The Daily Audio Bible
Today's audio is from the GW. Switch to the GW to read along with the audio.
Kailangang matigil ang pagkaidolatria ng Israel.
3 Sapagka't, narito, ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, ay (A)nagaalis sa Jerusalem at sa Juda (B)ng alalay at tungkod, ng buong alalay na tinapay at ng buong alalay na tubig;
2 Ng makapangyarihang lalake, at ng lalaking mangdidigma; ng hukom, at ng propeta, at ng manghuhula, at ng matanda;
3 Ng kapitan ng lilimang puin, at ng marangal na tao, at ng tagapayo, at ng bihasang manggagawa, at ng matalinong mangeenkanto.
4 At mga bata ang (C)ilalagay kong maging kanilang mga pangulo, at mga sanggol ang magpupuno sa kanila.
5 At ang bayan ay mapipighati, bawa't isa'y ng iba, at bawa't isa'y ng kaniyang kapuwa: ang bata ay magpapalalo laban sa matanda at ang hamak laban sa marangal.
6 (D)Pagka ang lalake ay hahawak sa kaniyang kapatid sa bahay ng kaniyang ama, na magsasabi: Ikaw ay may damit, ikaw ay maging aming pinuno, at ang pagkabagsak ito ay mapasa ilalim ng iyong kamay:
7 Sa araw na yaon ay manglalakas siya ng kaniyang tinig, na magsasabi, Hindi ako magiging tagapagpagaling; sapagka't sa aking bahay ay wala kahit tinapay o damit man; huwag ninyo akong gawing pinuno ng bayan.
8 Sapagka't ang Jerusalem ay giba, at ang Juda ay bagsak: sapagka't ang kanilang dila at ang kanilang mga gawa ay laban sa Panginoon, upang mungkahiin ang mga mata niyang maluwalhati.
9 Ang kanilang pagtatangi ng mga tao ay sumasaksi laban sa kanila; at kanilang ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan na (E)gaya ng Sodoma, hindi nila ikinukubli. Sa aba ng kanilang kaluluwa! sapagka't sila'y nagsiganti ng kasamaan sa kanilang sarili.
10 Sabihin ninyo sa matuwid, (F)na ikabubuti niya: (G)sapagka't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang mga gawa.
11 Sa aba ng masama! ikasasama niya: (H)sapagka't ang kagantihan sa kaniyang mga kamay ay mabibigay sa kaniya.
12 Tungkol sa aking bayan, (I)mga bata ang mga mamimighati sa kanila, at mga babae ang mangagpupuno sa kanila. Oh bayan ko, (J)silang nagsisipatnubay sa iyo, mangagliligaw sa iyo, at sisira ng daan ng iyong mga landas.
13 Ang Panginoon ay tumayo (K)upang magsanggalang, at tumayo upang humatol sa mga bayan.
14 (L)Ang Panginoon ay hahatol sa mga matanda ng kaniyang bayan, at sa mga pangulo niyaon; Kayo ang nagkainan sa ubasan: ang samsam sa dukha ay nasa inyong mga bahay;
15 Anong ibig ninyong sabihin (M)na inyong dinidikdik ang aking bayan, at inyong ginigiling ang mukha ng dukha? sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.
Sinumpa ang hangal na babae.
16 Bukod dito'y sinabi ng Panginoon, (N)Sapagka't ang mga anak na babae ng Sion ay mga mapagmataas, at nagsisilakad na mga may kapalaluan at mga matang nakairap, na nagsisilakad at nagsisikendeng habang nagsisiyaon, at nagpapakalatis ng kanilang mga paa:
17 Kaya't papaglalangibin ng Panginoon ang bao ng ulo ng mga anak na babae ng Sion, at huhubdan ng Panginoon ang kanilang mga lihim na bahagi.
