong mga magulang, saan nangandoon sila? at ang mga propeta, nangabubuhay baga sila ng magpakailan man?
6 (FD)Nguni't ang aking mga salita at ang aking mga palatuntunan, na aking iniutos sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi baga nagsiabot sa inyong mga magulang? at sila'y nanumbalik at nangagsabi, (FE)Kung paano ang inisip na gawin ng Panginoon ng mga hukbo sa amin, (FF)ayon sa aming mga lakad, at ayon sa aming mga gawa, gayon ang ginawa niya sa amin.
Ang mga kabayo na pangitain ni Zacarias.
7 Nang ikadalawang pu't apat na araw ng ikalabing isang buwan, na siyang buwan ng Sebath, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias, na anak ni Berechias, na anak ni Iddo, na propeta, na nagsasabi,
8 Aking nakita sa gabi, at, narito, ang (FG)isang lalaking nakasakay sa isang mapulang kabayo, at siya'y tumayo sa mga puno ng mirto, na nasa pinakamababa; at sa likuran niya'y may mga (FH)kabayong mapula, alazan, at maputi.
9 Nang magkagayo'y sinabi, Oh Panginoon ko, ano ang mga ito? At (FI)ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin, Aking ipakikita sa iyo kung ano-ano ang mga ito.
10 At ang lalake na nakatayo sa mga puno ng mirto ay sumagot at nagsabi, Ang mga ito yaong mga sinugo ng Panginoon na magsilibot sa lupa.
11 At sila'y nagsisagot sa anghel ng Panginoon na nakatayo sa mga puno ng mirto, at nagsabi, Aming nilibot ang lupa, at, narito, ang buong lupa ay tahimik, at tiwasay.
12 Nang magkagayo'y ang anghel ng Panginoon ay sumagot at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, (FJ)hanggang kailan mawawalan ka ng habag sa Jerusalem at sa mga bayan ng Juda, (FK)laban sa iyong mga kinagalitan (FL)nitong pitong pung taon?
13 At ang Panginoo'y sumagot sa anghel na nakikipagusap sa akin ng mga mabuting salita, (FM)ng mga salitang pangaliw.
14 Sa gayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin. Ikaw ay humiyaw, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: (FN)Ako'y naninibugho sa Jerusalem at sa Sion ng malaking paninibugho.
15 At ako'y totoong naghihinanakit sa mga bansa na mga tiwasay; (FO)sapagka't ako'y naghinanakit ng kaunti, at sila'y nagsitulong ng pagbubungad ng kadalamhatian.
16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Jerusalem na may taglay na mga pagkahabag; ang aking bahay ay matatayo (FP)roon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at (FQ)isang pising panukat ay mauunat sa ibabaw ng Jerusalem.
17 Humiyaw ka pa uli, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang aking mga bayan ay sasagana dahil sa pagkasulong; at (FR)aaliwin pa ng Panginoon ang Sion, at (FS)pipiliin pa ang Jerusalem.
18 At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, ang (FT)apat na sungay.
19 At aking sinabi sa (FU)anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito? At siya'y sumagot sa akin, (FV)Ito ang mga sungay sa nagpangalat sa Juda, sa Israel, at sa Jerusalem.
20 At ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday.
21 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ano ang ipinaritong gawin ng mga ito? At siya'y nagsalita na nagsabi, Ito ang mga sungay na nagpangalat sa Juda, na anopa't walang lalake na nagtaas ng kaniyang ulo; nguni't ang mga ito'y naparito upang takutin sila, upang ihulog ang mga sungay ng mga bansa, na (FW)nagtaas ng kanilang mga sungay laban sa lupain ng Juda upang pangalatin.
Ang habag na pangako sa Sion.
2 At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, ang (FX)isang lalake na may panukat na pisi sa kaniyang kamay.
