Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Bible in 90 Days

An intensive Bible reading plan that walks through the entire Bible in 90 days.
Duration: 88 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Galacia 3:26 - Colosas 4:18

Mga Anak ng Diyos

26 Sapagkat sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus kayong lahat ay naging mga anak ng Diyos.

27 Ito ay sapagkat lahat kayong binawtismuhan kay Cristo, ay ibinihis ninyo si Cristo. 28 Walang pagkakaiba sa Judio at sa Griyego. Walang alipin o malaya man. Walang lalaki o babae sapagkat iisa kayong lahat kay Cristo Jesus. 29 Yamang kayo ay kay Cristo, binhi kayo ni Abraham at mga tagapagmana ayon sa pangako.

Ngayon ay sinasabi: Habang ang tagapagmana ay bata pa, wala siyang pagkakaiba sa isang alipin, bagaman siya ay panginoon ng lahat. Subalit siya ay nasa ilalim pa ng mga tagapag-alaga at mga katiwala hanggang sa panahong unang itinakda ng ama. Gayundin naman tayo nang tayo ay mga sanggol pa, tayo ay mga alipin sa ilalim ng mga pangunahing aral ng sanlibutan. Ngunit nang ang takdang panahon ay dumating, isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak na ipinanganak ng isang babae at ipinanganak sa ilalim ng kautusan. Ito ay upang tubusin ang mga nasa ilalim ng kautusan at upang matanggap natin ang pagkaampon bilang mga anak. Sapagkat kayo ay mga anak, isinugo ng Diyos ang Espiritu ng kaniyang Anak sa inyong mga puso na tumatawag: Abba,[a] Ama. Kaya nga, ikaw ay hindi na isang alipin, subalit isa nang anak. Atkung ikaw ay isang anak, ikaw rin naman ay tagapagmana ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.

Ang Pagmamalasakit ni Pablo sa mga Taga-Galacia

Subalit totoo nga na nang panahong hindi ninyo nakikilala ang Diyos, kayo ay naglilingkod sa mga bagay na likas na hindi mga diyos.

Ngunit ngayon, nakilala na ninyo ang Diyos, o kaya ay nakilala na kayo ng Diyos. Papaanong kayo ay muling nagbabalik sa mahihina at mga espirituwal na kapangyarihan na walang kabuluhan? Bakit ibig ninyong muling maging alipin nila? 10 Ipinangingilin ninyo ang mga araw, mga buwan, mga panahon at mga taon. 11 Nangangamba ako sa inyo, baka sa ano mang paraan ay masayang lamang ang mga pagpapagal ko para sa inyo.

12 Mga kapatid, isinasamo ko sa inyo: Tumulad kayo sa akin dahil katulad din ninyo ako at wala kayong ginawang anumang masama sa akin. 13 Ngunit nalalaman ninyo na sa aking kahinaan sa katawan, sa inyo ko unang ipinangaral ang ebanghelyo. 14 Ang pagsubok na nasa aking katawan ay hindi ninyo hinamak o itinakwil man. Sa halip, tinanggap ninyo ako na parang isang anghel ng Diyos,na parang ako si Cristo Jesus. 15 Ano kung gayon itong pagiging mapalad na inyo nang tinanggap? Ito ay sapagkat aking pinatotohanan na kung maaari nga lang ninyong dukitin ang inyong mga mata, dinukit na sana ninyo ang mga ito at ibinigay sa akin. 16 Dahil ba sa sinabi ko sa inyo ang katotohanan, ngayon ay naging kaaway na ninyo ako?

17 Ang kanilang kasigasigan sa inyo ay hindi sa tamang paraan. Ibig lamang nila kayong ilayo sa amin upang ibaling ninyo sa kanila ang inyong kasigasigan. 18 Mabuting maging masigasig sa paggawa sa lahat ng panahon, hindi lamang kung ako ay kaharap ninyo. 19 Mumunti kong mga anak, muliakong naghihirap tulad ng sa panganganak hanggang si Cristo ay mahubog sa inyo. 20 Ibig ko sanang makaharap ko kayo ngayon at magbago ng aking himig ng pananalita sapagkat naguguluhan ang aking isip patungkol sa inyo.

Si Hagar at si Sara

21 Kayong ibig na mapasa-ilalim ng kautusan, magsabi kayo sa akin: Hindi ba ninyo naririnig kung ano ang sinasabi ng kautusan?

22 Sapagkat sinasabi ng kasulatan na si Abraham ay may dalawang anak na lalaki. Ang isa ay anak sa aliping babae at ang isa ay anak sa babaeng malaya. 23 Subalit ang anak sa aliping babae ay isinilang ayon lamang sa paraan ng laman at ang anak sa malayang babae ay isinilang sa pamamagitan ng pangako.

24 Ang mga bagay na ito ay mga paghahambing sapagkat ang dalawang babaeng ito ay kumakatawan sa dalawang tipan. Ang isa ay mula sa bundok ng Sinai. Siya ay manganganak ng anak sa pagkaalipin. Ang babaeng ito ay si Hagar. 25 Ito ay sapagkat si Hagar ay kumakatawan sa bundok ng Sinai na nasa bansang Arabia. Siya ang tumutukoy sa Jerusalem sa ngayon at ang kaniyang mga anak ay nasa pagkaalipin. 26 Ngunit ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya. Siya ang ina nating lahat. 27 Ito ay sapagkat nasusulat:

O babaeng baog na hindi nanganganak, magalak ka, sumigaw ka, ikaw na hindi nagdaramdam sa panganganak sapagkat higit na marami ang anak ng babaeng pinabayaan kaysa sa babaeng may-asawa.

28 Ngunit tayo, mga kapatid, ay katulad ni Isaac na mga anak sa pangako. 29 Subalit sa panahong iyon, ang anak na isinilang ayon sa laman ay umusig sa anak na isinilang ayon sa Espiritu.Gayundin naman ngayon. 30 Subalit ano ang sinasabi ng kasulatan? Ito ay nagsasabi:

Palayasin ang aliping babae at ang kaniyang anak. Ito ay sapagkat ang anak ng aliping babae ay hindi kailanman magmamana ng kasama ng anak ng malayang babae.

31 Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo mga anak ng aliping babae kundi ng babaeng malaya.

Kalayaan kay Cristo

Tayo ay pinalaya ni Cristo. Magpakatatag kayo sa kalayaang ito at huwag na ninyong hayaang ang sinuman na dalhin kayong muli sa pamatok ng pagkaalipin.

Narito, akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo: Kapag kayo ay nagpailalaim sa pagtutuli, si Cristo ay walang pakinabang para sa inyo. Muli akong nagpapatotoo sa bawat lalaking nasa ilalim ng pagtutuli, siya ay may pananagutang tuparin ang buong kautusan. Kung kayo ay pinapaging-matuwid ng kautusan, kayo ay napahiwalay na kay Cristo. Nahulog na kayo mula sa biyaya. Sapagkat sa pamamagitan ng Espiritu, ayon sa pananampalataya, tayo ay may pananabik na naghihintay sa pag-asa ng katuwiran. Ito ay sapagkat, kay Cristo Jesus, ang pagiging nasa pagtutuli at ang hindi pagiging nasa pagtutuli ay walang halaga. Subalit ang may kahalagahan ay ang pananam­palatayang gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig.

Mahusay ang inyong pagtakbo. Sino ang humadlang sa inyoupang huwag sundin ang katotohanan? Ang panghihi­kayat na ito ay hindi nagmula doon sa tumawag sa inyo. Ang kaunting pampaalsa ang nagpapaalsa ng buong masa ng harina. 10 Ako ay nagtitiwala sa Panginoon na kayo ay hindi na mag-iisip ng iba pa man. Ang gumagambala sa inyo ay tatanggap ng kaniyang kahatulan, maging sinuman siya. 11 Ngunit mga kapatid, kung ipinapangaral ko pa ang pagiging nasa pagtutuli, bakit pa nila ako pinag-uusig? Kung gayon ay tumigil na ang katitisuran sa krus. 12 Para doon sa mga nanggugulo sa inyo, ang nais ko ay putulin na sila nglubusan.

13 Ngayon mga kapatid, tinawag kayo ng Diyos upang kayo ay maging malaya. Huwag lamang ninyong gamitin ang inyong kalayaan na maging pagkakataon para sa makalamang pita. Sa halip, sa pamamagitan ng pag-ibig ay maglingkod kayo sa isa’t isa. 14 Ito ay sapagkat sa isang salita ay natupad ang buong kasulatan:

Ibigin mo ang iyong kapwagaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

15 Ngunit kung kayo ay magkakagatan at magsasakmalan sa isa’t isa, mag-ingat kayo, na hindi ninyo maubos ang isa’t isa.

Ang Buhay sa Pamamagitan ng Espiritu

16 Ngunit sinasabi ko: Mamuhay kayo ayon sa Espirituupang hindi ninyo tuparin ang mga nasa ng laman.

17 Ito ay sapagkat ang ninanasa ng laman ay laban sa Espiritu at ang ninanasa ng Espiritu ay laban sa laman. Sila ay magkasalungat sa isa’t isa. Ito ay upang hindi mo gawin ang mga bagay na ibig mong gawin. 18 Ngunit yamang kayo ay pinapatnubayan ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng kautusan.

