Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Bible in 90 Days

An intensive Bible reading plan that walks through the entire Bible in 90 days.
Duration: 88 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Jeremias 10:14-23:8

14 Bawa't tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawa't panday ay nalagay sa kahihiyan sa kaniyang larawang inanyuan; sapagka't ang kaniyang larawang binubo ay (A)kabulaanan, at (B)hindi humihinga ang mga yaon.

15 Sila'y walang kabuluhan, gawang karayaan: sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon sila ay mangalilipol.

16 Ang (C)bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito; sapagka't siya ang (D)may kapal sa lahat ng mga bagay; at ang Israel ay siyang lipi na kaniyang mana (E)ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan.

17 Iyong pulutin ang (F)iyong mga kalakal mula sa lupain, Oh ikaw na nakukubkob.

18 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibubulid ang mga mananahan sa lupain sa panahong ito, at aking pahihirapan sila (G)upang sila'y makaramdam.

19 Sa aba ko, (H)dahil sa aking sugat! ang aking sugat ay malubha: nguni't aking sinabi, Tunay na ito ay aking hirap, at (I)aking marapat na tiisin.

20 Ang aking tolda ay nagiba, (J)at lahat ng panali ko ay nangapatid; iniwan ako ng aking mga anak, at sila'y wala na: wala nang magtayo pa ng aking tolda, at magtaas ng aking mga tabing.

21 Sapagka't ang mga pastor ay naging tampalasan, at hindi nagsisangguni sa Panginoon: kaya't hindi sila magsisiginhawa, at lahat nilang kawan ay nangalat.

22 Ang tinig ng mga (K)balita, narito, dumarating, at malaking kagulo mula (L)sa lupaing hilagaan, upang gawing kagibaan ang mga bayan ng Juda, at tahanan ng mga chakal.

23 Oh Panginoon, talastas ko (M)na ang lakad ng tao ay hindi sa kaniyang sarili; hindi para sa taong lumalakad ang magtuwid ng kaniyang mga hakbang.

24 Oh Panginoon, sawayin mo ako, (N)nguni't sa pamamagitan ng kahatulan; huwag sa iyong galit, baka ako'y iuwi mo sa wala.

25 Iyong ibuhos ang iyong kapusukan (O)sa mga bansa na hindi nakakakilala sa iyo, at sa mga angkan na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan; sapagka't (P)kanilang sinakmal ang Jacob, oo, kanilang sinakmal siya, at nilipol siya, at sinira ang kaniyang tahanan.

Ang hindi pagsunod ng Juda sa tipan ng Panginoon.

11 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,

Inyong pakinggan ang mga salita ng tipang ito, at inyong salitain sa mga tao ng Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem,

At iyong sabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (Q)Sumpain ang taong hindi nakikinig ng mga salita ng tipang ito,

Na aking iniutos sa iyong mga magulang, nang araw na aking inilabas sila mula sa lupain ng Egipto, (R)mula sa hurnong bakal, na nagsasabi, (S)inyong talimahin ang aking tinig, at inyong isagawa, ayon sa lahat na iniuutos ko sa inyo: sa gayo'y magiging bayan ko kayo, at ako'y magiging inyong Dios;

Upang (T)aking maitatag ang sumpa na aking isinumpa sa inyong mga magulang, upang ibigay ko sa kanila ang isang (U)lupaing binubukalan ng gatas at pulot, gaya sa araw na ito. Nang magkagayo'y sumagot ako, at sinabi ko, (V)Siya nawa, Oh Panginoon.

At sinabi ng Panginoon sa akin, Inyong itanyag ang lahat ng mga salitang ito sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, na inyong sabihin, Inyong dinggin ang mga salita ng tipang ito, (W)at inyong isagawa.

Sapagka't aking pinatunayang mainam sa inyong mga magulang nang araw na aking iahon sila sa lupain ng Egipto, hanggang sa araw na ito, (X)na ako'y bumabangong maaga at pinatutunayan ko, na aking sinasabi, Inyong talimahin ang aking tinig.

Gayon ma'y hindi nila tinalima o ikiniling man ang kanilang pakinig kundi lumakad bawa't isa sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso: kaya't dinala ko sa kanila ang lahat na salita ng tipang ito, na aking iniutos sa kanila na isagawa, nguni't hindi nila isinagawa.

