Bible in 90 Days
Ang mana ng mga anak ni Juda.
15 At naging kapalaran ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan ay hanggang (A)sa hangganan ng Edom; hanggang sa (B)ilang ng Zin na dakong timugan, sa kahulihulihang bahagi ng timugan.
2 At ang kanilang hangganang timugan ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Dagat na Alat, mula sa dagat-dagatan na nakaharap sa dakong timugan:
3 At palabas sa dakong timugan ng pagsampa sa Acrabim, at patuloy sa Zin at pasampa sa timugan ng Cades-barnea, at patuloy sa Hezron, at pasampa sa Addar, at paliko sa Carca:
4 At patuloy sa Azmon, at palabas sa (C)batis ng Egipto, at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat: ito ang magiging inyong hangganang timugan.
5 At ang hangganang silanganan ay ang Dagat na Alat, hanggang sa katapusan ng Jordan. At ang hangganan ng hilagaang dako ay mula sa dagat-dagatan ng dagat na nasa katapusan ng Jordan:
6 At pasampa ang hangganan sa Beth-hogla, at patuloy sa hilagaan ng Beth-araba; at ang hangganan ay pasampa sa (D)bato ni Bohan na anak ni Ruben:
7 At ang hangganan ay pasampa sa Debir mula sa libis ng (E)Achor, at gayon sa dakong hilagaang paharap sa dakong Gilgal, na nasa tapat ng pagsampa sa Adumin, na nasa dakong timugan ng ilog: at ang hangganan ay patuloy sa tubig ng En-semes, at ang mga labasan niyaon ay sa (F)En-rogel:
8 At ang hangganan ay pasampa sa (G)libis ng anak ni Hinnom hanggang sa dako ng (H)Jebuseo na dakong timugan (na siya ring Jerusalem): at ang hangganan ay pasampa sa taluktok ng bundok na dumudoon sa harap ng (I)libis ng Hinnom na dakong kalunuran, na sa kahulihulihang bahagi ng libis ng Rephaim na dakong hilagaan:
9 At ang hangganan ay paabot mula sa taluktok ng bundok hanggang sa bukal ng tubig ng Nephtoa, at palabas sa mga bayan ng bundok ng Ephron, at ang hangganan ay paabot sa Baala (na siya ring Chiriath-jearim):
10 At ang hangganan ay paliko mula sa Baala sa dakong kalunuran sa bundok ng Seir, at patuloy sa tabi ng bundok Jearim sa hilagaan (na siya ring Chesalon), at pababa sa (J)Beth-semes at patuloy sa (K)Timna.
11 At ang hangganan ay palabas sa siping ng (L)Ecron na dakong hilagaan; at ang hangganan ay paabot sa Sicheron, at patuloy sa bundok ng Baala, at palabas sa Jabneel; at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat.
12 At ang hangganang kalunuran (M)ay ang malaking dagat, at ang hangganan niyaon. Ito ang hangganan ng mga anak ni Juda sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.
Binihag ni Othoniel ang Chiriat-sepher.
13 (N)At kay Caleb na anak ni Jephone ay nagbigay siya ng isang bahagi sa gitna ng mga anak ni Juda, ayon sa utos ng Panginoon kay Josue, sa makatuwid baga'y ang (O)Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac (na siya ring Hebron).
14 At pinalayas ni Caleb mula roon ang tatlong anak ni Anac: si Sesai, si Aiman at si Talmai, na mga anak ni Anac.
15 At siya'y sumampa mula roon laban sa mga taga Debir: ang pangalan nga ng Debir nang una ay Chiriath-sepher.
16 (P)At sinabi ni Caleb, Ang sumakit sa Chiriath-sepher at sumakop, sa kaniya ko papagaasawahin si Axa na aking anak na babae.
17 At sinakop ni Othoniel na (Q)anak ni Cenez, na kapatid ni Caleb: at pinapagasawa niya sa kaniya si Axa na kaniyang anak na babae.
18 At nangyari, nang si Axa ay malakip sa kaniya, na kinilos nito siya na humingi sa kaniyang ama ng isang parang: at siya'y bumaba sa kaniyang asno, at sinabi ni Caleb sa kaniya, Anong ibig mo?
19 At kaniyang sinabi, (R)Pagpalain mo ako; sapagka't inilagay mo ako sa lupaing Timugan, ay (S)bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig. At ibinigay niya sa kaniya ang mga bukal sa itaas at ang mga bukal sa ibaba.
Ang mga bayan ng mga anak ni Juda.
20 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan.
21 At ang mga kaduluduluhang bayan ng lipi ng mga anak ni Juda sa dako ng hangganan ng Edom sa timugan ay Cabseel, at Eder, at Jagur,
22 At Cina, at Dimona, at Adada,
23 At Cedes, at Asor, at Itnan,
24 At Ziph, at Telem, at Bealoth,
25 At Asor-hadatta, at Cheriothhesron (na siya ring Asor),
26 Amam, at Sema, at Molada,
27 At Asar-gadda, at Hesmon, at Beth-pelet,
28 At Hasar-sual, at (T)Beer-seba, at Bizotia,
29 Baala, at Iim, at Esem,
30 At Eltolad, at Cesil, at Horma,
31 At Siclag, at Madmanna, at Sansana,
32 At Lebaoth at Silim, at Ain at Rimmon: lahat ng mga bayan ay dalawang pu't siyam, pati ng mga nayon ng mga yaon.
33 Sa mababang lupain: Estaol, at Sorea, at Asena,
34 At Zanoa, at En-gannim, Tappua, at Enam,
35 Jarmuth at Adullam, Socho at Aceca,
36 At Saraim at Adithaim, at Gedera at Gederothaim; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
37 Senan, at Hadasa, at Migdalgad;
38 At Dilan, at Mizpe, at Jocteel,
39 Lachis, at Boscat, at Eglon,
40 At Cabon, at Lamas, at Chitlis;
41 At Gederoth, at Beth-dagon, at Naama at Maceda: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
42 Libna, at Ether, at Asan,
43 At Jiphta, at Asna, at Nesib,
44 At Ceila, at Achzib, at Maresa; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
45 Ecron at ang mga bayan niyaon, at ang mga nayon niyaon:
46 Mula sa Ecron hanggang sa dagat, lahat na nasa siping ng (U)Asdod pati ng mga nayon ng mga yaon.
47 Asdod, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon, (V)Gaza, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon; hanggang sa (W)batis ng Egipto, at ang (X)malaking dagat at ang hangganan niyaon.
48 At sa lupaing maburol, Samir, at Jattir, at Soco,
49 At Danna, at Chiriat-sanna (na siyang Debir),
50 At Anab, at Estemo, at Anim;
51 At (Y)Gosen, at Olon, at Gilo: labing isang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
52 Arab, at Dumah, at Esan,
53 At Janum, at Beth-tappua, at Apheca:
54 At Humta, at Chiriath-arba (na siyang Hebron), at Sior; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
55 Maon, (Z)Carmel, at Ziph, at Juta,
56 At Izreel, at Jocdeam, at Zanoa,
57 Cain, Gibea, at Timna: sangpung bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
58 Halhul, Beth-zur, at Gedor.
59 At Maarath, at Beth-anoth, at Eltecon; anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
60 Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), at Rabba: dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
61 Sa ilang; Beth-araba, Middin, at Sechacha;
62 At Nibsan, at ang Bayan ng Asin, at Engedi: anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
63 (AA)At tungkol sa mga Jebuseo na mga taga Jerusalem ay hindi napalayas ng mga anak ni Juda: kundi ang mga (AB)Jebuseo ay nanahang kasama ng mga anak ni (AC)Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.
Ang mana ng mga anak ni Ephraim.
16 At ang kapalaran ng mga anak ni Jose ay nagmula sa Jordan sa Jerico, sa tubig ng Jerico sa dakong silanganan, hanggang sa (AD)ilang na pasampa, mula sa Jerico at patuloy sa lupaing maburol hanggang sa Beth-el;
2 At palabas mula sa Beth-el na patungo sa (AE)Luz at patuloy sa hangganan ng mga Archita na patungo sa Ataroth;
3 At pababa sa dakong kalunuran sa hangganan ng mga Japhleteo, (AF)hanggang sa hangganan ng Beth-horon sa ibaba, hanggang sa Gezer: at ang mga labasan niyaon ay sa dagat.
4 At kinuha ang kanilang mana ng mga anak ni Jose, ng Manases, at ng Ephraim.
5 At ang hangganan ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan ay ito: ang hangganan ng kanilang mana na dakong silanganan ay Ataroth-addar, hanggang sa Beth-horon sa itaas:
6 At ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran sa Michmetat, sa hilagaan; at ang hangganan ay paliko sa dakong silanganan hanggang sa Tanath-silo at patuloy sa silanganan ng Janoa:
7 At pababa mula sa Janoa na patungo sa Ataroth at sa Naara, at abot hanggang sa Jerico, at palabas sa Jordan.
8 Mula sa Tappua ay patuloy ang hangganan sa dakong kalunuran sa batis ng Cana: at ang labasan niyaon ay sa dagat. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan,
9 Pati ng mga (AG)bayan na inihiwalay sa mga anak ni Ephraim sa gitna ng mana ng mga anak ni Manases, lahat ng mga bayan na kalakip ng mga nayon ng mga yaon.
10 (AH)At hindi nila pinalayas ang mga Cananeo na nananahan sa Gezer: kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa gitna ng Ephraim hanggang sa araw na ito, at (AI)naging mga alilang tagapagatag.
