The Daily Audio Bible
17 At nangyari, nang tulutan ni Faraon na ang bayan ay yumaon, na hindi sila pinatnubayan ng Dios sa daang patungo sa lupain ng mga Filisteo, bagaman malapit; sapagka't sinabi ng Dios, (A)Baka sakaling ang bayan ay magsisi pagkakita ng pagbabaka, at magsipagbalik sa Egipto:
18 Kundi pinatnubayan ng Dios ang bayan sa (B)palibot, sa daang patungo sa ilang sa tabi ng Dagat na Mapula: at ang mga anak ni Israel ay sumampang nangakasakbat mula sa lupain ng Egipto.
19 At dinala ni Moises ang mga buto ni Jose: sapagka't kaniyang ipinanumpang mahigpit sa mga anak ni Israel, na sinasabi, (C)Tunay na dadalawin kayo ng Dios; at inyong isasampa ang aking mga buto mula rito na kasama ninyo.
20 (D)At sila'y naglakbay mula sa Succoth, at humantong sa Etham, sa hangganan ng ilang.
21 (E)At ang Panginoon ay nangunguna sa kanila sa araw, sa isang haliging ulap, upang patnubayan sila sa daan; at sa gabi, ay sa isang haliging apoy, upang tanglawan sila; upang sila'y makapaglakad sa araw at sa gabi.
22 Ang haliging ulap sa araw at ang haliging apoy sa gabi ay hindi humihiwalay sa harapan ng bayan.
Hinabol sila ni Faraon.
14 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, (F)na sila'y bumalik at humantong sa tapat ng (G)Pi-hahiroth, sa pagitan ng (H)Migdol at ng dagat, sa tapat ng Baalzephon: sa tapat niyaon hahantong kayo, sa tabi ng dagat.
3 At sasabihin ni Faraon tungkol sa mga anak ni Israel: Nangasisilo sila sa lupain, sila'y naliligid ng ilang.
4 (I)At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon, at kaniyang hahabulin sila (J)at kayo'y magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa lahat niyang hukbo; at (K)malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon. At kanilang ginawang gayon.
5 At nasabi sa hari sa Egipto, na ang bayan ay tumakas: at ang puso ni Faraon at ng kaniyang mga lingkod ay nagbago tungkol sa bayan, at kanilang sinabi, Ano itong ating ginawa, na ating pinayaon ang Israel, upang huwag na tayong mapaglingkuran?
6 At inihanda ni Faraon ang kaniyang karro, at kaniyang ipinagsama ang kaniyang bayan:
7 At siya'y nagdala ng (L)anim na raang piling karro, at lahat ng mga karro sa Egipto, at ng mga kapitan na namumuno sa lahat ng mga yaon.
8 At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon na hari sa Egipto, at hinabol niya ang mga anak ni Israel, (M)sapagka't ang mga anak ni Israel ay nagsialis na may lubos na pagkakatiwala.
9 (N)At hinabol sila ng mga Egipcio, ng lahat ng mga kabayo at ng karro ni Faraon, at ng kaniyang mga taong mangangabayo, at ng kaniyang hukbo, at inabutan sila noong nakahantong sa tabi ng dagat, na nasa siping ng Pi-hahirot, sa tapat ng Baal-zefon.
10 At nang si Faraon ay nalalapit, ay itiningin ng mga anak ni Israel ang kanilang mga mata, at, narito, ang mga Egipcio ay sumusunod sa kanila; at sila'y natakot na mainam: at ang mga anak ni Israel ay (O)humibik sa Panginoon.
11 (P)At kanilang sinabi kay Moises, Dahil ba sa walang libingan sa Egipto, kung kaya dinala mo kami rito upang mamatay sa ilang? bakit ka gumawa ng ganito sa amin, na inilabas mo kami sa Egipto?
12 (Q)Di ba ito ang sinalita namin sa iyo sa Egipto, na sinasabi, Pabayaan mo kami na makapaglingkod sa mga Egipcio? Sapagka't lalong mabuti sa amin ang maglingkod sa mga Egipcio kay sa kami ay mamatay sa ilang.