Pagbabanta laban kay Jeremias.

At sinabi ng Panginoon sa akin, (Y)Isang pagbabanta ay nasumpungan sa gitna ng mga lalake ng Juda, at sa gitna ng mga nananahan sa Jerusalem.

10 Sila'y nanganumbalik (Z)sa mga kasamaan ng kanilang mga kanunuan, na nagsitangging duminig ng aking mga salita; at sila'y nagsisunod sa ibang mga dios upang paglingkuran: sinira ng sangbahayan ni Israel at ng sangbahayan ni Juda ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang.

11 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa kanila, na hindi nila matatakasan; at sila'y magsisidaing sa akin, nguni't hindi ko sila didinggin.

12 Kung magkagayo'y magsisiyaon at magsisidaing ang mga bayan ng Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem sa mga dios na kanilang pinaghandugan ng kamangyan: nguni't hindi sila ililigtas nila sa anoman sa panahon ng kanilang kabagabagan.

13 Sapagka't (AA)ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios. Oh Juda; at ayon sa bilang ng mga lansangan ng Jerusalem ay nagtayo kayo ng mga dambana sa kahiyahiyang bagay, mga dambana upang pagsunugan ng kamangyan kay Baal.

Pagtawag ni Jeremias.

14 Kaya't huwag mong (AB)idalangin ang bayang ito, o palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man; sapagka't hindi ko didinggin sila sa panahon na sila'y magsisidaing sa akin dahil sa kanilang kabagabagan.

15 Anong magagawa ng aking sinta sa aking buhay, yamang siya'y gumawa ng kahalayan sa marami, at (AC)ang banal na lamang handog ay humiwalay sa iyo? pagka ikaw ay gumagawa ng kasamaan, ikaw nga'y nagagalak.

16 Tinawag ng Panginoon ang iyong pangalan, (AD)Sariwang puno ng olivo, maganda na may mainam na bunga: sa pamamagitan ng ingay ng malaking kagulo ay kaniyang sinilaban ng apoy, at ang mga sanga niyaon ay nangabali.

17 Sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo, na nagtatag sa iyo, ay nagbabadya ng kasamaan laban sa iyo, dahil sa kasamaan ng sangbahayan ni Israel, at ng sangbahayan ni Juda na kanilang ginawa sa ganang kanilang sarili (AE)sa pamumungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng paghahandog ng kamangyan kay Baal.

18 At binigyan ako ng kaalaman ng Panginoon tungkol doon, at naalaman ko: nang magkagayo'y ipinakita mo sa akin ang kanilang mga gawa.

19 Nguni't ako'y (AF)gaya ng maamong kordero na pinapatnubayan sa patayan; at hindi ko naalaman (AG)na sila'y nangakakatha na ng mga katha laban sa akin, na nangagsasabi, Ating sirain ang punong kahoy sangpu ng bunga niyaon, at ating ihiwalay siya sa (AH)lupain ng buháy, upang ang kaniyang pangalan ay (AI)huwag ng maalaala.

20 Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid, na tumatarok (AJ)ng puso at ng pagiisip, ipakita mo sa akin ang iyong kagantihan sa kanila; sapagka't sa iyo inihayag ko ang aking usap.

21 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga lalake ng Anathoth na (AK)nagsisiusig ng iyong buhay, na nangagsasabi, Ikaw ay (AL)huwag manghuhula sa pangalan ng Panginoon, (AM)upang huwag kang mamatay sa aming kamay;

22 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking parurusahan sila: ang mga binata ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga anak na lalake at babae ay mangamamatay dahil sa gutom;

23 At hindi magkakaroon ng nalabi sa kanila: sapagka't (AN)ako'y magdadala ng kasamaan sa mga lalake ng Anathoth, sa makatuwid baga'y sa (AO)taon ng pagdalaw sa kanila.

Pagtawag ni Jeremias.

12 (AP)Ikaw ay matuwid, Oh Panginoon, nang ako'y makipagtalo sa iyo; gayon ma'y makikipagmatuwiranan ako sa iyo: (AQ)bakit gumiginhawa ang lakad ng masama? bakit nangatitiwasay silang lahat na nagsisigawa ng may lubhang kataksilan?

