Bible in 90 Days
Ang pagtatalaga.
29 At ito ang bagay na iyong gagawin sa kanila na ibukod sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote: (A)kumuha ka ng isang guyang toro at ng dalawang lalaking tupang walang kapintasan.
2 At tinapay na walang lebadura, at mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis, at mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis: na gagawin mo sa mainam na harina ng trigo.
3 At iyong isisilid sa isang bakol, at dadalhin mo na nasa bakol, sangpu ng toro at ng dalawang tupang lalake.
4 At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay iyong dadalhin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at iyong (B)huhugasan sila ng tubig.
5 (C)At iyong kukunin ang mga kasuutan, at iyong isusuot kay Aaron ang tunika niya, at ang balabal ng epod, at ang epod, at ang pektoral, at bibigkisan mo ng mainam na pagkayaring (D)pamigkis ng epod:
6 At (E)iyong ipuputong ang mitra sa kaniyang ulo, at ipapatong mo ang banal na korona sa mitra.
7 Saka mo (F)kukunin ang langis na pangpahid, at ibubuhos mo sa ibabaw ng kaniyang ulo, at papahiran mo ng langis siya.
8 At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak, at susuutan mo ng mga tunika sila.
9 At iyong bibigkisan sila ng mga pamigkis, si Aaron at ang kaniyang mga anak, at itatali mo ang mga (G)tiara sa kanikaniyang ulo: at (H)tatamuhin nila ang pagkasaserdote na pinakapalatuntunang palagi: at (I)iyong papagbabanalin si Aaron at ang kaniyang mga anak.
Ang handog ng pagtatalaga para sa mga saserdote.
10 At iyong dadalhin ang toro sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at ipapatong ni (J)Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng toro.
11 At iyong papatayin ang toro sa harap ng Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
12 At (K)kukuha ka ng dugo ng toro, at ilalagay mo ng iyong daliri sa ibabaw ng (L)mga anyong sungay ng dambana; at iyong ibubuhos ang lahat ng dugo sa paanan ng dambana.
13 At kukunin mo ang buong taba na nakababalot sa bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at susunugin mo sa ibabaw ng dambana.
14 Datapuwa't ang laman ng toro, at ang balat, at ang dumi ay iyong (M)susunugin sa apoy sa labas ng kampamento: handog nga dahil sa kasalanan.
15 Kukunin mo rin ang isang lalaking tupa; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng lalaking tupa.
16 At iyong papatayin ang lalaking tupa, at iyong kukunin ang dugo, at iyong iwiwisik sa palibot sa ibabaw ng dambana.
17 At iyong kakatayin ang tupa at huhugasan mo ang bituka, at ang mga hita, at ipapatong mo sa mga pinagputolputol at sa ulo.
18 At iyong susunugin ang buong tupa sa ibabaw ng dambana: handog na susunugin nga sa Panginoon; (N)pinaka masarap na amoy na handog sa Panginoon, na pinaraan sa apoy.
19 At (O)kukunin mo ang isang tupa; at (P)ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng tupa.
20 Saka mo papatayin ang tupa, at kukunin mo ang dugo, at ilalagay mo sa pingol ng kanang tainga ni Aaron, at sa pingol ng kanang tainga ng kaniyang mga anak, at sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa, at iwiwisik mo ang dugong labis sa ibabaw ng dambana sa palibot.
21 At kukuha ka ng dugo na nasa ibabaw ng dambana, at (Q)ng langis na pangpahid, at iwiwisik mo kay Aaron, at sa kaniyang mga suot, at sa kaniyang mga anak na kasama niya: at ikapapaging banal niya at ng kaniyang mga suot, at ng kaniyang mga anak, at ng mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya.
22 Kukunin mo rin naman sa lalaking tupa ang taba, at ang matabang buntot, at ang (R)tabang nakababalot sa mga bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at ang kanang hita (sapagka't isang lalaking tupa na (S)itinalaga),
23 (T)At isang malaking tinapay, at isang munting tinapay na nilangisan, at isang manipis na tinapay sa bakol ng tinapay na walang lebadura na nasa harap ng Panginoon:
24 At iyong (U)ilalagay ang kabuoan sa mga kamay ni Aaron, at sa mga kamay ng kaniyang mga anak; at (V)iyong mga luluglugin na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon.
25 At (W)iyong kukunin sa kanilang mga kamay, at iyong susunugin sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin, na pinaka masarap na amoy sa harap ng Panginoon: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
26 At kukunin mo (X)ang dibdib ng tupa na itinalaga ni Aaron, at luglugin mo na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon: at magiging iyong bahagi.
27 At iyong ihihiwalay (Y)ang dibdib ng handog na niluglog, at ang hita ng handog na itinaas, ang niluglog at ang itinaas, ng lalaking tupa na itinalaga na kay Aaron at sa kaniyang mga anak;
28 At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na pinaka bahagi magpakailan man, na mula sa mga anak ni Israel: sapagka't isang handog na itinaas: at magiging isang handog na itinaas sa ganang mga anak ni Israel, na kinuha sa kanilang mga hain tungkol sa kapayapaan: na dili iba't kanilang handog ngang itinaas sa Panginoon.
29 At ang mga banal na kasuutan ni Aaron ay magiging sa kaniyang mga anak, pagkamatay niya, (Z)upang pahiran ng langis sa mga yaon, at upang italaga sa mga yaon.
30 Pitong araw na isusuot ng anak na magiging (AA)saserdote nakahalili niya, pagka siya'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan upang mangasiwa sa dakong banal.
31 At kukunin mo ang lalaking tupa na itinalaga at (AB)lulutuin mo ang kaniyang laman sa dakong banal.
32 At kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang laman ng tupa, at ang (AC)tinapay na nasa bakol sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
33 At (AD)kanilang kakanin ang mga bagay na yaon, na ipinangtubos ng sala, upang italaga at pakabanalin sila: datapuwa't (AE)hindi kakain niyaon ang sinomang taga ibang lupa, sapagka't mga bagay na banal.
34 At kung may lumabis sa laman na itinalaga, o sa tinapay, hanggang sa kinaumagahan, ay iyo ngang susunugin sa apoy ang labis: (AF)hindi kakanin, sapagka't yao'y banal.
Handog na pangaraw-araw.
35 At ganito mo gagawin kay Aaron, at sa kaniyang mga anak, ayon sa lahat na aking iniutos sa iyo: (AG)pitong araw na iyong itatalaga sila.
36 At araw-araw ay (AH)maghahandog ka ng toro na pinakahandog, dahil sa kasalanan na pinakapangtubos: at iyong lilinisin ang dambana pagka iyong ipinanggagawa ng katubusan yaon; at (AI)iyong papahiran ng langis upang pakabanalin.
37 Pitong araw na iyong tutubusin sa sala ang dambana, at iyong pakakabanalin; at ang dambana ay magiging kabanalbanalan; (AJ)anomang masagi sa dambana ay magiging banal.
38 Ito nga (AK)ang iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana: dalawang kordero ng unang taon (AL)araw-araw na palagi.
39 Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga; at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon:
40 At kasama ng isang kordero na iyong ihahandog ang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na may halong ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo; at ang ikaapat na bahagi ng isang hin na alak, ay pinakahandog na inumin.
41 At (AM)ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon, at iyong gagawin ayon sa handog na harina sa umaga, at ayon sa inuming handog niyaon, na pinaka masarap na amoy, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
42 Magiging isang palaging (AN)handog na susunugin sa buong panahon ng inyong lahi sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa harap ng Panginoon; (AO)na aking pakikipagkitaan sa inyo, upang makipagusap ako roon sa iyo.
43 At doo'y makikipagtagpo ako sa mga anak ni Israel: at (AP)ang Tolda ay pakakabanalin sa pamamagitan ng aking kaluwalhatian.
44 At aking pakakabanalin ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana; si Aaron man at ang kaniyang mga anak ay aking (AQ)papagbabanalin upang mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
45 At (AR)ako'y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel, at ako'y magiging kanilang Dios.
46 At kanilang makikilala, na (AS)ako ang Panginoon nilang Dios, na kumuha sa kanila sa lupain ng Egipto, upang ako'y tumahan sa gitna nila: ako ang Panginoon nilang Dios.
Ang dambana ng kamangyan.
30 At gagawa ka ng isang (AT)dambana na mapagsusunugan ng kamangyan: na kahoy na akasia iyong gagawin.
2 Isang siko magkakaroon ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon; parisukat nga: at dalawang siko magkakaroon ang taas niyaon: ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din.
3 At iyong babalutin ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon, at ang mga tagiliran niyaon sa palibot, at ang mga sungay niyaon; at igagawa mo ng isang (AU)kornisang ginto sa palibot.