19 Ngayon ang mga gawa ng laman ay nahahayag. Ang mga ito ay ang pangangalunya, pakikiapid, karumihan, kahalayan. 20 Mga pagsamba sa diyos-diyosan, pangkukulam, pag-aalitan, paglalaban-laban, paninibugho, pag-uumapaw sa poot, pagka­makasarili, pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi. 21 Mga pagkainggit, pagpatay, paglalasing, magulong pagtitipon at mga bagay na tulad ng mga ito. Ito ay ipina-paunang sabi ko sa inyo katulad ng sinabi ko sa inyo noong una. Ang mga gumagawa ng ganoong mga bagay ay hindi magmamana ng paghahari ng Diyos.

22 Ngunit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan,kapayapaan, pagtitiis, kagandahang loob, kabutihan, pananam­palataya, 23 kaamuan, pagpipigil sa sarili. Walang kautusan laban sa mga bagay na ito. 24 Ngunit naipako na sa krus ng mga na kay Cristo ang laman kasama ang mga masasamang pita at mga pagnanasa nito. 25 Yamang tayo ay nabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, nararapat lamang na tayo ay lumakad ng ayon sa Espiritu. 26 Huwag tayong maghangad pa ng karangalang walang kabuluhan na kung hangarin natin ito, magkakainisan at magkakainggitan tayo sa isa’t isa.

Paggawa ng Mabuti sa Lahat ng Tao

Mga kapatid, kapag natagpuan ang isang tao sa pagsalangsang, kayong mga taong sumusunod sa Espiritu ang magpanumbalik sa kaniya sa espiritu ng kaamuan. Ngunit mag-ingat kayo sa inyong sarili na baka kayo naman ay matukso.

Batahin ninyo ang pasanin ng bawat isa’t isa. Sa ganitong paraan ay tinutupad ninyo ang kautusan ni Cristo. Ito ay sapagkat kapag iniisip ng sinuman na siya ay maha­laga, na hindi naman siya mahalaga, dinadaya niya ang kaniyang sarili. Ngunit suriin ng bawat isa ang sarili niyang mga gawa. Kung magkagayon, makakapagmapuri siya sa kaniyang sarili lamang at hindi sa iba. Ito ay sapagkat ang bawat isa ay dapat magbata ng bahagi na dapat niyang pasanin.

Ang mga tinuturuan sa salita ay dapat magbahagi ng mabubuting bagay sa mga nagtuturo.

Huwag ninyong hayaang kayo ay mailigaw. Hindi mo maaaring libakin ang Diyos sapagkat anuman ang inihasik ng isang tao, iyon din ang kaniyang aanihin. Ang naghahasik sa kaniyang laman ay mag-aani ng kabulukang mula sa laman. Ngunit ang naghahasik sa Espiritu ay mag-aani ng buhay ng walang hanggan. Ngunit kung tayo ay gumagawa ng mabuti, hindi tayo dapat na panghinaan ng loob. Ito ay sapagkat tayo ay aani kung hindi tayo manlulupaypay sa pagdating ng takdang panahon. 10 Kaya nga, habang tayo ay may pagkakataon pa, gumawa tayo nang mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kasambahay sa pananampalataya.

Hindi sa Pagtutuli Kundi ang Bagong Nilalang ng Diyos

11 Tingnan ninyo, kung gaano kalaki ang mga titik na isinulat ko sa inyo sa pamamagitan ng sarili kong kamay.

12 Ang mga pumipilit sa inyo na kayo ay maging nasa pagtutuli ay sila na ang ibig lamang ay maging maganda sapanlabas na anyo. Ipinipilit nila ito upang huwag silang usigin ng mga tao dahil sa krus ni Cristo. 13 Ito ay sapagkat kahit na ang mga lalaking iyon ay nasa pagtutuli, sila ayhindi tumutupad sa kautusan. Subalit upang may maipagmapuri sila sa inyong katawan, ibig nila na kayo ay maging nasa pagtutuli. 14 Sa ganang akin, huwag nawang mangyari na ako ay magmapuri maliban lamang patungkol sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niya, ang sanlibutan ay napako sa krus sa akin at ako ay napako sa krus sa sanlibutan. 15 Ito ay sapagkat walang halaga kay Cristo ang pagiging nasa pagtutuli at ang hindi pagiging nasa pagtutuli, kundi ng pagiging bagong nilalang lamang. 16 Kapayapaan at kahabagan ang sumakanilang lahat na lumalakad ayon sa tuntuning ito, maging sa Israel ng Diyos.

17 Mula ngayon ay huwag na akong bagabagin ng sinuman, sapagkat taglay ko sa aking katawan ang mga marka ng Panginoong Jesus.

18 Mga kapatid ko, ang biyaya ng ating Panginoong Jesu­cristo ay sumainyong espiritu. Siya nawa!

Akong si Pablo, na apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, ay sumusulat sa mga banal na nasa Efeso at sa mga tapat kay Cristo Jesus.

Sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at mula sa Panginoong Jesucristo.

Pagpapalang Espirituwal sa Pamamagitan ni Cristo

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesucristo na siyang nagpala sa atin ng bawat pagpapalang espirituwal sa kalangitan sapamamagitan ni Cristo.

Ito ay ayon sa pagpili niya sa atin kay Cristo bago itinatag ang sanlibutan upang tayo maging mga banal at walang kapintasan sa harapan niya sa pag-ibig. Tayo ay tinalaga niya nang una pa upang ampunin sa kaniyang sarili sa pamamagitan ni Jesucristo ayon sa kaniyang kalooban. Ito ay sa kapurihan ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na kung saan tayo ay ginawa niyang katanggap-tanggap sa kaniyang minamahal. Na sa kaniya, ayon sa kasaganaanng kanyang biyaya, tayo ay mayroong katubusan sa pamama­gitan ng kaniyang dugo, ang kapatawaran sa mga kasalanan. Pinasagana niya ang mga ito para sa atin sa lahat ng karunungan at kaalaman. Ginawa niya ito pagkatapos niyang ipaalam sa atin ang lahat ng hiwaga ng kaniyang kalooban ayon sa kaniyang mabuting kaluguran na nilayon niya sa kaniyang sarili. 10 Ito ay para sa pangangasiwa ng kaganapan ng mga panahon na ang lahat ng mga bagay ay kaniyang pag-isahin kay Cristo, kapwa mga bagay sa kalangitan at mga bagay sa lupa.

11 Sa kaniya rin tayo ay nagkamit ng mana. Itinalaga niya tayo nang una pa ayon sa layunin niya na gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa layunin ng kaniyang kalooban. 12 Ito ay upang tayo na mga naunang nagtiwala kay Cristo ay maging sa kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian. 13 Sumampalataya rin kayo kay Cristo, pagkarinig ninyo ng salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan. Sa kaniya rin naman, pagkatapos ninyong sumampalataya, ay tinatakan kayo ng Banal na Espiritu na ipinangako. 14 Ang Banal na Espiritu ang katiyakan ng ating mana, hanggang sa pagtubos ng biniling pag-aari para sa kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian.

Pasasalamat at Pananalangin

15 Kaya nga, ako ay nagpapasalamat para sa inyo, nang marinig ko ang inyong pananampalataya sa Panginoong Jesus at ang pag-ibig ninyo sa lahat ng mga banal.

16 Dahil dito, patuloy din akong nagpapasalamat para sa inyo at binabanggit ko kayo sa aking mga panalangin. 17 Dumadalangin ako sa Diyos ng ating Panginoong Jesucristo, ang Ama ng kaluwal­hatian, na ipagkaloob niya sa inyo ang espiritu ng karunungan at kapahayagan sa kaalaman sa kaniya. 18 Idinadalangin kong maliwanagan ang mata ng inyong isipan upang malaman ninyo kung ano ang pag-asa ng kaniyang pagtawag at kung ano ang yaman ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal. 19 Idinadalangin kong malaman ninyo kung ano ang nakaka­higit na kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan patungkol sa atin na sumasampalataya, ayonsa paggawa ng lawak ng kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan. 20 Sa pamamagitan ng kapangyarihang ito, binuhay niya si Cristo mula sa mga patay at siya ay kaniyang pinaupo sa bahaging kanan ng kaniyang kamay sa kalangitan. 21 Doon siya ay higit na nakakataas sa bawat pamunuan at kapamahalaan at kapang­yarihan at pag­hahari at sa bawat pangalang ipinangalan. Ito ay hindi lamang sa kapanahunang ito kundi sa darating pa. 22 At ang lahat ng mga bagay ay ipinailalim niya sa kaniyang mga paa. At ipinagkaloob sa kaniya na maging ulo ng lahat-lahat ng mga bagay para sa iglesiya. 23 Ang iglesiya ang kaniyang katawan, ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat lahat.

 

Binuhay kay Cristo

At patungkol sa inyo, kayo ay dating mga patay na sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan.

Sa mga ito dati kayong namuhay ayon sa takbuhin ng sanlibutang ito, ayon sa pinuno ng kapamahalaan ng hangin, ang espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway. Tayo noon ay nag-asal na kasama nila ayon sa mga nasa ng ating laman. Ginagawa natin ang nasa ng laman at ng mga kaisipan. Tayo rin ay likas na mga anak na kinapopootan tulad ng iba. Ngunit, ang Diyos ay sagana sa kahabagan. Sa pamamagitan ng kaniyang dakilang pag-ibig, tayo ay inibig niya. Kahit noong tayo ay patay sa ating mga pagsalangsang ay binuhay niya tayong kasama ni Cristo. Sa pamamagitan ng biyaya kayo ay naligtas. Tayo ay kasamang binuhay at kasamang pinaupo sa kalangitan kay Cristo Jesus. Ito ay upang maipakita niya sa darating na mga kapanahunan ang nakakahigit na yaman ng kaniyang biyaya, sa kaniyang kabutihan sa atin sa pamama­gitan ni Cristo Jesus. Ito ay sapagkat sa biyaya kayo naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito ay hindi sa inyong sarili, ito ay kaloob ng Diyos. Ito ay hindi dahil sa gawa upang hindi magmalaki ang sinuman. 10 Ito ay sapagkat tayo ay kaniyang mga likha na nilikha ng Diyos kay Cristo Jesus para sa mga mabuting gawa, na inihanda ng Diyos noong una na dapat nating ipamuhay.