Ang mana ng mga anak ni Manases.
17 At ito ang kapalaran ng lipi ni Manases; sapagka't siya ang (AJ)panganay ni Jose. Tungkol kay Machir na panganay ni Manases, na ama ni (AK)Galaad, sapagka't siya'y lalaking mangdidigma, ay kaniya ngang tinangkilik ang Galaad at ang Basan.
2 At ang napasa (AL)ibang mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan, (AM)sa mga anak ng Abiezer, at sa mga anak ng Helec, at sa mga anak ng Esriel, at sa mga anak ng Sichem, at sa mga anak ng Hepher, at sa mga anak ng Semida; ang mga ito ang mga anak na lalake ni Manases na anak ni Jose, ayon sa kanilang mga angkan.
3 Nguni't si Salphaad na anak ni Hepher, na anak ni Galaad na anak ni Machir, na anak ni Manases, ay hindi nagkaroon ng mga anak na lalake kundi mga babae: at ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak: Maala, at Noa, Hogla, Milcha, at Tirsa.
4 At sila'y lumapit sa harap ni (AN)Eleazar na saserdote at sa harap ni Josue na anak ni Nun, at sa harap ng mga prinsipe, na sinasabi, Iniutos ng (AO)Panginoon kay Moises na bigyan kami ng mana sa gitna ng aming mga kapatid: kaya't ayon sa utos ng Panginoon ay binigyan niya sila ng mana sa gitna ng mga kapatid ng kanilang ama.
5 At nahulog ang sangpung bahagi (AP)kay Manases, (AQ)bukod sa lupain ng Galaad at ang Basan, na nasa dako roon ng Jordan;
6 Sapagka't ang mga anak na babae ni Manases ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kaniyang mga anak; at ang lupain ng Galaad ay ukol sa nalabi sa mga anak ni Manases.
7 At ang hangganan ng Manases ay mula sa Aser hanggang sa Michmetat, na nasa tapat ng (AR)Sichem; at ang hangganan ay patuloy sa kanan, hanggang sa mga taga En-tappua.
8 Ang lupain ng Tappua ay ukol sa Manases: nguni't ang Tappua sa hangganan ng Manases ay ukol sa mga anak ni Ephraim.
9 At ang hangganan ay pababa hanggang sa batis ng Cana, na dakong timugan ng batis: ang mga (AS)bayang ito ay ukol sa Ephraim sa gitna ng mga bayan ng Manases: at ang hangganan ng Manases ay nasa dakong hilagaan ng batis, at ang labasan niyaon ay sa dagat;
10 Ang dakong timugan ay ang sa Ephraim, at ang dakong hilagaan ay ang sa Manases, at ang dagat ay hangganan niyaon; at abot sa Aser sa hilagaan at sa Issachar sa silanganan.
11 At tinatangkilik ng (AT)Manases sa Issachar at sa Aser ang (AU)Beth-san at ang mga nayon niyaon, at ang Ibleam at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Dor, at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga (AV)Endor at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Taanach at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga (AW)Megiddo, at ang mga nayon niyaon, ang tatlong kaitaasan.
12 (AX)Gayon ma'y hindi napalayas ng mga anak ni Manases ang mga taga-roon sa mga bayang yaon; kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa lupaing yaon.
13 At nangyari, nang ang mga anak ni Israel ay lumakas, na kanilang inilagay ang mga Cananeo sa (AY)pagaatag, at hindi nila lubos na pinalayas.
Dalawang bahagi ng mga anak ni Jose.
14 (AZ)At ang mga anak ni Jose ay nagsalita kay Josue, na sinasabi, Bakit ang ibinigay mo sa akin ay (BA)isang kapalaran at isang bahagi lamang na pinakamana, (BB)dangang malaking bayan ako, sapagka't pinagpala ako hanggang ngayon ng Panginoon?
15 At sinabi ni Josue sa kanila, Kung ikaw ay malaking bayan, sumampa ka sa gubat, at iyong malalawag doon sa iyong sarili ang lupain ng mga Pherezeo at ng mga (BC)Rephaim; yamang ang lupaing maburol ng (BD)Ephraim ay totoong makipot sa ganang iyo.
16 At sinabi ng mga anak ni Jose, Ang lupaing maburol ay hindi sukat sa amin; at ang lahat ng mga Cananeo na tumatahan sa lupain ng libis ay (BE)may mga karong bakal, sila na tumatahan sa Beth-san at sa mga nayon niyaon, at gayon din sila na nasa (BF)libis ng Jezreel.
17 At si Josue ay nagsalita sa sangbahayan ni Jose, ni Ephraim at ni Manases, na sinasabi, Ikaw ay malaking bayan, at may dakilang kapangyarihan: hindi marapat sa iyo ang isang kapalaran lamang:
18 Kundi ang lupaing maburol ay magiging iyo; sapagka't bagaman isang gubat ay iyong malalawag, at ang labasan niyaon ay magiging iyo, sapagka't iyong palalayasin ang mga Cananeo, (BG)bagaman sila'y may mga karong bakal, at bagaman sila'y matibay.
Ang natitirang mga lupain ay binahagi.
18 At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay nagpupulong sa (BH)Silo, (BI)at itinayo ang tabernakulo ng kapisanan doon: at ang lupain ay sumuko sa harap nila.
2 At nalabi sa mga anak ni Israel ay pitong lipi na hindi pa nababahaginan ng kanilang mana.
3 At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, Hanggang (BJ)kailan magpapakatamad kayo upang pasukin ninyong ariin ang lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang?
4 Maghalal kayo sa inyo ng tatlong lalake sa bawa't lipi: at aking susuguin, at sila'y babangon at lalakad sa lupain, at iguguhit ayon sa kanilang mana; at sila'y paririto sa akin.
5 At kanilang babahagihin ng pitong bahagi: (BK)ang Juda ay mananahan sa hangganan niyaon na dakong timugan, at ang (BL)sangbahayan ni Jose ay mananahan sa kanilang hangganan sa dakong hilagaan.
6 At inyong iguguhit ang lupain ng pitong bahagi, at inyong dadalhin ang pagkaguhit dito sa akin: at aking ipagsasapalaran dito (BM)sa inyo sa harap ng Panginoon natin Dios;
7 (BN)Sapagka't ang mga Levita ay walang bahagi sa gitna ninyo; sapagka't ang pagkasaserdote sa Panginoon ay siyang kanilang mana: at (BO)ang Gad, at ang Ruben at ang kalahating lipi ni Manases ay tumanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan, na ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon.
8 At ang mga lalake ay tumindig at yumaon: at ibinilin sa kanila ni Josue na yumaong iguhit ang lupain, na sinasabi, Yumaon kayo at lakarin ninyo ang lupain at iguhit ninyo at bumalik kayo sa akin, at aking ipagsasapalaran sa inyo dito sa harap ng Panginoon sa Silo.
9 At ang mga lalake ay yumaon at nilakad ang lupain, at iginuhit sa isang aklat ayon sa mga bayan na pitong bahagi, at sila'y naparoon kay Josue sa kampamento sa Silo.
10 At ipinagsapalaran ni Josue sa kanila sa Silo sa harap ng Panginoon; at binahagi roon ni Josue ang lupain sa mga anak ni Israel ayon sa kanilang mga (BP)bahagi.
Ang mana at ang mga bayan ng mga anak ni Benjamin.
11 At ang kapalaran ng lipi ng mga anak ni Benjamin ay lumabas ayon sa kanilang mga angkan: at ang hangganan ng kanilang kapalaran ay palabas sa pagitan ng mga anak ni Juda at ng mga anak ni Jose.
12 (BQ)At ang kanilang hangganan sa hilagaang sulok ay mula sa Jordan; at ang hangganan ay pasampa sa dako ng Jerico sa hilagaan, at pasampa sa lupaing maburol na dakong kalunuran; at ang labasan niyaon ay sa ilang ng (BR)Beth-aven.
13 At ang hangganan ay patuloy mula roon hanggang sa Luz, sa dako ng Luz (na (BS)siyang Beth-el), na dakong timugan; at ang hangganan ay pababa sa Ataroth-addar, sa tabi ng bundok na dumudoon sa timugan ng (BT)Beth-horon sa ibaba.
14 At ang hangganan ay patuloy at paliko sa kalunurang sulok na dakong timugan mula sa bundok na nakalatag sa harap ng Beth-horon na dakong timugan, at ang mga labasan niyaon ay sa (BU)Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), na bayan ng mga anak ni Juda: ito ang kalunurang sulok.
15 At ang timugang sulok ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Chiriath-jearim at ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran, at palabas sa bukal ng tubig ng Nephtoa:
16 At ang hangganan ay pababa sa kahulihulihang bahagi ng bundok na nakalatag sa harap ng libis ng anak ni Hinnom, na nasa (BV)libis ng Rephaim na dakong hilagaan; (BW)at pababa sa libis ni Hinnom, sa dako ng Jebuseo na dakong timugan at pababa sa (BX)Enrogel;
17 At paabot sa hilagaan at palabas sa En-semes, at palabas sa Geliloth na nasa tapat ng pagsampa sa Adummim; at pababa sa bato ng Bohan na anak ni Ruben,
18 At patuloy sa tagiliran na tapat ng Araba sa dakong hilagaan, at pababa sa Araba;
19 At ang hangganan ay patuloy sa tabi ng Beth-hogla na dakong hilagaan, at ang labasan ng hangganan ay sa hilagaang dagat-dagatan ng Dagat na Alat, sa timugang dulo ng Jordan; ito ang timugang hangganan.