13 At sinabi ni Moises sa bayan, (R)Huwag kayong matakot, tumigil kayo, at tingnan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na gagawin sa inyo ngayon: sapagka't ang mga Egipcio na inyong nakikita ngayon, ay hindi na ninyo uli makikita magpakailan man.
14 (S)Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon, at kayo'y tatahimik.
15 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bakit humihibik ka sa akin? salitain mo sa mga anak ni Israel na sila'y magpatuloy na yumaon.
16 At (T)itaas mo ang iyong tungkod, at iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat, at hawiin mo; at ang mga anak ni Israel ay dadaan sa gitna ng dagat sa ibabaw ng lupang tuyo.
17 At ako, narito, aking papagmamatigasin ang puso ng mga Egipcio at susundan nila sila: at ako'y (U)magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa buo niyang hukbo, sa kaniyang mga karro, at sa kaniyang mga nangangabayo.
18 At malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon, pagka ako ay nakapagimbot ng karangalan kay Faraon, sa kaniyang mga karro, at sa kaniyang mga nangangabayo.
19 At ang anghel ng Dios (V)na nasa unahan ng kampamento ng Israel, ay humiwalay at napasa hulihan nila; at ang haliging ulap ay humiwalay sa harap nila at lumagay sa likod nila:
20 At lumagay sa pagitan ng kampamento ng Egipto at ng kampamento ng Israel; at mayroong ulap at kadiliman, gayon ma'y binigyan sila ng liwanag sa gabi at ang isa't isa ay hindi nagkalapit sa buong magdamag.
21 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat; at pinaghiwalay ng Panginoon ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silanganan ng buong magdamag, (W)at ang dagat ay pinapaging tuyong lupa (X)at ang tubig ay nahawi.
22 At ang mga anak ni Israel ay (Y)pumasok sa gitna ng dagat sa ibabaw ng tuyong lupa: at ang tubig ay naging isang kuta sa kanila, sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa.
Ang hukbo ng Egipcio ay nalunod.
23 At hinabol sila ng mga Egipcio, at nagsipasok na kasunod nila sa gitna ng dagat, lahat ng mga kabayo ni Faraon, ang kaniyang mga karro, at ang kaniyang mga nangangabayo.
24 At nangyari, sa (Z)pagbabantay sa kinaumagahan, na minasdan ng Panginoon ang hukbo ng mga Egipcio sa gitna ng haliging apoy at ulap, at niligalig ang hukbo ng mga Egipcio.
25 At inalisan ng gulong ang kanilang mga karro, na kanilang hinila ng buong hirap: na ano pa't sinabi ng mga Egipcio, Tumakas tayo sa harap ng Israel: (AA)sapagka't ipinakikipaglaban sila ng Panginoon sa mga Egipcio.
26 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dagat, upang ang tubig ay tumabon sa mga Egipcio, sa kanilang mga karro, at sa kanilang mga nangangabayo.
27 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dagat, at ang dagat ay nagsauli sa kaniyang dating lakas, nang umumaga; at ang mga Egipcio ay nagsitakas, (AB)at nilaginlin ng Panginoon ang mga Egipcio sa gitna ng dagat.
28 At (AC)ang tubig ay nagsauli, (AD)at tinakpan ang mga karro, at ang mga nangangabayo, sa makatuwid baga'y ang buong hukbo ni Faraon na pumasok na sumunod sa kanila sa dagat; walang natira kahit isa sa kanila.
29 Datapuwa't ang mga anak ni Israel ay lumakad sa tuyong lupa sa gitna ng dagat; at ang tubig sa kanila ay naging isang kuta sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa.
30 (AE)Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel ng araw na yaon sa kamay ng mga Egipcio; at nakita ng Israel ang mga Egipcio na mga patay sa tabi ng dagat.
31 At nakita ng Israel ang dakilang gawa, na (AF)ginawa ng Panginoon sa mga Egipcio, at ang bayan ay natakot sa Panginoon: at sila'y sumampalataya sa Panginoon at sa kaniyang lingkod na kay Moises.
