The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Si Ezra ay dumating sa Jerusalem.
7 Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, sa paghahari ni (A)Artajerjes (B)na hari sa Persia, si Ezra na anak ni Seraias, na anak ni Azarias, na anak ni Hilcias,
2 Na anak ni Sallum, na anak ni Sadoc, na anak ni Achitob,
3 Na anak ni Amarias, na anak ni Azarias, na anak ni Meraioth,
4 Na anak ni Zeraias, na anak ni Uzzi, na anak ni Bucci,
5 Na anak ni Abisue, na anak ni Phinees, na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron, na pangulong saserdote:
6 Ang Ezra na ito ay yumaon mula sa Babilonia. At (C)siya'y kalihim na bihasa sa kautusan ni Moises, na ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel: at tinulutan siya ng hari sa lahat niyang kahilingan, ayon sa (D)kamay ng Panginoon niyang Dios na sumasa kaniya.
7 (E)At nakiahon sa Jerusalem ang ilan sa mga anak ni Israel, at sa mga saserdote, (F)at sa mga Levita, at sa mga mangaawit, at sa mga tagatanod-pinto, at sa mga (G)Nethineo, sa ikapitong taon ni Artajerjes na hari.
8 At siya'y naparoon sa Jerusalem sa ikalimang buwan, na sa ikapitong taon ng hari.
9 Sapagka't sa unang araw ng unang buwan ay nagpasimula siyang umahon mula sa Babilonia, at sa unang araw ng ikalimang buwan ay dumating siya sa Jerusalem, ayon sa mabuting kamay ng kaniyang Dios na sumasa kaniya.
10 Sapagka't inilagak ni Ezra ang kaniyang puso na hanapin ang kautusan ng Panginoon, at upang gawin, at upang (H)magturo sa Israel ng mga palatuntunan at mga kahatulan.
Ang sulat ni Artajerjes kay Ezra.
11 Ito nga ang salin ng sulat na ibinigay ng haring Artajerjes kay Ezra na saserdote, na kalihim, na kalihim sa mga salita ng mga utos ng Panginoon, at ng kaniyang mga palatuntunan sa Israel.
12 Si Artajerjes, na (I)hari ng mga hari, kay Ezra na saserdote, na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit, na sakdal at iba pa.
13 Ako'y gumagawa ng pasiya, na silang lahat na sa bayan ng Israel, at ang kanilang mga saserdote at ang mga Levita, sa aking kaharian, na nagakala ng kanilang sariling kusang kalooban na nagsiparoon sa Jerusalem, ay magsisama sa iyo.
14 Yamang ikaw ay sinugo sa ganang hari at ng kaniyang (J)pitong kasangguni, upang magusisa tungkol sa Juda at Jerusalem, ayon sa kautusan ng iyong Dios na nasa iyong kamay;
15 At dalhin ang pilak at ginto na inihandog na kusa ng hari at ng kaniyang mga kasangguni sa Dios ng Israel, na ang tahanan ay nasa Jerusalem.
16 At ang lahat na pilak at ginto na iyong masusumpungan sa buong lalawigan ng Babilonia, pati ng kusang handog ng bayan, at ng mga saserdote, na mga naghahandog na kusa sa bahay ng kanilang Dios na nasa Jerusalem;
17 Kaya't ibibili mo ng buong sikap ang salaping ito ng mga toro, mga lalaking tupa, mga kordero, pati ng mga (K)handog na harina at ng mga (L)handog na inumin ng mga yaon, at iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana ng bahay ng inyong Dios na nasa Jerusalem.
18 At anomang akalain mong mabuti at ng iyong mga kapatid na gawin sa labis sa pilak at ginto, gawin ninyo ayon sa kalooban ng inyong Dios.
19 At ang mga sisidlang nabigay sa iyo na ukol sa paglilingkod sa bahay ng iyong Dios, ibigay mo sa harap ng Dios sa Jerusalem.
20 At anomang kakailanganin pa sa bahay ng iyong Dios, na ipagkakailangan mong ibigay, ibigay mo na mula sa bahay ng kayamanan ng hari.
21 At ako, akong si Artajerjes na hari, nagpasiya sa lahat na mga tagaingat-yaman na nasa dako roon ng Ilog, na anomang hingin sa inyo ni Ezra na saserdote, na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit, ibigay ng buong sikap,
22 Hanggang isang daang talentong pilak, at hanggang isang daang takal ng trigo, at isang daang bath ng alak at isang daang bath ng langis, at asin na walang tasa.
23 Anomang iniutos ng Dios ng langit, gawing lubos sa bahay ng Dios ng langit; sapagka't bakit magkakaroon ng poot ng Dios laban sa kaharian ng hari at ng kaniyang mga anak?