4 At igagawa mo yaon ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang tagiliran iyong gagawin; at magiging suutan ng mga pingga upang (AV)mabuhat.
5 At ang iyong gagawing mga pingga ay kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto.
6 At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo, (AW)sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na aking pakikipagtagpuan sa iyo.
7 At magsusunog si Aaron sa ibabaw niyaon ng kamangyan na mababangong espesia: tuwing umaga pagka kaniyang (AX)inaayos ang mga ilawan, ay susunugin niya.
8 At pagka sinisindihan ni Aaron ang mga ilawan sa hapon, ay kaniyang susunugin, na isang kamangyang palagi sa harap ng Panginoon, sa buong panahon ng inyong mga lahi.
9 Huwag kayong maghahandog ng ibang (AY)kamangyan sa ibabaw niyaon, o ng handog na susunugin, o ng handog na harina man: at huwag kayong magbubuhos ng inuming handog sa ibabaw niyaon.
10 At si Aaron ay tutubos ng sala (AZ)sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo (BA)ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi: kabanal-banalan nga sa Panginoon.
Salapi na pangtubos sa kaluluwa.
11 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
12 (BB)Pagbilang mo sa mga anak ni Israel, ayon sa mga nabilang sa kanila (BC)ay magbibigay nga ang bawa't isa sa kanila ng katubusan ng kaniyang kaluluwa sa Panginoon, pagka iyong binibilang sila; upang (BD)huwag magkaroon ng salot sa gitna nila pagka iyong binibilang sila.
13 Ito ang kanilang ibibigay, bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang: (BE)kalahati ng isang siklo ayon sa siklo ng santuario: (BF)ang isang siklo ay dalawang pung gera): kalahating siklo na pinaka handog sa Panginoon.
14 Bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay magbibigay ng handog sa Panginoon.
15 Ang mayaman ay hindi magbibigay ng higit, at ang dukha ay hindi magbibigay ng kulang sa kalahating siklo, pagbibigay nila ng handog sa Panginoon, upang (BG)ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.
16 At iyong kukunin sa mga anak ni Israel ang pangtubos na salapi, (BH)at iyong gugugulin sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan; na maging (BI)pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.
Hugasang tanso.
17 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
18 (BJ)Gagawa ka rin ng isang hugasang tanso, at ang tungtungan ay tanso, upang paghugasan: at iyong ilalagay sa gitna ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig.
19 At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas (BK)doon ng kanilang mga paa:
20 Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, ay maghuhugas sila ng tubig, upang sila'y huwag mamatay, o pagka sila'y lumalapit sa dambana na mangasiwa, upang magsunog ng handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon.
21 Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa upang huwag silang mamatay: at magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila, sa kaniya at sa kaniyang binhi, sa buong panahon ng kanilang mga lahi.
Langis na pangpahid.
22 Bukod dito'y nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
23 Magdala ka rin ng mga pinakamagaling na espesia, ng taganas na (BL)mira ay limang daang siklo, at ng mabangong kanela ay kalahati nito, dalawang daan at limang pu; (BM)at ng mabangong kalamo ay dalawang daan at limang pu,
24 At ng kasia, limang daan, ayon sa siklo ng santuario, at ng langis ng oliva ay isang (BN)hin:
25 At iyong gagawing banal na langis na pangpahid, isang pabangong kinatha ng ayon sa katha ng manggagawa ng pabango: siya ngang magiging banal na langis na pangpahid.
26 (BO)At iyong papahiran niyaon ang tabernakulo ng kapisanan, at ang kaban ng patotoo,
27 At ang dulang, at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon, at ang kandelero at ang mga kasangkapan niyaon, at ang dambanang suuban.
28 At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga kasangkapan, at ang hugasan at ang tungtungan.
29 At pakabanalin mo upang maging mga kabanalbanalan: (BP)lahat ng makahipo sa mga yao'y magiging banal.
30 (BQ)At iyong papahiran ng langis si Aaron at ang kaniyang mga anak, at iyong papagbabanalin sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
31 At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Ito'y magiging banal na langis na pangpahid sa akin sa buong panahon ng iyong mga lahi.
32 Sa laman ng tao ay huwag ninyong ibubuhos, ni huwag kayong gagawa ng gaya niyan sa pagkakatha: banal nga at aariin ninyong banal.
33 (BR)Sinomang kumatha ng gaya niyan, o sinomang gumamit niyan sa isang taga ibang lupa, (BS)ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.
34 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (BT)Magdala ka ng mababangong espesia, estacte, at onycha, at galbano; mabangong espesia na may taganas na kamangyan: na magkakaisa ng timbang;
35 At iyong gagawing kamangyan, na isang pabangong ayon sa (BU)katha ng manggagawa ng pabango, na tinimplahan ng asin, na pulos at banal;
36 At iyong didikdikin ang iba niyan ng durog na durog at ilalagay mo sa harap ng kaban ng patotoo, sa loob ng tabernakulo ng kapisanan (BV)na aking pakikipagtagpuan sa iyo: (BW)aariin ninyong kabanalbanalan.
37 At ang kamangyan na inyong gagawin, ayon sa pagkakatha niyan ay huwag ninyong gagawin para sa inyo: aariin mong banal sa Panginoon.
38 (BX)Sinomang gumawa ng gaya niyan, upang amuyin ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.
Ang pagtawag kay Bezaleel at kay Aholiab.
31 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
2 (BY)Tingnan mo aking tinawag sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda:
3 At (BZ)aking pinuspos siya ng Espiritu ng Dios, sa karunungan at pagkakilala, at kaalaman, at sa lahat ng sarisaring gawain,
4 Upang kumatha ng mga gawang kaayaaya, upang gumawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso,
5 At upang umukit ng mga batong pangkalupkop, upang gumawa ng mga nililok na kahoy, at upang gumawa sa lahat na sarisaring gawain.
6 At ako, narito, aking inihalal na kasama niya si (CA)Aholiab, na anak ni Ahisamac sa lipi ni Dan; at sa puso ng lahat na maalam na puso, ay aking isinilid ang karunungan, upang magawa nila ang lahat ng aking iniutos sa iyo:
7 (CB)Ang tabernakulo ng kapisanan at (CC)ang kaban ng patotoo, at ang luklukan ng awa na nasa ibabaw niyaon, at ang lahat ng kasangkapan ng Tolda:
8 At (CD)ang dulang at ang mga sisidlan niyaon at ang kandelerong dalisay, sangpu ng lahat na mga sisidlan; at ang dambana ng kamangyan;
9 At (CE)ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga sisidlan niyaon, at ang hugasan at ang tungtungan niyaon;
10 At (CF)ang mga kasuutang mabuting yari, at ang mga banal na kasuutan na pangsuot kay Aarong saserdote, at ang mga kasuutan sa kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote;
11 At (CG)ang langis na pangpahid, at ang kamangyan na (CH)mabangong mga kamangyan na itataan sa dakong banal: ayon sa lahat na iniutos ko sa iyo ay kanilang gagawin.
Ang pagiingat ng Sabbath.
12 At ang Panginoo'y nagsalita kay Moises, na sinasabi,
13 Salitain mo rin sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, (CI)Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka't isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo.
14 Inyong ipangingilin ang sabbath nga; sapagka't yao'y pangilin sa inyo: bawa't lumapastangan ay walang pagsalang papatayin: sapagka't (CJ)sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na yaon, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan.
15 (CK)Anim na araw na gagawin ang gawain; datapuwa't (CL)ang ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, pangilin sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw ng sabbath, ay walang pagsalang papatayin.
16 Kaya't ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath, na tutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan.
17 (CM)Ito'y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man: sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, at sa ikapitong araw, ay nagpahinga at naginhawahan.
Tinanggap ni Moises ang dalawang tapyas ng patotoo.
18 At kaniyang ibinigay kay Moises, pagkatapos na makipagsalitaan sa kaniya sa ibabaw ng bundok ng Sinai, (CN)ang dalawang tapyas ng patotoo, na mga tapyas na bato, na sinulatan ng daliri ng Dios.
32 At nang makita ng bayan na nagluluwat si Moises ng pagpanaog sa bundok, ay nagpipisan ang bayan kay Aaron, at nagsabi sa (CO)kaniya, (CP)Tumindig ka at igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin; sapagka't tungkol sa Moises na ito, na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto, ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya.
2 At sinabi ni Aaron sa kanila, Alisin ninyo (CQ)ang mga hikaw na ginto, na nasa tainga ng inyo-inyong asawa, ng inyong mga anak na lalake, at babae, at dalhin ninyo sa akin.
3 At inalis ng buong bayan ang mga hikaw na ginto na nangasa kanilang mga tainga, at dinala kay Aaron.
4 (CR)At kaniyang tinanggap sa kanilang kamay, at niyari sa pamamagitan ng isang buril, at ginawang isang guyang binubo, at kanilang sinabi, Ang mga ito ang maging iyong mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto.
