The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CEB. Switch to the CEB to read along with the audio.
Pakikipaglaban kay Amalec.
8 Nang magkagayo'y (A)dumating si Amalec, at nakipaglaban sa Israel sa Rephidim.
9 At sinabi ni Moises kay Josue, Ipili mo tayo ng mga lalake, at ikaw ay lumabas, lumaban ka kay Amalec; bukas ay tatayo ako sa taluktok ng burol, na aking tangan ang (B)tungkod ng Dios sa aking kamay.
10 Gayon ginawa ni Josue, gaya ng sinabi ni Moises sa kaniya, at lumaban kay Amalec: at si Moises, si Aaron at si Hur ay sumampa sa taluktok ng burol.
11 At nangyari, pagka itinataas ni Moises ang kaniyang kamay, ay nananaig ang Israel: at pagka kaniyang ibinababa ang kaniyang kamay, ay nananaig si Amalec.
12 Datapuwa't ang mga kamay ni Moises ay nangalay; at sila'y kumuha ng isang bato, at inilagay sa ibaba, at kaniyang inupuan; at inalalayan ni Aaron at ni Hur ang kaniyang mga kamay, ang isa'y sa isang dako, at ang isa'y sa kabilang dako; at ang kaniyang mga kamay ay nalagi sa itaas hanggang sa paglubog ng araw.
13 At nilito ni Josue si Amalec, at ang kaniyang bayan, sa pamamagitan ng talim ng tabak.
14 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ito na pinakaalaala sa isang aklat, at ipagbigay alam mo kay Josue (C)na aking ipalilimot ang pagalaala kay Amalec sa silong ng langit.
15 At nagtayo si Moises ng isang dambana, at pinanganlang Jehovanissi.[a]
16 At kaniyang sinabi, Isinumpa ng Panginoon: ang Panginoon ay makikipagdigma kay Amalec sa buong panahon ng lahi nito.
18 (D)Si Jethro nga, saserdote sa Madian, biyanan ni Moises, ay nakabalita ng lahat na ginawa ng Dios kay Moises, at sa Israel na kaniyang bayan, kung paanong inilabas ng Panginoon ang Israel sa Egipto.
2 At ipinagsama ni Jethro, na biyanan ni Moises, si Sephora na asawa ni Moises, (E)pagkatapos na kaniyang maipadala sa kanilang ama,
3 At ang dalawa niyang anak na lalake: (F)na ang pangalan ng isa'y Gersom; sapagka't sinabi ni Moises, Ako'y nakipamayan sa ibang bayan.
4 At ang pangalan ng isa'y Elieser;[b] sapagka't kaniyang sinabi, Ang Dios ng aking ama'y naging aking saklolo, at ako'y iniligtas sa tabak ni Faraon;
5 At si Jethro, na biyanan ni Moises, ay dumating, na kasama ang kaniyang mga anak at ang kaniyang asawa, kay Moises sa ilang na kaniyang hinantungan sa (G)tabi ng bundok ng Dios:
6 At kaniyang ipinasabi kay Moises, Akong iyong biyanang si Jethro ay naparito sa iyo, at ang iyong asawa, at ang kaniyang dalawang anak na kasama niya.
7 At si Moises ay lumabas na sinalubong ang kaniyang biyanan, at kaniyang niyukuran (H)at hinalikan. At sila'y nagtanungang isa't isa ng kanilang kalagayan; at sila'y pumasok sa tolda.
8 At isinaysay ni Moises sa kaniyang biyanan ang lahat ng ginawa ng Panginoon kay Faraon at sa mga Egipcio dahil sa Israel, ang buong hirap na kanilang naranasan sa daan, at kung paanong iniligtas ng Panginoon sila.
9 At ikinagalak ni Jethro ang buong kabutihang ginawa ng Panginoon sa Israel, na iniligtas sila sa kamay ng mga Egipcio.
10 At sinabi ni Jethro, (I)Purihin ang Panginoon, na nagligtas sa inyo, sa kamay ng mga Egipcio, at sa kamay ni Faraon; na siyang nagligtas sa bayan sa kamay ng mga Egipcio.
11 Ngayo'y aking natatalastas na ang Panginoon ay lalong dakila kay sa lahat ng mga dios: (J)oo, sa bagay na (K)ipinagpalalo ng mga Egipcio laban sa mga Hebreo.
12 At si Jethro, na biyanan ni Moises, ay kumuha ng handog na susunugin at mga hain para sa Dios: at si Aaron ay naparoon, at ang lahat ng mga matanda sa Israel, upang kumain ng tinapay na kasalo ng biyanan ni Moises (L)sa harap ng Dios.
Pinaalalahanan ni Jethro si Moises na maglagay ng mga hukom na katulong niya.