24 Pinatototohanan din naman namin sa inyo, na tungkol sa sinoman sa mga saserdote at mga Levita, mga mangaawit, mga tagatanod-pinto, mga Nethineo, o mga lingkod sa bahay na ito ng Dios, ay hindi marapat na lapatan sila ng (M)buwis, kabayaran, o upa.
25 At ikaw, Ezra, ayon sa karunungan ng iyong Dios na nasa iyong kamay, maghalal ka ng mga magistrado, at mga hukom, na makakahatol sa buong bayan na nasa dako roon ng Ilog, niyaong lahat na nakatatalos ng mga kautusan ng iyong Dios; at turuan ninyo yaong hindi nakakaalam.
26 At sinomang hindi tumupad ng kautusan ng iyong Dios, at ng kautusan ng hari, gawin sa kaniya ang kahatulan ng buong sikap, maging sa kamatayan, o sa pagtatapon o sa pagsamsam ng mga pagaari, o sa pagkabilanggo.
27 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng ating mga magulang, na naglagak ng ganyang mga bagay na gaya nito sa puso ng hari, na pagandahin ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem:
28 (N)At nagdulot sa akin ng kahabagan sa harap ng hari, at ng kaniyang mga kasangguni, at sa harap ng lahat na may kayang prinsipe ng hari. At ako'y tumibay ayon sa kamay ng Panginoon kong Dios na sumasa akin, at ako'y nagpisan mula sa Israel ng mga pangulong lalake upang magsiahong kasama ko.
Ang nagsiahong kasama ni Ezra.
8 Ito nga ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ito ang talaan ng lahi nila na nagsiahong kasama ko mula sa Babilonia, sa paghahari ni Artajerjes na hari.
2 Sa mga anak ni Phinees, si Gerson; sa mga anak ni (O)Ithamar, si (P)Daniel; sa mga anak ni David, si (Q)Hattus.
3 Sa mga anak ni (R)Sechanias: sa mga anak ni (S)Pharos, si Zacarias; at kasama niya na nabilang ayon sa talaan ng lahi ang mga lalake na isang daan at limang pu.
4 Sa mga anak ni (T)Pahath-moab, si Eliehoenai na anak ni Zarahias, at kasama niya'y dalawang daang lalake.
5 Sa mga anak ni Sechanias, ang anak ni Jahaziel; at kasama niya'y tatlong daang lalake.
6 At sa mga anak ni Adin, si Ebed na anak ni Jonathan; at kasama niya ay limang pung lalake.
7 At sa mga anak ni (U)Elam, si Isaia na anak ni Athalias, at kasama niya'y pitong pung lalake.
8 At sa mga anak ni (V)Sephatias, si Zebadias na anak ni Michael; at kasama niya'y walong pung lalake.
9 Sa mga anak ni (W)Joab, si Obadias na anak ni Jehiel; at kasama niya'y dalawang daan at labing walong lalake.
10 At sa mga anak ni Solomit, ang anak ni Josiphias; at kasama niya'y isang daan at anim na pung lalake.
11 At sa mga anak ni (X)Bebai, si Zacarias na anak ni Bebai; at kasama niya ay dalawang pu't walong lalake.
12 At sa mga anak ni Azgad, si Johanan na anak ni Catan; at kasama niya ay isang daan at sangpung lalake.
13 At sa mga anak ni Adonicam, na siyang mga huli: at ang mga ito ang kanilang mga pangalan: Eliphelet, Jeiel, at Semaias, at kasama nila ay anim na pung lalake.
14 At sa mga anak ni (Y)Bigvai, si Utai at si Zabud: at kasama nila ay pitong pung lalake.
Ipinasundo ang mga Levita at ang mga Nethineo.
15 At pinisan ko sila sa ilog na umaagos patungo sa Ahava; at doo'y nangagpahinga kaming tatlong araw; at aking minasdan ang bayan at ang mga saserdote, at walang nasumpungan doon sa (Z)mga anak ni Levi.
16 Nang magkagayo'y ipinasunod ko si Eliezer, si Ariel, si Semaias, at si Elnathan, at si Jarib, at si Elnathan, at si Nathan, at si Zacarias, at si Mesullam, na mga pangulong lalake; gayon din si Joiarib, at si Elnathan, na mga tagapagturo.
17 At aking sinugo sila kay Iddo na pangulo sa dako ng Casipia; at aking sinaysay sa kanila kung ano ang kanilang nararapat sabihin kay Iddo, at sa kaniyang mga kapatid na mga Nethineo, sa dako ng Casipia, upang sila'y mangagdala sa atin ng mga tagapangasiwa sa bahay ng ating Dios.