Nagkakaisa kay Cristo

11 Kaya nga, alalahanin ninyo na kayo ay dating mga Gentil sa laman. Mga tinawag na hindi nasa pagtutuli niyaong mga nasa pagtutuli sa laman na gawa ng kamay.

12 Sa panahong iyon, kayo ay hiwalay kay Cristo, mga ihiniwalay sa pagkamamamayan ng Israel at mga dayuhan sa mga tipan ng pangako. Wala kayong pag-asa at wala kayong Diyos sa sanli­butan. 13 Sa ngayon, kay Cristo Jesus, kayo na dating malayo ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.

14 Ito ay sapagkat siya ang ating kapayapaan. Pinag-isa niya ang dalawa. Kaniyang giniba ang gitnang dinding na humahati. 15 Sa pamamagitan ng kaniyang katawan, pinawalang-bisa niya ang pag-aalitan, ang batas ng kautusan na nasa mga utos. Ginawa niya ito upang magawa niya sa kaniyang sarili na ang dalawa ay maging isang bagong tao, sa gayon siya ay gumawa ng kapayapaan. 16 At upang kaniyang pagkasunduin ang dalawa sa iisang katawan sa Diyos sa pamamagitan ng krus, na dito ang pag-aalitan ay pinatay niya. 17 Sa kaniyang pagdating, inihayag niya ang ebanghelyo ng kapayapaan sa inyo na malayo at sa kanila na malapit. 18 Sapagkat sa pamamagitan niya tayo ay kapwa may daan patungo sa Ama sa pamamagitan ng isang Espiritu.

19 Kaya nga, hindi na kayo mga dayuhan at mga banyaga, subalit mga mamamayang kasama ng mga banal at ng sambahayan ng Diyos. 20 Kayo ay naitayo sa saligan ng mga apostol at mga propeta. Si Jesucristo ang siya mismong batong-panulok. 21 Sa kaniya ang lahat ng bahagi ng gusali na sama-samang pinaghugpong ay lumalago sa isang banal na dako sa Panginoon. 22 Sa kaniya rin kayo ay sama-samang itinayo upang maging tirahan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.

Si Pablo, Ang Mangangaral sa mga Gentil

Dahil dito, akong si Pablo ay bilanggo ni Cristo Jesus para sa inyo na mga Gentil.

Tunay na narinig ninyo na ibinigay sa akin ang panganga­siwa sa biyaya ng Diyos para sa inyo. Sumulat ako sa inyo ng maikling sulat noon na nagsasaad na sa pamamagitan ng paghahayag, ipinaalam niya sa akin ang hiwaga. Sa inyong pagbasa nito ay mauunawaan ninyo ang aking kaalaman sa hiwaga ni Cristo. Sa ibang kapanahunan, ito ay hindi ipinaalam sa sangkatauhan na tulad ngayon. Ito ngayon ay inihayag sa mga banal niyang apostol at mga propeta sa pamamagitan ng Espiritu. Ito ay upang sa pamamagitan ng ebanghelyo, ang mga Gentil ay magiging kasamang tagapag­mana at kaisang katawan at kasamang kabahagi sa kaniyang pangako na na kay Cristo.

Ako ay ginawang tagapaglinkod ng ebanghelyong ito ayon sa kaloob ng biyaya ng Diyos na ibinigay sa akin, ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan. Ako na higit na mababa kaysa sa pinakamababa sa lahat ng mga banal ay pinag­kalooban ng biyayang ito upang ipangaral ko sa mga Gentil ang ebanghelyo, ang hindi malirip na kayamanan ni Cristo. Ito ay upang malinaw na makita ng lahat kung ano ang pakikipag-isa ng hiwaga, na sa panahong nakalipas, ay dating nakatago sa Diyos na lumikha ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo. 10 Ang layunin niya ay upang ipaalam, sa pamamagitan ng iglesiya, ang malawak na karunungan ng Diyos sa mga pamunuan at mga kapamahalaan sa kalangitan. 11 Dapat nilang malaman ang kaniyang karu­nungan ayon sa walang hanggang layunin na kaniyang ginawa kay Cristo Jesus na ating Panginoon. 12 Sa kaniya, tayo ay mayroong katapangan at tayo ay tuwirang makakalapit sa Diyos na may katiyakan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. 13 Kaya nga, ipinamamanhik ko sa inyo na huwag kayong manghina sa mga paghihirap ko para sa inyo, na siya ninyong kaluwalhatian.

Panalangin para sa mga Taga-Efeso

14 Dahil dito, iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama ng ating Panginoong Jesucristo.

15 Sa kaniya ay pinangalanan ang bawat angkan sa langit at sa lupa. 16 Ito ay upang ayon sa kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian ay palakasin niya kayong may kapangyarihan sa inyong panloob na pagkatao sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu. 17 Ito ay upang si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananam­palataya. 18 Upang kayo na nag-ugat at natatag sa pag-ibig, ay lubos na makaunawa, kasama ng mga banal, kung ano ang lawak, ang haba, ang lalim at ang taas ng pag-ibig ni Cristo. 19 Nang sa gayon kayo ay lubos na makaunawa ng pag-ibig ni Cristo na nakakahigit sa kaalaman at upang kayo ay mapuspos ng lahat ng kapuspusan ng Diyos.

20 Siya ay makakagawa ng pinakahigit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin. 21 Sumakaniya ang kaluwalhatian sa iglesiya sa pamamagitan ni Cristo Jesus sa lahat ng salit-saling lahi magpakailanman. Siya nawa.

Pagkakaisa sa Katawan ni Cristo

Ako na bilanggo sa Panginoon ay namamanhik sa inyo na mamuhay kayo nang nararapat sa tawag na itinawagsa inyo.

Mamuhay kayong may buong kapakumbabaan at kaamuan na may pagtitiis. Magbatahan kayo sa isa’t isa sa pag-ibig. Pagsikapan ninyong panatilihin ang pagkakaisa ng Espiritu sa buklod na kapayapaan. Mayroong isang katawan at isang Espiritu kung papaanong tinawag din kayo sa isang pag-asa ng inyong pagkatawag. Mayroong isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bawtismo. Mayroong isang Diyos at Ama ng lahat na nakakahigit sa lahat. Siya ay nasa lahat at nasa inyong lahat.

Ngunit ang bawat isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat ng kaloob ni Cristo. Kaya nga, sinabi niya:

Sa kaniyang pag-akyat sa itaas ay kinuha niya ang maraming bihag at nagbigay siya ngmga kaloob sa mga tao.

Nang sinabing siya ay umakyat, ano ang kahulugan niyon? Hindi ba ito ay nangangahulugang siya rin ay bumaba muna sa mababang dako ng lupa? 10 Siya na bumaba ay siya ring umakyat sa itaas ng lahat ng mga langit upang kaniyang puspusin ang lahat ng mga bagay. 11 Ibinigay niya na maging mga apostol ang ilan, ang ilan ay maging mga propeta, ang ilan ay maging mga mangangaral ng ebanghelyo at ang ilan ay maging mga pastor at mga guro. 12 Ito ay upang maging handa ang mga banal para sa gawaing paglilingkod at para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo. 13 Ito ay hanggang sa maabot nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya at ng kaalaman sa Anak ng Diyos, hanggang sa tayo ay maging sakdal, hanggang sa tayo ay lumaki sa pinakasukat ng kataasan ng kapuspusan ni Cristo.

14 Ito ay upang hindi na tayo maging mga bata na sinisiklot at tinatangay kung saan-saan ng bawat hangin ng katuruan. Ito ay sa pamamagitan ng pandaraya ng mga tao at ng katusuhan na naghahatid patungo sa mapanlinlang na kaparaanan. 15 Sa halip, panatilihin natin ang katotohanan ayon sa pag-ibig upang lumago tayo sa lahat ng mga bagay kay Cristo, na siya ang ulo. 16 Sa kaniya ang buong katawan ay inihugpong at pinag-isa ng itinutustos ng bawat dugtong ayon sa sukat ng paggawa ng bawat isang bahagi. Kaya nga, ang paglago ng katawan ay gumagawa sa ikatitibay ng kaniyang sarili niya sa pag-ibig.

Namumuhay Bilang mga Anak ng Liwanag

17 Kaya nga, sinasabi ko ito at pinatotohanan sa Panginoon na huwag na kayong mamuhay tulad ng ibang mga Gentil na namuhay sa kanilang pag-iisip na walang kabuluhan.

18 Ang kanilang pang-unawa aynadidimlan, mga napahiwalay sa buhay ng Diyos, dahil sa kanilang kawalan ng kaalaman, dahil sa katigasan ng kanilang mga puso. 19 Sa kanilang kawalan ng pakiramdam ay isinuko nila ang kanilang mga sarili sa kahalayan upang magawa nila ang lahat ng karumihan na may kasakiman.

