Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Samuel 15:23-16

23 At ang buong lupain ay umiyak ng malakas, at ang buong bayan ay tumawid: ang hari man ay tumawid din sa (A)batis ng Cedron, at ang buong bayan ay tumawid, sa daan ng (B)ilang.

Si Sadoc, Abiathar, at si Husai ay pinabalik.

24 At, narito, pati si (C)Sadoc at ang lahat na Levita na kasama niya, na may dala ng kaban ng tipan ng Dios; at kanilang inilapag ang kaban ng Dios, at sumampa si (D)Abiathar, hanggang sa ang buong bayan ay nakalabas sa bayan.

25 At sinabi ng hari kay Sadoc, Ibalik mo ang kaban ng Dios sa bayan: kung ako'y makakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon, kaniyang ibabalik (E)ako at ipakikita sa akin ang kaban at gayon din ang (F)kaniyang tahanan.

26 Nguni't kung sabihin niyang ganito, Hindi kita (G)kinalulugdan; narito, ako'y nandito, gawin niya; sa akin ang inaakala niyang mabuti.

27 Sinabi rin ng hari kay Sadoc na saserdote, Hindi ka ba (H)tagakita? bumalik kang payapa sa bayan, at ang (I)iyong dalawang anak na kasama ninyo, si Ahimaas na iyong anak, at si Jonathan na anak ni Abiathar.

28 Tingnan mo, ako'y maghihintay (J)sa mga tawiran sa ilang, hanggang sa may dumating na salita na mula sa inyo na magpatotoo sa akin.

29 Dinala nga uli sa Jerusalem ni Sadoc at ni Abiathar ang kaban ng Dios: at sila'y nagsitahan doon.

30 At umahon si David sa ahunan sa bundok ng mga Olibo, at umiiyak habang siya'y umaahon; (K)at ang kaniyang ulo ay may takip, at lumalakad siya na (L)walang suot ang paa; at ang buong bayan na kasama niya ay may takip ang ulo ng bawa't isa, at sila'y nagsisiahon, na nagsisiiyak habang sila'y nagsisiahon.

31 At isinaysay ng isa kay David na sinasabi, Si Achitophel ay nasa nanganghihimagsik na kasama ni Absalom. At sinabi ni (M)David, Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na iyong gawing kamangmangan ang payo ni Achitophel.

32 At nangyari na nang si David ay dumating sa taluktok ng bundok, na doon sinasamba ang Dios, narito, si Husai na (N)Arachita ay sumalubong sa kaniya, na ang kaniyang suot ay (O)hapak, at may lupa sa kaniyang ulo:

33 At sinabi ni David sa kaniya, Kung ikaw ay magpatuloy na kasama ko ay (P)magiging isang pasan ka nga sa akin.

34 Nguni't kung ikaw ay bumalik sa bayan, at sabihin mo kay Absalom, (Q)Ako'y magiging iyong lingkod, Oh hari; kung paanong ako'y naging lingkod ng iyong ama nang panahong nakaraan, ay gayon magiging lingkod mo ako ngayon: kung magkagayo'y iyo ngang masasansala ang payo ni Achitophel sa ikabubuti ko.

35 At hindi ba kasama mo roon si Sadoc at si Abiathar na mga saserdote? kaya't mangyayari, na anomang bagay ang iyong marinig sa sangbahayan ng hari, iyong (R)sasaysayin kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote.

36 Narito (S)nasa kanila roon ang kanilang dalawang anak, si Ahimaas na anak ni Sadoc, at si Jonathan na anak ni Abiathar; at sa pamamagitan nila ay inyong maipadadala sa akin ang bawa't bagay na inyong maririnig.

37 Sa gayo'y si Husai na (T)kaibigan ni David ay pumasok sa bayan; at si Absalom ay pumasok sa Jerusalem.

Ang pagbubulaan ni Siba tungkol kay Mephiboseth.

16 At nang si (U)David ay makaraan sa dako pa noon ng kaunti ng taluktok ng bundok, narito, si (V)Siba na lingkod ni Mephiboseth ay sumalubong sa kaniya, na may handang isang tuwang na asno, at sa ibabaw ng mga yaon ay dalawang daang tinapay, at isang daang (W)kumpol na pasas, at isang daang bunga sa taginit, at isang sisidlang balat ng alak.

At sinabi ng hari kay Siba, Ano ang iyong ibig sabihin sa mga ito? At sinabi ni Siba, Ang mga asno ay upang sakyan ng sangbahayan ng hari; at ang tinapay at ang bunga sa taginit ay upang mangakain ng mga binata; at ang alak ay upang mainom ng (X)nangapapagod sa ilang.