5 At nang makita ito ni Aaron, ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon: at (CS)itinanyag ni Aaron at sinabi, Bukas ay pista sa Panginoon.
6 At sila'y bumangong maaga nang kinabukasan, at naghandog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; (CT)at ang bayan ay umupong kumain at uminom, at tumindig upang magkatuwa.
Si Aaron ay gumawa ng binubong Guya.
7 At sinalita ng Panginoon kay Moises, Yumaon ka, bumaba ka, sapagka't ang iyong bayan, na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto ay (CU)nangagsisama:
8 (CV)Sila'y humiwalay na madali sa daan na aking iniutos sa kanila: sila'y gumawa ng isang guyang binubo, at kanilang sinamba, at kanilang hinainan, at kanilang sinabi, Ang mga ito'y iyong maging mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto.
9 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Aking nakita ang bayang ito, at, narito, isang bayang may matigas na ulo;
10 Ngayo'y (CW)bayaan mo nga ako upang ang aking pagiinit ay (CX)magalab laban sa kanila, at upang aking lipulin sila: (CY)at ikaw ay aking gagawing dakilang bansa.
11 (CZ)At dumalangin si Moises sa Panginoon niyang Dios, at sinabi, Panginoon, bakit ang iyong pagiinit ay pinapagaalab mo laban sa iyong bayan, na iyong inilabas sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan at ng makapangyarihang kamay?
12 (DA)Bakit sasalitain ng mga Egipcio, na sasabihin, Dahil sa kasamaan, inilabas sila upang patayin sila sa mga bundok, at upang lipulin sila sa balat ng lupa? Iurong mo ang iyong mabangis na pagiinit, at (DB)pagsisihan mo ang kasamaang ito laban sa iyong bayan.
13 Alalahanin mo si Abraham, si Isaac, at si Israel na iyong mga lingkod, (DC)na silang iyong mga sinumpaan sa iyong sarili, at mga pinagsabihan, Aking (DD)pararamihin ang inyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at lahat ng lupaing ito na aking sinalita ay aking ibibigay sa inyong binhi, at kanilang mamanahin magpakailan man.
14 At pinagsisihan ng (DE)Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kaniyang bayan.
Ang galit ni Moises.
15 At si Moises ay pumihit, at bumaba sa bundok, na dala ang dalawang tapyas ng patotoo sa kaniyang kamay; mga tapyas na may sulat sa dalawang mukha niyaon; sa isang mukha at sa kabilang mukha ay may sulat.
16 At (DF)ang mga tapyas ay gawa ng Dios, at ang sulat ay sulat ng Dios, na nakaukit sa mga tapyas.
17 At (DG)ng marinig ni Josue ang ingay ng bayan na humihiyaw, ay sinabi kay Moises, May ingay ng pagbabaka sa kampamento.
18 At kaniyang sinabi, Hindi ingay ng pagtatagumpay, o ingay man ng pagkatalo, kundi ingay ng mga umaawit ang aking naririnig.
19 At nangyari paglapit niya sa kampamento, na kaniyang (DH)nakita ang guya at ang sayawan; at ang galit ni Moises ay naginit at kaniyang inihagis ang mga tapyas na nasa kaniyang mga kamay at nangasira sa paanan ng bundok.
20 At kaniyang kinuha ang guya na kanilang ginawa, at sinunog ng apoy, at giniling hanggang sa naging alabok, at isinaboy sa ibabaw ng tubig, at ipinainom sa mga anak ni Israel.
21 At sinabi ni Moises kay Aaron, (DI)Anong ginawa ng bayang ito sa iyo, na dinalhan mo sila ng isang malaking sala?
22 At sinabi ni Aaron, Huwag maginit ang galit ng aking panginoon: (DJ)iyong kilala ang bayan, na sila'y mahilig sa kasamaan.
23 Sapagka't kanilang sinabi sa akin, (DK)Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol sa Moises na ito, na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya.
24 At aking sinabi sa kanila, Sinomang may ginto, ay magalis; na anopa't kanilang ibinigay sa akin: at aking inihagis sa apoy at lumabas ang guyang ito.
Pinarusahan ang mga tao.
25 At nang makita ni Moises na ang bayan ay nakakawala; sapagka't (DL)pinabayaan ni Aarong makawala ng maging isang kabiruan sa gitna ng kanilang mga kaaway:
26 Ay tumayo nga si Moises sa pintuang-daan ng kampamento, at nagsabi, Sinomang sa Panginoon ang kiling ay lumapit sa akin. At lahat ng mga anak ni Levi ay nagpipisan sa kaniya.
27 At sinabi niya sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel: Ipatong ng bawa't lalake ang kaniyang tabak sa kaniyang hita, at yumaon kayong paroo't parito sa mga pintuang-daan, sa buong kampamento, at (DM)patayin ng bawa't lalake ang kaniyang kapatid na lalake, at ng bawa't lalake ang kaniyang kasama, at ng bawa't lalake ang kaniyang kapuwa.
28 At ginawa ng mga anak ni Levi ang ayon sa salita ni Moises: at nabuwal sa bayan ng araw na yaon, ang may tatlong libong katao.
29 (DN)At sinabi ni Moises, Italaga ninyo ang inyong sarili ngayon sa Panginoon, oo, bawa't lalake laban sa kaniyang anak na lalake, at laban sa kaniyang kapatid na lalake, upang kaniyang ipagkaloob sa inyo ang pagpapala sa araw na ito.
30 At nangyari ng kinabukasan, na sinabi ni Moises sa bayan, (DO)Kayo'y nagkasala ng malaking kasalanan: at ngayo'y sasampahin ko ang Panginoon; (DP)marahil ay aking matutubos ang inyong kasalanan.
31 At bumalik si Moises sa Panginoon, at nagsabi, Oh, ang bayang ito'y nagkasala ng malaking kasalanan, at gumawa sila ng mga dios na ginto.
32 Gayon ma'y ngayon, kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan—; at kung hindi, (DQ)ay alisin mo ako, isinasamo ko sa iyo, (DR)sa iyong aklat na sinulat mo.
33 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (DS)Ang magkasala laban sa akin ay siya kong aalisin sa aking aklat.
34 At ngayo'y yumaon ka, iyong patnubayan ang bayan sa dakong aking sinalita sa iyo: narito, ang (DT)aking anghel ay magpapauna sa iyo: gayon ma'y sa araw na aking dalawin sila ay aking dadalawin ang kanilang kasalanang ipinagkasala nila.
35 At sinaktan nga ng Panginoon ang bayan, sapagka't kanilang ginawa ang guya na ginawa ni Aaron.
Ang Panginoon ay lumayo sa kanila.
33 At sinalita ng Panginoon kay Moises, Yumaon ka, sumampa ka mula rito, ikaw at ang bayan na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto, na patungo kayo sa lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na aking sinasabi, (DU)Sa iyong binhi ay aking ibibigay.
2 At (DV)aking susuguin ang isang anghel sa unahan mo: at aking (DW)palalayasin ang Cananeo, ang Amorrheo, at ang Hetheo, at ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo:
3 (DX)Sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot: (DY)sapagka't hindi ako sasampa sa gitna mo; sapagka't ikaw ay bayang may matigas na ulo; baka ikaw ay aking lipulin sa daan.
4 At nang marinig ng bayan ang masasamang balitang ito, (DZ)ay nanangis sila: (EA)at walang taong nagsuot ng kaniyang mga pahiyas.
5 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo sa mga anak ni Israel, Kayo'y isang bayang may matigas na ulo: kung ako'y sumampa sa gitna mo na sangdali, ay lilipulin kita: kaya't ngayo'y alisin mo ang iyong mga pahiyas sa iyo upang aking maalaman kung anong aking gagawin sa iyo.
6 At ang mga anak ni Israel ay naghubad ng kanilang mga pahiyas mula sa bundok ng Horeb.
7 Kinaugalian nga ni Moises na dalhin ang tolda at itayo sa labas ng kampamento, (EB)na malayo sa kampamento at kaniyang tinawag iyon, Tabernakulo ng kapisanan. At nangyari na bawa't magsiyasat sa Panginoon ay lumalabas na pumaparoon sa tabernakulo ng kapisanan, na nasa labas ng kampamento.
8 At nangyari, pagka si Moises ay lumalabas na napasa sa Tolda, na ang buong bayan ay bumabangon (EC)at tumatayo, bawa't lalake sa pintuan ng kaniyang tolda at pinanonood si Moises hanggang sa makapasok sa Tolda.
9 At nangyari, pagka si Moises ay pumapasok sa Tolda ay bumababa (ED)ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda ang Panginoon ay nakikipagsalitaan kay Moises.