18 (O)Sa araw na yaon ay aalisin ng Panginoon ang kagayakan ng kanilang mga hiyas ng paa, at (P)ang mga hiyas ng ulo, at ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan;
19 Ang mga hikaw, at ang mga pulsera, at ang mga lambong na pangmukha;
20 Ang mga laso ng buhok, at ang mga kuwintas sa bukong-bukong, at ang mga pamigkis, at ang mga sisidlan ng pabango, at ang mga amuleto;
21 Ang mga singsing, at ang mga hiyas na pang-ilong;
22 Ang mga damit na pamista, at ang mga balabal, at ang mga panleeg, at ang mga supot;
23 Ang mga maliit na salamin, at ang mainam na kayong lino, at ang mga turbante, at ang mga lambong.
24 At mangyayari na sa halip na mga mainam na especia ay kabulukan; at sa halip na pamigkis ay panali; at sa halip na buhok na ayos ay kakalbuhan; at sa halip na pamigkis na mainam ay (Q)pamigkis na kayong magaspang; hero sa halip ng kagandahan.
25 Ang iyong mga lalake ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang iyong mga makapangyarihan ay sa pakikipagdigma.
26 At ang kaniyang mga pintuang-bayan ay (R)tataghoy at magsisitangis; at siya'y magiging giba at (S)guho sa lupa.
Hangal na babae (karugtong).
4 At pitong babae ay (T)magsisihawak sa isang lalake sa araw na yaon, na mangagsasabi, Kami ay magsisikain ng aming sariling tinapay, at mangagsusuot ng aming sariling kasuutan: tawagin lamang kami sa iyong pangalan; alisin mo ang aming kadustaan.
Ang mga natira ay maliligtas.
2 Sa araw na yaon ay magiging maganda at maluwalhati (U)ang sanga ng Panginoon, at ang bunga ng lupain ay magiging magaling at mainam sa kanilang mga taga Israel na nangakatanan.
3 At mangyayari, na siyang naiwan sa Sion, at siyang nalabi sa Jerusalem, (V)tatawaging banal, sa makatuwid baga'y bawa't (W)nasusulat sa mga nabubuhay sa Jerusalem:
4 (X)Pagka huhugasan ng Panginoon ang karumhan ng mga anak na babae ng Sion, at lilinisin ang dugo ng Jerusalem sa gitna ng bayan sa pamamagitan ng bisa ng kahatulan, at sa pamamagitan ng bisa ng pagniningas.
5 At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion, at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang (Y)ulap at usok sa araw, at ng (Z)liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagka't sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo.
6 At magkakaroon ng kanlungan upang maging lilim sa kaarawan laban sa init, at (AA)upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan.
Ang talinhaga ng ubasan.
5 Paawitin ninyo ako sa (AB)aking pinakamamahal, ng awit ng aking minamahal tungkol (AC)sa kaniyang ubasan. Ang aking pinakamamahal ay (AD)may ubasan sa isang mainam na burol:
2 At kaniyang binangbangan ang palibot at inalis ang mga bato, at tinamnan ng piling puno ng ubas, at nagtayo ng isang moog sa gitna niyaon, at tinabasan din naman ng isang pisaan ng ubas: (AE)at kaniyang hinintay na magbunga ng ubas, at nagbunga ng ubas gubat.
3 At ngayon, Oh mga nananahan sa Jerusalem at mga tao sa Juda, hatulan ninyo, isinasamo ko sa inyo, ako at ang aking ubasan.
4 Ano pa ang magagawa ko sa aking ubasan na hindi ko nagawa? ano't nang aking hinihintay na magbubunga ng mga ubas, nagbunga ng ubas gubat?
5 At ngayo'y aking sasaysayin sa inyo ang gagawin ko sa aking ubasan: aking aalisin ang bakod na siit niyaon, at sasalantain; aking ibabagsak ang bakod niyaon at mayayapakan:
6 At aking pababayaang sira; hindi kakapunin o bubukirin man; kundi magsisitubo ay mga dawag at mga tinik: akin ding iuutos sa mga alapaap, na huwag nilang ulanan.
7 Sapagka't (AF)ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo ay ang sangbahayan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ay ang kaniyang maligayang pananim: at siya'y naghihintay ng kahatulan, nguni't narito, kapighatian; ng katuwiran, nguni't narito, daing.
Ang mga Aba ay iniukol sa makasalanan.
8 Sa aba nila, na nangaguugpong ng (AG)bahay sa bahay, na nangaglalagay ng bukid sa bukid hanggang sa mawalan ng pagitan, at kayo'y magsisitahang magisa sa gitna ng lupain!