13 At nangyari kinabukasan, na lumuklok si Moises upang hatulan ang bayan: at ang bayan ay tumayo sa palibot ni Moises mula sa umaga hanggang sa hapon.
14 At nang makita ng biyanan ni Moises ang lahat ng kaniyang ginagawa sa bayan, ay nagsabi, Anong bagay itong ginagawa mo sa bayan? bakit nauupo kang magisa, at ang buong bayan ay nakatayo sa palibot mo mula sa umaga hanggang sa hapon?
15 At sinabi ni Moises sa kaniyang biyanan, Sapagka't (M)ang bayan ay lumalapit sa akin, upang sumangguni sa Dios.
16 Pagka sila'y may (N)usap ay lumapit sa akin; at aking hinahatulang isa't isa, (O)at aking ipinakikilala sa kanila ang mga palatuntunan ng Dios, at ang kaniyang mga kautusan.
17 At sinabi ng biyanan ni Moises sa kaniya, Ang bagay na iyong ginagawa ay hindi mabuti.
18 Tunay na ikaw ay manghihina, ikaw at ang bayang ito, na nasa iyo: sapagka't ang bagay ay totoong mabigat sa iyo; (P)hindi mo makakayang magisa.
19 Dinggin mo ngayon ang aking tinig; papayuhan kita, at sumaiyo nawa ang Dios: (Q)ikaw ang maging tagapagakay sa bayan sa harap ng Dios, (R)at dalhin mo ang mga usap sa Dios:
20 At ituturo mo sa kanila ang mga palatuntunan, at ang mga kautusan, at ipakikilala mo sa kanila ang (S)daang nararapat lakaran, at ang gawang kanilang nararapat gawin.
21 Bukod dito'y hahanap ka sa buong bayan ng (T)mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, (U)na mga taong mapagpatotoo, na mga napopoot sa kasakiman; at siyang mga ilagay mo sa kanila, na magpuno sa mga lilibuhin, magpuno sa mga dadaanin, magpuno sa mga lilimangpuin, at magpuno sa mga sasangpuin:
22 At pahatulan mo sa kanila ang bayan sa buong panahon: (V)at mangyayari, na bawa't malaking usap ay dadalhin nila sa iyo, datapuwa't bawa't munting usap, ay silasila ang maghahatulan: sa ganyan ay magiging magaan sa iyo, (W)at magpapasan silang katulong mo.
23 Kung gagawin mo ang bagay na ito, at iuutos sa iyong ganyan ng Dios ay iyo ngang mababata, at ang buong bayan namang ito ay uuwing (X)payapa.
24 Sa gayon, ay dininig ni Moises ang kaniyang biyanan, at ginawang lahat yaong sinabi.
25 At (Y)pumili si Moises ng mga lalaking bihasa sa buong Israel, at ginawa niyang pangulo sa bayan, na mga puno ng lilibuhin, mga puno ng dadaanin, mga puno ng lilimangpuin, at mga puno ng sasangpuin.
26 At kanilang hinatulan ang bayan sa buong panahon: ang mabibigat na usap ay kanilang dinadala kay Moises, datapuwa't bawa't munting usap ay silasila ang naghahatulan.
27 At tinulutan ni Moises ang kaniyang biyanan na magpaalam at (Z)siya'y umuwi sa sariling lupain.
Ang Israel sa Sinai. Si Moises ay tinawag ng Panginoon sa bundok.
19 Sa ikatlong buwan, pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay makaalis sa lupain ng Egipto, ay (AA)dumating sila ng araw ding yaon sa ilang ng Sinai.
2 At nang sila'y umalis sa (AB)Rephidim, at dumating sa ilang ng Sinai, ay humantong sila sa ilang; at doo'y humantong ang Israel (AC)sa harap ng bundok.
3 At si Moises ay lumapit sa Dios, (AD)at tinawag ng Panginoon siya mula sa bundok, na sinasabi, Ganito mo sasabihin sa sangbahayan ni Jacob, at sasaysayin sa mga anak ni Israel.
4 Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio, (AE)at kung paanong dinala ko kayo sa mga pakpak ng agila, at kayo'y inilapit ko sa akin din.
5 (AF)Kaya't ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, (AG)ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka't ang buong lupa ay akin;
6 At kayo'y magiging isang (AH)kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang (AI)banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel.
7 At dumating si Moises at tinawag ang mga matanda sa bayan, at ipinahayag sa harap nila ang lahat ng salitang ito na iniutos ng Panginoon sa kaniya.
8 At (AJ)ang buong bayan ay sumagot na magkakaisa, at nagsabi, Yaong lahat na sinalita ng Panginoon ay aming gagawin. At ipinagbigay alam ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon.