10 At nakikita ng buong bayan ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda; at ang buong bayan ay tumitindig at sumasamba, na bawa't isa'y sa tabi ng pintuan ng kaniyang tolda.
11 At (EE)nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan, gaya ng isang taong nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan. At siya'y bumabalik uli sa kampamento, datapuwa't ang kaniyang tagapangasiwang (EF)si Josue, na anak ni Nun, na may kabataan pa, ay hindi umaalis sa Tolda.
Si Moises ay nakipagusap sa Panginoon.
12 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Tingnan mo, (EG)iyong sinasabi sa akin: Isampa mo ang bayang ito: at hindi mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin mo na kasama ko. Gayon ma'y iyong sinabi, Aking nakikilala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin.
13 Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, (EH)ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, na ano pa't ako'y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin: at akalain mo, na ang bansang ito ay (EI)iyong bayan.
14 At kaniyang sinabi, (EJ)Ako'y sasa iyo, at ikaw ay (EK)aking bibigyan ng kapahingahan.
15 At sinabi niya sa kaniya, (EL)Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito.
16 Sapagka't saan ngayon makikilala na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ako at ang iyong bayan? (EM)hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin, (EN)upang kami ay maging bukod, ako at ang iyong bayan, sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa?
17 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita: (EO)sapagka't ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan.
18 At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian.
19 At kaniyang sinabi, (EP)Aking papangyayarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo, at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap mo; at ako'y (EQ)magkakaloob ng (ER)biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban, at ako'y magmamaawain sa kanino mang aking ibig kaawaan.
20 At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: (ES)sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay.
21 At sinabi ng Panginoon, Narito, may isang dako sa tabi ko, at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng batong iyan:
22 At mangyayari, na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan, na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako'y makaraan:
23 At aking aalisin ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod: datapuwa't ang aking mukha (ET)ay hindi makikita.
Ang dalawang tapyas ay ginawang panibago.
34 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (EU)Humugis ka ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una: at aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas, na iyong sinira.
2 At iyong ihanda sa kinaumagahan, at sumampa ka sa kinaumagahan sa bundok ng Sinai at humarap ka roon sa akin (EV)sa taluktok ng bundok.
3 At (EW)sinomang tao ay huwag sasampang kasama mo, o makikita ang sinomang tao sa buong bundok; kahit ang mga kawan at ang mga bakahan ay huwag manginain sa harap ng bundok na yaon.
4 At siya'y humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una; at bumangon si Moises na maaga sa kinaumagahan, at sumampa sa bundok ng Sinai, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya, at kinuha sa kaniyang kamay ang dalawang tapyas na bato.
5 At ang Panginoon ay bumaba sa ulap, at tumayong kasama niya roon at (EX)itinanyag ang pangalan ng Panginoon.
6 At ang Panginoo'y nagdaan sa harap niya, na itinanyag, (EY)Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan;
7 (EZ)Na gumagamit ng kaawaan sa libolibo, na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalangsang, at ng kasalanan: (FA)at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin; na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak, at sa mga anak ng mga anak, hanggang sa ikatlo at ika apat na salin.
8 At nagmadali si Moises, at (FB)itinungo ang kaniyang ulo sa lupa, at sumamba.
9 At kaniyang sinabi, Kung ngayo'y (FC)nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, Oh Panginoon, ay ipahintulot nawa ng Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na pasa gitna namin; sapagka't isang bayang may matigas na ulo; at ipatawad mo ang aming kasamaan, at ang aming kasalanan, at (FD)ariin mo kaming iyong mana.
Ang babala laban sa idolatria.
10 At kaniyang sinabi, Narito, ako'y nakikipagtipan sa harap ng iyong buong bayan at (FE)gagawa ako ng mga kababalaghan, na kailan ma'y hindi ginawa sa buong lupa, o sa alin mang bansa: at ang buong bayan sa gitna ng iyong kinaroroonan ay makakakita ng gawa ng Panginoon, (FF)sapagka't kakilakilabot na bagay ang aking gagawin sa pamamagitan mo.
11 Tuparin mo ang mga iniutos ko sa iyo sa araw na ito: narito, aking pinalalayas sa harap mo ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Pherezeo, at ang Jebuseo.
12 (FG)Magingat ka, na huwag kang makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain na iyong pinaroroonan, baka maging isang silo sa gitna mo:
13 Kundi (FH)inyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi (FI)at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera.
14 (FJ)Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon (FK)na ang pangalan ay Mapanibughuin; (FL)ay mapanibughuin ngang Dios:
15 Magingat ka; baka ikaw ay makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain, (FM)at sila'y sumunod sa kanilang mga dios, at magsipaghain sa kanilang mga dios, at (FN)ikaw ay alukin ng isa at (FO)kumain ka ng kanilang hain;
16 (FP)At iyong papag-asawahin ang iyong mga anak na lalake at kanilang mga anak na babae, at ang kanilang mga anak na babae ay sumunod sa kanilang mga dios at pasunurin ang inyong mga anak na sumunod sa kanilang mga dios.
17 Huwag kang gagawa para sa iyo ng mga dios na binubo.
Ang batas ng pangako.
18 (FQ)Ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipangingilin. Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura na gaya ng iniutos ko sa iyo, (FR)sa takdang panahon sa buwan ng Abib: sapagka't sa buwan ng Abib, ay umalis ka sa Egipto.
19 (FS)Yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata ay akin; at gayon din ang lahat ng hayop na lalake, ang panganay ng baka at ng tupa,
20 At ang panganay ng isang asno ay iyong tutubusin ng isang kordero: at kung hindi mo tutubusin ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg. (FT)Lahat ng panganay sa iyong mga anak ay iyong tutubusin. At walang lalapit sa harapan ko na walang dala.
21 (FU)Anim na araw na gagawa ka, nguni't sa ikapitong araw ay magpapahinga ka: sa panahon ng pagbubukid at sa pagaani ay magpapahinga ka.
22 (FV)At iyong ipangingilin ang kapistahan ng mga sanglinggo, ang sa mga unang bunga ng pagaani ng trigo, at ang kapistahan ng pagaani sa katapusan ng taon.
23 (FW)Makaitlo nga sa isang taon na haharap ang lahat ng iyong mga lalake sa Panginoong Dios, na Dios ng Israel.
24 Sapagka't aking palalayasin ang mga bansa sa harap mo, at aking palalaparin ang iyong mga hangganan: (FX)at hindi pagnanasaan ng sinoman ang iyong lupain, pagka ikaw ay pumapanhik na humarap sa Panginoong iyong Dios, na makaitlo sa isang taon.
25 (FY)Huwag kang maghahandog ng dugo ng hain sa akin, na kasabay ng tinapay na may lebadura; (FZ)o magtitira man ng hain sa kapistahan ng paskua hanggang sa kinaumagahan.
26 (GA)Ang pinakaunang bunga ng iyong lupa ay iyong dadalhin sa bahay ng Panginoon mong Dios. (GB)Huwag mong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina.
27 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ang mga salitang ito: sapagka't ayon sa tunog ng mga salitang ito, ay nakipagtipan ako sa iyo at sa Israel.
28 (GC)At siya'y natira doong kasama ng Panginoon, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi man lamang siya kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig. (GD)At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang sangpung utos.
Ang mukha ni Moises ay nagliwanag.
29 At nangyari, nang bumaba si Moises sa bundok ng Sinai, (GE)na dala ang tapyas na bato ng patotoo sa kamay niya, noong bumaba sa bundok ay hindi nalalaman ni Moises na ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipagusap niya sa Dios.
30 At nang makita ni Aaron at ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises, narito, ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag; at sila'y natakot na lumapit sa kaniya.
31 At tinawag sila ni Moises; at si Aaron at ang lahat ng puno sa Israel ay nagbalik sa kaniya: at si Moises ay nagsalita sa kanila.
32 At pagkatapos, ang lahat ng mga anak ni Israel ay lumapit; (GF)at kaniyang ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng utos ang lahat ng salita ng Panginoon na sinalita sa kaniya sa bundok ng Sinai.
33 At pagkapagsalita sa kanila ni Moises ay (GG)naglagay siya ng isang lambong sa kaniyang mukha.
34 Datapuwa't (GH)pagka si Moises ay pumapasok sa harap ng Panginoon upang makipagsalitaan sa kaniya, ay nagaalis siya ng lambong hanggang siya'y makalabas; at siya'y lumabas at kaniyang sinalita sa mga anak ni Israel ang iniutos sa kaniya;
35 At nakita ng mga anak ni Israel ang mukha ni Moises, na ang balat ng mukha ni Moises ay nagliliwanag: at inilagay uli ni Moises ang lambong sa ibabaw ng kaniyang mukha, hanggang sa siya'y makapasok na nakipagsalitaan sa Dios.
