The Daily Audio Bible
Today's audio is from the VOICE. Switch to the VOICE to read along with the audio.
Si Daniel ay nanaginip ng apat na hayop.
7 Nang unang taon ni (A)Belsasar na hari sa Babilonia, ay nagtaglay si Daniel ng isang panaginip at mga pangitain ng kaniyang ulo sa kaniyang higaan: nang magkagayo'y kaniyang isinulat ang panaginip, at isinaysay ang kabuoan ng mga bagay.
2 Si Daniel ay nagsalita, at nagsabi, May nakita ako sa aking pangitain sa kinagabihan, at, narito, (B)ang apat na hangin ng langit ay nagsisihihip sa malaking dagat.
3 At apat na malaking hayop na magkakaiba ay (C)nagsiahon mula sa dagat,
4 Ang una'y (D)gaya ng leon, at may mga pakpak ng aguila: aking minasdan hanggang sa ang mga pakpak niyao'y nahugot, at ito'y nataas mula sa lupa, at pinatayo sa dalawang paa na gaya ng isang tao; at puso ng tao ang nabigay sa kaniya.
5 At, narito, ang ibang (E)hayop, na ikalawa, na gaya ng isang oso; at lumitaw sa isang tagiliran, at tatlong tadyang ang nasa kaniyang bibig sa pagitan ng kaniyang mga ngipin: at sinabi ng mga ito ang ganito sa kaniya, Bumangon ka, manakmal ka ng maraming laman.
6 Pagkatapos nito'y tumingin ako, at narito ang iba, gaya ng isang leopardo, na mayroon sa likod niyaon na apat na pakpak ng ibon; ang hayop ay mayroon din namang (F)apat na ulo; at binigyan siya ng kapangyarihan.
7 Pagkatapos nito'y may nakita ako sa pangitain sa gabi, at, narito, (G)ang ikaapat na hayop, kakilakilabot at makapangyarihan, at totoong malakas; at may (H)malaking mga ngiping bakal; nananakmal at lumuluray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi: at kaiba sa lahat na hayop na una sa kaniya; (I)at siya'y may sangpung sungay.
8 Aking pinagdilidili ang mga sungay, at, narito, sumibol sa gitna ng mga yaon ang (J)ibang sungay, isang munti, na sa harap niyao'y tatlo sa mga unang sungay ay nabunot sa mga ugat: at, narito, sa sungay na ito ay may mga mata na parang mga mata (K)ng tao, (L)at isang bibig na nagsasalita ng mga dakilang bagay.
9 Aking minasdan (M)hanggang sa ang mga luklukan ay nangaglagay, at (N)isa na matanda sa mga araw ay nakaupo: (O)ang kaniyang suot, maputing parang niebe, at ang buhok ng kaniyang ulo ay parang taganas na lana; ang kaniyang luklukan ay mga liab na apoy, at ang mga gulong (P)niyaon ay nagniningas na apoy.
10 Isang mabangis na sigalbo ay lumabas at nagmula sa harap niya: (Q)mga libo libo ang naglilingkod sa kaniya, at makasangpung libo na sangpung libo ang nagsitayo sa harap niya: (R)ang kahatulan ay nalagda, at (S)ang mga aklat ay nangabuksan.
11 Ako'y tumingin nang oras na yaon dahil sa tinig ng mga dakilang salita na sinalita ng sungay; ako'y tumingin (T)hanggang sa ang hayop ay napatay, at ang kaniyang katawan ay nagiba, at siya'y nabigay upang sunugin sa apoy.
12 At tungkol sa nalabi sa mga hayop, ang kanilang kapangyarihan ay naalis: gayon ma'y ang kanilang mga buhay ay humaba sa isang kapanahunan at isang panahon.
13 Ako'y nakakita sa pangitain sa gabi, at, narito, lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang (U)gaya ng anak ng tao, at siya'y naparoon sa (V)matanda sa mga araw, at inilapit nila siya sa harap niya.
14 (W)At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang (X)lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: (Y)ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.
Ang panaginip ay ipinaliwanag.
15 Tungkol sa aking si Daniel, ang aking kalooban ay namanglaw sa loob ng aking katawan, at binagabag ako ng mga pangitain ng aking ulo.
16 Ako'y lumapit sa (Z)isa sa kanila na nakatayo, at itinanong ko sa kaniya ang katotohanan tungkol sa lahat na ito. Sa gayo'y kaniyang isinaysay sa akin, at ipinaaninaw niya sa akin ang kahulugan ng mga bagay.
17 Ang mga dakilang hayop na ito na apat, ay apat na hari, na magbabangon sa lupa.
18 Nguni't ang mga banal ng Kataastaasan ay magsisitanggap ng kaharian, at aariin[a] ang kaharian magpakailan man, sa makatuwid baga'y magpakakailan-kailan man.