9 Sa aking mga pakinig ay sinasabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sa katotohana'y maraming bahay ang magigiba, malalaki at magaganda, na walang mananahan.
10 Sapagka't sangpung acre ng ubasan ay mangagbubunga ng isang (AH)bath, at isang homer na binhi ay magbubunga ng isang epa.
11 Sa aba nila (AI)na nagsisibangong maaga sa umaga, upang sila'y makasunod sa nakalalasing na inumin; na nagtatagal hanggang sa kalaliman ng gabi, hanggang sa magalab ang alak sa kanila!
12 At ang alpa at ang viola, ang pandareta at ang plauta, at ang alak, ay nangasa kanilang mga kapistahan: nguni't (AJ)hindi nila pinakundanganan ang gawa ng Panginoon, o ginunita man nila (AK)ang gawa ng kaniyang mga kamay.
13 Kaya't ang aking bayan ay nasok sa pagkabihag, sa kasalatan sa kaalaman: at ang kanilang mararangal na tao ay nangagugutom, at ang kanilang karamihan ay nangahahandusay sa uhaw.
14 Kaya't pinalaki ng Sheol ang kaniyang nasa, at ibinuka ang kaniyang bibig ng walang sukat: at ang kanilang kaluwalhatian, at ang kanilang karamihan, at ang kanilang kahambugan, at ang nagagalak sa gitna nila ay bumaba roon.
15 At ang (AL)taong hamak ay pinayuyukod, at ang makapangyarihang tao ay pinapagpapakumbaba, at ang mga mata ng nagmamataas ay pinapagpapakumbaba:
16 (AM)Nguni't ang Panginoon ng mga hukbo ay nabunyi sa kahatulan, at ang Dios na Banal ay inaring banal sa katuwiran.
17 Kung magkagayo'y sasabsab ang mga kordero na gaya sa kanilang sabsaban, at (AN)ang mga sirang dako ng matataba ay kakanin ng mga (AO)palaboy.
18 Sa aba nila na nagsisihila ng kasamaan sa pamamagitan ng mga panali ng walang kabuluhan, at ng kasalanan na tila panali ng kariton:
19 Na nagsasabi, (AP)Magmaliksi siya, madaliin niya ang kaniyang gawa upang aming makita: at lumapit at dumating nawa ang payo ng Banal ng Israel upang aming maalaman!
20 Sa aba nila na nagsisitawag ng mabuti ay masama, at ng masama ay mabuti; na inaaring dilim ang liwanag, at liwanag ang dilim; na inaaring mapait ang matamis, at matamis ang mapait!
21 Sa aba nila na pantas sa kanilang sariling mga mata, (AQ)at mabait sa kanilang sariling paningin!
22 Sa aba nila na malakas (AR)uminom ng alak, at mga taong malakas sa paghahalo ng matapang na inumin:
23 Na (AS)nagsisiaring ganap sa masama (AT)dahil sa suhol, at inaalis ang katuwiran sa matuwid!
24 Kaya't kung paanong ang liyab ng apoy ay pumupugnaw ng pinagputulan ng trigo, at kung paanong ang tuyong damo ay nasusupok sa alab, gayon magiging gaya ng kabulukan ang kanilang ugat, at ang kanilang bulaklak ay iilanglang na gaya ng alabok: sapagka't kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon ng mga hukbo, at (AU)hinamak ang salita ng (AV)Banal ng Israel.
25 Kaya't (AW)nagalab ang galit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan, at iniunat niya ang kaniyang kamay laban sa kanila, at sinaktan sila, at ang mga burol ay nanginig, at ang kanilang mga bangkay ay naging dumi sa gitna ng mga lansangan. Sa lahat ng ito ay hindi napawi ang kaniyang galit, kundi laging nakaunat ang kaniyang kamay.