Ang batas ukol sa Sabbath.
35 At pinulong ni Moises ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sinabi sa kanila, Ito ang mga salita na iniutos ng Panginoon, na inyong gagawin.
2 (GI)Anim na araw na gagawa, datapuwa't ang ikapitong araw ay ipangingilin ninyo, isang sabbath na takdang kapahingahan sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na iyan ay papatayin.
3 (GJ)Huwag kayong magpapaningas ng apoy sa inyong buong tahanan sa araw ng sabbath.
Handog at mga manggagawa sa tabernakulo.
4 At sinalita ni Moises, sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, (GK)Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, na sinasabi,
5 Magsikuha kayo sa inyo ng isang handog na taan sa Panginoon; sinomang may kusang loob, ay magdala ng handog sa Panginoon; ginto, at pilak, at tanso;
6 At kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng kambing;
7 At mga balat ng tupang lalake na tininang pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;
8 At langis na pangilawan, at mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong kamangyan:
9 At mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, na pang-epod, at pangpektoral.
10 (GL)At pumarito ang bawa't matalino sa inyo, at gawin ang lahat ng iniutos ng Panginoon;
11 (GM)Ang tabernakulo, ang tolda niyan, at ang takip niyan, ang mga kawit niyan, at ang mga tabla niyan, ang mga barakilan niyan, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan niyan;
12 (GN)Ang kaban, at ang mga pingga niyan, ang luklukan ng awa, at ang (GO)lambong ng tabing;
13 (GP)Ang dulang at ang mga pingga niyan, at ang lahat ng kasangkapan niyan at ang (GQ)tinapay na handog;
14 (GR)Ang kandelero rin naman na pangilaw, at ang mga kasangkapan niyan, at ang mga ilawan niyan, at ang (GS)langis na pangilawan;
15 (GT)At ang dambana ng kamangyan at ang mga pingga niyan, (GU)at ang langis na pangpahid, at ang mabangong kamangyan, at ang (GV)tabing na pangpintuan sa pintuan ng tabernakulo;
16 (GW)Ang dambana ng handog na susunugin, sangpu ng saláng tanso niyan, at lahat ng mga kasangkapan niyan, ang hugasan at ang tungtungan niyan;
17 Ang mga tabing sa looban, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan ng mga iyan, at ang tabing sa pintuan ng looban;
18 Ang mga tulos ng tabernakulo, at ang mga tulos ng looban, at ang mga panali ng mga iyan;
19 (GX)Ang mga mainam na yaring kasuutan sa pangangasiwa sa dakong banal, ang mga banal na kasuutan kay Aaron na saserdote, at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.
20 At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay umalis sa harap ni Moises.
21 (GY)At sila'y lumapit, lahat ng tao na napukaw ang kalooban, at lahat na pinapagkusa ng sariling diwa, at nagdala ng panghandog sa Panginoon, sa gawain sa tabernakulo ng kapisanan, at sa buong ipaglilingkod at sa mga banal na kasuutan.
22 At sila'y naparoon, mga lalake at mga babae, yaong lahat na nagkaroon ng kusang loob, at nagdala ng mga espile, at ng mga hikaw, at ng mga singsing na panatak, at ng (GZ)mga pulsera, ng madlang hiyas na ginto; sa makatuwid baga'y lahat na naghandog ng handog na ginto sa Panginoon.
23 At bawa't taong may (HA)kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng mga kambing, at balat ng mga tupa na tininang pula, at ng mga balat ng poka, ay nangagdala.
24 Ang lahat na naghandog ng handog na pilak at tanso, ay nagdala ng handog sa Panginoon: at lahat ng taong may kahoy na akasia na magagamit sa anomang gawa na paglilingkod ay nagdala.
25 At lahat ng mga babaing (HB)matatalino ay nagsihabi ng kanilang mga kamay, at dinala ang kanilang mga hinabi, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino.
26 At lahat ng mga babae na napukaw ang kalooban, sa karunungan, ay nagsihabi ng balahibo ng mga kambing.
27 At ang mga pinuno ay nagdala ng mga batong onix, at ng mga batong pangkalupkop na gamit sa epod, at sa pektoral;
28 (HC)At ng mga espesia, at ng langis; na pangilawan, at langis na pangpahid, at pangmabangong kamangyan.
29 Ang mga anak ni Israel ay (HD)nagdala ng kusang handog sa Panginoon; bawa't lalake at babae, na ang puso'y nagkusang nagpadala ng magagamit sa lahat na gawain, na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises na gawin.
Ang manggagawa ay tinawag.
30 At sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel, (HE)Tingnan ninyo, tinawag ng Panginoon sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda;
31 At kaniyang pinuspos siya ng Espiritu ng Dios, tungkol sa karunungan, sa pagkakilala, at sa kaalaman, at sa lahat ng sarisaring gawain;
32 At upang kumatha ng mga gawang kaayaaya, na gumawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso,
33 At sa pagputol ng mga batong pangkalupkop, at sa pagukit sa kahoy, na gumawa sa lahat ng sarisaring maiinam na gawa.
34 At isinapuso niya ang katalinuhan, na siya'y makapagturo, siya at gayon din si Aholiab, na anak ni Ahisamac, sa lipi ni Dan.
35 Sila'y kaniyang pinuspos ng karunungan sa puso upang gumawa ng lahat na sarisaring gawa, ng taga-ukit, at tagakatha, at ng mangbuburda sa kayong bughaw, at sa kulay-ube, sa pula, at sa lino, at ng manghahabi, ng mga gumagawa ng anomang gawain, at ng mga kumakatha ng maiinam na gawa.
36 At si Bezaleel at si Aholiab ay gagawa, at lahat ng (HF)matalino na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan at pagkakilala na maalaman kung paanong paggawa ng lahat ng gawa sa paglilingkod sa santuario, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon.
Ang mga handog ay tinanggap.
2 At tinawag ni Moises si Bezaleel at si Aholiab, at lahat ng marunong na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan sa puso, lahat ng (HG)may pusong napukaw na pumaroon sa gawang gagawin:
3 At kanilang tinanggap kay Moises ang lahat ng handog na (HH)dinala ng mga anak ni Israel na magagamit sa gawang paglilingkod sa santuario, upang gawin. At dinalhan pa nila siya ng kusang handog tuwing umaga.
4 At nagsidating ang lahat ng mga taong matatalino, na gumagawa ng lahat na gawa, sa santuario, na bawa't isa'y mula sa kaniyang gawain na ginagawa;
5 At sila'y nagsalita kay Moises, na nagsasabi, (HI)Ang baya'y nagdadala ng higit kay sa kinakailangan sa gawang paglilingkod, na iniutos gawin ng Panginoon.
6 At si Moises ay nagbigay utos at itinanyag nila sa buong kampamento na sinasabi, Huwag nang gumawa ang lalake o ang babae man ng anomang gawang handog sa santuario. Na ano pa't sinangsala na ang bayan sa pagdadala.
7 Sapagka't ang kagamitan na mayroon sila ay sapat na sa lahat ng gawa na gagawin, at higit pa.
Ang paggagawa ng tabing.
8 (HJ)At lahat ng matatalinong lalake sa gumagawa ng gawa, ay gumawa ng tabernakulo na may sangpung tabing, na linong pinili, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula na may mga querubin na niyari ng bihasang manggagawa.
9 Ang haba ng bawa't tabing ay dalawang pu't walong siko, at ang luwang ng bawa't tabing ay apat na siko: lahat ng tabing ay magkakaisang sukat.
10 At pinapagsugpong na isa't isa ang limang tabing: at ang ibang limang tabing ay pinapagsugpong na isa't isa.
11 At siya'y gumawa ng mga presilyang bughaw sa gilid ng tabing, sa gilid ng pagkakasugpong: gayon din ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa dulo ng ikalawang pagkakasugpong.
12 Limangpung presilya ang ginawa niya sa isang tabing, at limangpung presilya ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong: ang mga presilya ay nagkakatapat na isa't isa.
13 At siya'y gumawa ng limangpung kawit na ginto, at pinapagsugpong ang mga tabing na ang isa'y sa isa, sa pamamagitan ng mga kawit: sa gayo'y naging isa ang tabernakulo.
14 At siya'y gumawa ng mga tabing na balahibo ng mga kambing na magagamit sa tolda na nasa ibabaw ng tabernakulo: labing isang tabing ang ginawa niya.
15 Ang haba ng bawa't tabing ay tatlong pung siko, at apat na siko ang luwang ng bawa't tabing; ang labing isang tabing ay magkakaisa ng sukat.