19 Nang magkagayo'y ninasa kong maalaman ang katotohanan tungkol sa ikaapat na hayop, na kaiba sa lahat ng yaon, na totoong kakilakilabot, na ang mga ngipin ay bakal, at ang mga kuko ay tanso; na nananakmal, lumalamuray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi;
20 At tungkol sa sangpung sungay na nangasa kaniyang ulo, at (AA)sa isa na sumibol, at sa harap niyao'y nabuwal ang tatlo, sa makatuwid baga'y yaong sungay na may mga mata, at bibig na nagsalita ng dakilang mga bagay, na ang anyo ay lalong dakila kay sa kaniyang mga kasama.
21 Ako'y tumingin, at ang sungay ding (AB)yaon ay nakipagdigma sa mga banal, at nanaig laban sa kanila;
22 Hanggang sa (AC)ang matanda sa mga araw ay dumating, at ang kahatulan ay ibinigay sa mga banal, ng Kataastaasan; at ang panaho'y dumating na inari ng mga banal ang kaharian.
23 Ganito ang sabi niya, Ang ikaapat na hayop ay magiging ikaapat na kaharian sa ibabaw ng lupa, na magiging kaiba sa lahat ng kaharian, at sasakmalin ang buong lupa, at yuyurakan, at pagluluraylurayin.
24 At tungkol sa sangpung sungay, mula sa kahariang ito ay sangpung hari ang babangon: at ang isa'y babangong kasunod nila; at siya'y magiging kaiba kay sa mga una, at kaniyang ibabagsak ay tatlong hari.
25 At siya'y magbabadya ng mga salita laban (AD)sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at (AE)kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay (AF)hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.
26 Nguni't ang kahatulan ay matatatag, at kanilang aalisin ang kaniyang kapangyarihan, upang patayin at ibuwal hanggang sa wakas.
27 At ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit, mabibigay sa bayan ng mga banal ng Kataastaasan: (AG)ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian, at ang lahat na kapangyarihan ay maglilingkod at tatalima sa kaniya.
28 Narito ang wakas ng bagay. (AH)Tungkol sa aking si Daniel, ay binabagabag akong mabuti ng aking mga pagiisip, at ang aking pagmumukha ay nabago: nguni't iningatan ko ang bagay sa aking puso.
1 Yaong (A)buhat sa pasimula, yaong aming narinig, (B)yaong nakita ng aming mga mata, (C)yaong aming namasdan, at (D)nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay
2 (at (E)ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at (F)pinatotohanan, (G)at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, (H)na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag);
3 Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at (I)tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:
4 At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, (J)upang ang ating kagalakan ay malubos.
5 At (K)ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo'y aming ibinabalita, (L)na ang Dios ay ilaw, at sa kaniya'y walang anomang kadiliman.
6 Kung sinasabi nating (M)tayo'y may pakikisama sa kaniya at (N)nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan:
7 Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis (O)tayo (P)ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.
8 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay (Q)wala sa atin.
9 Kung ipinahahayag natin ang (R)ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
10 Kung sinasabi nating tayo'y hindi nangagkasala, (S)ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin.
RESH.
153 (A)Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan (B)ang iyong kautusan.
154 (C)Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako:
Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
155 Kaligtasan ay (D)malayo sa masama;
Sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.
156 Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon:
(E)Buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.
157 Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko;
Gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.
158 Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at (F)ako'y namanglaw;
Sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo.
159 Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo:
Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.
160 Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan;
At bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.
SIN.
161 Inusig ako (G)ng mga pangulo ng walang kadahilanan;
Nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita.
162 Ako'y nagagalak sa iyong salita,
(H)Na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
163 Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling;
Nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.
164 Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo,
Dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.
165 (I)Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan.
At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.
166 Ako'y umasa sa (J)iyong pagliligtas, Oh Panginoon.
At ginawa ko ang mga utos mo.
167 Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo;
At iniibig kong mainam,
168 Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo;
(K)Sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.
TAU.
169 Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon:
Bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.
170 Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik:
Iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
171 Tulutang magbadya ng pagpuri ang (L)aking mga labi;
Sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
172 Awitin ng aking dila ang iyong salita;
Sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
173 Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako;
Sapagka't aking pinili ang (M)iyong mga tuntunin.
174 Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon:
At ang (N)iyong kautusan ay aking kaaliwan.
175 Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo;
At tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.
176 (O)Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.
23 (A)Siyang sumasaway sa isang tao ay makakasumpong sa ibang araw ng higit na lingap
Kay sa doon sa kunwa'y pumupuri ng dila.
24 Ang nagnanakaw sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, at nagsasabi, Hindi ito pagsalangsang;
Yao'y kasama rin ng maninira.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978