2 Nang magkagayo'y sinabi ko, Saan ka paroroon? At sinabi niya sa akin, (FY)Upang sukatin ang Jerusalem, upang tingnan kung gaano ang luwang, at kung gaano ang haba.
3 At, narito, (FZ)ang anghel na nakikipagusap sa akin ay umalis, at ibang anghel ay lumabas na sumalubong sa kaniya,
4 At sinabi sa kaniya, Tumakbo ka, iyong salitain sa binatang ito, na sabihin, Ang Jerusalem ay tatahanan na parang mga nayon na (GA)walang mga kuta, (GB)dahil sa karamihan ng mga tao at hayop doon.
5 Sapagka't ako, sabi ng Panginoon, ay magiging sa kaniya'y isang kutang apoy sa palibot, (GC)at ako'y magiging kaluwalhatian sa gitna niya.
6 Oy, oy, (GD)magsitakas kayo (GE)mula sa lupain ng hilagaan, sabi ng Panginoon; sapagka't kayo'y aking pinangalat na parang apat na hangin sa himpapawid, sabi ng Panginoon.
7 Oy Sion, tumanan ka, ikaw na tumatahan na kasama ng anak na babae ng Babilonia.
8 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo niya ako sa mga bansa na nanamsam sa inyo; (GF)sapagka't ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata.
9 Sapagka't narito, aking (GG)ikukumpas ang aking kamay sa kanila, at sila'y magiging samsam niyaong nangaglilingkod sa kanila; at (GH)inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin.
10 (GI)Ikaw ay umawit at magalak, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't (GJ)narito, ako'y naparirito, at (GK)ako'y tatahan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.
11 At maraming bansa ay (GL)magpipisan sa Panginoon (GM)sa araw na yaon, at magiging aking bayan; at ako'y tatahan sa gitna mo, at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa iyo.
12 At mamanahin ng Panginoon ang Juda na pinaka bahagi niya sa banal na lupain (GN)at pipiliin pa ang Jerusalem.
13 Tumahimik ang lahat na tao, (GO)sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y gumising na sa kaniyang banal na tahanan.
Si Josue na saserdote ay isang sanga.
3 At ipinakita niya sa akin (GP)si Josue (GQ)na pangulong saserdote na nakatayo sa harap ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan upang maging kaniyang kaaway.
2 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Sawayin ka nawa ng Panginoon, Oh Satanas; oo, ang Panginoon na pumili ng Jerusalem ay sumaway nawa sa iyo: di baga ito'y isang (GR)dupong na naagaw sa apoy?
3 Si Josue nga ay nabibihisan ng maruming (GS)kasuutan, at nakatayo sa harap ng anghel.
4 At siya'y sumagot at nagsalita sa mga yaon na nangakatayo sa harap niya, na nagsabi, (GT)Hubarin ninyo ang mga maruming suot sa kaniya. At sa kaniya'y kaniyang sinabi, Narito, (GU)aking pinaram ang iyong kasamaan, (GV)at aking susuutan ka ng mainam na kasuutan.
5 At aking sinabi, Suutan siya nila ng isang magandang (GW)mitra sa kaniyang ulo. Sa gayo'y sinuutan siya ng magandang mitra sa kaniyang ulo, at sinuutan siya ng mga kasuutan; at ang anghel ng Panginoon ay nakatayo sa siping.
6 At ang anghel ng Panginoon ay tumutol kay Josue, na nagsabi,
7 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, at (GX)kung iyong iingatan ang aking bilin, iyo nga ring hahatulan ang aking bayan, at iyo ring iingatan ang aking mga looban, at bibigyan kita ng kalalagyan sa gitna ng mga ito na nangakaharap.
8 Dinggin mo ngayon, Oh Josue, na pangulong saserdote, dinggin mo, at ng iyong mga kasama na nangakaupo sa harap mo; sapagka't sila'y mga taong (GY)pinaka tanda: sapagka't narito, aking ilalabas ang (GZ)aking lingkod (HA)na Sanga.