16 At kaniyang pinapagsugpong ang limang tabing at ang anim na tabing ay bukod.
17 At siya'y gumawa ng limangpung presilya sa gilid ng unang tabing, sa dulo ng pagkakasugpong, at limangpung presilya ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa dulo ng ikalawang pagkakasugpong.
18 At siya'y gumawa ng limangpung kawit na tanso ng papagsugpungin ang tolda, upang maging isa.
19 At siya'y gumawa ng isang pantakip sa tolda na balat ng mga tupa na tininang pula, at ng isang takip na balat ng poka sa ibabaw.
Ang paggagawa ng tabla at barakilan; ng lambong; at ng kaban.
20 (HK)At siya'y gumawa ng mga tabla para sa tabernakulo na kahoy na akasia, na pawang patayo.
21 Sangpung siko ang haba ng isang tabla, at isang siko't kalahati ang luwang ng bawa't tabla.
22 Bawa't tabla'y mayroong dalawang mitsa na nagkakasugpong na isa't isa: gayon ang ginawa niya sa lahat ng tabla ng tabernakulo.
23 At kaniyang iginawa ng mga tabla ang tabernakulo; dalawangpung tabla sa tagilirang timugan na dakong timugan:
24 At siya'y gumawa ng apat na pung tungtungang pilak sa ilalim ng dalawang pung tabla: dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa; at dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa.
25 At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan, ay gumawa siya ng dalawang pung tabla.
26 At ng kanilang apat na pung tungtungang pilak; dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla.
27 At sa dakong hulihan ng tabernakulo, sa kalunuran ay gumawa siya ng anim na tabla.
28 At dalawang tabla ang ginawa niya sa mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan.
29 Na mga nasugpong sa tablang nauukol sa dakong ibaba at nauugnay na mainam hanggang sa itaas, sa isang argolya; gayon ginawa niya sa dalawang yaon sa dalawang sulok.
30 At mayroong walong tabla, at ang mga tungtungang pilak, ay labing anim na tungtungan; sa ilalim ng bawa't tabla ay (HL)dalawang tungtungan.
31 (HM)At siya'y gumawa ng mga barakilan na kahoy na akasia; lima sa mga tabla ng isang tagiliran ng tabernakulo,
32 At limang barakilan sa mga tabla ng kabilang tagiliran ng tabernakulo, at limang barakilan sa mga tabla ng tabernakulo sa dakong hulihan na dakong kalunuran.
33 At kaniyang pinaraan ang gitnang barakilan sa gitna ng mga tabla, mula sa isang dulo hanggang sa kabila.
34 At kaniyang binalot ang mga tabla ng ginto, at gininto niya ang kanilang mga argolya na mga daraanan ng mga barakilan, at binalot ang mga barakilan ng ginto.
35 (HN)At kaniyang ginawa ang lambong na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili na may mga querubin na gawa ng bihasang manggagawa.
36 At kanilang iginawa ng apat na haliging akasia, at pinagbalot ng ginto: ang kanilang mga sima ay ginto rin: at kaniyang mga ipinagbubo ng apat na tungtungang pilak.
37 At kaniyang iginawa ng tabing ang pintuan ng Tolda, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, linong pinili, na yari ng mangbuburda;
38 At iginawa niya ng limang haligi sangpu ng kanilang mga sima: at kaniyang binalot ang mga kapitel at ang kanilang mga pilete ng ginto; at ang kanilang limang tungtungan ay tanso.
37 At kahoy na akasia ang ginawang (HO)kaban ni Bezaleel: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon, at may isang siko't kalahati ang taas niyaon:
2 At kaniyang binalot ng taganas na ginto sa loob at sa labas, at iginawa ng isang kornisang ginto sa palibot.
3 At ipinagbubo niya ng apat na argolyang ginto, sa apat na sulok niyaon; sa makatuwid baga'y dalawang argolya sa isang tagiliran.
4 At siya'y gumawa ng mga pingga na kahoy na akasia, at pinagbalot ng ginto.
5 At isinuot ang mga pingga sa mga argolya, sa mga tagiliran ng kaban, upang mabuhat ang kaban.
6 At gumawa siya ng isang luklukan ng awa na taganas na ginto: na may dalawang siko at kalahati ang haba, at may isang siko't kalahati ang luwang.
7 At siya'y gumawa ng dalawang querubing ginto; na niyari niya sa pamukpok sa dalawang dulo ng luklukan ng awa;
8 Isang querubin sa isang dulo, at isang querubin sa kabilang (HP)dulo: na kaputol ng luklukan ng awa, ginawa niya ang mga querubin sa dalawang dulo.
9 At ibinubuka ng mga querubin ang mga pakpak na paitaas, na nalililiman ng kanilang mga pakpak ang luklukan ng awa, na nagkakaharap ang kanilang mga mukha; sa dakong luklukan ng awa nakaharap ang mga mukha ng mga querubin.
Ang paggagawa ng dulang.
10 (HQ)At ginawa rin niya ang dulang na kahoy na akasia; na may dalawang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, at isang siko't kalahati ang taas niyaon:
11 At binalot niya ng taganas na ginto, at iginawa niya ng isang kornisang ginto sa palibot.
12 At iginawa niya ng isang gilid na may isang kamay ang luwang sa palibot, at iginawa ng isang ginintong kornisa ang gilid sa palibot.
13 At ipinagbubo ng apat na argolyang ginto, at inilagay ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon.
14 Malapit sa gilid ang mga argolya, na daraanan ng mga pingga, upang mabuhat ang dulang.
15 At ginawa niya ang mga pingga na kahoy na akasia, at pinagbalot ng ginto, upang mabuhat ang dulang.
16 At ginawa niyang taganas na ginto ang mga kasangkapang nasa ibabaw ng dulang, (HR)ang mga pinggan niyaon, at ang mga kutsara niyaon, at ang mga tasa niyaon, at ang mga kopa niyaon, na pagbubuhusan.
Ang paggagawa ng kandelero.
17 (HS)At kaniyang ginawa ang kandelero na taganas na ginto: niyari niya sa pamukpuk ang kandelero, ang tungtungan niyaon at ang haligi niyaon; ang mga kopa niyaon, ang mga globito niyaon, at ang mga bulaklak ay kaputol niyaon:
18 At may anim na sangang lumalabas sa dalawang tagiliran niyaon; tatlong sanga ng kandelero ay sa isang tagiliran, at tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran:
19 Tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga, isang globito at isang bulaklak; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga, isang globito at isang bulaklak: gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero.
20 At sa kandelero'y may apat na kopang anyong bulaklak ng almendro, sangpu ng mga globito niyaon, at ng mga bulaklak niyaon:
21 At may isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng dalawang sanga na kaputol niyaon, sapagka't ang anim na sanga ay lumalabas doon.
22 Ang mga globito at ang mga sanga ay kaputol ng kandelero: ang kabuoa'y isa lamang putol na yari sa pamukpok, taganas na ginto.
23 At kaniyang ginawa ang mga ilawan niyaong pito, at ang mga pangipit niyaon, at ang mga pinggan niyaon, na taganas na ginto.
24 Na isang talento na taganas na ginto ginawa niya, at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon.
Ang paggagawa ng dambana ng kamangyan.
25 (HT)At kaniyang ginawa ang dambanang suuban na kahoy na akasia: isang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, parisukat at dalawang siko ang taas niyaon; ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din.
26 At kaniyang binalot ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon, at ang mga tagiliran niyaon sa palibot, at ang mga anyong sungay niyaon: at kaniyang iginawa ng isang kornisang ginto sa palibot.
27 At iginawa niya ng dalawang gintong argolya sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang panig, sa ibabaw ng dalawang panig, na pagsusuutan ng mga pingga upang mabuhat.
28 At kaniyang ginawa ang mga pingga na kahoy na akasia, at mga binalot na ginto.
29 At kaniyang ginawa (HU)ang banal na langis na pangpahid, at ang (HV)taganas na kamangyan na mainam na pabango ayon sa katha ng manggagawa ng pabango.
Ang paggagawa ng dambana ng handog na susunugin.
38 At kaniyang (HW)ginawa ang dambanang pagsusunugan ng handog na kahoy na akasia: limang siko ang haba niyaon, at limang siko ang luwang niyaon, parisukat; at tatlong siko ang taas niyaon.
2 At kaniyang ginawa ang mga anyong sungay niyaon sa ibabaw ng apat na sulok niyaon; ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din: at kaniyang binalot ng tanso.
3 At kaniyang ginawa ang lahat ng mga kasangkapan ng dambana: ang mga kawa, at ang mga pala, at ang mga mangkok, ang mga pangalawit, at ang mga suuban lahat ng kasangkapan ay kaniyang ginawang tanso.
4 At kaniyang iginawa ang dambana ng isang salang tanso na ayos lambat, sa ibaba ng gilid ng dambana sa palibot niyaon, sa dakong ibaba, na umaabot hanggang sa kalahatian ng dambana.
