The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
21 Nang magkagayo'y sumagot ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases, at nagsalita sa mga pangulo ng mga libolibo sa Israel.
22 Ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ay siyang nakatatalastas; at matatalastas ng Israel; kung panghihimagsik nga o kung pagsalangsang laban sa Panginoon, (huwag mo kaming iligtas sa araw na ito,)
23 Na kami ay nagtayo para sa amin ng isang dambana upang humiwalay sa pagsunod sa Panginoon; o kung paghandugan ng mga handog na susunugin o ng handog na harina, o kung paghandugan ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, siyasatin nga ng Panginoon;
24 At kung hindi namin ginawang maingat ito, at inakala, na sabihin. Marahil sa panahong darating ay masasalita ng inyong mga anak, na sasabihin, Anong ipakikialam ninyo sa Panginoon, sa Dios ng Israel?
25 Sapagka't ginawang hangganan ng Panginoon ang Jordan sa pagitan namin at ninyo, ninyong mga anak ni Ruben at mga anak ni Gad: kayo'y walang bahagi sa Panginoon: sa gayo'y patitigilin ng inyong mga anak ang aming mga anak sa pagkatakot sa Panginoon.
26 Kaya't aming sinabi, Maghanda tayo na magtayo para sa atin ng isang dambana, hindi upang sa handog na susunugin, ni sa hain man:
27 Kundi magiging saksi sa pagitan namin at ninyo, at sa pagitan ng ating mga lahi pagkamatay natin, upang aming magawa ang paglilingkod sa Panginoon sa harap niya ng aming mga handog na susunugin at ng aming mga hain at ng aming mga handog tungkol sa kapayapaan; upang huwag masabi ng inyong mga anak sa aming mga anak sa panahong darating, Kayo'y walang bahagi sa Panginoon.
28 Kaya't sinabi namin, Mangyayari na pagka kanilang sasabihing gayon sa amin o sa aming lahi sa panahong darating, ay aming sasabihin, Narito ang anyo ng dambana ng Panginoon na ginawa ng aming mga magulang, hindi upang sa handog na susunugin, ni sa hain: kundi isang saksi sa pagitan namin at ninyo.
29 Malayo nawa sa amin na kami ay manghimagsik laban sa Panginoon, at humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon sa pagtatayo ng isang dambana para sa handog na susunugin, para sa handog na harina, o para sa hain bukod sa dambana ng Panginoon nating Dios na nasa harap ng kaniyang tabernakulo.
30 At nang marinig ni Phinees na saserdote, at ng mga prinsipe ng kapisanan ng mga pangulo ng mga libolibo ng Israel na kasama niya, ang mga salita na sinalita ng mga anak ni Ruben, at ng mga anak ni Gad, at ng mga anak ni Manases, ay nakalugod na mabuti sa kanila.
31 At sinabi ni Phinees na anak ni Eleazar na saserdote sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Manases, Sa araw na ito ay talastas namin, na ang Panginoon ay nasa gitna natin, sapagka't kayo'y hindi nagkasala ng pagsalangsang na ito laban sa Panginoon: inyo ngang iniligtas ang mga anak ni Israel sa kamay ng Panginoon.
32 At si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote at ang mga prinsipe, ay nagsibalik na mula sa mga anak ni Ruben, at mula sa mga anak ni Gad, sa lupain ng Galaad, na tumungo sa lupain ng Canaan, sa mga anak ni Israel, at binigyan nilang sagot.
33 At ang bagay ay nakalugod sa mga anak ni Israel; at pinuri ng mga anak ni Israel ang Dios at hindi na nagsalita pa ng pagsampa laban sa kanila na bumaka na gibain ang lupain na kinatatahanan ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad.
34 At ang dambana ay tinawag na Ed ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad: Sapagka't anila, saksi sa pagitan natin, na ang Panginoon ay Dios.