At sinabi ng hari, At nasaan ang anak ng iyong panginoon? At sinabi ni (Y)Siba sa hari, Narito, siya'y tumatahan sa Jerusalem; sapagka't kaniyang sinabi, Ngayo'y ibabalik sa akin ang sangbahayan ng Israel, ang kaharian ng aking ama.

Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Siba, Narito, iyo ang buong nauukol kay Mephiboseth. At sinabi ni Siba, Ako'y yumuyukod; makasumpong nawa ako ng biyaya sa paningin mo, panginoon ko, Oh hari.

At nang dumarating ang hari sa (Z)Bahurim, narito, lumalabas na mula roo'y isang lalake sa angkan ng sangbahayan ni Saul, na ang pangala'y (AA)Semei, na anak ni Gera: siya'y lumalabas, at manunumpa habang siya'y lumalabas.

At kaniyang hinagis ng mga bato si David, at ang lahat ng lingkod ng haring si David: at ang buong bayan, at ang lahat na malalakas na lalake ay nasa kaniyang kanan, at sa kaniyang kaliwa.

At ganito ang sinabi ni Semei nang siya'y nanunumpa, Lumayas ka, lumayas ka, ikaw na lalaking mabagsik, at hamak na lalake:

(AB)Ibinalik sa iyo ng Panginoon ang buong (AC)dugo ng sangbahayan ni Saul na siya mong hinalinhan ng pagkahari; at ibinigay ng Panginoon ang kaharian sa kamay ni Absalom na iyong anak: at, narito, ikaw ay nasa iyong sariling kasamaan, sapagka't ikaw ay lalaking mabagsik.

Kabutihan ni David kay Semei.

Nang magkagayo'y sinabi ni Abisai na anak ni Sarvia sa hari, Bakit (AD)susumpain nitong asong patay ang aking panginoon na hari? payaunin mo ako, isinasamo ko sa iyo, at pugutin ang kaniyang ulo.

10 At sinabi ng hari, (AE)Anong ipakikialam ko sa inyo, kayong mga (AF)anak ni Sarvia? Sapagka't siya'y nanunumpa, at sapagka't sinabi ng Panginoon sa kaniya, Sumpain mo si David, sino nga ang magsasabi, Bakit ka gumawa ng ganyan?

11 At sinabi ni David kay Abisai, at sa lahat niyang mga lingkod, Narito, ang anak ko, na lumabas sa aking tiyan, siyang humahanap ng aking buhay: gaano pa nga kaya ang gagawin ngayon ng Benjamitang ito? bayaan ninyo siya at manumpa siya: sapagka't iniutos ng Panginoon sa kaniya.

12 (AG)Marahil ay titingnan ng Panginoon ang kasamaang ginagawa sa akin, at gagawan ako ng mabuti ng Panginoon sa sumpa niya sa akin sa araw na ito.

13 Sa gayo'y nagpatuloy ng lakad si David at ang kaniyang mga lalake: at si Semei ay yumaon sa tagiliran ng bundok sa tapat niya, at sumusumpa habang siya'y yumayaon, at hinahagis ng bato siya, at nananaboy ng alabok.

14 At ang hari at ang buong bayan na nasa kaniya ay nagsidating na pagod; at siya'y nagpahinga roon.

Pumanig si Husai kay Absalom.

15 At si (AH)Absalom at ang buong bayan, na mga lalake ng Israel, ay nagsidating sa Jerusalem at si Achitophel na kasama niya.

16 At nangyari, nang si Husai na (AI)Arachita, na kaibigan ni David, ay dumating kay Absalom, na sinabi ni Husai kay Absalom, (AJ)Mabuhay ang hari, mabuhay ang hari.

17 At sinabi ni Absalom kay Husai, Ito ba ang iyong kagandahang loob sa iyong kaibigan? (AK)bakit hindi ka sumama sa iyong kaibigan?

18 At sinabi ni Husai kay Absalom, Hindi; kundi kung sinong piliin ng Panginoon, at ng bayang ito, at ng lahat na lalake sa Israel, doroon ako, at sa kasamahan noon tatahan ako.

19 At saka, (AL)kanino ako maglilingkod? hindi ba sa harap ng kaniyang anak? kung paanong ako'y naglingkod sa harap ng iyong ama, ay magiging gayon ako sa iyong harap.

20 Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom kay Achitophel, Magbigay payo kayo kung ano ang ating gagawin.

