Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
1 Cronica 11:1-12:18

Si David ay Ginawang Hari ng Buong Israel(A)

11 Nang magkagayon, ang buong Israel ay sama-samang nagtipon kay David sa Hebron, at sinabi, “Kami ay iyong buto at laman.

Nang mga panahong nakaraan, maging noong hari pa si Saul, ikaw ang pumapatnubay at namumuno[a] sa Israel, at sinabi sa iyo ng Panginoon mong Diyos, ‘Ikaw ay magiging pastol ng aking bayang Israel, at ikaw ay magiging pinuno ng aking bayang Israel.’”

Kaya't lahat ng matatanda sa Israel ay pumunta sa hari na nasa Hebron. Si David ay gumawa ng tipan sa kanila sa Hebron sa harapan ng Panginoon, at kanilang binuhusan ng langis si David bilang hari sa Israel, ayon sa salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Samuel.

Sinakop ni David ang Zion

Si(B) David at ang buong Israel ay pumunta sa Jerusalem na siyang Jebus, na kinaroroonan ng mga Jebuseo, ang mga naninirahan sa lupain.

At sinabi ng mga naninirahan sa Jebus kay David, “Ikaw ay hindi makakapasok dito.” Gayunma'y sinakop ni David ang muog ng Zion na ngayo'y lunsod ni David.

Sinabi ni David, “Sinumang unang sumalakay sa mga Jebuseo ay magiging pinuno at kapitan.” Si Joab na anak ni Zeruia ay unang umahon kaya't siya'y naging pinuno.

At si David ay nanirahan sa muog kaya't kanilang tinawag iyon na lunsod ni David.

Kanyang itinayo ang bayan sa palibot mula sa Milo hanggang sa palibot, at inayos ni Joab ang ibang bahagi ng lunsod.

Si David ay patuloy na naging dakila sapagkat ang Panginoon ng mga hukbo ay kasama niya.

Ang Magigiting na Mandirigma ni David(C)

10 Ang mga ito ang mga pinuno ng magigiting na mandirigma ni David na tumulong sa kanya sa kanyang kaharian, kasama ng buong Israel, upang gawin siyang hari, ayon sa salita ng Panginoon tungkol sa Israel.

11 Ito ang bilang ng magigiting na mandirigma ni David: si Jasobeam, anak ng isang Hacmonita, na pinuno ng tatlumpu.[b] Siya ang nagtaas ng kanyang sibat laban sa tatlong daan, at kanyang pinatay sila nang minsanan.

12 Kasunod niya ay si Eleazar na anak ni Dodo na Ahohita, isa sa tatlong magigiting na lalaki.

13 Siya'y kasama ni David sa Pasdamin nang ang mga Filisteo ay nagtipon upang lumaban. Mayroong kapirasong lupain na puno ng sebada, at ang mga lalaki ay tumakas sa mga Filisteo.

14 Ngunit sila'y tumayo sa gitna ng lupain at ipinagtanggol ito at pinatay ang mga Filisteo; at iniligtas sila ng Panginoon sa pamamagitan ng isang malaking tagumpay.

15 Tatlo sa tatlumpung pinuno ang bumaba kay David sa malaking bato sa loob ng yungib ng Adullam, nang ang hukbo ng mga Filisteo ay nakahimpil sa libis ng Refaim.

16 Noon, si David ay nasa muog, at ang pulutong ng mga Filisteo ay nasa Bethlehem.

17 At sinabi ni David na may pananabik, “O may magbigay sana sa akin ng tubig na maiinom mula sa balon ng Bethlehem na nasa tabi ng pintuang-bayan!”

18 At ang tatlo ay pumasok sa kampo ng mga Filisteo, at sumalok ng tubig sa balon ng Bethlehem na nasa tabi ng pintuang-bayan, at kinuha at dinala kay David. Ngunit ayaw ni David na inumin iyon, kundi ibinuhos ito sa Panginoon,

19 at sinabi, “Huwag itulot sa akin ng aking Diyos na aking gawin ito. Iinumin ko ba ang dugo ng mga lalaking ito? Sapagkat kanilang inilagay sa panganib ang kanilang buhay sa pagkuha nito.” Kaya't hindi niya mainom iyon. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong mandirigma.