26 At siya'y magtataas ng watawat (AX)sa mga bansa mula sa malayo, at (AY)susutsutan sila mula sa (AZ)wakas ng lupa: at, narito, sila'y darating na lubhang nagmamadali:
27 Walang mapapagod o matitisod man sa kanila; walang iidlip o matutulog man; ni hindi man kakalagin ang pamigkis ng kanilang mga balakang, o mapapatid man ang mga panali ng kanilang mga panyapak:
28 Na ang kanilang mga pana ay hasa, at lahat nilang busog ay nangakaakma; ang mga kuko ng kanilang mga kabayo ay maibibilang na parang pingkiang bato, at ang kanilang mga gulong ay parang ipoipo:
29 Ang kanilang angal ay magiging gaya ng sa leon, sila'y magsisiangal na gaya ng mga batang leon: oo, sila'y magsisiangal, at magsisipangal ng huli, at tatangayin, at walang magliligtas.
30 At ang mga yao'y magsisiangal laban sa kanila (BA)sa araw na yaon na gaya ng hugong ng dagat: at (BB)kung tingnan ang lupain, narito, kadiliman at kahirapan, at ang liwanag ay magdidilim sa mga ulap niyaon.
11 Kahimanawari'y mapagtiisan ninyo (A)ako sa kaunting kamangmangan: nguni't tunay na ako'y inyong pinagtitiisan.
2 Sapagka't ako'y (B)naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios: sapagka't kayo'y aking pinapagasawa sa isa, upang kayo'y maiharap ko kay Cristo na (C)tulad sa dalagang malinis.
3 Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, (D)kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain.
4 Sapagka't kung (E)yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o (F)ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.
5 Sapagka't inaakala kong (G)sa anoman ay hindi ako huli sa lubhang mga dakilang apostol.
6 Datapuwa't bagaman (H)ako ay magaspang sa pananalita, gayon ma'y hindi ako (I)sa kaalaman; hindi, kundi (J)sa lahat ng paraan ay ipinahayag namin ito sa inyo.
7 Ako nga baga'y nagkasala (K)sa pagpapakababa ko sa aking sarili, upang kayo'y mangataas dahil sa ipinangaral ko (L)sa inyo na walang bayad ang evangelio ng Dios?
8 Aking sinamsaman ang ibang mga iglesia, sa pagtanggap ko ng upa sa kanila, upang ipangasiwa ko sa inyo;
9 At pagka ako'y kaharap ninyo at ako'y nagkukulang ng ikabubuhay, ako'y hindi naging pasan (M)sa kanino man; sapagka't mga kapatid nang sila'y manggaling sa Macedonia (N)ay tumakip ng aming pangangailangan; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo, at magiingat nga ako.
10 Kung paanong nasa akin ang katotohanan ni Cristo, sinoman ay hindi makapipigil sa akin sa pagmamapuring ito sa mga dako ng Acaya.
11 Bakit? (O)sapagka't hindi ko baga kayo iniibig? Nalalaman ng Dios.
12 Datapuwa't ang aking ginagawa ay siya kong gagawin, (P)upang maputol ko ang kadahilanan sa mga nagnanasa ng kadahilanan; upang sa anomang ipinagmamapuri nila ay mangasumpungan sila na gaya namin.
13 Sapagka't ang mga gayong tao (Q)ay mga bulaang apostol, mga magdarayang (R)manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo.
14 At hindi katakataka: sapagka't si Satanas (S)man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
15 Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring (T)ministro ng katuwiran; (U)na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath. Masquil ni David.
53 (A)Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios.
Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan;
(B)Walang gumawa ng mabuti.
2 Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
Upang tignan kung may sinomang nakakaunawa,
Na humanap sa Dios.
3 Bawa't isa sa kanila ay (C)tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay;
Walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4 Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan?
(D)Na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay,
At hindi nagsisitawag sa Dios.
5 Doo'y nangapasa malaking katakutan sila (E)na hindi kinaroroonan ng takot:
Sapagka't (F)pinangalat ng Dios ang mga (G)buto niya na humahantong laban sa iyo;
Iyong inilagay sila sa kahihiyan, sapagka't itinakuwil sila ng Dios.
6 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion.
(H)Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel.
28 (A)Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa,
Na inilagay ng iyong mga magulang.
29 Nakikita mo ba ang taong masipag sa kaniyang gawain? siya'y tatayo sa harap ng mga hari:
Hindi siya tatayo sa harap ng mga taong hamak.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978