21 At sinabi ni Achitophel kay Absalom, (AM)Sipingan mo ang mga babae ng iyong ama, na kaniyang iniwan na magsipagingat ng bahay; at mababalitaan ng buong Israel na ikaw ay makayayamot sa iyong ama: kung magkagayo'y lalakas ang (AN)mga kamay ng lahat na nasa iyo.

22 Sa gayo'y kanilang ipinagladlad si Absalom ng isang tolda sa bubungan ng bahay; at sinipingan ni Absalom ang mga babae ng kaniyang ama (AO)sa paningin ng buong Israel.

23 At ang payo ni Achitophel, na kaniyang ipinapayo sa mga araw na yaon, ay gaya ng kung ang isang lalake ay nagsisiyasat sa salita ng Dios: (AP)gayong lahat ang payo ni Achitophel kay David at gayon din kay Absalom.

Juan 18:25-19:22

25 Nakatayo nga si Pedro na nagpapainit. (A)Sinabi nga nila sa kaniya, Ikaw baga ay isa rin naman sa kaniyang mga alagad? Siya'y kumaila, at sinabi, Ako'y hindi.

26 Ang isa sa mga alipin ng dakilang saserdote, na kamaganak (B)niyaong tinagpas ni Pedro ang tainga, ay nagsabi, Hindi baga ikaw ay nakita kong kasama niya sa halamanan?

27 Muli ngang kumaila si Pedro: at (C)pagdaka'y tumilaok ang manok.

28 Dinala nga nila si Jesus mula kay Caifas hanggang sa Pretorio: at niyao'y maaga pa; (D)at sila'y hindi nagsipasok sa Pretorio, upang huwag silang madungisan, (E)upang sila'y mangyaring makakain ng kordero ng paskua.

29 (F)Nilabas nga sila ni Pilato, at sinabi, Anong sakdal ang dala ninyo laban sa taong ito?

30 Sila'y nagsisagot at sinabi sa kaniya, Kung ang taong ito'y hindi manggagawa ng masama, ay hindi sana namin dinala sa iyo.

31 Sa kanila nga'y sinabi ni Pilato, Kunin ninyo siya, at siya'y inyong hatulan ayon sa inyong kautusan. Ang mga Judio'y nangagsabi sa kaniya, Sa amin ay hindi naaayon sa kautusan na magpapatay ng sinomang tao:

32 Upang matupad (G)ang salitang sinalita ni Jesus, na ipinaalam kung sa anong paraan ng kamatayan siya mamamatay.

33 Si Pilato nga'y muling pumasok sa Pretorio, at tinawag si Jesus, at sa kaniya'y sinabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio?

34 Sumagot si Jesus, Sinasabi mo baga ito sa iyong sarili, o sinabi sa iyo ng mga iba tungkol sa akin?

35 Si Pilato ay sumagot, Ako baga'y Judio? Ang iyong sariling bansa at ang mga pangulong saserdote ang sa iyo'y nagdala sa akin: anong ginawa mo?

36 Sumagot si Jesus, (H)Ang kaharian ko ay hindi (I)sa sanglibutang ito: kung ang kaharian ko ay sa sanglibutang ito, ang aking mga alipin nga ay makikipagbaka, upang ako'y huwag (J)maibigay sa mga Judio: nguni't ngayo'y ang aking kaharian ay hindi rito.

37 Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga'y hari? Sumagot si Jesus, (K)Ikaw ang nagsasabing ako'y hari. (L)Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa (M)sanglibutan, upang bigyang patotoo ang katotohanan. (N)Ang bawa't isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.

38 Sinabi sa kaniya ni Pilato, Ano ang katotohanan?

At nang masabi niya ito ay (O)lumabas siyang muli sa mga Judio, at sa kanila'y sinabi, Wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya.

39 Nguni't kayo'y (P)may ugali, na pawalan sa inyo ang isa sa paskua: ibig nga baga ninyong sa inyo'y pawalan ko ang Hari ng mga Judio?

40 Sila nga'y nagsigawang muli, na nangagsasabi, Huwag ang taong ito, kundi si Barrabas. Si Barrabas nga'y isang tulisan.

19 Nang magkagayon nga'y tinangnan ni Pilato si Jesus, at siya'y hinampas.

(Q)At ang mga kawal ay nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at siya'y sinuutan ng isang balabal na kulay-ube;

At sila'y nagsilapit sa kaniya, at nangagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio! at siya'y kanilang pinagsuntukanan.

At si Pilato ay lumabas na muli, at sa kanila'y sinabi, Narito, siya'y inilabas ko sa inyo, upang inyong matalastas na (R)wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya.

Lumabas nga si Jesus, na may putong na tinik at balabal na kulay-ube. Sa kanila'y sinabi ni Pilato, Narito, ang tao!

