The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NET. Switch to the NET to read along with the audio.
Nabalitaan ni David ang pagbabaka sa Gilboa.
1 At nangyari, pagkamatay ni Saul, nang magbalik si David na mula sa (A)pagpatay sa mga Amalecita, at tumahan si David na dalawang araw sa Siclag;
2 Ay nangyari, sa ikatlong araw, na narito, ang isang lalake ay lumabas sa kampamento na mula kay Saul na (B)hapak ang kaniyang suot, at (C)may lupa ang kaniyang ulo: at nagkagayon, na nang dumating siya kay David, ay nagpatirapa at nagbigay galang.
3 At sinabi ni David sa kaniya, Saan ka nanggaling? At kaniyang sinabi sa kaniya, Sa kampamento ng Israel ay tumakas ako.
4 At sinabi ni David sa kaniya, Ano ang nangyari? isinasamo ko sa iyo na iyong saysayin sa akin. At siya'y sumagot: Ang bayan ay tumakas sa pakikipagbaka, at karamihan sa bayan naman ay nangabuwal at nangamatay; at si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay nangamatay rin.
5 At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya: Paanong nalalaman mo na si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay patay?
6 At sinabi sa kaniya ng binatang nagsaysay, Sa isang pagkakataon ay napasa bundok ako ng Gilboa, narito, si (D)Saul ay nagpakabuwal sa kaniyang sibat; at, narito, hinahabol siyang mainam ng mga karo at ng mga mangangabayo.
7 At nang siya'y lumingon, kaniyang nakita ako, at tinawag niya ako, at ako'y sumagot: Narito ako.
8 At sinabi niya sa akin, Sino ka? At ako'y sumagot sa kaniya, Ako'y isang Amalecita.
9 At kaniyang sinabi uli sa akin, Tumayo ka sa siping ko, isinasamo ko sa iyo, at patayin mo ako, dahil sa dinatnan ako ng panglulumo; sapagka't ang aking buhay ay lubos ko pang taglay.
10 Sa gayo'y tumayo ako sa siping niya, at aking pinatay siya, sapagka't talastas ko na siya'y hindi mabubuhay pagkatapos na siya'y nabuwal: at aking kinuha ang putong na nasa kaniyang ulo, at ang pulsera na nasa kaniyang kamay, at aking dinala rito sa aking panginoon.
11 Nang magkagayo'y tinangnan ni David ang kaniyang mga suot at pinaghapak; at gayon din ang ginawa ng lahat na lalake na kasama niya:
12 At sila'y tumangis, at umiyak, at nagayuno hanggang sa paglubog ng araw, dahil kay Saul, at dahil kay Jonathan na kaniyang anak, at dahil sa bayan ng Panginoon, at dahil sa sangbahayan ng Israel; sapagka't sila'y nangabuwal sa pamamagitan ng tabak.
13 At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya, Taga saan ka? At siya'y sumagot: Ako'y anak ng isang taga ibang lupa, na Amalecita.
14 At sinabi ni David sa kaniya, Bakit hindi ka (E)natakot na (F)iunat mo ang iyong kamay na patayin ang (G)pinahiran ng langis ng Panginoon?
15 At tinawag ni David ang isa sa mga bataan, at sinabi, Lumapit ka, at daluhungin mo siya. At kaniyang sinaktan siya, na anopa't namatay.
16 At sinabi ni David sa kaniya, (H)Ang iyong dugo ay sumaiyong ulo; sapagka't ang (I)iyong bibig ang sumaksi laban sa iyo, na nagsasabi, Aking pinatay ang pinahiran ng langis ng Panginoon.
Ang panaghoy ni David kay Saul at kay Jonathan.
17 At (J)tinaghuyan ni David ng ganitong panaghoy si Saul at si Jonathan na kaniyang anak:
18 (At kaniyang ipinaturo sa mga anak ni Juda ang awit sa pamamana (K)narito, nasusulat sa aklat ni Jaser):
19 Ang iyong kaluwalhatian, Oh Israel, ay napatay sa iyong matataas na dako!
Ano't nangabuwal ang mga makapangyarihan!
20 (L)Huwag ninyong saysayin sa Gath,
Huwag ninyong ihayag sa mga lansangan ng Ascalon;
(M)Baka ang mga anak na babae ng mga Filisteo ay mangagalak,
Baka ang mga anak na babae ng mga hindi tuli ay magtagumpay.