20 At si Abisai na kapatid ni Joab, ay pinuno ng tatlumpu. Kanyang itinaas ang kanyang sibat laban sa tatlong daan at sila'y kanyang pinatay, at nagkaroon ng pangalan kasama ng tatlo.

21 Sa tatlo, siya'y lalong marangal kaysa dalawa, at ginawang kanilang pinunong-kawal: gayon ma'y hindi siya napasama sa tatlo.

22 Si Benaya na anak ni Jehoiada ay isang matapang na lalaki ng Kabzeel na gumawa ng mga dakilang gawa. Kanyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga-Moab. Siya'y bumaba rin at pumatay ng isang leon sa isang hukay nang araw na bumagsak na ang yelo.

23 Siya'y pumatay ng isang Ehipcio na isang lalaking matipuno na may limang siko ang taas. Sa kamay ng Ehipcio ay may isang sibat na gaya ng panghabi ng manghahabi; ngunit si Benaya ay bumaba sa kanya na may tungkod at inagaw ang sibat sa kamay ng Ehipcio, at kanyang pinatay siya ng kanyang sariling sibat.

24 Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaya na anak ni Jehoiada, at siya ay naging tanyag tulad ng tatlong mandirigma.

25 Siya'y kilala sa tatlumpu, ngunit hindi siya napasama sa tatlo, at ginawa siya ni David na pinuno ng mga tanod.

26 Ang mga mandirigma sa mga hukbo ay sina Asahel na kapatid ni Joab, si Elhanan na anak ni Dodo na taga-Bethlehem;

27 si Samoth na Arorita, si Heles na Pelonita;

28 si Ira na anak ni Ikkes na taga-Tekoa, si Abiezer na taga-Anatot;

29 si Shibecai na Husatita, si Ilai na Ahohita;

30 si Maharai na taga-Netofa, si Heled na anak ni Baana na taga-Netofa;

31 si Ithai na anak ni Ribai na taga-Gibea, sa mga anak ni Benjamin, si Benaya na taga-Piraton;

32 si Hurai sa mga batis ng Gaas, si Abiel na Arbatita;

33 si Azmavet na Baharumita, si Eliaba na Saalbonita;

34 ang mga anak ni Asem na Gizonita, si Jonathan na anak ni Saje na Hararita;

35 si Ahiam na anak ni Sacar, na Hararita, si Elifal na anak ni Ur;

36 si Hefer na Meceratita, si Ahia na Felonita;

37 si Hesro na Carmelita, si Nahari na anak ni Ezbai;

38 si Joel na kapatid ni Natan, si Mibhar na anak ni Agrai,

39 si Selec na Ammonita, si Naarai na Berotita, na tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Zeruia;

40 si Ira na Itreo, si Gareb na Itreo;

41 si Urias na Heteo, si Zabad na anak ni Ahli;

42 si Adina na anak ni Siza na Rubenita, na pinuno ng mga Rubenita, at tatlumpu ang kasama niya;

43 si Hanan na anak ni Maaca, at si Joshafat na Mitnita;

44 si Uzia na Astarotita, si Samma at si Jehiel na mga anak ni Hotam na Harorita;

45 si Jediael na anak ni Simri; at si Joha na kanyang kapatid, na Tisaita;

46 si Eliel na Mahavita, at si Jeribai, at si Josabias na mga anak ni Elnaam, at si Itma na Moabita;

47 si Eliel, si Obed, si Jaasiel, na Mesobiata.

Ang mga Kaibigan ni David sa Siclag

12 Ang mga ito ang pumunta kay David sa Siclag, habang siya'y hindi malayang makagalaw dahil kay Saul na anak ni Kish. Sila'y kabilang sa magigiting na mandirigma na tumulong sa kanya sa digmaan.