18 At (AA)ayon sa mabuting kamay ng ating Dios na sumasa atin ay nagdala sila sa atin ng isang lalake na matalino, sa mga anak ni (AB)Mahali, na anak ni Levi, na anak ni Israel; at si Serebias, pati ng kaniyang mga anak na lalake at mga kapatid, labing walo:
19 At si Hasabias, at kasama niya'y si Isaia sa mga anak ni Merari, ang kaniyang mga kapatid at kaniyang mga anak na lalake, dalawang pu;
20 At sa mga Nethineo, na ibinigay ni David at ng mga pangulo sa paglilingkod sa mga Levita, dalawang daan at dalawang pung Nethineo; silang lahat ay (AC)nasasaysay ayon sa pangalan.
4 Ipalagay nga kami ng sinoman na (A)mga ministro ni Cristo, (B)at mga katiwala ng (C)mga hiwaga ng Dios.
2 Bukod dito'y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa't isa ay maging (D)tapat.
3 Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y (E)siyasatin ninyo, o ng (F)pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili.
4 Sapagka't (G)wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili; bagaman (H)hindi dahil dito'y inaaring-ganap ako: sapagka't ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon.
5 Kaya nga (I)huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.
6 Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay (J)inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; (K)upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.
7 Sapagka't sino ang gumawa na ikaw ay matangi? (L)at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap? nguni't kung tinanggap mo, ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap?
8 Kayo'y mga busog na, kayo'y mayayaman na, kayo'y nangaghari nang wala kami: at ibig ko sanang mangaghari kayo, upang kami nama'y mangagharing kasama ninyo.
9 Sapagka't iniisip ko, na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat, na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan: sapagka't kami'y ginawang panoorin ng sanglibutan, at ng mga anghel, at ng mga tao.
10 Kami'y mga mangmang dahil (M)kay Cristo, nguni't kayo'y marurunong kay Cristo; (N)kami'y mahihina, nguni't kayo'y malalakas; kayo'y may karangalan, datapuwa't kami ay walang kapurihan.
11 Hanggang sa oras na ito'y (O)nangagugutom kami, at nangauuhaw, at mga hubad, at mga tinampal, at wala kaming tiyak na tahanan;
12 At (P)kami'y nangagpapagal, na nangagsisigawa ng aming sariling mga kamay: (Q)bagama't inuupasala, ay kami'y nangagpapala; (R)bagama't mga pinaguusig, ay nangagtitiis kami;
13 Bagama't mga sinisiraang-puri, ay aming pinamamanhikan: kami'y naging tulad ng yagit sa sanglibutan, sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon.
14 Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo'y hiyain, kundi upang paalalahanan kayong (S)tulad sa aking mga minamahal na anak.
15 Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka't (T)kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.
16 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, (U)na kayo'y maging mga tagatulad sa akin.
17 Dahil dito'y aking sinugo sa inyo si (V)Timoteo, (W)na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siya ang sa inyo'y magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo, (X)gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawa't iglesia.
18 Ang mga iba nga'y nangagpapalalo, na waring hindi na ako mapapariyan sa inyo.
19 Nguni't ako'y paririyan (Y)agad sa inyo, kung loloobin ng Panginoon; at aking aalamin, hindi ang salita ng nangagpapalalo, kundi ang kapangyarihan.
20 Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan.
21 Anong ibig ninyo? (Z)paririyan baga ako sa inyo na may panghampas, o sa pagibig, at sa espiritu ng kahinahunan?
Salmo; Awit sa Pagtatalaga ng Bahay: Awit ni David.
30 Dadakilain kita, Oh (A)Panginoon; sapagka't itinindig mo ako,
At hindi mo (B)pinagalak sa akin ang aking mga kaaway.
2 Oh Panginoon kong Dios,
Dumaing ako sa iyo, at (C)ako'y pinagaling mo.
3 Oh Panginoon, (D)iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol:
Iyong iningatan akong buháy, upang huwag akong (E)bumaba sa hukay.
4 (F)Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya,
At mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan.
5 Sapagka't ang kaniyang galit ay (G)sangdali lamang;
(H)Ang kaniyang paglingap ay habang buhay:
(I)Pagiyak ay magtatagal ng magdamag,
Nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.
6 Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan:
Hindi ako makikilos kailan man.
7 Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok:
(J)Iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag.
8 Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
At sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik:
9 Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay?
(K)Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan?
10 Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin:
Panginoon, maging saklolo nawa kita.
11 (L)Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis;
Iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan:
12 Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na (M)pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik:
Oh Panginoon kong Dios, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man.
28 (A)Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapalagi sa hari:
At ang kaniyang luklukan ay inaalalayan ng kagandahang-loob.
29 Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan:
At ang kagandahan ng matanda ay (B)ang ulong may uban.
30 Ang mga latay na sumasakit ay lumilinis ng kasamaan:
At ang mga hampas ay dinaramdam sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978