Iyong itinanim sila, oo, sila'y nangagkaugat; nagsisitubo, oo, sila'y nangagbubunga: ikaw ay malapit sa kanilang bibig, at malayo sa kanilang mga puso.

Nguni't ikaw, Oh Panginoon, nakakakilala sa akin; iyong nakikita ako, at tinatarok mo ang aking puso: itaboy mo silang gaya ng mga tupa sa patayan, at ihanda mo sila (AR)sa kaarawan ng pagpatay.

Hanggang kailan tatangis ang lupain, at matutuyo ang mga damo sa buong lupain? dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon, nilipol ang mga hayop, at ang mga ibon; sapagka't kanilang sinabi, Hindi niya makikita ang ating huling kawakasan.

Ang sagot ng Panginoon.

Kung ikaw ay tumakbo na kasama ng nangaglalakad, at kanilang pinagod ka, paano ngang makikipagunahan ka sa mga kabayo? at bagaman sa lupain ng kapayapaan ay tiwasay ka, gayon ma'y paano ang gagawin mo sa (AS)kapalaluan ng Jordan?

Sapagka't ang iyong mga kapatid man at ang sangbahayan ng iyong magulang, ay nagsigawa ring may kataksilan sa iyo; nagsihiyaw rin ng malakas sa hulihan mo: huwag mong paniwalaan sila, bagaman sila'y nangagsasalita ng mga mabuting salita sa iyo.

Ang hatol ng Panginoon sa Juda at sa kaniyang mga kaaway.

Aking pinabayaan ang aking bahay, aking itinakuwil (AT)ang aking mana; aking ibinigay ang giliw na sinta ng aking kaluluwa sa kamay ng kaniyang mga kaaway.

Sa akin ang mana ko ay naging parang leon sa gubat: kaniyang inilakas ang kaniyang tinig laban sa akin; kaya't aking ipinagtanim siya.

Ang akin bagang mana sa akin ay naging parang mangdadagit na ibong batikbatik? ang mga mangdadagit na ibon baga ay laban sa kaniya sa palibot? kayo'y magsiyaon, inyong pagpulungin ang lahat na hayop sa parang, inyong dalhin sila rito upang magsipanakmal.

10 Sinira ng maraming (AU)pastor (AV)ang aking ubasan, (AW)kanilang niyapakan ng paa ang aking bahagi, kanilang ginawa ang aking mahalagang bahagi na ilang na sira.

11 Kanilang ginawa, itong isang kagibaan; tumatangis sa akin, palibhasa'y sira; ang buong lupain ay nasira, sapagka't (AX)walang taong gumugunita.

12 Mga manglilipol ay nagsidating sa lahat na luwal na kaitaasan sa ilang: sapagka't ang tabak ng Panginoon ay nananakmal mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain walang taong may kapayapaan.

13 Sila'y nangaghasik ng (AY)trigo, at nagsiani ng mga tinik: sila'y nangagpakahirap, at walang pinakikinabang: at kayo'y mangapapahiya sa inyong mga gawa, dahil sa mabangis na galit ng Panginoon.

14 Ganito ang sabi ng Panginoon laban sa lahat na masama (AZ)kong kapuwa, (BA)na nagsisigalaw ng mana sa aking bayang Israel, Narito, akin (BB)silang bubunutin sa kanilang lupain, at aking bubunutin ang sangbahayan ni Juda sa gitna nila.

15 At mangyayari, na pagkatapos na aking mabunot sila, ako'y babalik at maaawa sa kanila; (BC)at aking ibabalik sila uli, bawa't tao ay sa kaniyang mana, at bawa't tao ay sa kaniyang lupain.

16 At mangyayari, kung kanilang matutuhang masikap ang mga lakad ng aking bayan, (BD)ang pagsumpa sa pangalan ko, Buháy ang Panginoon; sa makatuwid baga'y gaya ng kanilang itinuro sa bayan ko na pagsumpa sa pangalan ni Baal: ay mangatatayo nga sila (BE)sa gitna ng aking bayan.

17 Nguni't kung hindi nila (BF)didinggin, akin ngang bubunutin ang bansang yaon, na bubunutin at lilipulin sabi ng Panginoon.