9 Sapagka't, narito, ang bato na aking inilagay sa harap ni (HB)Josue; sa ibabaw ng isang bato ay may (HC)pitong mata: narito, aking (HD)iuukit ang ukit niyaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing yaon (HE)sa isang araw.
10 Sa araw na yaon, (HF)sabi ng Panginoon ng mga hukbo, tatawagin ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang kapuwa sa lilim ng puno ng ubas, at sa lilim ng puno ng igos.
Ang kandelero at ang kahoy na olibo sa pangitain.
4 At (HG)ang anghel na nakipagusap sa akin ay bumalik, at ginising ako, na gaya ng tao na nagigising sa kaniyang pagkakatulog.
2 At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y tumingin, at, narito, (HH)isang kandelero na taganas na ginto, na may taza sa ibabaw niyaon, (HI)at ang pitong ilawan niyaon sa ibabaw; may pitong tubo sa bawa't isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyaon;
3 At may dalawang puno ng olibo sa siping niyaon, isa sa dakong kanan ng taza, at ang isa'y sa dakong kaliwa niyaon.
4 At ako'y sumagot at nagsalita sa anghel na nakikipagusap sa akin, na aking sinabi, Anong mga bagay ito, panginoon ko?
5 Nang magkagayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay sumagot na nagsabi sa akin, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko.
6 Nang magkagayo'y siya'y sumagot at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel, na sinasabi, Hindi sa pamamagitan ng (HJ)kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi (HK)sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
7 Sino ka, (HL)Oh malaking bundok? sa harap ni Zorobabel (HM)ay magiging kapatagan ka; at kaniyang ilalabas (HN)ang pangulong bato na (HO)may hiyawan, Biyaya, biyaya sa kaniya.
8 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
9 Ang mga kamay ni Zorobabel ay siyang naglagay ng mga tatagang-baon ng bahay na ito; ang kaniyang mga kamay ay siya ring tatapos; at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo.
10 Sapagka't sinong nagsihamak sa araw (HP)ng maliliit na bagay? sapagka't ang pitong ito ay mangagagalak, at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel; (HQ)ang mga ito'y mga mata ng Panginoon, na nangagpaparoo't parito sa buong lupa.
11 Nang magkagayo'y sumagot ako, at nagsabi sa kaniya, Ano itong dalawang puno ng olibo sa dakong kanan kandelero, at sa dakong kaliwa?
12 At ako'y sumagot na ikalawa, at nagsabi sa kaniya: Ano ang dalawang sangang olibong ito na nasa siping ng dalawang gintong padaluyan, na dinadaluyan ng langis na ginintuan?
13 At siya'y sumagot sa akin, at nagsabi, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko.
14 Nang magkagayo'y sinabi niya, (HR)Ito ang dalawang anak na pinahiran ng langis, na nakatayo sa siping ng Panginoon ng buong lupa.
Ang lumilipad na balumbon; isang babae, at isang efa.
5 Nang magkagayo'y itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, isang lumilipad na (HS)balumbon.
2 At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At ako'y sumagot, Aking nakikita'y isang lumilipad na balumbon; ang haba niyaon ay dalawang pung siko, at ang luwang niyaon ay sangpung siko.
3 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ito ang (HT)sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain: sapagka't ang bawa't nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon; at bawa't manunumpa ay mahihiwalay sa kabilang dako ayon doon.
4 Aking ilalabas yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at papasok sa bahay ng magnanakaw, at sa bahay niyaong nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ko; at (HU)tatahan sa gitna ng bahay niya, at (HV)pupugnawin sangpu ng mga kahoy niyaon at mga bato niyaon.
5 Nang magkagayo'y (HW)ang anghel na nakikipagusap sa akin ay lumabas, at nagsabi sa akin, itanaw mo ngayon ang iyong mga mata, at tingnan mo kung ano ito na lumalabas.