20 Ngunit hindi sa ganoong paraan kayo natuto patungkol kay Cristo. 21 Totoong narinig ninyo siya at tinuruan niya kayo ayon sa katotohanang na kay Jesus. 22 Hubarin ninyo ang dating pagkatao ayon sa dating pamumuhay na sinisira ayon sa mapandayang pagnanasa. 23 Magpanibago kayong muli sa espiritu ng inyong kaisipan. 24 At isuot ninyo ang bagong pagkatao na ayon sa Diyos ay nilalang sa katuwiran at totoong kabanalan.

25 Kaya nga, sa paghubad ninyo ng kasinungalingan ay magsalita ng katotohanan ang bawat isa sa kaniyang kapwa sapagkat tayo ay bahagi ng bawat isa. 26 Magalit kayo at huwag kayong magkasala. Huwag ninyong bayaang lumubog ang araw sa inyong pagkapoot. 27 Huwag din ninyong bigyan ngpuwang ang diyablo. 28 Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay magpagal siya. Dapat niyang gamitin ang kaniyang mga kamay sa paggawa ng mabuti upang siya ay makapagbahagi sa nangangailangan.

29 Huwag ninyong pabayaang mamutawi sa inyong mga bibig ang anumang bulok na salita. Subalit kung mayroon man, ay mamutawi yaong mabuti na kagamit-gamit sa ikatitibay upang ito ay makapagbigay biyaya sa nakikinig. 30 Huwag ninyong pighatiin ang Banal na Espiritu ng Diyos. Sa pamama­gitan niya ay natatakan kayo para sa araw ng katubusan. 31 Alisin ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit, poot, sigawan, panlalait at lahat ng uri ng masamang hangarin. 32 Maging mabait kayo sa isa’t isa, mahabagin, nagpapatawaran sa isa’t isa, kung papaanong pinatawad kayo ng Diyos kay Cristo.

Kaya nga, tularan ninyo ang Diyos bilang mga minamahal na mga anak. Mamuhay kayo sa pag-ibig tulad din ng pag-ibig ni Cristo sa atin. Ipinagkaloob niya ang kaniyang sarili para sa atin na isang handog at haing mabangong samyo sa Diyos.

Huwag man lang mabanggit sa inyo ang pakikiapid at lahat ng karumihan o kasakiman. Nararapat na huwag itong mabanggit sa mga banal. Ang mahalay at walang kabuluhan o malaswang pananalita ay hindi nararapat sa inyo. Sa halip, kayo ay maging mapagpasalamat. Ito ay sapagkat nalalaman ninyo na ang nakikiapid, o maruming tao o sakim na sumasamba sa mga diyos-diyosan ay walang mamanahin sa paghahari ni Cristo at ng Diyos. Huwag ninyong hayaang dayain kayo ng sinuman sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang salita sapagkat sa mga bagay na ito ang poot ng Diyos ay dumarating sa mga anak na masuwayin. Huwag nga kayong maging kabahaging kasama nila.

Ito ay sapagkat dati kayong mga nasa kadiliman ngunit ngayon ay kaliwanagan sa Panginoon. Mamuhay kayo bilang mga anak ng liwanag. Ito ay sapagkat ang bunga ng Espiritu ay pawang kabutihan at katuwiran at katotohanan. 10 Patu­nayan ninyo kung ano ang lubos na nakakalugod sa Panginoon. 11 At huwag kayong magkaroon ng pakikipag-isa sa mga gawa ng kadiliman na hindi nagbubunga, sa halip ay inyong sawayin ang mga ito. 12 Ito ay sapagkat nakakahiyang banggitin ang mga bagay na ginagawa nila sa lihim. 13 Ngunit nalalantad ang lahat ng mga bagay na sinasaway ng liwanag sapagkat ang liwanag ang naglalantad ng lahat ng mga bagay. 14 Dahil dito, sinabi niya:

Gumising kayo na natutulog at bumangon mula sa mga patay. At sa inyo si Cristo ay maglili­wanag.

15 Magsikap kayong mamuhay nang may buong pag-iingat, hindi tulad nghangal kundi tulad ng mga pantas. 16 Saman­talahin ninyo ang panahon dahil ang mga araw ay masama. 17 Kaya nga, huwag kayong maging mga mangmang, subalit unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. 18 Huwag kayong malasing sa alak na naroroon ang kawalan ng pagpipigil sa sarili, sa halip ay mapuspos kayo ng Espiritu. 19 Mag-usap kayo sa isa’t isa sa mga awit at mga himno at mga espirituwal na awit. Umawit at magpuri kayo sa Panginoon sa inyong puso. 20 Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayong lagi sa Diyos at Amasa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo.

21 Ipasakop ninyo ang inyong mga sarili sa isa’t isa sa pagkatakot sa Diyos.

Mga Asawang Babae at Mga Asawang Lalaki

22 Mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyo-inyong asawa gaya ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon.

23 Ito ay sapagkat ang asawang lalaki ay siyang ulo ng asawang babae, tulad ni Cristo na ulo ng iglesiya at tagapagligtas ng katawan. 24 Kung papaanong ang iglesiya ay nagpasakop kay Cristo, gayundin ang mga asawang babae ay magpasakop sa sarili nilang mga asawa sa lahat ng mga bagay.

25 Mga asawang lalaki, ibigin ninyo ang inyong asawa tulad ng pagmamahal ni Cristo sa iglesiya at ipinagkaloob niya ang kaniyang sarili para dito. 26 Ito ay upang kaniyang gawing banal ang iglesiya sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig sa salita. Ipinagkaloob niya ang kaniyang sarili upang gawing banal ang iglesiya. 27 Ito ay upang maiharap niya ang iglesiya sa kaniyang sarili na isang marilag na iglesiya, walang batik o kulubot o anumang mga gayong bagay, sa halip, ang iglesiya ay maging banal at walang kapintasan. 28 Dapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kanilang mga asawa tulad ng pag-ibig nila sa kanilang sariling katawan. Siya na nagmamahal sakaniyang asawa ay nagmamahal sa kaniyang sarili. 29 Ito ay sapagkat wala pang sinumang namuhi sa kaniyang sariling katawan kundi inaalagaan ito at minamahal tulad ng ginagawa ng Panginoon sa iglesiya. 30 Ito ay dahil tayo ay bahagi ng kaniyang katawan, ng kaniyang laman at ng kaniyang mga buto.

31 Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina at makikipag-isa sa kaniyang asawa at ang dalawa ay magiging isang laman.

32 Ito ay isang dakilang hiwaga, ngunit nagsasa­lita ako patungkol kay Cristo at sa iglesiya. 33 Gayunman, ang bawat isa sa inyo ay magmahal sa kaniyang asawang babae tulad sa kaniyang sarili. Ang asawang babae ay magpitagan sa kaniyang asawa.

Mga Anak at Mga Magulang

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon dahil ito ay matuwid.

Igalang ninyo ang inyong ama at ina. Ito ang unang utos na may pangako:

Gawin ninyo ito upang maging mabuti para sa inyo at kayo ay mamuhay nang matagal sa lupa.

Mga ama, huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak sa halip ay alagaan ninyo sila sa pagsasanay at sa turo ng Panginoon.

Mga Alipin at Mga Panginoon

Mga alipin, maging masunurin kayo sa inyong panginoon ayon sa laman at sundin ninyo sila nang may pagkatakot at panginginig at sa katapatan ng inyong mga puso tulad ng pagsunod ninyo kay Cristo.

Sumunod kayo hindi upang magbigay lugod sa kanila tuwing sila ay nakatingin sa inyo, kundi bilang mga alipinni Cristo na gumagawa ng kalooban ng Diyos mula sa inyong kaluluwa. Sumunod kayo nang may mabuting kalooban na gumagawa ng paglilingkod sa Panginoon at hindi sa tao. Nalalaman ninyo na ang anumang mabuting nagawa ng bawat isa, gayundin ang tatanggapin niya mula sa Panginoon, maging siya ay alipin o malaya.

Mga panginoon, gawin ninyo ang gayunding mga bagay sa kanila. Tigilan ninyo ang pagbabanta dahil nalalaman ninyo na ang sarili ninyong Panginoon ay nasa langit at siya ay hindi nagtatangi ng mga tao.

Ang Baluting Ibinibigay ng Diyos

10 Sa katapusan mga kapatid, magpakatibay kayo sa Panginoon at sa kaniyang makapangyarihang lakas.

11 Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos upang kayo ay makatayo laban sa mga lalang ng diyablo. 12 Ito ay sapagkat nakikipagtunggali tayo, hindi laban sa laman at dugo, subalit laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapamahalaan, laban sa mga makapangyayari sa kadiliman sa kapanahunang ito at laban sa espirituwal na kasamaan sa mga dako ng kalangitan. 13 Dahil dito, kunin ninyo ang buong baluti ng Diyos upang kayo ay makatayo laban sa masamang araw at pagkagawa ninyo ng lahat ng mga bagay ay manatili kayong nakatayo. 14 Tumayo nga kayo na nabibigkisan ang inyong mga balakang ng katotohanan at isuot ninyo ang baluting pandibdib ng katuwiran. 15 Sa inyong mga paa ay isuot ang kahandaan ng ebanghelyo ng kapayapaan. 16 Higit sa lahat, kunin ninyo ang kalasag ng pananampalataya. Sa pamamagitan nito ay maaapula ninyo ang mga nag-aapoy na palaso ng masama. 17 Tanggapin din ninyo ang helmet ng kaligtasan at ang tabak ng Espiritu na siyang salita ng Diyos. 18 Sa lahat ninyong pananalangin at pagdaing ay manalangin kayong lagi sa pamamagitan ng Espiritu. Sa bagay na ito ay magpuyat kayo na may buong pagtitiyaga at pagdaing para sa lahat ng mga banal.