23 At nangyari pagkaraan ng maraming araw, nang mabigyan ng Panginoon ng kapahingahan ang Israel sa lahat nilang mga kaaway sa palibot, at si Josue ay matanda na at puspos ng mga taon;
2 Na tinawag ni Josue ang buong Israel, ang kanilang mga matanda, at ang kanilang mga pangulo, at ang kanilang mga hukom at ang kanilang mga pinuno, at sinabi sa kanila, Ako'y matanda na at puspos ng mga taon:
3 At inyong nakita ang lahat na ginawa ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng bansang ito dahil sa inyo; sapagka't ipinakipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios.
4 Narito, aking binahagi sa inyo ang mga bansang ito na nangalabi, upang maging mana sa inyong mga lipi, mula sa Jordan pati ng lahat na bansa na aking inihiwalay, hanggang sa malaking dagat na dakong nilulubugan ng araw.
5 At itataboy sila ng Panginoon ninyong Dios mula sa harap ninyo, at palalayasin sila sa inyong paningin, at inyong aariin ang kanilang lupain na gaya ng sinalita ng Panginoon ninyong Dios sa inyo.
6 Kaya't kayo'y magpakatapang na mabuti na ingatan at gawin ang lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises na huwag kayong lumiko sa kanan o sa kaliwa;
7 Na huwag kayong pumasok sa mga bansang ito, sa mga ito na nangalalabi sa gitna ninyo; huwag din ninyong banggitin ang pangalan ng kanilang mga dios, ni magpasumpa sa pangalan ng mga yaon, ni maglingkod sa mga yaon, ni yumukod sa mga yaon:
8 Kundi lumakip kayo sa Panginoon ninyong Dios, na gaya ng inyong ginawa hanggang sa araw na ito.
9 Sapagka't pinalayas ng Panginoon sa harap ninyo ang mga malaking bansa at malakas: nguni't tungkol sa inyo, ay walang tao na tumayo sa harap ninyo hanggang sa araw na ito.
10 Isang lalake sa inyo ay hahabol sa isang libo: sapagka't ipinakikipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios, gaya ng sinalita niya sa inyo.
11 Magpakaingat nga kayong mabuti sa inyong sarili, na inyong ibigin ang Panginoon ninyong Dios.
12 Kung inyo ngang tatalikuran sa anomang paraan at lalakip sa nangalabi sa mga bansang ito, sa mga ito na nangalabi sa gitna ninyo, at kayo'y magaasawa sa kanila, at kayo'y lalakip sa kanila, at sila sa inyo:
13 Ay tatalastasin ninyong lubos na hindi pa palalayasin ng Panginoon ninyong Dios ang mga bansang ito sa inyong paningin: kundi sila'y magiging silo at lalang sa inyo, at panghampas sa inyong tagiliran at mga tinik sa inyong mga mata hanggang sa kayo'y malipol dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios.
14 At, narito, sa araw na ito ay yumayaon ako sa lakad ng buong lupa: at inyong talastas sa inyong buong puso at sa inyong buong kaluluwa na walang bagay na nagkulang sa lahat na mga mabuting bagay na sinalita ng Panginoon ninyong Dios tungkol sa inyo; lahat ay nangyari sa inyo, wala kahit isang bagay na nagkulang.
15 At mangyayari, na kung paanong ang lahat ng mga mabuting bagay ay nangyari sa inyo na sinalita sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, ay gayon dadalhin ng Panginoon sa inyo ang lahat ng mga masamang bagay, hanggang sa kayo'y malipol niya dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios.
16 Pagka inyong sinalangsang ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na kaniyang iniutos sa inyo, at yumaon at naglingkod sa ibang mga dios at yumukod sa mga yaon; ang galit nga ng Panginoon ay magaalab laban sa inyo, at kayo'y malilipol na madali sa mabuting lupain na kaniyang ibinigay sa inyo.