6 At aking sinabi, Ano yaon? At kaniyang sinabi, Ito ang (HX)efa na lumalabas. Sinabi niya bukod dito, Ito ang kawangis nila sa buong lupain.
7 (At, narito, itinaas ang isang talentong tingga); at ito'y isang babae na nauupo sa gitna ng efa.
8 At kaniyang sinabi, Ito ang kasamaan; at kaniyang inihagis sa loob ng gitna ng efa: at kaniyang inihagis ang panimbang na tingga sa bunganga niyaon.
9 Nang magkagayo'y itinanaw ko ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang dalawang babae, at may dalang hangin sa kanilang mga pakpak; sila nga'y may mga pakpak na gaya ng mga pakpak ng tagak: at kanilang itinaas ang efa sa pagitan ng lupa at ng langit.
10 Nang magkagayo'y sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Saan dinadala ng mga ito ang efa?
11 At sinabi niya sa akin, Upang ipagtayo siya ng bahay sa (HY)lupain ng Shinar: at pagka nahanda na, siya'y malalagay roon sa kaniyang sariling dako.
Ang pangitain ng mga karo at mga kabayo.
6 At itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang apat na karo mula sa pagitan ng dalawang bundok; at ang mga bundok ay mga bundok na tanso.
2 Sa unang karo ay may mga (HZ)kabayong mapula; at sa ikalawang karo ay mga kabayong maitim;
3 At sa ikatlong karo ay may mga kabayong maputi; at sa ikapat na karo ay mga kabayong kulay abo.
4 Nang magkagayo'y ako'y sumagot at sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito, panginoon ko?
5 At ang anghel ay sumagot at nagsabi sa akin, (IA)Ito ang apat na hangin sa himpapawid, na lumalabas na pinakasugo mula sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.
6 Ang karo na kinasisingkawan ng mga kabayong maitim ay lumalabas sa dakong lupaing (IB)hilagaan; at ang sa mga maputi ay lumabas na kasunod ng mga yaon; at ang mga kulay abo ay nagsilabas sa dakong lupaing timugan.
7 At ang mga malakas ay nagsilabas, at nangagpumilit na (IC)yumaon upang malibot ang lupa: at kaniyang sinabi, Kayo'y magsiyaon at magparoo't parito sa buong lupa. Sa gayo'y sila'y nangagparoo't parito sa buong lupa.
8 Nang magkagayo'y hiniyawan niya ako, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Narito, silang nagsiparito sa dakong lupaing hilagaan ay nagpatahimik sa aking (ID)diwa sa lupaing hilagaan.
Si Josue ay kumakatawan sa saserdote na hari.
9 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
10 Kumuha ka sa nangabihag, kay Heldai, kay Tobias, at kay Jedaia; at yumaon ka sa araw ding yaon, at pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Sefanias, na nagsibalik mula sa Babilonia;
11 Oo, kumuha ka sa kanila ng pilak at ginto, at gawin mong mga (IE)putong, at mga iputong mo sa ulo ni (IF)Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote.
12 At salitain mo sa kaniya, na sabihin, Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Narito, ang lalake na ang pangala'y (IG)Sanga: at siya'y sisibol (IH)sa kaniyang dako; at itatayo niya ang templo ng Panginoon;
13 Sa makatuwid baga'y (II)kaniyang itatayo ang templo ng Panginoon; at siya'y (IJ)magtataglay ng kaluwalhatian, at mauupo at magpupuno sa kaniyang luklukan; at siya'y (IK)magiging saserdote sa kaniyang luklukan: at ang payo ng kapayapaan ay mapapasa pagitan nila kapuwa.
14 At ang mga putong ay magiging pinakaalaala sa templo ng Panginoon kay Helem, at kay Tobias, at kay Jedaia, at kay Hen na anak ni Sefanias.