19 Ipanalangin ninyo ako, na bigyan ako ng pananalita, upang magkaroon ako ng tapang sa pagbukas ko ng aking bibig, upang maipahayag ang hiwaga ng ebanghelyo. 20 Dahil sa ebanghelyo, ako ay isang kinatawan na nakatanikala upang sa pamamagitan nito, makapagsalita akong may katapangan gaya ng dapat kong pagsasalita.

Panghuli ng Pagbati

21 Ipahahayag sa inyo ni Tiquico ang lahat ng mga bagay patungkol sa akin upang malaman ninyo ang mga bagay patungkol sa akin at ang mga ginagawa ko. Siya ay isang minamahal na kapatid at matapat na tagapaglingkod sa Panginoon.

22 Isinugo ko siya sa inyo para sa bagay na ito upang malaman ninyo ang mga bagay patungkol sa amin at mapalakas niya ang inyong loob.

23 Mga kapatid, sumainyo ang kapayapaan at pag-ibig na may pananampalataya mula sa Diyos Ama at Panginoong Jesucristo. 24 Biyaya ang sumakanilang lahat na umiibig ng dalisay sa ating Panginoong Jesucristo. Siya nawa!

Pagbati

Akong si Pablo at si Timoteo ay mga alipin ni Cristo Jesus. Kami ay sumusulat sa lahat ng mga banal kay Cristo Jesus na nasa Filipos gayundin sa mga tagapamahala at sa mga diyakono.

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.

Pasasalamat at Pananalangin

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing maaala-ala ko kayo.

Humihiling ako sa Diyos na may galak para sa inyong lahat sa tuwing dumadalangin ako. Ito ay dahil sa inyong pakikipag-isa sa ebanghelyo mula pa noong unang araw hanggang ngayon. Lubos akong nakakatiyak sa bagay na ito, na siya na nagsimula ng mabuting gawa sa inyo ay magtatapos nito hanggang sa araw ni Jesucristo.

Matuwid lamang na maging ganito ang aking kaisipan sa inyong lahat sapagkat kayo ay nasa puso ko. Kayong lahat ay kabahagi ko sa biyaya, sa pagkatanikala, sa pagtatanggol at sa pagpapatunay na totoo ang ebanghelyo. Ito ay sapagkat ang Diyos ang aking saksi kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat na tulad ng pagmamalasakit na mayroon si Jesucristo.

Ito ang aking panalangin na ang inyong pag-ibig ay lalung-lalo pang sumagana sa kaalaman at sa lahat ng pagkaunawa. 10 Dalangin ko rin na mapili ninyo ang mga bagay na pinakamabuti upang kayo ay maging tapat at walang kapintasan hanggang sa araw ni Cristo. 11 At upang kayo ay mapuspos ng mga bunga ng katuwiran sa pamamagitan ni Jesucristo sa ikaluluwalhati at sa ikapupuri ng Diyos.

Ang mga Tanikala ni Pabloay Nagpalaganap sa Ebanghelyo

12 Mga kapatid, ibig kong maunawaan ninyo ngayon na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nagbunga ng paglaganap ng ebanghelyo. 13 Dahil dito, naging maliwanag sa lahat ng mga bantay sa palasyo at sa lahat ng iba pang tao na ako ay nakatanikala dahil kay Cristo. 14 Dahil sa aking pagkatanikala ang nakararami sa mga kapatid sa Panginoon ay lalong nagtiwala sa Panginoon, sila ay lalong naging malakas ang loob sa pangangaral ng salita nang walang takot.

15 Totoo ngang may ilang nangangaral patungkol kay Cristo dahil sa inggit at dahil sa paglalaban-laban ngunit ang iba naman ay sa mabuting kalooban. 16 Ang ilan ay naghahayag patungkol kay Cristo dahil sa makasariling hangarin, hindi sa katapatan ng kalooban, na nag-aakalang ito ay makakadagdag ng paghihirap sa aking pagkakatanikala. 17 Ngunit ang iba ay gumagawa nang dahil sa pag-ibig, na kanilang nalalaman na ako ay itinalaga sa pagtatanggol sa ebanghelyo. 18 Ano nga ang kahalagahan nito? Ang mahalaga ay naipangaral si Cristo sa anumang paraan, maging sa pagkukunwari o sa katotohanan. Dahil dito, ako ay nagagalak at patuloy na magagalak.

19 Sapagkat nalalaman kong ang kahihinatnan nito ay ang aking kalayaan sa pamamagitan ng inyong pananalangin may paghiling at sa pamamagitan ng mga ipinagkakaloob ng Espiritu ni Jesucristo. 20 Ito ay ayon sa aking mataimtim na pag-asam at pag-asa na sa anuman bagay ay hindi ako mapapahiya. Sa halip, sa pagtaglay ko ng buong katapangan na gaya rin ng dati, aydakilain si Cristo sa aking katawan maging sa buhay o sa kamatayan. 21 Ito ay sapagkat sa ganang akin, ang mabuhay ay si Cristo at ang mamatay ay pakinabang. 22 Ngunit kung ang mabuhay sa laman ay mangangahulugan ng mabungang pagpapagal, hindi ko malaman kung ano ang aking pipiliin. 23 Ito ay sapagkat napipigilan ako ng dalawang pagpipilian. Nais kong pumanaw na upang mapasa piling ni Cristo na ito ay lalong mabuti. 24 Ngunit ang manatili sa katawan ay higit na kailangan dahil sa inyo. 25 Dahil lubos akong nakakatiyak sa bagay na ito,nalalaman kong ako ay mananatili at patuloy na makakasama ninyong lahat sa inyong pagsulong at kagalakan sa inyong pananampalataya. 26 Ito ay upang kung muli ninyo akong makasama ay mag-umapaw ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus dahil sa akin.

27 Kinakailangang mamuhay kayong karapat-dapat sa ebanghelyo ni Cristo upang kung ako ay pumunta riyan at makita kayo o hindi man ay makabalita ako ng patungkol sa inyo, na kayo ay nananatiling matatag sa iisang espiritu at iisang isipan at sama-sama ninyong ipinagtatanggol ang pananampalataya ng ebanghelyo. 28 At hindi kayo maaaring takutin sa anumang paraan ng inyong mga kaaway. Sa kanila, ito ay maliwanag na palatandaan patungo sa kanilang ikapapa­hamak. Para sa inyo, ito ay sa ikaliligtas, at ito ay mula sa Diyos. 29 Sapagkat ipinagkaloob sa inyo alang-alang kay Cristo, hindi lamang ang sumampalataya sa kaniya kundi ang magbata rin naman ng hirap alang-alang sa kaniya. 30 Nasa inyo ang pakikipagbakang nakita ninyong nasa akin at nababalitaan ninyong nasa akin ngayon.

Pagtulad sa Pagpapakababa ni Cristo

Yamang mayroon kayong kalakasan ng loob kay Cristo, mayroon kayong kaaliwan sa kaniyang pag-ibig, mayroon kayong pakikipag-isa sa kaniyang Espiritu, mayroon kayong pagmamalasakit at kaawaan.

Lubusin nga ninyo angaking kagalakan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang kaisipan, ng iisang pag-ibig, ng iisang kalooban at ngiisang pag-iisip. Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o pagpapalalo. Sa halip, sa kapakumbabaan ng pag-iisip, ituring ninyo na ang iba ay higit na mabuti kaysa sa inyo. Huwag hanapin ng isa’t isa ang ikabubuti ng kaniyang sarili lang kundi ang ikabubuti rin naman ng iba.

Ito ay sapagkat kailangang taglayin ninyo ang kaisipan na na kay Cristo Jesus din naman. Bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging kapantay ng Diyos. Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao. Yamang siya ay nasumpungan sa anyong tao, siya ay nagpakumbaba at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus. Kaya nga, siya naman ay lubhang itinaas ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. 10 Ito ay upang sa pangalan ni Jesus ay luluhod ang bawat tuhod ng mga nasa langit, ng mga nasa lupa at ng mga nasa ilalim ng lupa. 11 Ito ay upang ipahayag ng bawat dila na si Jesucristo ang Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.

Magningning Tulad ng mga Bituin

12 Kaya nga, mga minamahal ko, gamitin ninyo ang inyong kaligtasan na may takot at panginginig, tulad ng palagi ninyong pagsunod, hindi lamang kung ako ay kasama ninyo kundi lalo na ngayong wala ako sa inyo.

13 Ang dahilan nito ay gumagawa sa inyo ang Diyos upang naisin at gawin ninyo ang kaniyang mabuting kaluguran.

14 Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulung-bulungan at pagtatalo. 15 Gawin ninyo ang gayon upang walang anumang maipaparatang sa inyo at kayo ay maging dalisay, mga anak ng Diyos na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at lihis. Magliwanag kayo sa kanilang kalagitnaan tulad ng mga liwanag sa sanlibutan. 16 Inyong itanghal ang salita ng buhay upang may ipagmapuri ako sa araw ni Cristo na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal nang walang kabuluhan. 17 Subalit kung ako ay ibubuhos ng Diyos tulad ng haing ibinubuhos sa ibabaw ng handog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, matutuwa at magagalak akong kasama ninyo. 18 Sa gayunding paraan, kayo naman ay matutuwa at magagalak na kasama ko.