21 Kayong mga bundok ng Gilboa,
Huwag magkaroon ng hamog, o ulan man sa inyo, kahit mga bukid na mga handog:
Sapagka't diyan ang kalasag ng makapangyarihan ay nahagis ng kahalayhalay.
Ang kalasag ni Saul, na parang isa, na hindi (N)pinahiran ng langis.
22 Sa dugo ng pinatay, sa taba ng makapangyarihan,
Ang (O)busog ni Jonathan ay hindi umurong,
At ang tabak ni Saul ay hindi nagbalik na walang dala.
23 Si Saul at si Jonathan ay nagibigan at nagmagandahang-loob sa kanilang kabuhayan.
At sa kanilang kamatayan sila'y hindi naghiwalay;
(P)Sila'y lalong maliliksi kay sa mga agila,
(Q)Sila'y lalong malalakas kay sa mga leon.
24 Kayong mga anak na babae ng Israel, iyakan ninyo si Saul,
Na siyang sa inyo'y maselang na nagbihis ng escarlata,
Na siyang naggayak ng ginto sa inyong mga kasuutan.
25 Ano't nangabuwal ang mga makapangyarihan sa gitna ng pagbabaka!
Oh Jonathan, napatay ka sa iyong matataas na dako.
26 Ako'y namanglaw dahil sa iyo, kapatid kong Jonathan:
Naging totoong kalugodlugod ka sa akin;
Ang iyong pag-ibig sa akin ay (R)kagilagilalas,
Na humihigit sa pagsinta ng mga babae.
27 Ano't nangabuwal ang mga makapangyarihan,
At nangalipol ang mga sandata na pandigma!
Si David ay ginawang hari sa Juda.
2 At nangyari, pagkatapos nito, na nagusisa si David sa Panginoon, na nagsasabi, Aahon ba ako sa alinman sa mga bayan ng Juda? At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Umahon ka. At sinabi ni David, Saan ako aahon? At kaniyang sinabi, Sa Hebron.
2 Sa gayo'y umahon si David doon, at pati ng kaniyang (S)dalawang asawa, si Ahinoam na taga Jezreel, at si Abigail na asawa ni Nabal, na taga Carmelo.
3 (T)At ang kaniyang mga lalake na kasama niya ay iniahon ni David bawa't lalake na kasama ang kanikaniyang sangbahayan: at sila'y nagsitahan sa mga bayan ng Hebron.
4 At (U)nagsiparoon ang mga lalake ng Juda, at kanilang pinahiran ng langis doon si David upang maging hari sa sangbahayan ng Juda. At kanilang isinaysay kay David, na sinasabi, (V)Ang mga lalake sa Jabes-galaad ay siyang naglibing kay Saul.
5 At nagsugo ng mga sugo si David sa mga lalake sa Jabes-galaad, at sinabi sa kanila, (W)Pagpalain nawa kayo ng Panginoon, na kayo'y nagpakita ng kagandahang loob na ito sa inyong panginoon, sa makatuwid baga'y kay Saul, at inyong inilibing siya.
6 (X)At ngayon nawa'y pagpakitaan kayo ng Panginoon ng kagandahang loob at katotohanan: at ako naman ay gaganti sa inyo nitong kagandahang loob, sapagka't inyong ginawa ang bagay na ito.
7 Ngayon nga, magsilakas nawa ang inyong mga kamay, at kayo nawa'y maging matatapang: sapagka't patay na si Saul na inyong panginoon, at pinahiran ng langis naman ako ng sangbahayan ni Juda upang maging hari sa kanila.
Si Is-boseth ay hari sa Israel.
8 (Y)Kinuha nga ni Abner na anak ni Ner na kapitan sa hukbo ni Saul, si (Z)Is-boseth na anak ni Saul, at inilipat sa Mahanaim;
9 At kaniyang ginawa siyang hari sa Galaad, at sa mga Asureo, at sa Jezreel, at sa Ephraim, at sa Benjamin, at sa buong Israel.
10 Si Is-boseth na anak ni Saul ay may apat na pung taon nang siya'y magpasimulang maghari sa Israel, at siya'y naghari na dalawang taon. Nguni't ang sangbahayan ni Juda ay sumunod kay David.