15 At (IL)silang nangasa malayo ay (IM)magsisiparito at mangagtatayo sa loob ng templo ng Panginoon, at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo. At ito'y mangyayari kung inyong tatalimahing masikap ang tinig ng Panginoon ninyong Dios.
Ang di pagsunod ang dahilan ng pagkabihag.
7 At nangyari, (IN)nang ikaapat na taon ng haring si Dario, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias nang ikaapat na araw ng ikasiyam na buwan, sa makatuwid baga'y sa (IO)Chislev.
2 Sinugo nga ng mga taga Beth-el si Sareser at si Regem-melech, at ang kanilang mga lalake, upang hilingin ang lingap ng Panginoon,
3 At upang magsalita sa (IP)mga saserdote ng bahay ng Panginoon ng mga hukbo, at sa (IQ)mga propeta, na sabihin, Iiyak baga ako (IR)sa ikalimang buwan, na ako'y hihiwalay, gaya ng aking ginawa nitong maraming taon?
4 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon ng mga hukbo sa akin, na nagsasabi,
5 Salitain mo sa lahat ng tao ng lupain at sa mga saserdote, na iyong sabihin, Nang kayo'y magayuno, (IS)at tumangis ng ikalima at (IT)ikapitong buwan, (IU)nito ngang pitong pung taon, kayo baga'y nagayunong lubos sa akin, para sa akin?
6 At pagka kayo'y nagsisikain, at pagka kayo'y nagsisiinom, di baga kayo'y nagsisikain sa ganang inyong sarili at nagsisiinom, sa ganang inyong sarili?
7 Di baga ninyo dapat dinggin ang mga salita na isinigaw ng Panginoon sa pamamagitan ng mga unang propeta, nang ang Jerusalem ay tinatahanan at nasa kaginhawahan, at ang mga bayan niyaon na nangasa palibot niya, at (IV)ang Timugan, at ang mababang lupain ay tinatahanan?
8 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias na nagsasabi,
9 Ganito ang sinalita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, (IW)Mangaglapat kayo ng tunay na kahatulan, at magpakita ng kaawaan at ng kahabagan ang bawa't isa sa kaniyang kapatid,
10 At huwag ninyong pighatiin ang babaing bao, (IX)ni ang ulila man, ang taga ibang lupa, ni ang dukha man; at sinoman sa inyo ay huwag magisip ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapatid.
11 Nguni't kanilang tinanggihang dinggin, at kanilang iniurong ang balikat, at (IY)nagtakip ng pakinig, upang huwag nilang marinig.
12 Oo, kanilang ginawa na parang batong diamante ang kanilang puso upang huwag magsidinig ng kautusan, at ng mga salita na ipinasugo ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu, ng mga unang propeta: kaya't dumating ang malaking poot na mula sa Panginoon ng mga hukbo.
13 At nangyari, na kung paanong siya'y sumigaw, at hindi nila dininig, ay gayon sila sisigaw, at hindi ko didinggin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo;
14 Kundi aking pangangalatin sila sa pamamagitan ng ipoipo sa gitna ng lahat na bansa na hindi nila nakilala. Ganito nasira ang lupain pagkatapos nila, na anopa't (IZ)walang tao na nagdadaan o nagbabalik: sapagka't kanilang inihandusay na sira ang kaayaayang lupain.
Ang katotohanan at katuwiran ay ipinayo.
8 At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (JA)Ako'y may paninibugho sa Sion ng malaking paninibugho, at ako'y may paninibugho sa kaniya ng malaking poot.
3 Ganito ang sabi ng Panginoon, (JB)Ako'y nagbalik sa Sion, at tatahan ako sa gitna ng Jerusalem: at ang Jerusalem (JC)ay tatawagin, Bayan ng katotohanan; at ang bundok ng Panginoon ng mga hukbo, Ang banal na bundok.
4 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (JD)Tatahanan pa ng mga matandang lalake at babae ang mga lansangan ng Jerusalem, bawa't tao na may kaniyang tungkod sa kaniyang kamay dahil sa totoong katandaan.