Si Timoteo at si Epafrodito

19 Ngunit umaasa ako sa Panginoong Jesus na maisugo ko sa inyo si Timoteo sa lalong madaling panahon upang ako rin naman ay maaliw kapag nalaman ko ang inyong kalalagayan.

20 Ito ay sapagkat wala na akong ibang taong katulad niya ang pag-iisip, na may tunay na pagmamalasakit sa inyong kalala­gayan. 21 Ito ay sapagkat abala silang lahat sa paghahanap ng mga bagay para sa kanilang sariling kapakanan, hindi sa mga bagay na nauukol kay Cristo Jesus. 22 Ngunit alam na ninyo ang kaniyang subok na pag-uugali, na gaya ng isang anak sa kaniyang ama, ay gayon siyang naglingkod na kasama ko sa ebanghelyo. 23 Siya nga ang aking inaasahang susuguin sa inyo sa lalong madaling panahon pagkatapos kong malaman ang aking magiging kalagayan. 24 Ngunit nakakatiyak ako saPanginoon na ako rin ay makakapunta riyan sa lalong madaling panahon.

25 Ngunit naisip kong kailangang suguin ko sa inyo si Epafrodito na aking kapatid, kamanggagawa at kapwa kawal, ngunit sugo at lingkod ninyo na tumitingin sa aking mga pangangailangan. 26 Ito ay sapagkat siya ay sabik na sabik sa inyong lahat at labis na namamanglaw dahil sa nabalitaan ninyong siya ay nagkasakit. 27 Ito ay sapagkat totoo ngang siya ay nagkasakit at muntik nang mamatay. Subalit kinahabagan siya ng Diyos at hindi lamang siya kundi ako rin naman upang huwag akong magkaroon ng sunod-sunod na kalungkutan. 28 Kaya nga, lalo kong pinagsikapang suguin siya sa inyo upang pagkakita ninyong muli sa kaniya, kayo ay magalak at mabawasan naman ang aking kalungkutan. 29 Kaya nga, tanggapin ninyo siya ng buong kagalakan sa Panginoon at parangalan ninyo ang mga katulad niya. 30 Ito ay sapagkat nabingit siya sa kamatayan alang-alang sa gawain ni Cristo, na hindi pinahalagahan ang kaniyang buhay upang punan ang kakulangan ng inyong paglilingkod sa akin.

Walang Pagtitiwala sa Gawa ng Tao

Mga kapatid ko, sa katapus-tapusan, magalak kayo sa Panginoon. Ang sumulat sa inyo ng gayunding mga bagay ay totoong hindi mabigat sa akin yamang ito ay upang mailayo kayo sa panganib.

Mag-ingat kayo sa mga aso. Mag-ingat kayo sa mga gumagawa ng masama at mga nagpuputol ng laman. Ito ay sapagkat tayo ang nasa pagtutuli, tayo na mga sumasamba sa Diyos sa Espiritu at mga nagmamalaki dahil kay Cristo Jesus, at hindi nagtitiwala sa gawa ng tao. Bagaman ako ay maaari ding magtiwala sa gawa ng tao.

Kung sinuman ay mag-aakala na siya ay may dahilan upang magtiwala sa gawa ng tao, lalo na ako.

Tinuli ako sa ika-walong araw. Ako ay nanggaling sa lahi ng Israel,mula sa lipi ni Benjamin. Ako ay isang Hebreong nagmula sa mga Hebreo. Kung ang pag-uusapan ay patungkol sa kautusan, ako ay isang Fariseo. Kung ang pag-uusapan ay patungkol sa kasigasigan, pinag-uusig ko ang iglesiya. Kung ang pag-uusapan ay patungkol sa pagiging matuwid na ayon sa kautusan, walang maipupula sa akin.

Subalit anumang mga bagay na kapakinabangan sa akin, ang mga iyon ay itinuturing kong kalugihan alang-alang kay Cristo. Oo, sa katunayan itinuturing kong kalugihan ang lahat ng bagay para sa napakadakilang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Dahil sa kaniya, tinanggap ko ang pagkalugi sa lahat ng bagay at itinuring kong dumi ang lahat ng mga ito, makamtan ko lamang si Cristo. Sa ganoon, ako ay masumpungan sa kaniya, hindi sa pamamagitan ng sarili kong katuwiran na ayon sa kautusan kundi ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at ang katuwiran na mula sa Diyos ay sa pamamagitan ng pananampalataya. 10 Ito ay upang makilala ko siya at angkapangyarihan ng kaniyang muling pagkabuhay at ang pakikipag-isa sa kaniyang mga paghihirap, upang matulad ako sa kaniya, sa kaniyang kamatayan. 11 At sa anumang paraan ay makarating ako sa muling pagkabuhay ng mga patay.

Pagpapatuloy Patungo sa Nilalayon

12 Hindi sa natamo ko na, o ako ay naging ganap na. Inangkin ako ni Cristo Jesus para sa isang layunin at nagsusumikap ako upang aking maangkin ang layuning iyon.

13 Mga kapatid, hindi ko ibinibilang na naangkin ko na ngunit isang bagay ang ginagawa ko. Nililimot ko na ang mga bagay na nasa likuran ko at pinagsisikapang maabot ang mga bagay na nasa harap ko. 14 Pinagsisikapan kong maabot ang hangganan ng takbuhin para sa gantimpala ng mataas na pagkatawag sa akin ng Diyos na na kay Cristo Jesus.

15 Kaya nga, sa lahat ng mga ganap ay kailangang magka­roon ng ganitong kaisipan. At kung sa anumang bagay ay naiiba ang inyong kaisipan, ipahahayag din naman ito sa inyo ng Diyos. 16 Gayunman, lumakad tayo sa pamamagitan ng gayunding paraan na natamo na natin upang magkaroon tayo ngiisang kaisipan.

17 Mga kapatid, magkaisa kayo sa pagtulad sa akin. Pagmasdan ninyo ang mga lumalakad ayon sa halimbawang nakikita ninyo sa amin. 18 Ito ay sapagkat madalas kong sinasabi sa inyo, at ngayon sasabihin ko sainyong muli na may pagluha, na marami ang lumalakad, na sila ang mga kaaway ng krus ni Cristo. 19 Ang kahihinatnan nila ay kapahamakan. Ang diyos nila ay ang kanilang tiyan. Ang kanilang kaluwalhatian ay ang mga bagay na dapat nilang ikahiya. Ang kanilang kaisipan ay nakatuon sa mga bagay na panlupa. 20 Sapagkat ang ating pagkamamamayan ay nasa langit, na mula roon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo. 21 Siya ang magbabago ng ating walang halagang katawan upang maging katulad ng kaniyang maluwalhating katawan, ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan na magpapasakop ng lahat ng bagay sa kaniya.

Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinanabikan, kayo ang aking kagalakan at putong. Magpakatatag kayo sa ganitong paraan sa Panginoon.

Mga Pagtatagubilin

Pinagtagubilinan ko sina Euodias at Sintique na magkaisa ng pag-iisip sa Panginoon.

Hinihiling ko rin naman sa iyo, tunay na kamanggagawa, na tulungan mo ang mga babaeng ito. Sila ang mga kasama kong nagpagal para sa ebanghelyo, kasama si Clemente at ang iba pang mga kamanggagawa na ang kanilang mga pangalan ay nasa aklat ng buhay.

Magalak kayong lagi sa Panginoon at muli kong sasabihin, magalak kayo. Ipakilala ninyo sa lahat ng mga tao ang inyong kahinahunan. Malapit na ang Panginoon. Huwag kayong mabalisa patungkol sa anumang bagay. Sa halip, ipaalam ninyo ang inyong mga kahilingan sa Diyos na may pasasalamat sa pamamagitan ng panalangin at ng panalanging may paghiling. At ang kapayapaang mula sa Diyos, na higit sa anumang pang-unawa, ang siyang mag-iingat sa inyong mga puso at pag-iisip sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Sa katapus-tapusan mga kapatid, anumang mga bagay na totoo, anuman ang marangal, anuman ang matuwid, anuman ang dalisay, anumang mga bagay angkaibig-ibig, anuman ang may mabuting ulat, kung mayroon mang kabutihan at anumang kapuri-puri, ang mga bagay na ito ang isipin ninyo. Ang mga bagay din na inyong natutuhan, at tinanggap, at narinig at nakita sa akin ay isagawa ninyo. Sa gayon, ang Diyos ng kapayapaan ay sasainyo.

Pagpapasalamat ni Pablo sa mga Taga-Filipos Dahil sa Kanilang mga Kaloob

10 Ngunit lubos akong nagagalak sa Panginoon na sa wakas muling nanariwa ngayon ang inyong pag-alaala sa akin, na bagaman may pag-alaala kayo sa akin, wala nga lang kayong pagkakataong ipakita ito.

11 Hindi sa ako ay nagsalita dahil sa aking pangangailangan, dahil natutuhan ko nang masiyahan anuman ang aking kalagayan. 12 Alam ko ang mabuhay sa paghihikahos at ang mabuhay sa kasaganaan, kung paano ang ibababa at alam ko kung paano ang sumagana. Sa lahat ng dako at sa lahat ngbagay ay tinuruan akong mabusog at magutom, maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan. 13 Ako ay may sapat na lakas na gawin ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Cristo na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.