Ang awit ni Moises at ni Miriam.
15 Nang magkagayo'y inawit ni (AG)Moises at ng mga anak ni Israel ang awit na ito sa Panginoon, at sinalita, na sinasabi,
Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati:
Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat.
2 Ang Panginoon ay aking lakas at (AH)awit,
At siya'y naging aking kaligtasan:
Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin.
Dios ng aking ama, at siya'y aking (AI)tatanghalin.
3 Ang Panginoo'y isang (AJ)mangdidigma:
Panginoon ang kaniyang pangalan.
4 Ang mga karro ni Faraon at ang kaniyang hukbo ay ibinulusok niya sa dagat;
At ang kaniyang mga piling kapitan ay ipinaglulubog sa Dagat na Mapula.
5 Ang mga kalaliman ang tumatabon sa kanila:
Sila'y lumubog sa mga kalaliman, na (AK)parang isang bato.
6 (AL)Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan.
Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway.
7 At sa kalakhan ng iyong (AM)karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo:
Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit, at nililipol silang parang (AN)dayami.
8 (AO)At sa hihip ng iyong ilong ay natitipon ang (AP)tubig,
Ang mga agos ay nagsilagay na parang isang bunton;
Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat.
9 Sinabi ng kaaway,
Aking hahabulin, aking aabutan, magbabahagi ako ng samsam,
Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila;
Aking bubunutin ang aking tabak, lilipulin sila ng aking kamay.
10 Ikaw ay nagpahihip ng iyong hangin, at tinabunan sila ng dagat.
Sila'y lumubog na parang tingga sa makapangyarihang tubig.
11 (AQ)Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios?
Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan,
Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?
12 Iyong iniunat ang iyong kanang kamay,
Nilamon sila ng lupa.
13 (AR)Iyong pinapatnubayan sa iyong awa ang bayan na iyong (AS)tinubos:
Sa iyong kalakasan ay iyong inihahatid sila (AT)sa banal mong tahanan.
14 (AU)Narinig ng mga bayan; at sila'y nanginig:
Mga sakit ang (AV)kumapit sa mga taga Filistia.
15 (AW)Nang magkagayo'y natulig (AX)ang mga pangulo sa Edom;
(AY)Sa matatapang sa Moab, ay panginginig ang sumasakanila:
Lahat ng taga Canaan ay nauubos.
16 Sindak at gulat ang (AZ)sumasakanila;
Sa kadakilaan ng iyong bisig ay nagiging walang kibo sila na (BA)parang bato;
Hanggang sa ang iyong bayan ay makaraan, Oh Panginoon,
Hanggang sa makaraan ang bayang ito (BB)na iyong kinamtan.
17 Sila'y iyong papapasukin, at (BC)sila'y iyong itatayo sa bundok na iyong pamana,
Sa dako, Oh Panginoon, na iyong ginawa sa iyo, upang iyong tahanan,
(BD)Sa santuario, Oh Panginoon, na itinatag ng iyong mga kamay.
18 (BE)Ang Panginoon ay maghahari magpakailan man.
23 At pagpasok niya sa templo, ay (A)nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan, samantalang siya'y nagtuturo, at nangagsabi, (B)Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? at sino ang sa iyo'y nagbigay ng kapamahalaang ito?
24 At sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Tatanungin ko rin naman kayo ng isang tanong, na kung inyong sasabihin sa akin, ay sasabihin ko naman sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
25 Ang bautismo ni Juan, saan baga nagmula? sa langit o sa mga tao? At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili, na nangagsasabi, Kung sabihin natin, Sa langit; sasabihin niya sa atin, Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan?
26 Datapuwa't kung sasabihin, Sa mga tao; nangatatakot tayo sa karamihan; (C)sapagka't kinikilala ng lahat na (D)propeta si Juan.
27 At sila'y nagsisagot kay Jesus, at sinabi, Hindi namin nalalaman. Kaniyang sinabi naman sa kanila, Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
28 Datapuwa't ano sa akala ninyo? Isang taong may dalawang anak; at lumapit siya sa una, at sinabi, Anak, pumaroon at gumawa ka ngayon sa ubasan.