Ang tanda ng bulok na pamigkis.

13 Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon at bumili ka ng isang (BG)pamigkis na lino, at ibigkis mo sa iyong mga bayawang at huwag mong ilubog sa tubig.

(BH)Sa gayo'y bumili ako ng pamigkis ayon sa salita ng Panginoon, at inilagay ko sa aking mga bayawang.

At ang salita ng Panginoon, ay dumating sa akin na ikalawa, na nagsabi,

Kunin mo ang pamigkis na iyong binili, na nasa iyong mga bayawang, at ikaw ay bumangon, yumaon ka sa Eufrates, at ikubli mo roon sa isang bitak ng malaking bato.

Sa gayo'y yumaon ako, at ikinubli ko sa tabi ng Eufrates ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.

At nangyari, pagkaraan ng maraming araw, na sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay bumangon, yumaon ka sa Eufrates, at kunin mo ang pamigkis mula roon, na iniutos ko sa iyong ikubli mo roon.

Nang magkagayo'y yumaon ako sa Eufrates, at hinukay ko, at kinuha ko ang pamigkis mula sa dakong aking pinagkublihan; at, narito, ang pamigkis ay bulok, hindi mapapakinabangan sa anoman.

Nang magkagayo'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi.

Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayon sa paraang ito ay (BI)aking sasayangin ang kapalaluan ng Juda, at ang malaking kapalaluan ng Jerusalem.

10 Ang masamang bayang ito, na ayaw makinig ng mga salita ko, na lumalakad ayon sa katigasan ng kanilang puso, at yumaong sumunod sa ibang mga Dios upang paglingkuran, at upang sambahin, ay magiging gaya ng pamigkis na ito, na hindi mapapakinabangan sa anoman.

11 Sapagka't kung paanong ang pamigkis ay kumakapit sa mga balakang ng lalake, gayon pinakapit ko sa akin ang buong sangbahayan ni Israel at ang buong sangbahayan ni Juda, sabi ng Panginoon; upang sila'y (BJ)maging pinakabayan sa akin, at pinakapangalan, at pinakapuri, at pinakaluwalhati: nguni't hindi nila dininig.

Ang tanda ng sisidlang balat na mapupuno.

12 Kaya't sasalitain mo sa kanila ang salitang ito. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Bawa't sisidlang balat ay (BK)mapupuno ng alak: at kanilang sasabihin sa iyo, Hindi baga namin nalalaman na ang bawa't sisidlang balat ay mapupuno ng alak?

13 Kung magkagayo'y sasabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking pupunuin (BL)ng pagkalango ang lahat na mananahan sa lupaing ito, (BM)ang mga hari na nakaupo sa luklukan ni David, at ang mga saserdote at ang mga propeta, at ang lahat na nananahan sa Jerusalem.

14 At aking itutulak ang isa laban sa isa, sa makatuwid baga'y ang mga magulang at ang mga anak na magkakasama, sabi ng Panginoon: hindi ako magpapatawad, o maaawa man, o mahahabag man, na sila'y lilipulin ko.

Ibinabala ang pagkabihag.

15 Inyong dinggin, at kayo'y mangakinig; Huwag kayong mangagpalalo; sapagka't sinalita ng Panginoon.

16 Luwalhatiin ninyo ang Panginoon ninyong Dios, bago (BN)siya magpadilim, at bago matisod ang inyong mga paa sa mga madilim na bundok, at, habang kayo'y nangaghihintay ng liwanag, ay kaniyang gagawing (BO)lilim ng kamatayan, at papagsasalimuutin niya ang (BP)kadiliman.

17 Nguni't kung hindi ninyo didinggin, ako'y iiyak, na lihim dahil sa inyong kapalaluan; at ang mata ko ay iiyak na mainam, at dadaluyan ng mga luha, sapagka't ang kawan ng Panginoon ay nabihag.

18 Iyong sabihin (BQ)sa hari at sa ina ng hari, Kayo'y mangagpapakababa, magsiupo kayo; sapagka't ang inyong mga kagayakan ng ulo ay nalagpak, ang putong ng inyong kaluwalhatian.