14 Gayunman, napakabuti ng inyong ginawang pakikibahagi sa aking mga paghihirap. 15 Kayong mga taga-Filipos, alam din naman ninyo nasa pasimula pa ng pangangaral ng ebanghelyo, nang umalis ako sa Macedonia, walang ibang iglesiya ang nakipag-isa sa akin patungkol sa pagkakaloob at sa pagtanggap, kundi kayo lamang. 16 Ito ay sapagkat maging noong ako ay nasa Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking pangangailangan. 17 Hindi sapagkat ako ay naghahangad ng kaloob kundi ang hinahangad ko ay masaganang bunga na nakatala para sa inyo. 18 Mayroon ako ng lahat ng bagay at sumasagana. Napunan na ang aking pangangailangan dahil sa natanggap ko mula kay Epafrodito ang mga bagay na ipinadala ninyo. Ito ay samyo na mahali­muyak, isang haing katanggap-tanggap at kalugud-lugod sa Diyos. 19 Ngunit ang aking Diyos ang magpupuno sa inyo ng lahat ng inyong pangangailangan ayon sa kaniyang kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.

20 Ngayon, sa ating Diyos at Ama ang kaluwalhatian magpakailan pa man. Siya nawa.

Panghuling Pagbati

21 Batiin ninyo ang bawat banal kay Cristo Jesus. Binabati kayo ng mga kapatid na kasama ko.

22 Binabati kayo ng lahat ng mga banal lalong-lalo na ang mga kasambahay ni Cesar.

23 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay suma­inyong lahat. Siya nawa!

Akong si Pablo ay apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos at ang ating kapatid na si Timoteo. Ako ay sumusulat sa mga banal at mga tapat na kapatid kay Cristo na nasa Colosas.

Sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at mula sa Panginoong Jesucristo.

Pasasalamat at Pananalangin

Nagpapasalamat kami sa Diyos at Ama ng ating Pangi­noong Jesucristo. Kayo ay patuloy naming idinadalangin.

Nagpapa­salamat kami sa Diyos sapagkat nabalitaan namin ang inyong pananampalataya kay Cristo Jesus at ang patungkol sa pag-ibig ninyo sa lahat ng mga banal. Ang pananam­palataya at pag-ibig na ito ay dahil sa pag-asang nakalaan para sa inyo sa kalangitan, na una ninyong narinig sa salita ng katotohanan ng ebanghelyo. Dumating ito sa inyo, tulad ng pagdating nito sa buong sanlibutan. Ito ay nagbubunga gaya rin naman ng pagbubunga sa inyo mula nang araw na inyong marinig at malaman ang biyaya ng Diyos sa katotohanan. Ito ay katulad ng natutunan ninyo kay Epafras, ang minamahal naming kapwa-alipin, na tapat na tagapaglingkod ni Cristo para sa inyo. Siya rin ang nagsabi sa amin sa pamamagitan ng Espiritu patungkol sa inyong pag-ibig.

Dahil din naman dito, mula nang araw na marinig namin ito, wala na kaming tigil sa pananalangin para sa inyo. Hini­hiling namin na kayo ay mapuspos ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at espiritwal na pagkaunawa. 10 Ito ay upang mamuhay kayong karapat-dapat sa Panginoon sa buong kaluguran, at upang kayo ay mamunga sa bawat gawang mabuti at lumalago sa kaalaman ng Diyos. 11 At upang kayo ay lumakas sa kapangyarihan ayon sa kapangyarihan ng kaniyang kaluwalhatian sa buong pagtitiis at pagtitiyaga na may kagalakan. 12 Magpasalamat kayo sa Ama na nagpaging-dapat sa atin na maging kabahagi ng mana ng mga banal sa kaliwanagan. 13 Siya ang nagligtas sa atin mula sa kapama­halaan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng kaniyang pinakamamahal na Anak. 14 Sa kaniya ay mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ang kapatawaran ng mga kasalanan.

Si Cristo ang Pangulo ng Lahat ng Bagay

15 Siya ang wangis ng Diyos na hindi nakikita, ang panganay na pinakahigit sa buong sangnilikha.

16 Ito ay sapagkat sa pamamagitan niya, nilalang ang lahat ng mga bagay na nasa langit at mga bagay na nasa lupa, mga bagay na nakikita o hindi nakikita. Ito man ay mga luklukan, o mga paghahari, o mga pamunuan, o mga pamamahala. Ang lahat ng bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at para sa kaniya. 17 At siya ay nauna sa lahat ng bagay at sa pamamagitan niya ay nananatiling buo ang lahat ng mga bagay. 18 At siya ang ulo ng katawan, ang iglesiya. Siya ang pasimula, ang panganay mula sa mga patay upang siya ang maging kataas-taasan sa lahatng bagay. 19 Ikinalugod ng Ama na ang buong kapuspusanay manahan sa kaniya. 20 Nagdala siya ng kapayapaan sa pamamagitan ng dugo na nabuhos sa krus. Sa pamama­gitan niya ikinalugod ng Ama na ipagkasundo sa kaniyang sarili ang lahat ng mga bagay sa lupa, o sa lahat ng mga bagay sa langit.

21 At kayo na dating banyaga at mga kaaway ng Diyos dahil sa inyong pag-iisip at dahil sa inyong masasamang gawa ay ipinagkasundo ngayon. 22 Ito ay sa katawan ng kaniyang laman sa pamamagitan ngkaniyang kamatayan upang kayo ay maiharap na banal at walang kapintasan at walang maipa­paratang sa kaniyang paningin. 23 Ito ay kung manatili kayo sa pananampalataya na matatag at matibay at hindi malilipat mulasa pag-asa ng ebanghelyo na inyong narinig at ito ang ipinangaral sa bawat nilalang na nasa silong ng langit. Akong si Pablo ay ginawang tagapaglingkod ng ebanghelyong ito.

Ang Pagpapagal ni Pablo Para sa Iglesiya

24 Ako ngayon ay nagagalak sa aking mga paghihirap alang-alang sa inyo. Pinupunuan ko sa aking katawan ang mga kakulangan ng mga paghihirap niCristo para sa kapakanan ng kaniyang katawan, ang iglesiya.

25 Dahil dito naging tagapag­lingkod ako ayon sa pangangasiwa na mula sa Diyos, na ibinigay sa akin para sa inyong kapakinabangan upang ganapin ko ang Salita ng Diyos. 26 Ito ang hiwagang inilihim mula pa sa nakaraang kapanahunan at mula sa mga lahing nakaraan, ngunit ngayon ay ipinahayag sa kaniyang mga banal. 27 Sa kanila ay ipinasya ng Diyos na ipakilala ang kayamanan ng kaluwal­hatian ng hiwagang ito sa mga Gentil. Ito ay si Cristo na sumasainyo, ang pag-asa sa kaluwalhatian.

28 Siya ang aming ipinahahayag. Binibigyan namin ng babalaat tinuturuan ang bawat tao ng lahat ng karunungan, upang maiharap naming sakdal ang bawat tao kay Cristo Jesus. 29 Dahil dito, nagpapagal din naman ako at nagsisikap ayon sa kaniyang paggawa na gumagawang may kapangyarihan sa akin.

Sapagkat ibig kong malaman ninyo kung gaano kalaki ang aking pakikipagbaka para sa inyo, at sa mga taga-Laodicea, at sa lahat ng hindi pa nakakakita sa akin ng mukhaan. Ito ay upang mapalakas ang kanilang mga loob na magkaisa sila sa pag-ibig. At upang magkaroon sila ng lahat ng kayamanan ng lubos na katiyakan ng pang-unawa sa pagkaalam ng hiwaga ng Diyos, at ng Ama at ni Cristo. Sa kaniya natatago ang lahat ng kayamanan ng karunungan at kaalaman. Sinasabi ko ito sa inyo upang huwag kayong madaya ng sinuman ng mga salitang kaakit-akit. Ito ay sapagkat kahit ako ay wala riyan sa aking laman, naririyan naman ako sa inyo sa aking espiritu, na nagagalak at nakakakita ng inyong kaayusan at ng katatagan ng inyong pananampalataya kay Cristo.

Kalayaan Mula sa Tuntunin ng Tao sa Pamamagitan ng Buhay kay Cristo

Kaya nga, sa paraang tinanggap ninyo si Cristo bilang Panginoon, mamuhay naman kayong gayon sa kaniya.

Kayo ay nag-ugat ng malalim, at natayo sa kaniya na matatag na nagtutumibay sa pananampalatayang itinuro sa inyo at umaapaw dito na may pasasalamat.

Mag-ingat kayo, na baka bihagin kayo ng sinuman sa pamamagitan ng pilosopiya at ng walang kabuluhang panlilin­lang, na ayon sa kaugalian ng mga tao, ayon sa mga espiritwal na kapangyarihan ng sanlibutanito at hindi naaayon kay Cristo.

Ito ay sapagkat nananahan sa kaniyang katawan ang lahat ng kapuspusan ng kalikasan ng Diyos. 10 Kayo ay ganap sa kaniya na siyang pangulo ng lahat ng pamunuan at kapama­halaan. 11 Sa kaniya, kayo ay nasa pagtutuli hindi sa pamama­gitan ng mga kamay, upang hubarin ninyo ang mga kasalanan sa laman, sa pamamagitan ng pagiging nasa pagtutuli na kay Cristo. 12 Kayo ay inilibing na kasama niya sa pamamagitan ng bawtismo. Dito, kayo rin naman ay mulingbinuhay na kasama niya sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, sa paggawa ng Diyos na bumuhay sa kaniya mula sa mga patay.