9 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito (AK)ako'y naparirito sa iyo sa isang salimuot na ulap upang marinig ng bayan pagka ako'y magsasalita sa iyo, at paniwalaan ka rin naman nila magpakailan man. At sinalita ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon.
10 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pumaroon ka sa bayan at papagbanalin mo sila ngayon at bukas (AL)at labhan nila ang kanilang mga damit,
11 At humanda sa ikatlong araw: (AM)sapagka't sa ikatlong araw ay bababa ang Panginoon sa paningin ng buong bayan sa ibabaw ng bundok ng Sinai.
12 At lalagyan mo ng mga hangganan ang bayan sa palibot, na iyong sasabihin, Magingat kayo, na kayo'y huwag sumampa sa bundok, o sumalang sa hangganan: (AN)sinomang sumalang sa bundok ay papatayin na walang pagsala:
13 Walang kamay na hihipo sa kaniya, kundi, siya'y tunay na babatuhin, o papanain; maging hayop o tao ay hindi mabubuhay: pagka ang pakakak ay tumunog ng maluwat ay sasampa sila sa bundok.
14 At (AO)bumaba si Moises sa bayan mula sa bundok, at pinakabanal ang bayan, at sila'y naglaba ng kanilang mga damit.
15 At kaniyang sinabi sa bayan, (AP)humanda kayo sa ikatlong araw; huwag kayong sumiping sa babae.
34 Datapuwa't nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo, ay nangagkatipon sila.
35 At isa sa kanila, na (A)tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya'y tuksuhin:
36 Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?
37 At sinabi sa kaniya, (B)Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.
38 Ito ang dakila at pangunang utos.
39 At ang pangalawang katulad ay ito, (C)Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
40 Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
41 Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni (D)Jesus ng isang tanong,
42 Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, (E)kay David.
43 Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi,
44 Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
(F)Maupo ka sa aking kanan,
Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?
45 Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak?
46 At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, (G)ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong.
23 Nang magkagayo'y (H)nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad,
2 Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo (I)sa luklukan ni Moises.
3 Lahat nga ng mga bagay na sa inyo'y kanilang ipagutos, ay gawin ninyo at ganapin: datapuwa't huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka't kanilang sinasabi, at hindi ginagawa.
4 Oo, sila'y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan (J)at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao; datapuwa't ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri.
5 Datapuwa't ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa (K)upang mangakita ng mga tao: sapagka't nangagpapalapad sila ng kanilang mga (L)pilakteria, at nangagpapalapad ng mga (M)laylayan ng kanilang mga damit,
6 At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ang mga pangulong luklukan sa mga sinagoga,
7 At pagpugayan sa mga pamilihan, at ang sila'y tawagin ng mga tao, Rabi.
8 Datapuwa't kayo'y huwag patawag na Rabi: sapagka't iisa ang inyong (N)guro, at kayong lahat ay magkakapatid.
9 At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: (O)sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit.
10 Ni huwag kayong patawag na mga panginoon; sapagka't iisa ang inyong panginoon, sa makatuwid baga'y ang Cristo.
11 Datapuwa't (P)ang pinakadakila sa inyo ay magiging (Q)lingkod ninyo.
12 At sinomang nagmamataas (R)ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas.
7 Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig:
Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako.
8 Nang iyong sabihin, (A)Hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo,
Ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko.
9 (B)Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit:
Ikaw ay naging aking saklolo;
Huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, (C)Oh Dios ng aking kaligtasan.
10 (D)Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina,
Gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon.
11 (E)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon:
At patnubayan mo ako sa patag na landas,
Dahil sa aking mga kaaway.
12 Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway:
Sapagka't mga sinungaling na saksi ay (F)nagsibangon laban sa akin,
At ang (G)nagsisihinga ng kabagsikan.
13 Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon.
(H)Sa lupain ng may buhay.
14 (I)Magantay ka sa Panginoon:
Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso;
Oo, umasa ka sa Panginoon.
27 Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan,
At hindi masusunog ang kaniyang mga suot?
28 O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga,
At ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso?
29 Gayon ang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa;
Sinomang humipo ay hindi maaaring di parusahan.
30 Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya'y nagnanakaw,
Upang busugin siya pagka siya'y gutom:
31 Nguni't kung siya'y masumpungan, (A)isasauli niyang makapito;
Kaniyang ibibigay ang lahat na laman ng kaniyang bahay.
32 Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay (B)walang bait:
Ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa.
33 Mga sugat at kasiraang puri ang tatamuhin niya;
At ang kaniyang kapintasan ay hindi mapapawi.
34 Sapagka't ang paninibugho ay pagiinit ng tao;
At hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti.
35 Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos;
Ni magpapahinga man siyang tuwa, bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978