27 At may lumapit sa kaniyang ilan sa mga Saduceo, na nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli;
28 At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, isinulat sa amin ni Moises, na kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay, na may asawa, at siya'y walang anak, ay kunin ng kaniyang kapatid ang asawa, at bigyang anak ang kaniyang kapatid.
29 Mayroon ngang pitong lalaking magkakapatid: at nagasawa ang panganay, at namatay na walang anak;
30 At ang pangalawa:
31 At ang pangatlo'y nagasawa sa bao; at gayon din ang pito naman ay hindi nagiwan ng mga anak, at nangamatay.
32 Pagkatapos ay namatay naman ang babae.
33 Sa pagkabuhay na maguli nga, kanino sa kanila magiging asawa kaya ang babaing yaon? sapagka't siya'y naging asawa ng pito.
34 At sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisipagasawa ang mga anak ng sanglibutang ito, at pinapagaasawa:
35 Datapuwa't ang mga inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon, at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa, ni papagaasawahin:
36 Sapagka't hindi na sila maaaring mangamatay pa: sapagka't kahalintulad na sila ng mga anghel; at sila'y mga anak ng Dios, palibhasa'y mga anak ng pagkabuhay na maguli.
37 Datapuwa't tungkol sa pagbabangon ng mga patay, ay ipinakilala rin naman ni Moises sa Mababang punong kahoy, nang tinawag niya ang Panginoon na Dios ni Abraham, at Dios ni Isaac, at Dios ni Jacob.
38 Siya nga'y hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay: sapagka't nangabubuhay sa kaniya ang lahat.
39 At pagsagot ng ilan sa mga eskriba, ay nangagsabi, Guro, mabuti ang pagkasabi mo.
40 Sapagka't hindi na nga sila nangahas tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong.
41 At kaniyang sinabi sa kanila, Paanong sinasabi nila na ang Cristo ay anak ni David?
42 Sapagka't si David din ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa aking kanan,
43 Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa.
44 Dahil dito tinatawag siyang Panginoon ni David, at paanong siya'y anak niya?
45 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, na naririnig ng buong bayan,
46 Mangagingat kayo sa mga eskriba na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at iniibig nila ang sila'y pagpugayan sa mga pamilihan, at ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong dako sa mga pigingan;
47 Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing bao, at sa pagpakunwaring banal ay nanalangin ng mahaba: ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.
14 Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan: kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha.
15 Mapalad ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog: sila'y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng iyong mukha.
16 Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw: at sa iyong katuwiran ay nangatataas sila.
17 Sapagka't ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan: at sa iyong lingap ay matataas ang aming sungay.
18 Sapagka't ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon; at ang aming hari ay sa banal ng Israel.
19 Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal, at iyong sinabi, Aking ipinagkatiwala ang saklolo sa isang makapangyarihan; Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan.
20 Aking nasumpungan si David na aking lingkod; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis:
21 Na siyang itatatag ng aking kamay; palakasin naman siya ng aking bisig.
22 Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway; ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan.
23 At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya, at sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya.
24 Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya; at sa pangalan ko'y matataas ang kaniyang sungay.
25 Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat, at ang kaniyang kanan ay sa mga ilog.
26 Siya'y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan.
27 Akin namang gagawin siyang panganay ko, na pinakamataas sa mga hari sa lupa.
28 Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man, at ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya.
29 Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man, at ang luklukan niya'y parang mga araw ng langit.
30 Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko, at hindi magsilakad sa aking mga kahatulan;
31 Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko, at hindi ingatan ang mga utos ko;
32 Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, at ng mga hampas ang kanilang kasamaan.
33 Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang.
34 Ang tipan ko'y hindi ko sisirain, ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
35 Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan. Hindi ako magbubulaan kay David;
36 Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man; at ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko.
37 Matatatag magpakailan man na parang buwan, at tapat na saksi sa langit. (Selah)
17 Ang masamang sugo ay nahuhulog sa kasamaan: nguni't ang tapat na sugo ay kagalingan.
18 Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway: nguni't siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri.
19 Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa: nguni't kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan.
Public Domain