19 Ang mga bayan ng Timugan ay nasarhan, at walang mangagbukas: ang buong Juda ay nadalang bihag; buong nadalang bihag.

20 Inyong itanaw ang inyong mga mata, at inyong masdan sila (BR)na nanganggagaling sa hilagaan: saan nandoon ang kawan na nabigay sa iyo, ang iyong magandang kawan?

21 Ano ang iyong sasabihin pagka kaniyang inilagay ang iyong mga kaibigan na pinakapangulo mo, na wari iyong tinuruan sila laban sa iyo? (BS)hindi baga mamamanglaw ka, ng parang isang babae na nagdaramdam?

22 At kung iyong sabihin sa puso, (BT)Bakit ang mga bagay na ito ay dumating sa akin? dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan ay (BU)nalilis ang iyong mga laylayan, at iyong mga sakong ay nagtiis ng karahasan.

23 Makapagbabago baga ang Etiope ng kaniyang balat, o ang leopardo ng kaniyang batik? (BV)kung magkagayo'y mangakagagawa naman kayo ng mabuti, na mga bihasang gumawa ng masama.

24 Kaya't aking pangangalatin sila, (BW)gaya ng dayami na dumaraan, sa pamamagitan ng hangin sa ilang.

25 Ito ang iyong kapalaran, ang bahaging sukat sa iyo na mula sa akin, sabi ng Panginoon; sapagka't iyong nilimot ako, at tumiwala ka sa kabulaanan.

26 Kaya't akin namang ililihis ang iyong mga laylayan sa harap ng iyong mukha, at ang (BX)iyong kahihiyan ay malilitaw.

27 Aking nakita ang iyong mga kasuklamsuklam na gawa, sa makatuwid baga'y ang iyong mga pangangalunya, at (BY)ang iyong mga paghalinghing, ang kahalayan ng iyong pakikiapid, (BZ)sa mga burol sa parang. Sa aba mo, Oh Jerusalem! (CA)ikaw ay hindi malilinis; hanggang kailan pa magkakaganyan?

Ang pagkatuyo, at ang panalangin sa paghingi ng awa.

14 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias tungkol sa pagkakatuyo.

Ang Juda ay tumatangis, at ang mga pintuang-bayan (CB)niya ay nagsisihapay, mga bagsak na (CC)nangingitim sa lupa; at ang daing ng Jerusalem ay umilanglang.

At sinugo ng mga mahal na tao ang kanilang mga bata sa tubig: sila'y nagsisiparoon sa mga balon, at hindi nangakasumpong ng tubig; sila'y nagsisibalik na may mga sisidlang walang laman; sila'y nangapapahiya at (CD)nangalilito, at nangagtatakip ng kanilang mga ulo.

Dahil sa lupa na pumuputok, palibhasa't (CE)hindi nagkaroon ng ulan sa lupain, ang mga mangbubukid ay nangapahiya, kanilang tinatakpan ang kanilang mga ulo.

Oo, ang usa sa parang naman ay nanganganak, at pinababayaan ang anak, sapagka't walang damo.

At (CF)ang mga mailap na asno ay nagsisitayo sa mga luwal na kaitaasan, sila'y humihingal na parang mga chakal; sila ay nangangalumata, sapagka't walang pastulan.

Bagaman ang aming mga kasamaan ay sumasaksi laban sa amin, gumawa ka (CG)alangalang sa iyong pangalan, Oh Panginoon; sapagka't ang aming mga pagtalikod ay marami; kami ay nangagkasala laban sa iyo.

Oh ikaw na pagasa ng Israel, na (CH)Tagapagligtas sa kaniya sa panahon ng kabagabagan, bakit ka magiging parang nakikipamayan sa lupain, at parang gala na lumiliko na nagpaparaan ng gabi?

Bakit ka magiging parang taong natigilan, parang makapangyarihan (CI)na hindi makapagligtas? gayon man (CJ)ikaw, Oh Panginoon, ay nasa gitna namin, at kami ay tinatawag sa iyong pangalan; (CK)huwag mo kaming iwan.

Sinasabi ng Panginoon na ang pamamagitan ay walang kabuluhan.

10 Ganito ang sabi ng Panginoon sa bayang ito, Yamang kanilang inibig ang paglaboy; hindi nila pinigil ang kanilang mga paa: kaya't hindi sila tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan.