11 At ang panahon na ipinaghari ni David sa Hebron sa sangbahayan ni Juda ay pitong taon at anim na buwan.
20 Mayroon (A)ngang ilang (B)Griego sa (C)nagsiahon sa kapistahan upang magsisamba:
21 Ang mga ito nga'y nagsilapit kay (D)Felipe, na taga Betsaida ng Galilea, at nagsipamanhik sa kaniya, na sinasabi, Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus.
22 Lumapit si Felipe at sinabi kay Andres: lumapit si Andres, at si Felipe, at kanilang sinabi kay Jesus.
23 At sinagot sila ni Jesus, na nagsasabi, Dumating na (E)ang oras, na ang Anak ng tao ay luluwalhatiin.
24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (F)Maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ay natitira siyang magiisa; nguni't kung mamatay, ay nagbubunga ng marami.
25 Ang umiibig sa (G)kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang (H)napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan.
26 Kung ang sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at (I)kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao'y maglingkod sa akin, ay siya'y pararangalan ng Ama.
27 Ngayon ay (J)nagugulumihanan ang aking kaluluwa; at ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako sa oras na ito. Nguni't dahil dito ay naparito ako sa oras na ito.
28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan. (K)Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin.
29 Ang karamihan ngang nangaroroon, at nangakarinig, ay nagsipagsabing kumulog: sinabi ng mga iba, Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya.
30 Sumagot si Jesus at sinabi, (L)Ang tinig na ito'y hindi dumating dahil sa akin, kundi dahil sa inyo.
31 Ngayon (M)ang paghatol sa sanglibutang ito: ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin.
32 At ako, kung ako'y mataas na (N)mula sa lupa, (O)ang lahat ng mga tao ay palalapitin ko sa akin din.
33 Datapuwa't (P)ito'y sinabi niya, na ipinaaalam kung sa anong kamatayan ang ikamamatay niya.
34 Sinagot nga siya ng karamihan, Aming narinig sa (Q)kautusan (R)na ang Cristo ay lumalagi magpakailan man: at paanong sinasabi mo, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay mataas? sino ang Anak ng taong ito?
35 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Kaunting panahon na lamang (S)sasagitna ninyo ang ilaw. (T)Kayo'y magsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng kadiliman: at (U)ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.
36 Samantalang nasa inyo ang ilaw, ay magsisampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw.
Ang mga bagay na ito'y sinalita ni Jesus, at (V)siya'y umalis at nagtago sa kanila.
37 Nguni't bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma'y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya:
38 Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita,
(W)Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?
At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?
39 Dahil dito'y hindi sila makapaniwala, sapagka't muling sinabi ni Isaias,
40 Binulag niya ang kanilang mga mata, (X)at pinatigas niya ang kanilang mga puso;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakaunawa ng kanilang puso
At mangagbalik-loob,
At sila'y mapagaling ko.
41 Ang mga bagay na ito'y sinabi ni Isaias, (Y)sapagka't nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian; at siya'y nagsalita ng tungkol sa kaniya.
42 Gayon man (Z)maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya; datapuwa't (AA)dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag, baka sila'y mapalayas sa sinagoga:
43 Sapagka't iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios.
44 At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin.
45 At (AB)ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.
46 Ako'y (AC)naparito na isang ilaw sa sanglibutan, upang ang sinomang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman.
47 At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, (AD)ay hindi ko siya hinahatulan: (AE)sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan.
48 Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: (AF)ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol (AG)sa huling araw.
49 Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, (AH)kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.
50 At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita.
19 (A)Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
Aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon;
(B)Papasukan ng matuwid.
21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22 (C)Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay
Ay naging pangulo sa sulok.
23 Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon:
Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
26 (D)Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon:
Aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
27 Ang Panginoon ay Dios, at (E)binigyan niya kami ng liwanag;
Talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila (F)sungay ng dambana.
28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo:
Ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
29 (G)Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
27 Siyang sakim sa pakinabang ay bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan:
Nguni't siyang nagtatanim sa mga suhol ay mabubuhay.
28 Ang puso ng matuwid ay (A)nagbubulay ng isasagot:
Nguni't ang bibig ng masama ay nagbubugso ng mga masamang bagay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978