Sila'y mga mamamana at nakakatudla ng pana at nakapagpapakawala ng mga bato sa pamamagitan ng kanan o kaliwang kamay. Sila'y mga taga-Benjamin, mga kamag-anak ni Saul.

Ang pinuno ay sina Ahiezer at Joas, na mga anak ni Shemaa na taga-Gibea; at sina Jeziel at Pelet, na mga anak ni Azmavet; at sina Beraca at Jehu na taga-Anatot;

si Ismaias na Gibeonita, isang mandirigma na kabilang sa tatlumpu at pinuno ng tatlumpu; sina Jeremias, Jahaziel, Johanan, at Jozabad ng Gedera;

sina Eluzai, Jerimot, Bealias, Shemarias, at Shefatias na Harufita;

sina Elkana, Ishias, Azarel, Joezer, at Jasobeam, na mga Korahita;

sina Joela, at Zebadias, na mga anak ni Jeroham na taga-Gedor.

Ang mga Gadita na Nagsisunod kay David

At sa mga Gadita ay sumama kay David sa muog sa ilang ang magigiting at bihasang mandirigma, sanay sa kalasag at sibat; na ang mga mukha nila ay gaya ng mga mukha ng mga leon, at sila'y maliliksing gaya ng mga usa sa mga bundok:

si Eser ang pinuno, si Obadias ang ikalawa, si Eliab ang ikatlo;

10 si Mismana ang ikaapat, si Jeremias ang ikalima;

11 si Attai ang ikaanim, si Eliel ang ikapito;

12 si Johanan ang ikawalo, si Elzabad ang ikasiyam;

13 si Jeremias ang ikasampu, si Macbani ang ikalabing-isa.

14 Ang mga anak na ito ni Gad ay mga pinunong-kawal ng hukbo; ang pinakamaliit ay higit sa isang daan, at ang pinakamalaki ay higit sa isang libo.

15 Ito ang mga lalaking nagsitawid sa Jordan sa unang buwan, nang ito'y umaapaw sa lahat nitong mga pampang, at kanilang pinatakas ang lahat ng nasa mga libis, sa silangan, at sa kanluran.

16 Pumunta sa muog na kinaroroonan ni David ang ilan sa mga anak ni Benjamin at Juda.

17 Si David ay lumabas upang salubungin sila at sinabi sa kanila, “Kung kayo'y pumarito sa akin para sa kapayapaan at upang tulungan ako, ang aking puso ay mapapalakip sa inyo. Ngunit kung upang ipagkanulo ako sa aking mga kaaway, gayong walang kasamaan sa aking mga kamay, makita nawa ito ng Diyos ng ating mga ninuno at sawayin kayo.”

18 At ang Espiritu ay dumating kay Amasai na pinuno ng tatlumpu, at sinabi niya, “Kami ay sa iyo, David, at kasama mo, O anak ni Jesse! Kapayapaan, kapayapaan ang sumaiyo, at kapayapaan sa iyong mga katulong; sapagkat tinutulungan ka ng iyong Diyos.” Nang magkagayo'y tinanggap sila ni David at ginawa silang mga pinunong-kawal ng kanyang hukbo.

Mga Gawa 28

Sa Malta

28 Nang kami'y makaligtas na, noon namin nalaman na ang pulo ay tinatawag na Malta.

Pinagpakitaan kami ng hindi karaniwang kabutihan ng mga katutubo, sapagkat sila'y nagsiga, at tinanggap kaming lahat, dahil sa nagsimula nang umulan at maginaw.

Ngunit pagkatapos matipon ni Pablo ang isang bigkis na kahoy at mailagay sa apoy, lumabas ang isang ulupong dahil sa init, at kumapit sa kanyang kamay.

Nang makita ng mga katutubo ang hayop na nakabitin sa kanyang kamay, ay sinabi sa isa't isa, “Tiyak na mamamatay-tao ang taong ito. Kahit siya'y nakatakas sa dagat, gayunma'y hindi hinayaan ng Katarungan na siya'y mabuhay.”

Ngunit ipinagpag niya ang hayop sa apoy at siya'y hindi nasaktan.