11 At sinabi ng Panginoon sa akin, (CL)Huwag mong idalangin ang bayang ito sa kanilang ikabubuti.

12 (CM)Pagka sila'y nangagaayuno, (CN)hindi ko didinggin ang kanilang daing; at (CO)pagka sila'y nangaghahandog ng handog na susunugin at ng alay, hindi ko tatanggapin; kundi aking lilipulin (CP)sila ng tabak, at ng kagutom, at ng salot.

13 (CQ)Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, sinasabi ng mga propeta sa kanila, Kayo'y hindi makakakita ng tabak, o magkakaroon man kayo ng kagutom; kundi bibigyan ko kayo ng talagang kapayapaan sa dakong ito.

14 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang mga propeta ay nanghuhula (CR)ng kasinungalingan sa aking pangalan; hindi ko sila sinugo, o inutusan ko man sila, o nagsalita man ako sa kanila: sila'y nanganghuhula sa iyo ng sinungaling na pangitain, at (CS)ng panghuhula, at ng bagay na wala, at ng daya ng kanilang sariling puso.

15 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nanghuhula sa aking pangalan, at hindi ko sila sinugo, na gayon ma'y (CT)nagsasabi sila, Tabak at kagutom ay hindi sasapit sa lupaing ito: (CU)Sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom ay malilipol ang mga propetang yaon.

16 At ang bayan na kanilang pinanghuhulaan ay ihahagis sa mga lansangan ng Jerusalem dahil sa kagutom at sa tabak; (CV)at walang maglilibing sa kanila—sa kanila, sa kanilang mga asawa, o sa kanilang mga anak na lalake man, o babae man: sapagka't aking ibubuhos sa kanila ang kanilang kasamaan.

17 At iyong sasabihin ang salitang ito sa kanila, Daluyan ang aking mga mata ng mga luha gabi at araw, at huwag maglikat; sapagka't ang (CW)anak na dalaga ng aking bayan ay nasira ng malaking pagkasira, na may totoong mabigat na sugat.

18 Kung ako'y lumabas (CX)sa parang, narito, ang mga pinatay ng tabak! at kung ako'y pumasok sa bayan, narito, sila na mga may sakit ng pagkagutom! sapagka't ang propeta (CY)at gayon din ang saserdote ay lumilibot sa lupain at walang kaalaman.

19 Iyo bagang lubos na itinakuwil ang Juda? kinapootan baga ng iyong kaluluwa ang Sion? bakit mo sinaktan kami, at walang kagalingan sa amin? Kami ay nangaghihintay ng kapayapaan, nguni't walang kabutihang dumating; at ng panahon ng kagalingan, at, narito, panglulupaypay!

20 Aming kinikilala, Oh Panginoon, ang aming kasamaan, at ang kasamaan ng aming mga magulang; (CZ)sapagka't kami ay nangagkasala laban sa iyo.

21 Huwag mo kaming kayamutan, (DA)alangalang sa iyong pangalan; huwag mong hamakin ang luklukan ng iyong kaluwalhatian: (DB)iyong alalahanin, huwag mong sirain ang iyong tipan sa amin.

22 Mayroon bagang sinoman (DC)sa gitna ng mga walang kabuluhan ng mga bansa na makapagpapaulan? o makapagpapaambon baga ang mga langit? (DD)Hindi baga ikaw ay siya, Oh Panginoon naming Dios? kaya't kami ay mangaghihintay sa iyo; sapagka't iyong ginawa ang lahat na bagay na ito.

Ang Panginoon ay hindi mahahabag.

15 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, (DE)Bagaman (DF)si Moises at si Samuel ay tumayo sa harap ko, gayon ma'y ang pagiisip ko ay hindi sasa bayang ito: iyong itakuwil sila sa aking paningin, at iyong palabasin sila.

At mangyayari, pagka kanilang sinabi sa iyo, Saan kami magsisilabas? sasaysayin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, (DG)Ang sa kamatayan, ay sa kamatayan; at ang sa tabak, ay sa tabak; at ang sa kagutom, ay sa kagutom; at ang sa pagkabihag, ay sa pagkabihag.