5 At ang mga lansangan ng bayan ay mapupuno ng mga batang lalake at babae na naglalaro sa mga lansangan niyaon.
6 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung maging kagilagilalas sa mga mata ng (JE)nalabi sa bayang ito sa mga araw na yaon, magiging kagilagilalas din naman baga sa aking mga mata? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
7 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking ililigtas ang aking bayan (JF)sa lupaing silanganan at sa lupaing kalunuran;
8 At aking dadalhin sila, at sila'y magsisitahan sa gitna ng Jerusalem; (JG)at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios, sa katotohanan at sa katuwiran.
9 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (JH)Inyong palakasin ang inyong mga kamay, ninyong nangakakarinig sa mga araw na ito ng mga salitang ito sa bibig ng (JI)mga propeta, mula nang araw na ilagay ang tatagang-baon sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, sa templo, upang matayo.
10 Sapagka't bago dumating ang mga araw na yaon ay walang upa sa tao, ni anomang upa sa hayop; at wala ring anomang kapayapaan doon sa lumalabas o pumapasok dahil sa kaaway: sapagka't aking inilagay ang lahat na tao na bawa't isa'y laban sa kaniyang kapuwa.
11 Nguni't ngayo'y sa nalabi sa bayang ito ay hindi ako magiging gaya ng mga unang araw, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
12 Sapagka't magkakaroon ng binhi ng kapayapaan; ang puno ng ubas ay magbubunga, at ang lupa'y mapapakinabangan, at ibibigay ng langit ang kaniyang hamog; at aking ipamamana sa nalabi sa bayang ito ang lahat na bagay na ito.
13 At mangyayari, na kung paanong kayo'y (JJ)naging isang sumpa sa gitna ng mga bansa, Oh sangbahayan ni Juda, at sangbahayan ni Israel, gayon ko kayo ililigtas, at kayo'y (JK)magiging isang kapalaran. Huwag kayong mangatakot, kundi inyong palakasin ang inyong mga kamay.
14 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (JL)Kung paanong inisip kong gawan kayo ng masama, nang mungkahiin ako ng inyong mga magulang sa poot, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at hindi ako nagsisi;
15 Gayon ko uli inisip sa mga araw na ito na gawan ng mabuti ang Jerusalem at ang sangbahayan ni Juda: huwag kayong mangatakot.
16 Ito ang mga bagay na inyong gagawin, (JM)Magsalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuang-bayan;
17 At huwag magisip ang sinoman sa inyo ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapuwa; at huwag ninyong ibigin ang sinungaling na sumpa: sapagka't ang lahat ng ito ay mga bagay na aking kinapopootan, sabi ng Panginoon.
18 At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na nagsasabi,
19 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang ayuno (JN)sa ikaapat na buwan, at ang ayuno sa (JO)ikalima, at ang ayuno sa ikapito, at ang ayuno sa (JP)ikasangpu, ay magiging sa sangbahayan, ni Juda'y kagalakan at kaligayahan, at mga masayang kapistahan; kaya't inyong ibigin ang katotohanan at kapayapaan.
20 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Mangyayari pa, na darating ang mga bansa, at ang nagsisitahan sa maraming bayan;
21 At ang nagsisitahan sa isang bayan ay paroroon sa isa, na magsasabi, Magsiparoon tayong madali, na ating hilingin ang lingap ng Panginoon, at hanapin ang Panginoon ng mga hukbo; ako man ay paroroon.
22 Oo, maraming bansa at mga matibay na bansa ay (JQ)magsisiparoon upang hanapin ang Panginoon ng mga hukbo sa Jerusalem, at hilingin ang lingap ng Panginoon.