20 At ang Jordan ay hangganan niyaon sa sulok na silanganan. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.
21 Ang mga bayan nga ng lipi ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan ay (BY)Jerico, at Beth-hogla, at Emec-casis:
22 At Beth-araba, at Samaraim, at Beth-el,
23 At Avim, at Para, at Ophra,
24 At Cephar-hammonai, at Ophni, at Gaba, labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
25 Gabaon, at Rama, at Beeroth,
26 At Mizpe, at Chephira, at Moza;
27 At Recoem, at Irpeel, at Tarala;
28 At Sela, Eleph, at (BZ)Jebus (na siyang Jerusalem), Gibeath, at Chiriath; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan.
Ang mana ng mga anak ni Simeon.
19 At ang ikalawang kapalaran ay napasa Simeon, sa lipi ng mga anak ng Simeon ayon sa kanilang mga angkan: (CA)at ang kanilang mana ay nasa gitna ng mana ng mga anak ni Juda.
2 At kanilang (CB)tinamo na pinakamana ang (CC)Beer-seba, o Seba, at Molada;
3 At Hasar-sual, at Bala, at Esem;
4 At Heltolad, at Betul, at Horma;
5 At Siclag, at Beth-marchaboth, at Hasar-susa,
6 At Beth-lebaoth, at Saruhen: labing tatlong bayan pati ng mga nayon niyaon
7 Ain, Rimmon, at Eter, at Asan, apat na bayan pati ng mga nayon niyaon:
8 At ang lahat ng mga nayon na nasa palibot ng mga bayang ito hanggang sa Baalath-beer, Ramat ng Timugan. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan.
9 Mula sa bahagi ng mga anak ni Juda ang mana ng mga anak ni Simeon: sapagka't ang bahagi ng mga anak ni Juda ay totoong marami sa ganang kanila; kaya't ang mga anak ni Simeon ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kanilang mana.
Ang mana ng mga anak ni Zabulon.
10 At ang ikatlong kapalaran ay napasa mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan. At ang hangganan ng kanilang mana ay hanggang sa Sarid:
11 (CD)At ang kanilang hangganan ay pasampa sa dakong kalunuran sa Merala, at abot sa Dabbeseth at mula roo'y abot sa batis na nasa harap ng Jocneam,
12 At paliko mula sa Sarid sa dakong silanganan na dakong sinisikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Chisiloth-tabor, at palabas sa Dabrath, at pasampa sa Japhia;
13 At mula roon ay patuloy sa dakong silanganan sa Gith-hepher, sa Ittakazin; at palabas sa Rimmon na luwal hanggang sa Nea:
14 At ang hangganan ay paliko sa hilagaan na patungo sa Hanaton: at ang labasan niyaon ay sa libis ng Iphta-el;
15 At sa Catah, at sa Naalal, at sa Simron, at sa Ideala, at sa Beth-lehem: labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
16 Ito ang mana ng mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
Ang mana ng mga anak ni Issachar.
17 Ang ikaapat na kapalaran ay napasa Issachar, sa mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan.
18 At ang kanilang hangganan ay hanggang sa Izreel, at Chesulloth, at Sunem,
19 At Hapharaim, at Sion, at Anaarath,
20 At Rabbit, at Chision, at Ebes,
21 At Rameth, at En-gannim, at Enhadda, at Beth-passes,
22 At ang hangganan ay abot sa Tabor, at Sahasim, at sa Beth-semes; at ang mga labasan ng hangganan ng mga yaon ay sa Jordan: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
23 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Ang mana ng mga anak ni Aser.
24 At ang ikalimang kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan.
25 At ang kanilang hangganan ay Helchat, at Hali, at Beten, at Axaph,
26 At Alammelec, at Amead, at Miseal; at abot sa Carmel na dakong kalunuran at sa Sihorlibnath;
27 At paliko sa dakong sinisikatan ng araw sa Beth-dagon, at abot sa Zabulon, at sa libis ng Iphta-el na dakong hilagaan sa Beth-emec at Nehiel; at palabas sa Cabul sa kaliwa.
28 At Hebron, at Rehob, at Hammon, at Cana, (CE)hanggang sa malaking Sidon,
29 At ang hangganan ay paliko sa Rama, at sa bayang nakukutaan ng Tiro; at ang hangganan ay paliko sa Hosa, at ang mga labasan niyaon ay sa dagat mula sa lupain ni Achzib;
30 Gayon din ang Umma, at Aphek, at Rehob: dalawang pu't dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
31 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
Ang mana ng mga anak ni Nephtali.
32 Ang ikaanim na kapalaran ay napasa mga anak ni Nephtali, sa mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan.
33 At ang kanilang hangganan ay mula sa Heleph, mula sa encina sa Saananim, at sa Adamineceb, at sa Jabneel, hanggang sa Lacum; at ang mga labasan niyaon ay sa Jordan;
34 At ang hangganan ay paliko sa dakong kalunuran sa Aznot-tabor, at palabas sa Hucuca mula roon; at abot sa Zabulon sa timugan, at abot sa Aser sa kalunuran, at sa Juda sa Jordan na dakong sinisikatan ng araw.
35 At ang mga bayang nakukutaan ay Siddim, Ser, at Hamath, Raccath, at Cinneret,
36 At Adama, at Rama, at Asor,
37 At Cedes, at Edrei, at Enhasor,
38 At Iron, at Migdalel, Horem, at Beth-anath, at Beth-semes: labing siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
39 Ito ang mana ng lipi, ng mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Ang mana ng mga anak ni Dan.
40 Ang ikapitong kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan.
41 At ang hangganan ng kanilang mana ay Sora, at Estaol, at Ir-semes,
42 At Saalabin, at (CF)Ailon, at Jeth-la,
43 At Elon, at Timnath, at Ecron,
44 At Elteche, at Gibbethon, at Baalat,
45 At Jehul, at Bene-berac, at Gatrimmon,
46 At Me-jarcon, at Raccon pati ng hangganan sa tapat ng Joppa.
47 At ang hangganan ng mga anak ni Dan ay palabas sa dako roon ng mga yaon; sapagka't ang mga anak ni Dan ay sumampa at bumaka laban sa Lesem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at inari at tumahan doon, at tinawag ang Lesem, na Dan, ayon sa pangalan ni Dan, na kanilang ama.
48 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga yaon.
Ang mana ng mga anak ni Josue ay ang Timnath-sera.
49 Gayon kanilang tinapos ang pagbabahagi ng lupain na pinakamana ayon sa mga hangganan niyaon; at binigyan ng mga anak ni Israel ng mana si Josue na anak ni Nun sa gitna nila:
50 Ayon sa utos ng Panginoon ay kanilang ibinigay sa kaniya ang bayang kaniyang hiningi, ang (CG)Timnath-sera sa lupaing maburol ng Ephraim: at kaniyang itinayo ang bayan at tumahan doon.
51 (CH)Ito ang mga mana na binahagi ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel na pinakamana, sa pamamagitan ng pagsasapalaran sa (CI)Silo sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. Gayon nila niwakasan ang pagbabahagi ng lupain.
Ang bayang ampunan.
20 At ang Panginoon ay nagsalita kay Josue, na sinasabi,
2 Magsalita ka sa mga anak ni Israel, na sabihin mo, (CJ)Italaga ninyo sa inyo ang mga bayang ampunan, na aking sinalita sa inyo sa pamamagitan ni Moises:
3 Upang matakasan ng nakamatay, na nakapatay sa sinoman na hindi sinasadya at hindi kusa: at magiging ampunan ninyo laban sa manghihiganti sa dugo.
4 At siya'y tatakas sa isa sa mga bayang yaon, at tatayo sa pasukan ng (CK)pintuan ng bayan, at magsasaysay sa mga pakinig ng mga matanda sa bayang yaon; at kanilang kukunin siya sa bayan na ipagsasama nila, at bibigyan nila siya ng isang dako, upang siya'y tumahan sa gitna nila.
5 At kung siya'y habulin ng manghihiganti sa dugo, hindi nga nila ibibigay ang nakamatay sa kaniyang kamay; sapagka't kaniyang napatay ang kaniyang kapuwa na hindi sinasadya, at hindi niya kinapootan nang una.
6 At siya'y tatahan sa bayang yaon, (CL)hanggang sa siya'y tumayo sa harap ng kapisanan upang hatulan, (CM)hanggang sa pagkamatay ng pangulong saserdote, na nalalagay sa mga araw na yaon: kung magkagayo'y uuwi ang nakamatay, at paroroon sa kaniyang sariling bayan, at sa kaniyang sariling bahay, hanggang sa pinagmulan niyang bayan na tinakasan.
7 At kanilang ibinukod ang (CN)Cedes sa Galilea sa lupaing maburol ng Nepthali, at ang (CO)Sichem sa (CP)lupaing maburol ng Ephraim, at ang (CQ)Chiriath-arba (na siyang Hebron) sa lupaing maburol ng Juda.
8 At sa dako roon ng Jordan sa Jerico na dakong silanganan, ay kaniyang itinalaga ang (CR)Beser sa ilang sa kapatagan, mula sa lipi ni Ruben, at ang (CS)Ramoth sa Galaad na mula sa lipi ni Gad, at ang (CT)Gaulon sa Basan na mula sa lipi ni Manases.