5 At siya'y nagbubo ng apat na argolya para sa apat na sulok ng pinakasalang tanso, sa mga dakong susuutan ng mga pingga.
6 At ginawa niya ang mga pingga na kahoy na akasia, at pinagbalot ng tanso.
7 At kaniyang isinuot ang mga pingga sa mga argolya na nasa mga tagiliran ng dambana, upang mabuhat; ginawa niya ang dambana na kuluong sa pamamagitan ng mga tabla.
8 (HX)At kaniyang ginawa ang hugasan na tanso, at ang tungtungan niyao'y tanso, na niyari sa mga salamin ang tanso ng mga tagapaglingkod na babae na (HY)naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
9 (HZ)At kaniyang ginawa ang looban, sa tagilirang timugan na dakong timugan, ang tabing ng looban ay mga linong pinili na may isang daang siko:
10 Ang mga haligi ng mga yao'y dalawangpu, at ang mga tungtungan ay dalawangpu, tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak.
11 At sa dakong hilagaan ay may isang daang siko, ang mga haligi ay dalawangpu, at ang mga tungtungan ay dalawangpu, tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak.
12 At sa tagilirang kalunuran, may mga tabing na may limangpung siko, ang mga haligi ay sangpu, at ang mga tungtungan ay sangpu; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak.
13 At sa tagilirang silanganan na dakong silanganan ay may limangpung siko.
14 Ang mga tabing sa isang dako ng pintuang-daan ay may labinglimang siko; ang mga haligi ay tatlo, at ang mga tungtungan ay tatlo;
15 At gayon din sa kabilang dako: sa dakong ito at sa dakong yaon ng pintuang-daan ng looban ay may mga tabing na tiglalabing limang siko; ang mga haligi niyaon, ay tatlo, at ang mga tungtungan niyaon ay tatlo.
16 Lahat ng mga tabing ng looban sa palibot, ay linong pinili.
17 At ang mga tungtungan para sa mga haligi ay tanso: ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak; at ang mga balot ng mga kapitel ay pilak; at ang lahat ng haligi ng looban ay napipiletehan ng pilak.
18 At ang tabing sa pintuang-daan ng looban ay yari ng mangbuburda, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili: at may dalawangpung siko ang haba, at ang taas sa luwang ay may limang siko, na kabagay ng mga tabing sa looban.
19 At ang mga haligi ay apat, at ang mga tungtungan ay apat, tanso; ang mga sima ay pilak, at ang mga balot ng kapitel, at ang mga pilete ay pilak.
20 At lahat ng mga tulos ng tabernakulo, at ng looban sa palibot, ay tanso.
Ang kabuoan ng nagamit na metal.
21 Ito ang mga bilang ng mga bagay sa tabernakulo, sa makatuwid baga'y (IA)sa tabernakulo ng patotoo, gaya ng binilang nila, ayon sa utos ni Moises para sa paglilingkod ng mga Levita (IB)sa pamamagitan ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.
22 (IC)At ginawa ni Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda, yaong lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises.
23 At kasama niya si (ID)Aholiab, na anak ni Ahisamac, sa lipi ni Dan, na tagapagukit, at bihasang manggagawa, at mangbuburda sa bughaw at sa kulay-ube, at sa pula, at sa lino.
24 Lahat ng ginto na ginamit sa gagawin sa buong gawain sa santuario, sa makatuwid baga'y ang gintong (IE)handog ay dalawangpu't siyam na talento, at pitong daan at tatlongpung siklo, (IF)ayon sa siklo ng santuario.
25 At ang pilak niyaong mga nabilang sa kapisanan ay isang daang talento, at isang libo't pitong daan at pitongpu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuario:
26 (IG)Na tigisang beka bawa't ulo, samakatuwid, kalahati ng isang siklo, ayon sa siklo ng santuario, sa bawa't isa na nasanib sa mga nabilang, magmula sa dalawangpung taong gulang na patanda, sa (IH)anim na raan at tatlong libo at limang daan at limangpung lalake.
27 At ang isang daang talentong pilak ay ginamit sa pagbububo ng mga (II)tungtungan ng santuario, at ng mga tungtungan ng mga haligi ng lambong; isang daang tungtungan sa isang daang talento, isang talento sa bawa't tungtungan.
28 At sa isang libo't pitong daan at pitong pu't limang siklo, ay naigawa ng sima ang mga haligi at binalot ang mga kapitel, at iginawa ng mga pilete.
29 At ang tansong handog ay pitongpung talento, at dalawang libo at apat na raang siklo.
30 At siyang ipinaggawa ng mga tungtungan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at ng (IJ)dambanang tanso, at ng salang tanso niyaon, at ng lahat ng kasangkapan ng dambana,
31 At ng (IK)mga tungtungan ng looban sa palibot, at ng mga tungtungan ng pintuan ng looban, at ng lahat ng mga tulos ng dampa, at ng lahat ng mga tulos ng looban sa palibot.
39 At (IL)sa kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, ay gumawa sila ng (IM)mga kasuutang mainam ang pagkayari upang gamitin sa pangangasiwa sa dakong banal, at ginawang mga banal na kasuutan kay Aaron; (IN)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Ang paggagawa ng epod, pektoral, at ng balabal.
2 (IO)At kaniyang ginawa ang epod na ginto, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.
3 At kanilang pinukpok ang ginto na pinanipis na pahaba at pinutol na ginawang kawad na ginto, upang itahi sa kayong bughaw, at sa kulay-ube, at sa pula, at sa lino na gawa ng bihasang manggagawa.
4 Kanilang iginawa ng mga pangbalikat, na nagkakasugpong: sa dalawang dulo ay nagkakasugpong.
5 At ang mainam na pagkayaring pamigkis, na nasa ibabaw ng epod upang ibigkis, ay kaputol at gaya ng pagkayari ng epod; na ginto, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, linong pinili; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
6 At kanilang ginawa ang mga batong onix na pinamutihan ng kalupkop na ginto, na ayos ukit ng isang panatak, ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel.
7 At kaniyang inilagay sa ibabaw ng pangbalikat ng epod upang maging mga batong (IP)pinakaalaala sa ikagagaling ng mga anak ni Israel; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
8 At kaniyang ginawa ang pektoral, na gawa ng bihasang manggagawa, gaya ng pagkayari ng epod; na ginto, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.
9 Parisukat; kanilang ginawang nakatiklop ang pektoral: isang dangkal ang luwang niyaon, pagka nakatiklop.
10 (IQ)At kanilang kinalupkupan ng apat na hanay na sarisaring bato: isang hanay ay sardio, topacio, at karbungko na siyang unang hanay.
11 At ang ikalawang hanay, ay isang esmeralda, isang zafiro, at isang diamante.
12 At ang ikatlong hanay, ay isang jacinto, isang agata, at isang ametista.
13 At ang ikaapat na hanay ay isang berilo, isang onix, at isang jaspe; na mga natatakpan ng mga pamuting ginto sa kanilang mga pagkakakalupkop.
14 At ang mga bato ay ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel, labingdalawa, ayon sa kanilang mga pangalan; na ayos ukit ng isang panatak; bawa't isa'y ayon sa kaniyang pangalan, na ukol sa labingdalawang lipi.
15 At kanilang iginawa ang pektoral ng mga tanikalang parang tirintas na ayos pinili na taganas na ginto.
16 At sila'y gumawa ng dalawang pangkalupkop na ginto, at ng dalawang singsing na ginto; at inilagay ang dalawang singsing sa dalawang dulo ng pektoral.
17 At kanilang ikinabit ang dalawang tanikalang pinili na ginto sa dalawang singsing sa mga sulok ng pektoral.
18 At ang ibang dalawang dulo ng dalawang tanikalang ayos singsing ay kanilang ikinabit sa dalawang pangkalupkop, at mga ikinabit sa mga pangbalikat ng epod sa dakong harapan niyaon.
19 At sila'y gumawa ng ibang dalawang singsing na ginto, at mga inilagay sa dalawang sulok ng pektoral sa gilid niyaon, na nasa dakong kabaligtaran ng epod.
20 At sila'y gumawa ng dalawang singsing na ginto, at mga ikinabit sa dalawang pangbalikat ng epod sa dakong ibaba, sa may harapan, na malapit sa pagkakasugpong, sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod.
21 At kanilang itinali ang pektoral sa pamamagitan ng mga singsing, sa mga singsing ng epod ng isang panaling bughaw upang mamalagi sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod; (IR)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
22 At kaniyang ginawa ang balabal ng epod na yari ng manghahabi, na taganas na bughaw;
23 At ang butas ng balabal ay nasa gitna niyaon na gaya ng leeg ng isang koselete, na may isang uriang tinahi sa palibot ng pinakaleeg upang huwag mapunit.