At ako'y magtatakda sa kanila ng apat na mga bagay, sabi ng Panginoon: ang tabak upang pumatay, at ang mga aso upang lumapa, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga hayop sa lupa, upang lumamon at lumipol.

At aking ipagugulo sila na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, (DH)dahil kay Manases, na anak ni Ezechias, na hari sa Juda, dahil sa kaniyang ginawa sa Jerusalem.

Sapagka't sinong mahahabag sa iyo, Oh Jerusalem? o sinong tataghoy sa iyo? o sinong titigil na magtatanong ng iyong kalagayan?

Iyong itinakuwil ako, sabi ng Panginoon, ikaw ay umurong: kaya't iniunat ko ang aking kamay laban sa iyo, at pinatay kita; (DI)ako'y dala na ng pagsisisi.

At aking pinahanginan sila ng pamaypay sa mga pintuang-bayan ng lupain; aking niwalaan sila ng mga anak, aking nilipol ang aking bayan; sila'y hindi humiwalay sa kanilang mga lakad.

Ang kanilang mga babaing bao ay naragdagan sa akin ng higit kay sa buhangin sa mga dagat; aking dinala sa kanila laban sa ina ng mga binata ang manglilipol sa katanghaliang tapat: aking pinabagsak na bigla sa kaniya ang kahapisan at kakilabutan.

Siyang nanganak ng pito ay nanglulupaypay; siya'y nalagutan ng hininga; ang kaniyang kaarawan ay lumubog nang may araw pa; napahiya at nalito: at ang nalabi sa kanila ay ibibigay ko sa tabak sa harap ng kanilang mga kaaway, sabi ng Panginoon.

Ang pagdaing ni Jeremias at ang sagot ng Panginoon.

10 Sa aba ko, (DJ)ina ko, na ipinanganak mo ako na lalaking sa pakikipagpunyagi at lalaking sa pakikipaglaban sa buong lupa! ako'y hindi nagpautang na may tubo, o pinautang man ako na may patubo ng mga tao; gayon ma'y sinusumpa ako ng bawa't isa sa kanila.

11 Sinabi ng Panginoon, Katotohanang palalakasin kita sa ikabubuti; katotohanang aking pamamanhikin ang kaaway sa iyo sa panahon ng kasamaan at sa panahon ng pagdadalamhati.

12 Mababasag baga ng sinoman (DK)ang bakal, ang bakal na mula sa hilagaan, at ang tanso?

13 Ang iyong pagaari at ang iyong kayamanan ay ibibigay ko na pinakasamsam na walang halaga, at iya'y dahil sa lahat mong kasalanan, sa lahat mo ngang hangganan.

14 At akin silang pararaanin na kasama ng iyong mga kaaway (DL)sa lupain na hindi mo nakikilala; sapagka't ang apoy ay nagniningas sa aking galit, na magniningas sa inyo.

15 Oh Panginoon, talastas mo; iyong alalahanin ako, at dalawin mo ako, at ipanghiganti mo ako sa mga manguusig sa akin; huwag mo akong kunin sa iyong pagtitiis: talastasin mo na (DM)dahil sa iyo ay nagtiis ako ng kakutyaan.

16 Ang iyong mga salita ay nangasumpungan, at aking (DN)kinain; at ang iyong mga salita sa ganang akin ay katuwaan at kagalakan sa aking puso: sapagka't ako'y tinawag sa iyong pangalan, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo.

17 (DO)Hindi ako nauupo sa kapisanan nila na nasasayahan, o nagagalak man; ako'y nauupong magisa dahil sa iyong kamay; sapagka't pinuno mo ako ng pagkagalit.

18 Bakit ang aking sakit ay walang hanggan, at ang aking sugat ay walang kagamutan, na hindi mapagaling? ikaw baga'y tunay na magiging parang magdarayang batis sa akin, parang tubig na nauubos?

19 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, (DP)Kung ikaw ay magbalikloob, papananauliin nga kita upang ikaw ay makatayo sa harap ko; at kung iyong ihiwalay ang may halaga sa walang halaga, ikaw ay magiging parang aking bibig: sila'y manunumbalik sa iyo, nguni't hindi ka manunumbalik sa kanila.