9 (CU)Ito ang mga itinalagang bayan sa lahat ng mga anak ni Israel, at sa taga ibang lupa na tumatahan sa gitna nila, na sinomang makamatay ng sinomang tao, na hindi sinasadya, ay makatakas doon, at huwag mapatay ng kamay ng manghihiganti sa dugo, hanggang hindi nahaharap sa kapisanan.
Ang bayang para sa mga Levita.
21 Nang magkagayo'y lumapit ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita kay (CV)Eleazar na saserdote, at kay Josue na anak ni Nun at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel;
2 At sila'y nagsalita sa kanila sa (CW)Silo, sa lupain ng Canaan, na sinasabi, (CX)Ang Panginoon ay nagutos sa pamamagitan ni Moises, na bigyan kami ng mga bayan na matatahanan, pati ng mga nayon niyaon para sa aming hayop.
3 At sa kanilang mana ay ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita, ayon sa utos ng Panginoon, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
4 At ang kapalarang ukol sa mga angkan ng mga Coathita ay lumabas; (CY)at ang mga anak ni Aaron na saserdote, na kabilang sa mga Levita, ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ni Juda, at sa lipi ng mga Simeonita, at sa lipi ni Benjamin, ng labing tatlong bayan.
5 At ang nalabi sa mga anak ni Coath ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Ephraim, at sa lipi ni Dan, at sa kalahating lipi ni Manases, ng sangpung bayan.
6 At (CZ)ang mga anak ni Gerson ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Basan, ng labing tatlong bayan.
7 (DA)Ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan ay nagtamo sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zabulon, ng labing dalawang bayan.
8 At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita sa pamamagitan ng sapalaran ang mga bayang ito pati ng mga nayon nito, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
9 At sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay kanilang ibinigay ang mga bayang ito na nabanggit sa pangalan:
10 At pawang sa mga anak ni Aaron, sa mga angkan ng mga Coathita, na mga anak ni Levi: sapagka't sa kanila ang unang kapalaran.
11 (DB)At ibinigay nila sa kanila ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac, (na siya ring Hebron,) sa (DC)lupaing maburol ng Juda, pati ng mga nayon niyaon sa palibot.
12 Nguni't (DD)ang mga parang ng bayan, at ang mga nayon, ay ibinigay nila kay Caleb na anak ni Jephone na pinakaari niya.
13 At sa mga anak ni Aaron na saserdote ay ibinigay nila (DE)ang Hebron pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at (DF)ang Libna pati ng mga nayon niyaon;
14 At ang Jattir pati ng mga nayon niyaon, at ang Estemoa, pati ng mga nayon niyaon.
15 At ang (DG)Helon pati ng mga nayon niyaon, at ang Debir pati ng mga nayon niyaon;
16 At ang (DH)Ain pati ng mga nayon niyaon, at ang Jutta pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-semes pati ng mga nayon niyaon; siyam na bayan sa dalawang liping yaon.
17 At sa lipi ni Benjamin, ang (DI)Gabaon pati ng mga nayon niyaon, ang (DJ)Geba pati ng mga nayon niyaon;
18 Ang (DK)Anathoth pati ng mga nayon niyaon, at ang (DL)Almon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
19 Lahat ng mga bayan ng mga anak ni Aaron na saserdote ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
20 At tinamo (DM)ng mga angkan ng mga anak ni Coath, na mga Levita, sa makatuwid baga'y ang nangalabi sa mga anak ni Coath, ang mga bayan na kanilang kapalaran sa lipi ni Ephraim.
21 At ibinigay nila sa kanila ang (DN)Sichem pati ng mga nayon niyaon sa lupaing maburol ng Ephraim, na bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at ang (DO)Geser pati ng mga nayon niyaon.
22 At ang Kibsaim pati ng mga nayon niyaon, at ang (DP)Beth-horon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
23 At sa lipi ni Dan, ang Eltheco pati ng mga nayon niyaon, ang Gibbethon pati ng mga nayon niyaon;
24 Ang (DQ)Ailon pati ng mga nayon niyaon; ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
25 At sa kalahating lipi ni Manases, ang Taanach pati ng mga nayon niyaon; at ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan.
26 Lahat na bayan sa mga angkan ng nangalabi sa mga anak ni Coath ay sangpu pati ng mga nayon niyaon.
27 (DR)At sa mga anak ni Gerson, sa mga angkan ng mga Levita, ay ibinigay sa kanila sa kalahating lipi ni Manases ang (DS)Gaulon sa Basan pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay; at ang Be-estera pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan.
28 At sa lipi ni Issachar, ang Cesion pati ng mga nayon niyaon, ang Dabereth pati ng mga nayon niyaon;
29 Ang Jarmuth pati ng mga nayon niyaon, ang En-gannim pati ng mga nayon niyaon: apat na bayan.
30 At sa lipi ni Aser, ang Miseal pati ng mga nayon niyaon, ang Abdon pati ng mga nayon niyaon;
31 Ang Helchath pati ng mga nayon niyaon, ang Rehob pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
32 At sa lipi ni Nephtali ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, (DT)ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon, at ang Hammoth-dor pati ng mga nayon niyaon, at ang Cartan pati ng mga nayon niyaon; tatlong bayan.
33 Lahat na bayan ng mga Gersonita ayon sa kanilang mga angkan ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
34 (DU)At sa mga angkan ng mga anak ni Merari, na nalabi sa mga Levita, sa lipi ni Zabulon, ang Jocneam pati ng mga nayon niyaon, at ang Kartha pati ng mga nayon niyaon,
35 Ang Dimna pati ng mga nayon niyaon, ang Naalal pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
36 At sa lipi ni Ruben; (DV)ang Beser pati ng mga nayon niyaon, at ang Jasa pati ng mga nayon niyaon.
37 Ang Cedemoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Mephaat pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
38 At sa lipi ni Gad ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, ang (DW)Ramoth sa Galaad pati ng mga nayon niyaon, ang (DX)Mahanaim pati ng mga nayon niyaon;
39 Ang Hesbon pati ng mga nayon niyaon, at ang Jacer pati ng mga nayon niyaon, apat na bayang lahat.
40 Lahat ng mga ito ay mga bayan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, sa makatuwid baga'y ang nalabi sa mga angkan ng mga Levita; at ang kanilang kapalaran ay labing dalawang bayan.
41 (DY)Lahat na bayan ng mga Levita sa gitna ng mga pagaari ng mga anak ni Israel ay apat na pu't walong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
42 Ang mga bayang ito ay kalakip bawa't isa ang mga nayon nito sa palibot ng mga yaon: gayon sa lahat ng mga bayang ito.
43 Sa gayo'y ibinigay ng Panginoon sa Israel (DZ)ang buong lupain na kaniyang isinumpa na ibibigay sa kanilang mga magulang: at kanilang inari at tumahan doon.
44 (EA)At binigyan sila ng kapahingahan ng Panginoon sa palibot, ayon sa lahat ng kaniyang isinumpa sa kanilang mga magulang: (EB)at walang tumayong isang lalake sa lahat ng kanilang mga kaaway sa harap nila; ibinigay ng Panginoon ang lahat nilang mga kaaway sa kanilang kamay.
45 (EC)Walang nagkulang na isang mabuting bagay na sinalita ng Panginoon sa sangbahayan ng Israel, lahat ay nangyari.
Ang taga kabilang ibayo ng Jordan ay bumalik.
22 Tinawag nga ni Josue ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases,
2 At sinabi sa kanila, (ED)Inyong iningatan ang lahat na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, at inyong dininig ang aking tinig sa lahat na aking iniutos sa inyo;
3 Hindi ninyo iniwan ang inyong mga kapatid na malaong panahon hanggang sa araw na ito, kundi inyong iningatan ang bilin na utos ng Panginoon ninyong Dios.
4 At ngayo'y binigyan ng kapahingahan ng (EE)Panginoon ninyong Dios ang inyong mga kapatid, gaya ng sinalita niya sa kanila: kaya't ngayo'y pumihit kayo at yumaon kayo sa inyong mga tolda sa lupain na inyong ari, na ibinigay sa inyo ni (EF)Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan.
5 (EG)Ingatan lamang ninyong mainam na gawin ang utos at ang kautusan na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, (EH)na ibigin ang Panginoon ninyong Dios, at lumakad sa lahat niyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at lumakip sa kaniya, at maglingkod sa kaniya ng buo ninyong puso at ng buo ninyong kaluluwa.
6 Gayon sila (EI)binasbasan ni Josue at pinagpaalam sila: at sila'y umuwi sa kanilang mga tolda.
7 Ibinigay nga ni Moises sa kalahating lipi ni Manases ang mana sa Basan: (EJ)nguni't ang kalahating lipi ay binigyan ni Josue sa gitna ng kanilang mga kapatid sa dako rito ng Jordan na dakong kalunuran. Bukod dito'y nang papagpaalamin sila ni Josue na pauwiin sa kanilang mga tolda, ay binasbasan sila,
8 At sinalita sa kanila, na sinasabi, Kayo'y bumalik na may maraming kayamanan sa inyong mga tolda, at may maraming hayop, may pilak, at may ginto, at may tanso, at may bakal, at may maraming kasuutan: magbahagi kayo sa inyong mga kapatid ng samsam sa inyong mga kaaway.
9 At ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagsibalik na humiwalay sa mga anak ni Israel mula sa (EK)Silo, na nasa lupain ng Canaan, (EL)upang pumaroon sa lupain ng Galaad, sa lupain ng kanilang ari na kanilang inari, ayon sa utos ng Panginoon, sa pamamagitan ni Moises.