29 At sinagot niya at sinabi, Ayaw ko: datapuwa't nagsisi siya pagkatapos, at naparoon.
30 At siya'y lumapit sa ikalawa, at gayon din ang sinabi. At sumagot siya at sinabi, Ginoo, ako'y paroroon: at hindi naparoon.
31 Alin baga sa dalawa ang gumanap ng kalooban ng kaniyang ama? Sinabi nila, Ang una. Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang mga (E)maniningil ng buwis at ang mga (F)patutot ay nangauuna sa inyo ng pagpasok sa kaharian ng Dios.
32 Sapagka't naparito si Juan sa inyo (G)sa daan ng katuwiran, at hindi ninyo siya pinaniwalaan; datapuwa't pinaniwalaan siya ng mga (H)maniningil ng buwis at ng mga patutot: at kayo, sa pagkakita ninyo nito, ay hindi man kayo nangagsisi pagkatapos, upang kayo'y magsipaniwala sa kaniya.
33 Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga: (I)May isang tao, na puno ng sangbahayan, na nagtanim ng isang ubasan, at binakuran niya ng mga buhay na punong kahoy sa palibot, at (J)humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain.
34 At nang malapit na ang panahon ng pamumunga, ay sinugo ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin ang kaniyang bunga.
35 At pinaghawakan ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin, at hinampas nila (K)ang isa, at (L)ang isa'y pinatay, at (M)ang isa'y binato.
36 Muling sinugo niya ang ibang mga alipin, na mahigit pa sa nangauna; at ginawa rin sa kanila ang gayon ding paraan.
37 Datapuwa't pagkatapos ay sinugo niya sa kanila ang kaniyang anak na lalake, na nagsasabi, Igagalang nila ang aking anak.
38 Datapuwa't nang makita ng mga magsasaka ang anak, ay nangagusapan sila, Ito (N)ang tagapagmana; (O)halikayo, siya'y ating patayin, at kunin natin ang kaniyang mana.
39 At siya'y hinawakan nila, at (P)itinaboy (Q)siya sa ubasan, at pinatay siya.
40 Pagdating nga ng panginoon ng ubasan, ano kaya ang gagawin sa mga magsasakang yaon?
41 Sinabi nila sa kaniya, Pupuksaing walang awa ang mga tampalasang yaon, (R)at ibibigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka, na sa kaniya'y mangagbibigay ng mga bunga sa kanilang kapanahunan.
42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan,
(S)Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali,
Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;
Ito'y mula sa Panginoon,
At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata?
43 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, (T)Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga.
44 At ang (U)mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog: datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay pangangalating gaya ng alabok.
45 At nang marinig ng mga pangulong saserdote at ng mga Fariseo ang kaniyang mga talinghaga, ay kanilang napaghalata na sila ang kaniyang pinagsasalitaan.
46 (V)At nang sila'y nagsisihanap ng paraang siya'y mahuli, ay (W)nangatakot sila sa karamihan, sapagka't ipinalalagay nito (X)na siya'y propeta.
Ang panalangin sa pagtangkakal. Awit ni David.
26 Iyong hatulan ako (A)Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad (B)sa aking pagtatapat:
Ako naman ay (C)tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay.
2 (D)Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako;
Subukin mo ang aking puso at ang aking isip.
3 Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata:
At ako'y lumakad sa iyong katotohanan.
4 (E)Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao;
Ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari.
5 Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan,
At hindi ako uupo na kaumpok ng masama.
6 (F)Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala;
Sa gayo'y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon:
7 Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat,
At maisaysay ang lahat na iyong (G)kagilagilalas na gawa.
8 Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay,
At ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.
9 Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan,
Ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao:
10 Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan,
At ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol.
11 Nguni't tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat:
Iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin.
12 Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako:
(H)Sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon.
16 May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon;
Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:
17 (A)Mga palalong mata, (B)sinungaling na dila,
(C)At mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;
18 (D)Puso na kumakatha ng mga masamang akala,
(E)Mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;
19 (F)Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan,
At ang (G)naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978