13 Kayo, na mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at sa hindi pagiging nasa pagkatuli ng inyong laman, ay binuhay na kasama niya. Kayo ay pinatawad na sa lahat ng mga pagsalangsang. 14 Binura na niya ang nasulat na mga batas na laban sa atin. Inalis niya ito sa kalagitnaan natin at ipinako ito sa krus. 15 Hinubaran na niya ng kapangyarihan ang mga pamunuan at mga kapamahalaan. Inilantad niya sila sa madla at inihayag niya ang kaniyang pagtatagumpay sa pamamagitan ng krus.

16 Kaya nga, huwag ninyong hayaan na hatulan kayo ng sinuman patungkol sa pagkain, o sa inumin, o patungkol sa pagdiriwang ng kapistahan, o sa bagong buwan o sa mga araw ng Sabat. 17 Ang mga ito ay isang anino lamang ng mga bagay na darating ngunit ang katunayan ay si Cristo. 18 May taong nasisiyahan sa paggawa ng huwad na pagpapakumbaba at pagsamba sa mga anghel. Huwag ninyong hayaan ang gayong tao na dayain kayo at hindi ninyo makuha ang inyong gantimpala. Siya ay nagkukunwaring nakakita ng mga bagay na hindi naman niya nakita. Ang kaniyang isipang makalaman ay nagpalaki ng kaniyang ulo nang walang katuturan. 19 Siya ay hindi nanatiling nakaugnay sa tunay na ulo, na kung saan ang buong katawan ay lumalago sa pamamagitan ng paglago na mula sa Diyos. Ito ay sa mga ibinibigay ng mga kasukasuan at ng mga litid na siyang nagpapalusog at nag-uugnay-ugnay sa buong katawan.

20 Kung kayo nga ay namatay na kasama ni Cristo mula sa mgaespiritwal na kapangyarihan ng sanlibutan, bakit kayo, na waring nabubuhay pa sa sanlibutan, ay nagpapasakop pa sa mga batas? 21 Ang mga ito ay: Huwag kang hahawak, huwag kang titikim, huwag kang hihipo. 22 Ang mga batas na ito ay tumutukoy sa mga bagay na masisira, kapag ang mga ito ay ginagamit. Ang mga ito ay ayon sa mga utos at sa mga aral ng mga tao. 23 Ang mga bagay na ito ay waring may karunungan sa kusang pagsamba at huwad na pagpapakumbaba at pagpapahirap ng katawan. Ngunit ang mga ito ay walang kapangyarihan laban sa kalayawan sa laman.

Tuntunin Para sa Matuwid na Pamumuhay

Yamang kayo nga ay muling binuhay na kasama ni Cristo, hanapin ninyo ang mga bagay na nasa itaas, kung saan si Cristo ay nakaupo sakanan ng Diyos.

Ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasaitaas at hindi sa mga bagay na nasa lupa. Ito ay sapagkat namatay nakayo at ang buhay ninyo ay natatagong kasama ni Cristo sa Diyos. Kapag si Cristo na ating buhay ay mahahayag, kasama rin naman niya kayong mahahayag sa kaluwalhatian.

Patayin nga ninyo ang inyong mga bahagi na maka-lupa. Ito ay ang pakikiapid, karumihan, pita ng laman, masasamang nasa at kasakiman na siyang pagsamba sa diyos-diyosan. Dahil sa mga bagay na ito, ang poot ng Diyos ay dumarating sa mga anak na masuwayin. Ang mga ito ay inyo rin namang nilakaran noong una nang kayo ay namumuhay pa sa gani­-­­­tong mga bagay. Ngunit ngayon ay hubarin na ninyo ang lahat ng ito: galit, poot, masamang hangarin, pamumusong, malalaswang salita na mula sa inyong bibig. Huwag na kayong magsinungaling sa isa’t isa, yamang hinubad na ninyo nang lubusan ang dating pagkatao kasama ang mga masa­samang gawa nito. 10 Isuot naman ninyo ang bagong pagkatao na binago patungo sa kaalaman ayon sa wangis ng lumalang sa kaniya. 11 Doon ay wala ng pagkakaiba ang mga Griyego o mga Judio, ang mga nasa pagtutuli o wala sa pagtutuli, mga hindi Griyego, mga Scita, mga alipin o malaya. Si Cristo ang lahat at nasa lahat.

12 Kaya nga, bilang mga hinirang ng Diyos, mga banal at minamahal, magsuot kayo ng pusong maawain, ng kabutihan, kapakumbabaan ng pag-iisip, ng kaamuan at pagtitiyaga. 13 Magbatahan kayo sa isa’t isa at magpatawaran kayo sa isa’t isa kapag ang sinuman ay may hinaing sa kaninuman. Kung paanong pinatawad kayo ni Cristo ay gayundin kayo magpa­tawad. 14 Higit sa lahat ng mga bagay na ito, magbihis kayo ng pag-ibig na siyang tali ng kasakdalan.

15 Ang kapayapaan ng Diyos ang siyang maghari sa inyong mga puso. Kayo ay tinawag dito sa isang katawan at maging mapagpasalamat kayo. 16 Manahang sagana sa inyo ang salita ni Cristo sa lahat ng karunungan. Turuan at payuhan ninyo ang bawat isa sa pamamagitan ng mga salmo, ng mga himno at mga awiting espirituwal. Umawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Panginoon. 17 Anuman ang inyong gawin sa salita o sa gawa, gawin ninyo ang lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus na may pagpapasalamat sa Diyos Ama sa pamamagitan niya.

Tuntunin Para sa Sambahayang Kristiyano

18 Mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyong asawa gaya ng nararapat sa Panginoon.

19 Mga asawang lalaki, ibigin ninyo ang inyong asawa at huwag kayong maging marahas sa kanila.

20 Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng bagay sapagkat nakalulugod ito sa Diyos.

21 Mga ama, huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak upang huwag manghina ang kanilang loob.

22 Mga alipin, sundin ninyo sa lahat ng bagay ang inyong mga amo dito sa lupa, hindi lamang kung sila ay nakatingin bilang pakitang-tao, kundi sa katapatan ng puso na may takot sa Diyos. 23 Anuman ang inyong gawin, gawin ninyo ito ng buong puso na para sa Panginoon at hindi para sa mga tao. 24 Yamang nalalaman ninyo na kayo ay tatanggap mula sa Panginoon ng gantimpalang mana dahil ang Panginoon, ang Cristo ang inyong pinaglilingkuran. 25 Ang sinumang guma­gawa ng masama ay tatanggap ng kabayaran sa kaniyang ginawangkasamaan. Ang Diyos ay walang mga taong itinatangi.

Mga amo, ibigay ninyo sa inyong mga alipin kung anoang makatarungan at kung ano ang nararapat, yamang nalalaman ninyo na kayo rin ay may isang Panginoon sa langit.

Karagdagang Tagubilin

Magpatuloy kayong may kasigasigan sa pananalangin. Magbantay kayong may pagpapasalamat.

Idalangin din naman ninyo kami na magkaroon ng pagkakataong mula sa Diyos na makapangaral at makapaghayag kami ng hiwagani Cristo. Ito ang dahilan kung bakit ako din naman ay nabi­langgo. Idalangin ninyo na kapag ako ay magsalita, ito ay maging ayon sa nararapat kong pagpapaliwanag. Mamuhay kayong may karunungan sa kanila na mga nasa labas at samantalahinninyo ang panahon. Ang inyong pananalita ay maging mapagbiyayang lagi namay lasang asin upang malaman ninyo kung ano ang dapat ninyong isagot sabawat isa.

Panghuling Pagbati

Ang minamahal na kapatid na si Tiquico ang magbabalita sa inyo ng patungkol sa aking kalagayan. Siya ay isang tapat na tagapaglingkod at kapwa alipin sa Panginoon.

Siya ay sinugo ko sa inyo upang malaman ang inyong kalagayan at palakasin ang inyong loob. Kasama niya si Onesimo, na isang tapat at minamahal na kapatid at kasama rin ninyo. Ipaaalam nila sa inyo ang lahat ng nangyayari dito.

10 Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko sa bilangguan. Binabati rin kayo ni Marcos na pinsan ni Bernabe. Patungkol sa kaniya ay tumanggap na kayo ng mga tagubilin. Kaya pagdating niya diyan sa inyo ay tanggapin ninyo siya. 11 Binabati rin kayo ni Jesus na tinatawag na Justo. Sila ay mga nasa pagtutuli at sila lamang ang mga kamanggagawa ko para sa paghahari ng Diyos at sila ay kaaliwan sa akin. 12 Binabati rin kayo ni Epafras na isa sa inyo. Siya ay isang alipin ni Cristo na laging nananalangin ng mataimtim para sa inyo upang kayo ay maging ganap at lubos sa lahat ng kalooban ng Diyos. 13 Saksi ako sa kasigasigan niya para sa inyo at sa mga taga-Laodicea at sa mga taga-Hierapolis. 14 Binabati rin kayo ni Lucas na minamahal na manggagamot at gayundin ni Demas. 15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nasa Laodicea, gayundin si Nimfa at sa iglesyang nagtitipon sa kaniyang bahay.

16 Pagkabasa ng sulat na ito sa inyo, ipabasa rin ninyo sa iglesiya sa Laodicea upang mabasa rin ninyo ang sulat na galing sa mga taga-Laodicea.

17 Sabihin ninyo kay Arquipo: Tiyakin mong maganap ang gawain ng paglilingkod na tinanggap mo sa Panginoon.

18 Akong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito. Alalahanin ninyo ang aking mga tanikala. Ang biyaya ay sumainyo. Siya nawa!

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International