Nagtayo ng dambana na naging labag.
10 At nang sila'y dumating sa may lupain ng Jordan, na nasa lupain ng Canaan, ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo roon ng dambana sa tabi ng Jordan, isang malaking dambana na matatanaw.
11 At (EM)narinig ng mga anak ni Israel, na sinabi, Narito, ang mga anak ni Ruben, ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo ng isang dambana sa tapat ng lupain ng Canaan sa may lupain ng Jordan, sa dako na nauukol sa mga anak ni Israel.
12 At nang marinig ng mga anak ni Israel, ay nagpipisan sa Silo (EN)ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, upang sumampa laban sa kanila na makipagdigma.
13 At sinugo ng mga anak ni Israel sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manases, sa lupain ng Galaad, si (EO)Phinees na anak ni Eleazar na saserdote;
14 At kasama niya ay sangpung prinsipe, na isang prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang sa bawa't isa sa mga lipi ng Israel; at (EP)bawa't isa sa kanila'y pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang sa mga libolibo sa Israel.
15 At sila'y naparoon sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manases sa lupain ng Galaad, at sinalita nila sa kanila na sinasabi,
16 Ganito ang sabi ng buong kapisanan ng Panginoon, Anong pagsalangsang ito na inyong ginawa laban sa Dios ng Israel, na humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon, sa inyong pagtatayo para sa inyo ng isang dambana, (EQ)upang manghimagsik sa araw na ito laban sa Panginoon?
17 Napakaliit ba sa ganang atin ang kasamaan (ER)ng Peor, na hindi natin nilinis hanggang sa araw na ito, bagaman dumating ang salot sa kapisanan ng Panginoon,
18 Upang kayo'y humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon? at mangyayari na sapagka't kayo'y nanghihimagsik ngayon laban sa Panginoon (ES)ay magiinit siya bukas sa buong kapisanan ng Israel.
19 Gayon man, kung ang lupain na inyong ari ay maging marumi, lumipat nga kayo sa lupain na ari ng Panginoon, (ET)na kinatahanan ng tabernakulo ng Panginoon, at kumuha kayo ng ari sa gitna namin: nguni't huwag kayong manghimagsik laban sa Panginoon, ni manghimagsik laban sa amin, sa pagtatayo ng isang dambana bukod sa dambana ng Panginoon nating Dios.
20 (EU)Hindi ba si Achan na anak ni Zera ay nagkasala ng pagsalangsang sa itinalagang bagay, at ang pagiinit ay nahulog sa buong kapisanan ng Israel? at ang taong yaon ay hindi namatay na magisa sa kaniyang kasamaan.
Naging maayos na muli.
21 Nang magkagayo'y sumagot ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases, at nagsalita sa mga pangulo ng mga libolibo sa Israel.
22 Ang Makapangyarihan, ang Dios, (EV)ang Panginoon, ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ay siyang nakatatalastas; at matatalastas ng Israel; kung panghihimagsik nga o kung pagsalangsang laban sa Panginoon, ((EW)huwag mo kaming iligtas sa araw na ito,)
23 Na kami ay nagtayo para sa amin ng isang dambana upang humiwalay sa pagsunod sa Panginoon; o kung paghandugan ng mga handog na susunugin o ng handog na harina, o kung paghandugan ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, (EX)siyasatin nga ng Panginoon;
24 At kung hindi namin ginawang maingat ito, at inakala, na sabihin. Marahil sa panahong darating ay masasalita ng inyong mga anak, na sasabihin, Anong ipakikialam ninyo sa Panginoon, sa Dios ng Israel?
25 Sapagka't ginawang hangganan ng Panginoon ang Jordan sa pagitan namin at ninyo, ninyong mga anak ni Ruben at mga anak ni Gad: kayo'y walang bahagi sa Panginoon: sa gayo'y patitigilin ng inyong mga anak ang aming mga anak sa pagkatakot sa Panginoon.
26 Kaya't aming sinabi, Maghanda tayo na magtayo para sa atin ng isang dambana, hindi upang sa handog na susunugin, ni sa hain man:
27 Kundi magiging saksi (EY)sa pagitan namin at ninyo, at sa pagitan ng ating mga lahi pagkamatay natin, upang aming (EZ)magawa ang paglilingkod sa Panginoon sa harap niya ng aming mga handog na susunugin at ng aming mga hain at ng aming mga handog tungkol sa kapayapaan; upang huwag masabi ng inyong mga anak sa aming mga anak sa panahong darating, Kayo'y walang bahagi sa Panginoon.
28 Kaya't sinabi namin, Mangyayari na pagka kanilang sasabihing gayon sa amin o sa aming lahi sa panahong darating, ay aming sasabihin, Narito ang anyo ng dambana ng Panginoon na ginawa ng aming mga magulang, hindi upang sa handog na susunugin, ni sa hain: kundi isang saksi sa pagitan namin at ninyo.
29 Malayo nawa sa amin na kami ay manghimagsik laban sa Panginoon, at humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon sa pagtatayo ng isang dambana para sa handog na susunugin, para sa handog na harina, o para sa hain bukod sa dambana ng Panginoon nating Dios na nasa harap ng kaniyang tabernakulo.
30 At nang marinig ni (FA)Phinees na saserdote, at ng mga prinsipe ng kapisanan ng mga pangulo ng mga libolibo ng Israel na kasama niya, ang mga salita na sinalita ng mga anak ni Ruben, at ng mga anak ni Gad, at ng mga anak ni Manases, ay nakalugod na mabuti sa kanila.
31 At sinabi ni Phinees na anak ni Eleazar na saserdote sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Manases, Sa araw na ito ay talastas namin, na ang Panginoon ay nasa (FB)gitna natin, sapagka't kayo'y hindi nagkasala ng pagsalangsang na ito laban sa Panginoon: inyo ngang iniligtas ang mga anak ni Israel sa kamay ng Panginoon.
32 At si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote at ang mga prinsipe, ay nagsibalik na mula sa mga anak ni Ruben, at mula sa mga anak ni Gad, sa (FC)lupain ng Galaad, na tumungo sa lupain ng Canaan, sa mga anak ni Israel, at binigyan nilang sagot.
33 At ang bagay ay nakalugod sa mga anak ni Israel; at (FD)pinuri ng mga anak ni Israel ang Dios at hindi na nagsalita pa ng pagsampa laban sa kanila na bumaka na gibain ang lupain na kinatatahanan ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad.
34 At ang dambana ay tinawag na Ed ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad: Sapagka't anila, saksi sa pagitan natin, na ang Panginoon ay Dios.
Ang pamamaalam na talumpati ni Josue.
23 At nangyari pagkaraan ng maraming araw, nang mabigyan ng (FE)Panginoon ng kapahingahan ang Israel sa lahat nilang mga kaaway sa palibot, at si Josue ay matanda (FF)na at puspos ng mga taon;
2 Na tinawag ni Josue (FG)ang buong Israel, ang kanilang mga matanda, at ang kanilang mga pangulo, at ang kanilang mga hukom at ang kanilang mga (FH)pinuno, at sinabi sa kanila, Ako'y matanda na at puspos ng mga taon:
3 At inyong nakita ang lahat na ginawa ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng bansang ito dahil sa inyo; (FI)sapagka't ipinakipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios.
4 Narito, aking binahagi (FJ)sa inyo ang mga bansang ito na nangalabi, upang maging mana sa inyong mga lipi, mula sa Jordan pati ng lahat na bansa na aking inihiwalay, hanggang sa (FK)malaking dagat na dakong nilulubugan ng araw.
5 At itataboy sila ng Panginoon ninyong Dios mula sa harap ninyo, at palalayasin sila sa inyong paningin, at inyong aariin ang kanilang lupain na (FL)gaya ng sinalita ng Panginoon ninyong Dios sa inyo.
6 (FM)Kaya't kayo'y magpakatapang na mabuti na ingatan at gawin ang lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises (FN)na huwag kayong lumiko sa kanan o sa kaliwa;
7 (FO)Na huwag kayong pumasok sa mga bansang ito, sa mga ito na nangalalabi sa gitna ninyo; (FP)huwag din ninyong banggitin ang pangalan ng kanilang mga dios, ni magpasumpa sa pangalan ng mga yaon, ni maglingkod sa mga yaon, ni yumukod sa mga yaon:
8 Kundi lumakip kayo sa Panginoon ninyong Dios, na gaya ng inyong ginawa hanggang sa araw na ito.
9 Sapagka't pinalayas ng Panginoon sa harap ninyo ang mga malaking bansa at malakas: nguni't tungkol sa inyo, ay (FQ)walang tao na tumayo sa harap ninyo hanggang sa araw na ito.
10 (FR)Isang lalake sa inyo ay hahabol sa isang libo: sapagka't ipinakikipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios, gaya ng sinalita niya sa inyo.
11 Magpakaingat nga kayong mabuti sa inyong sarili, na inyong ibigin ang Panginoon ninyong Dios.
12 Kung inyo ngang tatalikuran sa anomang paraan at lalakip sa nangalabi sa mga bansang ito, sa mga ito na nangalabi sa gitna ninyo, (FS)at kayo'y magaasawa sa kanila, at kayo'y lalakip sa kanila, at sila sa inyo:
13 Ay tatalastasin ninyong lubos (FT)na hindi pa palalayasin ng Panginoon ninyong Dios ang mga bansang ito sa inyong paningin: kundi sila'y magiging silo at lalang (FU)sa inyo, at panghampas sa inyong tagiliran at mga tinik sa inyong mga mata hanggang sa kayo'y malipol dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios.