Naghintay sila na inaasahang mamamaga siya o biglang mabuwal na patay; subalit nang matagal na silang naghihintay, at nakitang walang masamang nangyari sa kanya ay nagbago ang kanilang isip at nagsabing siya'y isang diyos.

Malapit sa lugar na iyon ay may mga lupaing pag-aari ng pinuno ng pulong iyon, na ang pangalan ay Publio, na tumanggap sa amin at kinupkop kami na may kagandahang-loob sa loob ng tatlong araw.

Nagkataon na nakaratay ang ama ni Publio na maysakit na lagnat at disenteriya. Pinuntahan siya ni Pablo at nanalangin, at nang maipatong sa kanya ang kanyang mga kamay ay pinagaling siya.

Pagkatapos mangyari ito, nagtungo rin doon ang ibang maysakit sa pulo at sila'y pinagaling.

10 Kami nama'y kanilang binigyan ng maraming parangal; at nang maglalayag na kami ay kanilang isinakay sa barko ang mga bagay na kailangan namin.

Mula sa Malta Patungong Roma

11 Makaraan ang tatlong buwan ay naglayag kami sa isang barkong Alejandria na nagpalipas ng tagginaw sa pulo, na ang sagisag ay Ang Magkapatid na Kambal.

12 Nang dumaong kami sa Siracusa ay tumigil kami roon ng tatlong araw.

13 Mula roo'y lumigid kami at nakarating sa Regio; at pagkaraan ng isang araw ay humihip ang hanging habagat, at nang ikalawang araw ay nakarating kami sa Puteoli.

14 Doon ay nakatagpo kami ng mga kapatid, at kami'y pinakiusapan nilang tumigil sa kanila sa loob ng pitong araw. Sa gayo'y nakarating kami sa Roma.

15 Ang mga kapatid doon, nang mabalitaan ang tungkol sa amin, ay dumating mula sa Pamilihan ng Appio at sa Tatlong Bahay-Tuluyan upang salubungin kami. Pagkakita sa kanila, si Pablo ay nagpasalamat sa Diyos at lumakas ang kanyang loob.

Sa Roma

16 Nang makarating kami sa Roma, si Pablo ay pinahintulutang manirahang mag-isa kasama ang kawal na sa kanya'y nagbabantay.

17 Pagkaraan ng tatlong araw, tinipon niya ang mga pinuno ng mga Judio at nang sila'y matipon na, ay sinabi niya sa kanila, “Mga kapatid, bagaman wala akong ginawang anuman laban sa bayan, o sa mga kaugalian ng ating mga ninuno, ay ibinigay akong bilanggo buhat sa Jerusalem sa mga kamay ng mga taga-Roma.

18 Nang ako'y kanilang nasiyasat na, ibig sana akong palayain ng mga taga-Roma,[a] sapagkat walang anumang kadahilanang marapat sa kamatayan na natagpuan sa akin.

19 Subalit(A) nang tumutol ang mga Judio, napilitan akong dumulog kay Cesar, bagaman wala akong paratang laban sa aking bansa.

20 Kaya't sa dahilang ito, tinawag ko kayo upang makipagkita at makipag-usap sa inyo, yamang dahil sa pag-asa ng Israel ay nagagapos ako ng tanikalang ito.”

21 At sinabi nila sa kanya, “Kami'y walang natanggap na mga sulat na galing sa Judea tungkol sa iyo, ni walang pumaritong kapatid na nagbalita o nagsalita ng anumang masama tungkol sa iyo.

22 Subalit ibig naming marinig sa iyo kung ano ang iyong mga iniisip, sapagkat alam namin na maraming nagsasalita ng laban sa sektang ito sa lahat ng mga lugar.”

23 Nang sila'y makapagtalaga ng isang araw para sa kanya, nagtungo sila sa kanyang tinutuluyan at napakarami nila. Ipinaliwanag niya sa kanila ang pangyayari buhat umaga hanggang gabi na nagpapatotoo tungkol sa kaharian ng Diyos, at sinikap na sila'y mahikayat tungkol kay Jesus, mula sa kautusan ni Moises at mula sa mga propeta.