23 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sa mga araw na yao'y mangyayari, na (JR)sangpung lalake (JS)sa lahat ng wika sa mga bansa ay magtatanganan, sila nga'y magsisitangan sa laylayan niya na Judio, na mangagsasabi, Kami ay magsisiyaong kasama mo, sapagka't aming narinig na ang Dios ay kasama mo.
Ang ibang mga bansa ay hahanap sa Panginoon.
9 (JT)Ang hula na salita ng Panginoon laban sa lupain ng Hadrach, at Damasco ang magiging pahingahang dako niyaon, (sapagka't ang mata ng tao at ang lahat ng mga lipi ng Israel ay nasa Panginoon);
2 At gayon din sa (JU)Hamath, na kahangganan nito; sa (JV)Tiro at (JW)Sidon, (JX)sapagka't sila'y totoong pantas.
3 At ang Tiro ay nagtayo ng katibayan, at nagbunton ng pilak na parang alabok, at ng mainam na ginto na parang putik sa mga lansangan.
4 Narito, aalisan siya ng Panginoon, (JY)at kaniyang sisirain sa dagat ang kapangyarihan niya; at siya'y lalamunin ng apoy.
5 Makikita ng Ascalon, at matatakot; ng (JZ)Gaza rin, at mamamanglaw na mainam, at ng Ecron, sapagka't ang kaniyang pagasa ay mapapahiya; at ang hari ay mamamatay sa Gaza, at ang Ascalon ay hindi tatahanan.
6 At isang anak sa ligaw ay tatahan sa (KA)Asdod, at aking puputulin ang kapalaluan ng mga Filisteo.
7 At aking aalisin ang (KB)kaniyang dugo sa kaniyang bibig, at ang kaniyang mga kasuklamsuklam sa pagitan ng kaniyang mga ngipin; at siya nama'y maiiwan para sa ating Dios: at siya'y magiging gaya ng pangulo sa Juda, at ang Ecron ay gaya (KC)ng Jebuseo.
8 At (KD)ako'y magtitirik ng kampamento sa palibot ng aking bahay laban sa hukbo, (KE)na walang makadadaan ni makababalik; at (KF)walang mamimighati na daraan pa sa mga yaon: sapagka't ngayo'y tumingin ako ng aking mga mata.
Ang mapagpakumbabang hari ng Sion at malawak na kaharian.
9 (KG)Magalak kang mainam, (KH)Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: (KI)narito, ang (KJ)iyong hari ay naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; (KK)mapagmababa, at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae.
10 At (KL)aking ihihiwalay ang karo mula sa Ephraim, at ang kabayo'y mula sa Jerusalem; at ang mga busog na pangbaka ay mapuputol; at siya'y magsasalita ng (KM)kapayapaan sa mga bansa: at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging (KN)sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.
11 Tungkol sa iyo naman, dahil (KO)sa dugo ng iyong tipan ay aking pinalabas ang iyong mga bilanggo sa hukay na walang tubig.
12 Mangagbalik kayo sa katibayan, kayong mga (KP)bilanggo na may pag-asa, ngayo'y aking (KQ)inihahayag na aking igagawad sa inyo na makalawa.
13 Sapagka't aking binaluktot ang Juda para sa akin, aking inakmaan ang Ephraim ng busog; at aking gigisingin ang iyong mga anak, Oh Sion, laban sa iyong mga anak, (KR)Oh Grecia, at gagawin kitang parang tabak ng makapangyarihang lalake.
14 At ang Panginoo'y makikita sa itaas nila; at lalabas ang kaniyang pana na parang kidlat; at ang (KS)Panginoong Dios ay hihihip ng pakakak, at yayaon (KT)na kasama ng mga ipoipo sa timugan.
15 Ipagsasanggalang sila ng Panginoon ng mga hukbo; at sila'y mangananakmal, at kanilang yayapakan ang mga batong panghilagpos; at sila'y magsisiinom, at mangagiingay na gaya ng sa alak; at sila'y mangapupunong parang mga (KU)taza, parang mga sulok ng dambana.