14 At, narito, sa araw na ito (FV)ay yumayaon ako sa lakad ng buong lupa: at inyong talastas sa inyong buong puso at sa inyong buong kaluluwa (FW)na walang bagay na nagkulang sa lahat na mga mabuting bagay na sinalita ng Panginoon ninyong Dios tungkol sa inyo; lahat ay nangyari sa inyo, wala kahit isang bagay na nagkulang.
15 At mangyayari, na kung paanong ang lahat ng mga mabuting bagay ay nangyari sa inyo na sinalita sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, ay gayon dadalhin ng Panginoon sa inyo ang lahat ng mga masamang bagay, hanggang sa kayo'y malipol niya dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios.
16 Pagka (FX)inyong sinalangsang ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na kaniyang iniutos sa inyo, at yumaon at naglingkod sa ibang mga dios at yumukod sa mga yaon; ang galit nga ng Panginoon ay magaalab laban sa inyo, at kayo'y malilipol na madali sa mabuting lupain na kaniyang ibinigay sa inyo.
Ang tipan ay inulit sa Sichem.
24 At pinisan ni Josue ang lahat ng mga lipi ng Israel sa (FY)Sichem, at (FZ)tinawag ang mga matanda ng Israel at ang kanilang mga pangulo, at ang kanilang mga hukom, at ang kanilang mga (GA)pinuno; at sila'y (GB)nagsiharap sa Dios.
2 At sinabi ni Josue sa buong bayan, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (GC)Ang inyong mga magulang ay tumahan nang unang panahon sa dako roon ng Ilog, na dili iba't si Thare, na ama ni Abraham at ama ni Nachor: at sila'y naglingkod sa ibang mga dios.
3 At (GD)kinuha ko ang inyong amang si Abraham mula sa dako roon ng Ilog at pinatnubayan ko siya sa buong lupain ng Canaan, at pinarami ko ang kaniyang binhi (GE)at ibinigay ko sa kaniya si Isaac.
4 At ibinigay ko kay Isaac si (GF)Jacob at si Esau: at ibinigay ko kay (GG)Esau ang bundok ng Seir upang ariin; (GH)at si Jacob at ang kaniyang mga anak ay bumabang pumasok sa Egipto.
5 At (GI)aking sinugo si Moises at si Aaron, at (GJ)sinalot ko ang Egipto, ayon sa aking ginawa sa gitna niyaon: at pagkatapos ay inilabas ko kayo.
6 At (GK)inilabas ko ang inyong mga magulang sa Egipto: at kayo'y (GL)naparoon sa dagat; at hinabol (GM)ng mga taga Egipto ang inyong mga magulang, ng mga karo at ng mga nangangabayo hanggang sa Dagat na Mapula.
7 At nang sila'y dumaing sa Panginoon (GN)ay nilagyan niya ng kadiliman ang pagitan ninyo at ang mga taga Egipto, (GO)at itinabon ang dagat sa kanila, at tinakpan sila; at nakita ng (GP)inyong mga mata kung ano ang aking ginawa sa Egipto at kayo'y tumahan sa ilang na malaon.
8 At ipinasok ko kayo sa lupain ng mga Amorrheo, na tumatahan sa dako roon ng Jordan, (GQ)at sila'y nakipagbaka sa inyo; at ibinigay ko sila sa inyong kamay, at inyong inari ang kanilang lupain: at nilipol ko sila sa harap ninyo.
9 (GR)Nang magkagayo'y tumindig si Balac na anak ni Zippor, na hari sa Moab, at dumigma laban sa Israel; at (GS)siya'y nagsugo at tinawag si Balaam na anak ni Beor, upang sumpain kayo:
10 Nguni't hindi ko dininig si Balaam; (GT)kaya't binasbasan nga niya kayo: gayon iniligtas ko kayo sa kaniyang kamay.
11 (GU)At kayo'y tumawid sa Jordan at dumating sa Jerico: at (GV)ang mga tao sa Jerico ay nakipaglaban sa inyo, ang Amorrheo, at ang Pherezeo, at ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Gergeseo, ang Heveo, at ang Jebuseo, at ibinigay ko sila sa inyong kamay.
12 At (GW)sinugo ko ang malalaking putakti sa unahan ninyo, na siyang nagtaboy sa kanila sa harap ninyo, sa makatuwid baga'y sa dalawang hari ng mga Amorrheo: (GX)hindi sa pamamagitan ng inyong tabak, ni ng inyong busog.
13 At aking binigyan kayo ng lupain na hindi ninyo binukid, at (GY)ng mga bayang hindi ninyo itinayo, at inyong tinatahanan; at mga ubasan at mga olibohan na hindi ninyo itinanim ay inyong kinakain.
14 Ngayon nga ay matakot kayo sa Panginoon, at paglingkuran ninyo siya sa pagtatapat at sa katotohanan: at inyong (GZ)alisin ang mga dios na mga pinaglingkuran ng inyong mga magulang sa dako roon ng Ilog at (HA)sa Egipto; at inyong paglingkuran ang Panginoon.
15 At kung inaakala ninyong masama na maglingkod sa Panginoon, ay (HB)piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran; kung ang mga dios ng inyong mga magulang na pinaglingkuran sa dako roon ng Ilog, o ang (HC)dios ng mga Amorrheo na ang lupain nila ay inyong tinatahanan: (HD)nguni't sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon.
16 At ang bayan ay sumagot at nagsabi, Malayo nawa sa amin na aming pabayaan ang Panginoon sa paglilingkod sa ibang mga dios:
17 Sapagka't ang Panginoon nating Dios ay siyang nagsampa sa atin at sa ating mga magulang mula sa lupain ng Egipto, mula sa bahay ng pagkaalipin, at siyang gumawa ng mga dakilang tandang yaon sa ating paningin, at iningatan tayo sa lahat ng daan na ating pinaroonan, at sa gitna ng lahat ng mga bayan na ating dinaanan:
18 At itinaboy ng Panginoon sa harap natin ang lahat ng mga bayan, ang mga Amorrheo na tumahan sa lupain: kaya't kami ay maglilingkod din sa Panginoon; sapagka't siya'y ating Dios.
19 At sinabi ni Josue sa bayan, (HE)Kayo'y hindi makapaglilingkod sa Panginoon; sapagka't (HF)siya'y isang banal na Dios; siya'y (HG)mapanibughuing Dios; hindi niya ipatatawad ang inyong pagsalangsang ni ang inyong mga kasalanan.
20 Kung inyong pabayaan ang Panginoon, at maglingkod sa ibang mga dios: ay hihiwalay nga siya at gagawan kayo ng kasamaan at lilipulin kayo pagkatapos na kaniyang nagawan kayo ng mabuti.
21 At sinabi ng bayan kay Josue, Hindi: kundi kami ay maglilingkod sa Panginoon.
22 At sinabi ni Josue sa bayan, Kayo'y mga saksi laban sa inyong sarili (HH)na inyong pinili sa inyo ang Panginoon, upang paglingkuran siya. At sinabi nila, Kami ay mga saksi.
23 (HI)Ngayon nga'y alisin ninyo, sabi niya, ang ibang mga dios na nasa gitna ninyo at ikiling ninyo ang inyong puso sa Panginoon, na Dios ng Israel.
24 At sinabi ng bayan kay Josue, Ang Panginoon nating Dios ay aming paglilingkuran, at ang kaniyang tinig ay aming didinggin.
25 Sa gayo'y nakipagtipan si (HJ)Josue sa bayan nang araw na yaon, at nilagdaan niya sila ng palatuntunan at ng ayos sa Sichem.
26 At (HK)sinulat ni Josue ang mga salitang ito sa aklat ng kautusan ng Dios; at siya'y kumuha ng malaking bato, (HL)at inilagay (HM)sa lilim ng encina na nasa tabi ng santuario ng Panginoon.
27 At sinabi ni Josue sa buong bayan, Narito, ang (HN)batong ito ay magiging saksi laban sa atin, sapagka't (HO)narinig nito ang lahat ng mga salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa atin: ito nga'y magiging saksi laban sa inyo, baka ninyo itakuwil ang inyong Dios.
28 Sa gayo'y (HP)pinapagpaalam ni Josue ang bayan, bawa't isa sa kaniyang mana.
Ang kamatayan ni Josue.
29 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na si Josue, na anak ni Nun na lingkod ng Panginoon, ay namatay na may isang daan at sangpung taon ang gulang.
30 At inilibing nila siya sa hangganan ng kaniyang mana sa (HQ)Timnathsera, na nasa lupaing maburol ng Ephraim sa hilagaan ng bundok ng Gaas.
31 At naglingkod ang Israel sa Panginoon sa (HR)lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue at (HS)nakilala ang lahat na gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel.
Ibinaon ang butó ni Jose; kamatayan ni Eleazar.
32 At ang mga butó ni Jose, na isinampa ng mga anak ni Israel mula sa Egipto ay (HT)inilibing nila sa Sichem, sa putol ng lupa (HU)na binili ni Jacob sa mga anak ni Hemor na ama ni Sichem ng isang daang putol na salapi: at mga naging mana ng mga anak ni Jose.
33 At namatay si Eleazar na anak ni Aaron; at inilibing nila siya sa burol ni (HV)Phinees na kaniyang anak na nabigay sa kaniya sa (HW)lupaing maburol ng Ephraim.