24 Ang iba'y nahikayat sa mga bagay na sinabi niya at ang iba'y hindi naniwala.

25 Nang sila'y hindi magkaisa, umalis sila pagkasabi ni Pablo ng isang pahayag: “Tama ang Espiritu Santo sa pagsasalita sa inyong mga ninuno sa pamamagitan ni propeta Isaias na sinasabi,

26 ‘Pumaroon(B) ka sa bayang ito, at sabihin mo,
tunay na inyong mapapakinggan, ngunit hindi kailanman mauunawaan,
    tunay na inyong titingnan ngunit hindi ninyo mamamasdan.
27 Sapagkat pumurol na ang puso ng bayang ito,
    at mahirap nang makarinig ang kanilang mga tainga,
    at pumikit na ang kanilang mga mata;
    baka sila'y makakita sa kanilang mga mata,
    at makarinig sa kanilang mga tainga,
at makaunawa sa kanilang puso, at magbalik-loob,
    at sila'y aking pagalingin.’

28 Maging hayag nawa sa inyo na ang kaligtasang ito ng Diyos ay ipinadala sa mga Hentil at sila'y makikinig.”

[29 At nang masabi na niya ang mga salitang ito'y nagsialis ang mga Judio, at sila-sila'y nagtalong mabuti.]

30 Nanirahan siya roon ng buong dalawang taon sa kanyang sariling inuupahang bahay, at tinatanggap ang lahat ng sa kanya'y nagsasadya,

31 na ipinangangaral ang kaharian ng Diyos at itinuturo ang mga bagay na tungkol sa Panginoong Jesu-Cristo, na may buong katapangan at walang sagabal.

Mga Awit 9:1-12

Sa Punong Mang-aawit: ayon sa Muth-labben. Awit ni David.

Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng buong puso ko;
    aking sasabihin sa lahat ang kahanga-hangang mga gawa mo.
Ako'y magagalak at magsasaya sa iyo.
    O Kataas-taasan, ako'y aawit ng pagpuri sa pangalan mo.

Nang magsibalik ang mga kaaway ko,
    sila'y natisod at nalipol sa harapan mo.
Sapagkat iyong pinanatili ang matuwid na usapin ko,
    ikaw ay naggagawad ng matuwid na hatol habang nakaupo sa trono.

Iyong sinaway ang mga bansa, nilipol mo ang masama,
    pinawi mo ang kanilang pangalan magpakailanman.
Ang kaaway ay naglaho sa walang hanggang pagkawasak;
    ang kanilang mga lunsod ay binunot mo,
    ang tanging alaala nila ay naglaho.

Ngunit nakaupong hari magpakailanman ang Panginoon,
    itinatag niya ang kanyang trono para sa paghatol;
at hinahatulan niyang may katarungan ang sanlibutan,
    at ang mga tao'y pantay-pantay niyang hinahatulan.
Ang muog para sa naaapi ay ang Panginoon,
    isang muog sa magugulong panahon.
10 At silang nakakakilala ng iyong pangalan ay magtitiwala sa iyo;
    sapagkat ikaw, O Panginoon, ay hindi nagpabaya sa mga naghahanap sa iyo.

11 Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, sa mga nagsisitahan sa Zion!
    Ipahayag ninyo sa mga bansa ang kanyang mga gawa!
12 Sapagkat siya na naghihiganti ng dugo ay inaalala sila;
    hindi niya kinalilimutan ang daing ng nagdurusa.

Mga Kawikaan 19:1-3

19 Mas mabuti ang dukha na lumalakad sa kanyang katapatan,
    kaysa isang taong masama ang pananalita, at isang hangal.
Hindi mabuti para sa isang tao ang walang kaalaman,
    at siyang nagmamadali sa kanyang mga paa ay naliligaw.
Ang kahangalan ng tao ang sumisira sa kanyang landas,
    at ang kanyang puso ay nagagalit laban sa Panginoon.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001