Pagkakita nga sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga punong kawal, ay sila'y nangagsigawan, na sinasabi, Ipako siya sa krus, ipako siya sa krus! Sinabi sa kanila ni Pilato, Kunin ninyo siya, at ipako ninyo siya sa krus: sapagka't ako'y walang masumpungang kasalanan sa kaniya.

Nagsisagot sa kaniya ang mga Judio, (S)Kami'y mayroong isang kautusan, at ayon sa kautusang yaon ay nararapat siyang mamatay, sapagka't siya'y nagpapanggap na Anak ng Dios.

Pagkarinig nga ni Pilato ng salitang ito, (T)ay lalong sinidlan siya ng takot;

At siya'y muling pumasok sa Pretorio, at sinabi kay Jesus, Taga saan ka? (U)Nguni't hindi siya sinagot ni Jesus.

10 Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Sa akin ay hindi ka nagsasalita? Hindi mo baga nalalaman na ako'y may kapangyarihang sa iyo'y magpawala, at may kapangyarihang sa iyo'y magpako sa krus?

11 Sumagot si Jesus sa kaniya, Anomang kapangyarihan ay hindi ka magkakaroon laban sa akin malibang ito'y ibinigay (V)sa iyo mula sa itaas: kaya't (W)ang nagdala sa iyo sa akin ay may lalong malaking kasalanan.

12 Dahil dito'y pinagsisikapan ni Pilato na siya'y pawalan: nguni't ang mga Judio ay nagsisigawan, na nangagsasabi, Kung pawalan mo ang taong ito, ay hindi ka kaibigan ni Cesar: (X)ang bawa't isang nagpapanggap na hari ay nagsasalita ng laban kay Cesar.

13 Nang marinig nga ni Pilato ang mga salitang ito, (Y)ay inilabas niya si Jesus, at siya'y naupo sa hukuman sa dakong tinatawag na Pavimento, datapuwa't sa Hebreo ay Gabbatha.

14 (Z)Noon nga'y Paghahanda ng paskua: at noo'y (AA)magiikaanim ng oras. At sinabi niya sa mga Judio, Narito, ang inyong Hari!

15 Sila nga'y nagsigawan, Alisin siya, alisin siya, ipako siya sa krus! Sinabi sa kanila ni Pilato, Ipapako ko baga sa krus ang inyong Hari? Nagsisagot ang mga pangulong saserdote, Wala kaming hari kundi si Cesar.

16 Nang magkagayon nga'y ibinigay siya sa kanila upang maipako sa krus.

17 (AB)Kinuha nga nila si Jesus: at siya'y lumabas, (AC)na pasan niya ang krus, hanggang sa dakong tinatawag na Dako ng bungo, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Golgota:

18 Na doo'y ipinako nila siya sa krus, at kasama niya ang dalawa pa, isa sa bawa't tagiliran, at si Jesus sa gitna.

19 At sumulat din naman (AD)si Pilato ng isang pamagat, at inilagay sa ulunan ng krus. At ang nasusulat ay, JESUS NA TAGA NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO.

20 Marami nga sa mga Judio ang nakabasa ng pamagat na ito, sapagka't ang dakong pinagpakuan kay Jesus ay malapit sa bayan; at ito'y nasusulat sa Hebreo, at sa Latin, at sa Griego.

21 Sinabi nga kay Pilato ng mga pangulong saserdote ng mga Judio, Huwag mong isulat, Ang Hari ng mga Judio; kundi, ang kanyang sinabi, Hari ako ng mga Judio.

22 Sumagot si Pilato, Ang naisulat ko ay naisulat ko.

Mga Awit 119:113-128

SAMECH.

113 Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip;
Nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.
114 Ikaw ang (A)kublihan kong dako at (B)kalasag ko:
Ako'y umaasa (C)sa iyong salita.
115 (D)Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan;
Upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
116 Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay;
(E)At huwag mo akong hiyain (F)sa aking pagasa.
117 Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas,
At magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.
118 (G)Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan;
Sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
119 Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal;
(H)Kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.
120 (I)Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo;
At ako'y takot sa iyong mga kahatulan.

AIN.

121 Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan:
Huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
122 (J)Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti:
Huwag mong ipapighati ako sa palalo.
123 Pinangangalumatahan (K)ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
At ang iyong matuwid na salita.
124 Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob,
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
125 (L)Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa;
Upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
126 Kapanahunan sa Panginoon na gumawa;
Sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
127 (M)Kaya't aking iniibig ang mga utos mo
Ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
128 Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay;
At ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.

Mga Kawikaan 16:10-11

10 Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari:
At kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan.
11 (A)Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon:
Lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978