Ang pagsakop sa Bezec, Jerusalem, Hebron, Chiriath-sepher at ibp.
1 At nangyari, pagkamatay ni Josue, na (HX)itinanong ng mga anak ni Israel sa Panginoon, na sinasabi, (HY)Sino ang unang sasampa sa amin laban sa mga Cananeo, upang lumaban sa kanila?
2 At sinabi ng Panginoon, Ang Juda ang sasampa: narito, aking ibinigay ang lupain sa kaniyang kamay.
3 At sinabi ng Juda sa Simeon na kaniyang kapatid, Sumampa kang kasama ko sa aking kapalaran, upang ating kalabanin ang mga Cananeo; at (HZ)ako nama'y sasama sa iyong kapalaran. Sa gayo'y yumaon ang Simeon na kasama niya.
4 At sumampa ang Juda; at ibinigay ng Panginoon ang mga Cananeo, at ang mga Pherezeo sa kanilang kamay: at sinaktan nila sa kanila sa (IA)Bezec ay sangpung libong lalake.
5 At kanilang nasumpungan si Adoni-bezec sa Bezec: at siya'y nilabanan nila, at kanilang sinaktan ang mga Cananeo at ang mga Pherezeo.
6 Nguni't tumakas si Adoni-bezec; at kanilang hinabol siya, at hinuli siya, at pinutol nila ang mga daliring hinlalaki ng kaniyang kamay at paa.
7 At sinabi ni Adoni-bezec, Pitong pung hari, na mga may putol ng kanilang mga hinlalaki sa kamay at sa paa ay namulot ng kanilang pagkain sa ilalim ng aking dulang: kung (IB)paano ang aking ginawa ay gayon ako pinaghigantihan ng Dios. At dinala nila siya sa Jerusalem, at siya'y namatay roon.
8 (IC)At ang mga anak ni Juda ay lumaban sa Jerusalem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at sinilaban ng apoy ang bayan.
9 At pagkatapos, ang mga anak ni Juda ay lumusong na lumaban sa mga Cananeo na tumatahan sa mga lupaing maburol, at sa Timugan, at sa (ID)mababang lupa.
10 At ang Juda'y yumaon laban sa mga Cananeo na tumatahan sa Hebron (ang pangalan ng (IE)Hebron nang una ay Chiriath-arba:) at kanilang sinaktan ang Sesai, at ang Ahiman, at ang Talmai.
11 At mula roo'y yumaon laban sa mga taga (IF)Debir. (Ang pangalan nga ng Debir nang una ay Chiriath-sepher.)
12 (IG)At sinabi ni Caleb, Ang sumakit sa Chiriath-sepher at sumakop niyaon, ay doon ko papagaasawahin si Axa na aking anak.
13 At si Othoniel na anak ni Cenez, kapatid na bata ni Caleb, ay siyang (IH)sumakop: at pinapag-asawa nito sa kaniya si Axa na kaniyang anak.
14 At nangyari, nang makipisan si Axa, na kaniyang kinilos siya na humingi sa kaniyang ama ng isang bukid: at siya'y bumaba sa kaniyang asno, at sinabi ni Caleb sa kaniya, Anong ibig mo?
15 At sinabi ni Axa sa kaniya, Bigyan mo ako ng isang kaloob; sapagka't inilagay mo ako sa lupain na Timugan, bigyan mo naman ako ng mga bukal ng tubig. At ibinigay ni Caleb sa kaniya ang mga bukal sa itaas, at ang mga bukal sa ibaba.
16 (II)At ang mga anak ni Cineo, na bayaw ni Moises ay umahon sa (IJ)bayan ng mga puno ng palma na kasama ng mga anak ni Juda sa ilang ng Juda, na nasa timugan ng (IK)Arad; (IL)at sila'y naparoon at nagsitahang kasama ng bayan.
17 At ang Juda'y yumaong kasama ng Simeon na kaniyang kapatid, at kanilang sinaktan ang mga Cananeo na nagsisitahan sa Sephath at lubos na pinuksa. At ang pangalan ng bayan ay tinawag na Horma.
18 Sinakop rin naman ng Juda ang (IM)Gaza pati ng hangganan niyaon at ang (IN)Ascalon pati ng hangganan niyaon, at ang (IO)Ecron pati ng hangganan niyaon.
19 At ang Panginoon ay sumasa Juda; at kaniyang pinalayas ang mga taga lupaing maburol; sapagka't hindi niya mapalayas ang mga nananahan sa libis, dahil sa sila'y may mga karong bakal.
20 (IP)At kanilang ibinigay ang Hebron kay Caleb, gaya ng sinalita ni Moises: at kaniyang pinalayas doon ang tatlong anak ni Anac.
21 (IQ)At hindi pinalayas ng mga anak ni Benjamin ang mga (IR)Jebuseo na tumatahan sa Jerusalem: kundi ang mga Jebuseo ay nagsitahang kasama ng mga anak ni Benjamin sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.
22 At ang sangbahayan ni Jose, sila'y umahon din laban sa Beth-el: at ang Panginoon ay sumakanila.
23 At ang sangbahayan ni Jose, ay (IS)nagsugo upang tiktikan ang Beth-el. (Ang pangalan nga ng bayan nang una ay (IT)Luz.)
24 At nakita ng mga bakay ang isang lalake na lumalabas sa bayan at kanilang sinabi sa kaniya, Ituro mo sa amin, isinasamo namin sa iyo ang pasukan sa bayan at (IU)kahahabagan ka namin.
25 At itinuro niya sa kanila ang pasukan sa bayan, at kanilang sinugatan ng talim ng tabak ang bayan nguni't pinayaon ang lalake at ang madlang sangbahayan niya.
26 At ang lalake ay pumasok sa (IV)lupain ng mga Hetheo, at nagtayo ng isang bayan, at tinawag ang pangalan niyaon na Luz: na siyang pangalan niyaon hanggang sa araw na ito.
Mga bayang hindi pa nasasakop.
27 (IW)At hindi pinalayas ng Manases ang mga taga Beth-sean at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Taanach at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Dor at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Ibleam at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Megiddo at ang mga bayan niyaon: kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa lupaing yaon.
28 At nangyari, nang lumakas ang Israel, na kanilang pinapagatag ang mga Cananeo, at hindi nila lubos na pinalayas.
29 (IX)At hindi pinalayas ni Ephraim ang mga Cananeo na tumatahan sa Gezer; kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa Gezer sa gitna nila.
30 Hindi pinalayas ni Zabulon ang mga nananahan sa Chitron, ni ang mga nananahan sa Naalol; kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa gitna nila, at naging mga tagapagpaatag.
31 Hindi pinalayas ng Aser ang mga taga Acho, ni ang mga taga (IY)Sidon, ni ang taga Ahlab, ni ang taga Achzib, ni ang taga Helba, ni ang taga Aphec, ni ang taga Rehob:
32 Kundi ang mga Aserita ay nagsitahang kasama ng mga Cananeo, na mga taga lupaing yaon: sapagka't hindi nila pinalayas sila.
33 (IZ)Hindi pinalayas ng Nephtali ang mga nananahan sa Beth-semes, ni ang mga nananahan sa Beth-anath; kundi siya'y tumahan sa gitna ng mga Cananeo, na nagsisitahan sa lupaing yaon: gayon ma'y ang mga nananahan sa Beth-semes at nananahan sa Beth-anath ay (JA)naging mga tagapagpaatag sa kaniya.
34 At piniit ng mga (JB)Amorrheo ang mga anak ni Dan sa mga lupaing maburol; sapagka't ayaw nilang payagang sila'y lumusong sa libis;
35 Nguni't inibig ng mga Amorrheo na tumahan sa bundok ng Heres, sa (JC)Ajalon, at sa Saalbin: gayon ma'y nanaig ang kamay ng sangbahayan ni Jose, na anopa't sila'y naging mga tagapagpaatag.
36 At ang hangganan ng mga Amorrheo ay mula sa sampahan ng Acrabim, buhat sa batuhan, at paitaas.
Ang anghel ng Panginoon sa Bochim.
2 At sumampa ang anghel ng Panginoon sa Bochim mula sa Gilgal. At kaniyang sinabi, Kayo'y pinaahon ko mula sa Egipto, at dinala ko kayo sa lupain na aking isinumpa sa inyong mga magulang; at sinabi ko, Kailan ma'y hindi (JD)ko sisirain ang aking tipan sa inyo:
2 (JE)At huwag kayong makikipagtipan sa mga taga lupaing ito; inyong iwawasak ang (JF)kanilang mga dambana. Nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig: bakit ginawa ninyo ito?
3 Kaya't aking sinabi rin, Hindi ko sila palalayasin sa harap ninyo; kundi sila'y magiging parang mga (JG)tinik sa inyong mga tagiliran, at ang (JH)kanilang mga dios ay magiging silo sa inyo.
4 At nangyari, pagkasalita ng anghel ng Panginoon ng mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel, na inilakas ng bayan ang kanilang tinig at umiyak.
5 At kanilang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Bochim; at sila'y naghain doon sa Panginoon.
Ang kamatayan ni Josue.
6 Nang mapayaon nga ni (JI)Josue ang bayan, pumaroon ang mga anak ni Israel, bawa't isa, sa kaniyang mana, upang ariin ang lupa.
7 At naglingkod ang bayan sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue, na nakakita ng mga dakilang gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel.