16 At ililigtas sila ng Panginoon nilang Dios (KV)sa araw na yaon na gaya ng kawan ng kaniyang bayan; sapagka't (KW) magiging gaya ng mga bato ng isang putong na nataas sa mataas sa (KX)kaniyang lupain.
17 Sapagka't pagkalaki ng kaniyang kabutihan, at pagkalaki ng kaniyang kagandahan! pagiginhawahin ng trigo ang mga binata, at ng bagong alak ang mga dalaga;
Ang Israel at ang Juda ay pagpapalain ng Panginoon.
10 Hingin ninyo sa Panginoon ang (KY)ulan sa kapanahunan ng huling ulan, sa Panginoon na nagpapakidlat; at kaniyang bibigyan sila ng ulan, at ang bawa't isa'y ng damo sa parang.
2 Sapagka't ang mga teraf ay nagsalita ng walang kabuluhan, at (KZ)ang mga manghuhula ay nangakakita ng isang kabulaanan; at (LA)sila'y nangagsaysay ng mga kabulaanang panaginip, sila'y nagsisialiw ng walang kabuluhan: kaya't sila'y nagsisiyaon ng kanilang lakad na parang mga tupa, sila'y nadadalamhati, (LB)sapagka't walang pastor.
3 Ang aking galit ay nagalab laban sa mga pastor, at aking parurusahan (LC)ang mga lalaking kambing; sapagka't dinalaw ng Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang kawan na sangbahayan ni Juda, at kaniyang gagawin silang parang magilas na kabayo sa pagbabaka.
4 Sa kaniya lalabas ang (LD)batong panulok, sa kaniya ang (LE)pako, sa kaniya (LF)ang busog na pangbaka, sa kaniya ang bawa't pinuno na magkakasama.
5 At sila'y magiging parang mga makapangyarihang lalake, na yayapakan nila ang kanilang mga kaaway sa putik sa mga lansangan sa pagbabaka; at sila'y magsisilaban, sapagka't ang Panginoon ay sumasakanila; at ang mga mangangabayo ay mangatutulig.
6 At aking palalakasin ang sangbahayan ni Juda, at aking ililigtas ang sangbahayan ni Jose, at aking ibabalik sila uli; sapagka't ako'y naawa sa kanila; at sila'y magiging parang hindi ko itinakuwil: sapagka't ako ang Panginoon nilang Dios, at aking didinggin sila.
7 At ang mga sa Ephraim ay magiging parang makapangyarihang lalake, at ang kanilang puso ay (LG)mangagagalak na gaya ng sa alak; oo, ito'y makikita ng kanilang mga anak, at mangagagalak: ang kanilang puso ay masasayahan sa Panginoon.
Titipunin ng Panginoon ang kaniyang nangalat na bayan.
8 Aking susutsutan (LH)sila, at sila'y pipisanin; sapagka't aking tinubos sila; at sila'y magsisidami ng gaya ng kanilang dinami.
9 At aking pangangalatin (LI)sila sa gitna ng mga bansa; at aalalahanin nila ako (LJ)sa mga malayong lupain; at sila'y nagsisitahang kasama ng kanilang mga anak, at magsisipagbalik.
10 Aking dadalhin uli sila mula sa lupain ng Egipto, at pipisanin sila (LK)mula sa Asiria; at aking dadalhin sila sa lupain ng Galaad at Libano; at (LL)walang dakong masusumpungan para sa kanila.
11 At siya'y (LM)magdadaan ng dagat ng kadalamhatian, at hahawiin ang mga alon sa dagat, at ang lahat ng kalaliman sa Nilo ay matutuyo; at ang kapalaluan ng Asiria ay mababagsak, at ang cetro ng Egipto ay (LN)mawawala.
12 At aking palalakasin sila sa Panginoon; at (LO)sila'y magsisilakad na paitaas at paibaba sa kaniyang pangalan, sabi ng Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978