24 At kanilang ginawan ang mga ribete ng balabal ng mga granadang kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.
25 At sila'y gumawa ng mga kampanilyang taganas na ginto, at inilagay ang mga kampanilya sa pagitan ng mga granada sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot, sa pagitan ng mga granada;
26 Isang kampanilya at isang granada, isang kampanilya at isang granada, sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot, upang ipangasiwa (IS)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
27 (IT)At kanilang ginawa ang mga tunika na lino na yaring hinabi para kay Aaron, at sa kaniyang mga anak,
28 At ang mitra na lino, at ang mga mainam na tiara na lino, at ang mga salawal na lino na kayong pinili na lino,
29 At ang bigkis na linong pinili, at kayong bughaw at kulay-ube, at pula, na gawa ng mangbuburda; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
30 (IU)At kanilang ginawa ang lamina ng banal na korona na taganas na ginto, at sinulatan ng isang titik na ayos ukit ng isang panatak, Banal sa Panginoon.
31 At kanilang tinalian ng isang panaling bughaw, upang ilapat sa ibabaw ng mitra; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Sinuri ni Moises ang kayarian.
32 Gayon natapos ang buong gawa sa tabernakulo ng kapisanan: (IV)at ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa buong iniutos ng Panginoon kay Moises: gayon ginawa nila.
33 At kanilang dinala ang tabernakulo kay Moises, ang Tolda at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon, ang mga kawit, ang mga tabla, ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan;
34 At ang takip na mga balat ng mga tupa na tinina sa pula, at ang takip na balat ng mga poka, at ang (IW)lambong ng tabing;
35 Ang kaban ng patotoo at ang mga pingga niyaon, at ang luklukan ng awa;
36 Ang dulang, lahat ng mga sisidlan niyaon, at ang tinapay na handog;
37 (IX)Ang dalisay na kandelero, ang mga ilawan niyaon, ang mga ilawan na inayos, at lahat ng mga sisidlan niyaon, at ang langis na pangilawan;
38 (IY)At ang dambanang ginto, at ang langis na pangpahid, ang mabangong kamangyan, at ang tabing na gamit sa pintuan ng Tolda;
39 Ang dambanang tanso, at ang pinakasalang tanso, ang mga pingga at ang lahat ng mga sisidlan niyaon, ang hugasan at ang tungtungan;
40 (IZ)Ang mga tabing ng looban, ang mga haligi, at ang mga tungtungan at ang tabing na pangpintuang-daan ng looban, ang mga panali, at ang mga tulos, at lahat ng mga kasangkapan sa paglilingkod sa tabernakulo, na gamit sa tabernakulo ng kapisanan;
41 Ang maiinam na pagkayaring kasuutan na gamit sa pangangasiwa sa dakong banal, at ang mga banal na kasuutan para kay Aaron na saserdote, at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.
42 Ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay (JA)gayon ginawa ng mga anak ni Israel ang lahat ng gawa.
43 At nakita ni Moises ang lahat ng gawain, at, narito, kanilang nagawa na kung paanong iniutos ng Panginoon ay gayon nila ginawa: (JB)at pinagbabasbasan ni Moises.
Itinayo ang tabernakulo.
40 At sinalita ng Panginoon kay Moises na sinasabi,
2 Sa unang araw ng (JC)unang buwan ay iyong itatayo (JD)ang tabernakulo ng kapisanan.
3 At iyong isisilid doon ang kaban ng patotoo, at iyong (JE)tatabingan ang kaban ng lambong.
4 (JF)At iyong ipapasok ang dulang, at iyong aayusin ang mga bagay na nasa ibabaw niyaon; at iyong ipapasok ang kandelero at iyong sisindihan ang mga ilawan niyaon.
5 (JG)At iyong ilalagay ang dambanang ginto para sa kamangyan sa harap ng kaban ng patotoo, at ilalagay mo ang tabing ng pintuan sa tabernakulo.
6 At iyong (JH)ilalagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa harap ng pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
7 At iyong ilalagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo at ng dambana, at iyong sisidlan ng tubig.
8 At iyong ilalagay ang looban sa palibot, at ibibitin mo ang tabing sa pintuang-daan ng looban.
9 At kukuha ka ng langis na pangpahid, at (JI)papahiran mo ang tabernakulo, at lahat na nandoon, at iyong pakakabanalin, at lahat ng kasangkapan niyaon: at magiging banal.
10 (JJ)At iyong papahiran ng langis ang dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng kasangkapan, at iyong pakakabanalin ang dambana: at ang dambana ay magiging kabanalbanalan.
11 At iyong papahiran din naman ng langis ang hugasan at ang tungtungan, at iyong pakakabanalin.
12 (JK)At iyong dadalhin si Aaron at ang kaniyang mga anak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at iyong paliliguan ng tubig.
13 At iyong isusuot kay Aaron ang mga (JL)banal na kasuutan; at iyong papahiran ng langis siya, at iyong papagbanalin siya, upang siya'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
14 At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak, at iyong susuutan sila ng mga kasuutan:
15 At iyong papahiran ng langis sila gaya ng iyong pagkapahid sa kanilang ama, upang sila'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote, at ang pagpapahid sa kanila ay maging sa kanila'y (JM)pinakatanda ng walang hanggang pagka-saserdote sa buong panahon ng kanilang lahi.
16 Gayon ginawa ni Moises, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon sa kaniya, ay gayong ginawa niya.
17 At nangyari sa unang buwan nang ikalawang taon nang unang araw ng buwan, na (JN)ang tabernakulo'y itinayo.
18 At itinayo ni Moises ang tabernakulo, at inilagay ang mga tungtungan, at ipinatong ang mga malaking tabla, at isinuot ang mga barakilan, at itinayo ang mga haligi niyaon.
19 At kaniyang inunat ang tolda sa ibabaw ng tabernakulo, at kaniyang inilagay ang takip ng tabernakulo sa itaas ng ibabaw niyaon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
20 At kaniyang kinuha (JO)at inilagay ang mga tabla ng patotoo sa loob ng kaban, at kaniyang inilagay ang mga pingga sa kaban, at kaniyang inilagay ang luklukan ng awa sa itaas ng ibabaw ng kaban:
21 At kaniyang ipinasok ang kaban sa tabernakulo, (JP)at inayos ang lambong ng tabing, at tinabingan ang kaban ng patotoo: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
22 (JQ)At kaniyang inilagay ang dulang sa loob ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong hilagaan ng tabernakulo, sa labas ng lambong.
23 (JR)At kaniyang inayos ang tinapay sa ibabaw ng dulang sa harap ng Panginoon, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
24 (JS)At kaniyang inilagay ang kandelero sa tabernakulo ng kapisanan, sa tapat ng dulang, sa tagilirang timugan ng tabernakulo.
25 At kaniyang sinindihan ang mga ilawan sa harap ng Panginoon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
26 (JT)At kaniyang inilagay ang dambanang ginto sa loob ng tabernakulo ng kapisanan sa harap ng lambong.
27 At siya'y nagsunog doon ng kamangyan na mabangong espesia; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
28 (JU)At kaniyang inilagay ang tabing ng pintuan sa tabernakulo.
29 (JV)At kaniyang inilagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, (JW)at pinaghandugan ng handog na susunugin, at ng handog na harina; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
30 (JX)At kaniyang inilagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo, ng kapisanan at ng dambana, at sinidlan ng tubig upang paghugasan.
31 At si Moises at si Aaron at ang kaniyang mga anak, ay nagsipaghugas doon ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa;
32 Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, at pagka sila'y lumalapit sa dambana ay naghuhugas sila: (JY)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
33 (JZ)At kaniyang inilagay ang looban sa palibot ng tabernakulo at ng dambana, at iniayos ang tabing ng pintuang-daan ng looban. Gayon tinapos ni Moises ang gawain.
Ang ulap sa ibabaw ng tabernakulo.
34 (KA)Nang magkagayo'y tinakpan ng ulap ang tabernakulo ng kapisanan, at pinuno ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo.
35 At si Moises ay hindi makapasok sa tabernakulo ng kapisanan, sapagka't lumagay sa ibabaw niyaon ang ulap, at pinuspos ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo.
36 (KB)At pagka ang ulap ay napaiitaas mula sa tabernakulo, ay nagpapatuloy ang mga anak ni Israel sa kanilang buong paglalakbay:
37 (KC)Datapuwa't kung ang ulap ay hindi napaiitaas, ay hindi nga sila naglalakbay hanggang sa araw na napaiitaas.
38 Sapagka't ang ulap ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tabernakulo sa araw, at may apoy sa loob niyaon sa gabi, sa paningin ng buong lahi ng Israel, sa kanilang buong paglalakbay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978