8 At si Josue na anak ni Nun, na lingkod ng Panginoon, ay namatay, na may isang daan at sangpung taon ang gulang.
9 (JJ)At kanilang inilibing siya sa hangganan ng kaniyang mana, sa Timnath-heres, sa lupaing maburol ng Ephraim, sa hilagaan ng bundok Gaas.
10 At ang buong lahing yaon ay nalakip din sa kanilang mga magulang; at doo'y may ibang lahing bumangon pagkamatay nila, (JK)na hindi nakilala ang Panginoon, ni ang mga gawa na kaniyang ginawa sa Israel.
Naglingkod kay Baal ang bayan.
11 At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, at naglingkod sa mga Baal:
12 At kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto, at sumunod sa (JL)ibang mga dios, sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot nila, at sila'y yumukod sa mga yaon: at kanilang minungkahi ang Panginoon sa galit.
13 At kanilang pinabayaan ang Panginoon, at (JM)naglingkod kay Baal at kay Astaroth.
14 (JN)At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at kaniyang (JO)ibinigay sila sa kamay ng mga mangloloob na lumoob sa kanila; at kaniyang (JP)ipinagbili sila sa mga kamay ng kanilang mga kaaway sa palibot, na anopa't sila'y hindi makatayong maluwat sa harap ng kanilang mga kaaway.
15 Saan man sila yumaon, ang kamay ng Panginoon ay laban sa kanila sa ikasasama nila, gaya ng sinalita ng Panginoon, at (JQ)gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon: sila'y nagipit na mainam.
16 At nagbangon ang (JR)Panginoon ng mga hukom, na nagligtas sa kanila sa kamay niyaong mga lumoloob sa kanila.
17 At gayon ma'y hindi nila dininig ang kanilang mga hukom: sapagka't sila'y (JS)sumamba sa ibang mga dios, at kanilang niyukuran ang mga yaon: sila'y nagpakaligaw na madali sa daan na nilakaran ng kanilang mga magulang, na sumunod ng mga utos ng Panginoon; ngunit hindi sila gumawa ng gayon.
18 At nang ipagbangon sila ng Panginoon ng mga hukom, ang (JT)Panginoon ay suma hukom, at iniligtas sila sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom: (JU)sapagka't nagsisi ang Panginoon dahil sa kanilang (JV)daing, dahil doon sa mga pumighati sa kanila at nagpakalupit sa kanila.
19 (JW)Nguni't nangyari pagkamatay ng hukom, na sila'y tumalikod at lalong sumama kay sa kanilang mga magulang sa pagsunod sa ibang mga dios, upang maglingkod sa kanila, at yumukod sa kanila; sila'y hindi naglikat sa kanilang mga gawa, ni sa kanilang tampalasang lakad.
20 At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel; at kaniyang sinabi, Sapagka't sinalangsang ng bansang ito ang aking tipan na aking iniutos sa kanilang mga magulang, at hindi dininig ang aking tinig;
21 (JX)Hindi ko na naman palalayasin pa sa harap nila ang sinoman ng mga bansang iniwan ni Josue nang siya'y mamatay;
22 Upang sa (JY)pamamagitan nila'y aking (JZ)masubok ang Israel, kung kanilang susundin o hindi ang daan ng Panginoon upang lakaran nila, na gaya ng inilakad ng kanilang mga magulang.
23 Kaya't iniwan ng Panginoon ang mga bansang yaon, na hindi niya pinalayas silang biglaan; ni ibinigay sila sa kamay ni Josue.
Mga bansang iniwan ng Panginoon upang subukin ang Israel.
3 Ito nga ang mga (KA)bansang iniwan ng Panginoon, upang subukin ang Israel sa pamamagitan nila, sa makatuwid baga'y sa mga hindi nakaalam ng mga pagbabaka sa Canaan;
2 Nang maalaman man lamang yaon ng mga sali't saling lahi ng mga anak ni Israel, upang turuan sila ng pakikibaka, yaon man lamang nang una'y hindi nakaalam:
3 (KB)Ang nangabanggit ay ang limang pangulo ng mga Filisteo at ang lahat ng mga Cananeo, at ang mga Sidonio, at ang mga Heveo, na tumatahan sa bundok ng (KC)Libano, mula sa bundok ng Baal-hermon hanggang sa pasukan ng Hamath.
4 At sila nga upang subukin ang Israel sa pamamagitan nila, na maalaman kung kanilang didinggin ang mga utos ng Panginoon, na kaniyang iniutos sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ni Moises.
5 (KD)At ang mga anak ni Israel ay tumahan sa gitna ng mga Cananeo, ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Heveo, at ng Jebuseo:
6 (KE)At kinuha nila ang kanilang mga anak na babae upang maging mga asawa nila, at ibinigay ang kanilang sariling mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalake, at naglingkod sa kanilang mga dios.
Si Othoniel ang siyang naging Hukom.
7 (KF)At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, at nilimot ang Panginoon nilang Dios, at (KG)naglingkod sa mga Baal at sa mga (KH)Aseroth.
8 Kaya't ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at kaniyang ipinagbili sila sa kamay ni Chusan-risathaim, na hari sa Mesopotamia: at ang mga anak ni Israel ay naglingkod kay Chusan-risathaim na walong taon.
9 (KI)At nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel ay nagbangon ang Panginoon ng isang tagapagligtas sa mga anak ni Israel, na siyang nagligtas sa kanila, sa makatuwid baga'y si (KJ)Othoniel na anak ni Cenaz, na kapatid na bata ni Caleb.
10 At (KK)ang Espiritu ng Panginoon ay sumakaniya, at siya'y naghukom sa Israel; at siya'y lumabas na nakibaka, at ibinigay ng Panginoon si Chusan-risathaim na hari sa Mesopotamia sa kaniyang kamay: at ang kaniyang kamay ay nanaig laban kay Chusan-risathaim.
11 (KL)At nagpahinga ang lupain na apat na pung taon. At si Othoniel na anak ni Cenaz ay namatay.
12 At ginawang muli ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon: at pinatibay ng Panginoon si (KM)Eglon na hari sa Moab laban sa Israel, sapagka't kanilang ginawa ang masama sa paningin ng Panginoon.
13 At kaniyang tinipon ang mga anak ni (KN)Ammon at ni (KO)Amalec; at siya'y yumaon at sinaktan niya ang Israel, at kanilang inari ang (KP)bayan ng mga puno ng palma.
14 At ang mga anak ni Israel ay naglingkod kay Eglon na labing walong taon.
Pagiging Hukom ni Aod.
15 Nguni't nang dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon, ibinangon sa kanila ng Panginoon ang isang tagapagligtas, si Aod na anak ni Gera, ang Benjamita, na isang lalaking kaliwete. At ang mga anak ni Israel, ay nagpadala ng isang kaloob sa pamamagitan niya kay Eglon na hari sa Moab.
16 At si Aod ay gumawa ng isang tabak na may dalawang talim, na may isang siko ang haba; at kaniyang ibinigkis sa loob ng kaniyang suot, sa kaniyang dakong kanang hita.
17 At kaniyang inihandog ang kaloob kay Eglon na hari sa Moab: at si Eglon ay lalaking napakataba.
18 At nang siya'y matapos makapaghandog ng kaloob, ay pinapagpaalam niya ang mga tao na nagdala ng kaloob.
19 Nguni't siya nga ay bumalik mula sa tibagan ng bato na nasa piling ng Gilgal, at nagsabi, Ako'y may isang pasugong lihim sa iyo, Oh hari. At kaniyang sinabi, Tumahimik ka. At yaong lahat na nakatayo sa siping niya, ay umalis sa harap niya.
20 At si Aod ay naparoon sa kaniya; at siya'y nakaupong magisa sa kaniyang kabahayan na pangtaginit. At sinabi ni Aod, Ako'y may dalang pasugo sa iyo na mula sa Dios. At siya'y tumindig sa kaniyang upuan.
21 At inilabas ni Aod ang kaniyang kaliwang kamay, at binunot ang tabak mula sa kaniyang kanang hita, at isinaksak sa kaniyang tiyan:
22 At pati ng puluhan ay sumuot na kasunod ng talim; at natikom ang taba sa tabak, sapagka't hindi niya binunot ang tabak sa kaniyang tiyan; at lumabas sa likod.
23 Nang magkagayo'y lumabas si Aod sa pintuan, at sinarhan niya siya sa mga pintuan ng kabahayan, at pinagtatrangkahan.
24 Nang makalabas nga siya ay dumating ang kaniyang mga alila; at kanilang nakita, at, narito, ang mga pintuan ng kabahayan ay nakakandaduhan; at kanilang sinabi, Walang pagsalang kaniyang tinatakpan ang kaniyang mga paa sa kaniyang silid na pangtaginit.
25 At sila'y nangaghintay hanggang sa sila'y nangapahiya; at, narito, hindi niya binuksan ang mga pintuan ng kabahayan: kaya't sila'y kumuha ng susi, at binuksan; at, narito, ang kanilang panginoon, ay nakabulagtang patay sa lupa.
26 At tumakas si Aod samantalang sila'y nangaghihintay, at siya'y dumaan sa dako roon ng tibagan ng bato at tumakas hanggang sa Seirath.
27 At nangyari, pagdating niya, ay kaniyang hinipan[a] ang pakakak sa lupaing (KQ)maburol ng Ephraim, at ang mga anak ni Israel ay nagsilusong na kasama niya mula sa lupaing maburol, at siya'y sa unahan nila.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978