20 At gagawin kita sa bayang ito na (DQ)tansong kuta na sanggalangan; at sila'y magsisilaban sa iyo, nguni't (DR)hindi sila magsisipanaig laban sa iyo; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita at upang papaging layain kita, sabi ng Panginoon.

21 At ililigtas kita sa kamay ng masama, at tutubusin kita sa kamay ng kakilakilabot.

Ang nakatatakot na paghihirap ay ipinagpauna.

16 Ang salita rin naman ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsabi,

Huwag kang magaasawa, o magkakaroon ka man ng mga anak na lalake o babae sa dakong ito.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga anak na lalake at tungkol sa mga anak na babae na ipinanganak sa dakong ito, at tungkol sa kanilang mga ina na nanganak sa kanila, at tungkol sa kanilang mga ama na naging anak sila sa lupaing ito.

Sila'y mangamamatay ng mga mabigat na (DS)pagkamatay: (DT)hindi sila pananaghuyan, o ililibing man sila; sila'y magiging (DU)parang dumi sa ibabaw ng lupa; at sila'y mangalilipol (DV)ng tabak, at ng kagutom; at (DW)ang kanilang mga bangkay ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (DX)Huwag kang pumasok sa bahay na may tangisan, o pumaroon man upang tumaghoy, o manangis man sa mga yaon; sapagka't aking inalis ang kapayapaan ko sa bayang ito, sabi ng Panginoon, ang kagandahang-loob at mga malumanay na kaawaan.

Ang malaki at gayon din ang maliit ay mangamamatay sa lupaing ito; (DY)sila'y hindi mangalilibing, o tataghuyan man sila ng mga tao, (DZ)o magkukudlit man (EA)o mangagpapakakalbo man dahil sa kanila;

O magpuputol man ng tinapay ang mga tao, sa kanila na nananangis, upang aliwin sila dahil sa namatay; hindi man sila paiinumin sa saro ng kaaliwan ng dahil sa kanilang ama o dahil sa kanilang ina.

At huwag kang papasok sa bahay na anyayahan upang maupong kasalo nila, na kumain at uminom.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking ipatitigil sa dakong ito, sa harap ng iyong mga mata at sa inyong mga kaarawan, ang tinig ng kalayawan, at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae.

10 At mangyayari, pagka iyong ipakikilala sa bayang ito ang lahat ng mga salitang ito, at kanilang sasabihin sa iyo, (EB)Bakit sinalita ng Panginoon ang lahat na malaking kasamaang ito laban sa amin? o ano ang aming kasamaan? o ano ang aming kasalanan na aming ginawa laban sa Panginoon naming Dios?

11 Kung magkagayo'y iyong sasabihin sa kanila, Sapagka't pinabayaan ako ng inyong mga magulang, sabi ng Panginoon, at nagsisunod sa ibang mga dios, at nangaglingkod sa kanila, at nagsisamba sa kanila, at pinabayaan ako, at hindi iningatan ang aking kautusan;

12 At kayo'y nagsigawa ng (EC)kasamaan na higit kay sa inyong mga magulang, sapagka't, narito, lumakad bawa't isa sa inyo ng ayon sa katigasan ng kanikaniyang masamang kalooban, na anopa't hindi ninyo ako dininig:

13 Kaya't kayo'y itataboy (ED)ko (EE)sa lupain na hindi ninyo nakilala, ninyo o ng inyong mga magulang man, na mula sa lupaing ito, at doo'y mangaglilingkod kayo sa ibang mga dios araw at gabi, sapagka't hindi ako magpapakita ng kagandahang loob.

14 Kaya't, narito, ang mga araw ay (EF)dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na sasabihin pa, (EG)Buháy ang Panginoon, na nagahon ng angkan ni Israel mula sa lupain ng Egipto;

15 Kundi, Buháy ang Panginoon, na nagahon ng mga anak ni Israel (EH)mula sa lupain ng hilagaan, at mula sa lahat ng lupain na kinatabuyan sa kanila. At (EI)akin silang ipapasok uli sa kanilang lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang.

16 Narito, ipasusundo ko ang (EJ)maraming mangingisda, sabi ng Panginoon, at magsisipangisda sila; at ipasusundo ko pagkatapos ang maraming mangangaso, at sila'y magsisipangaso sa bawa't bundok, at sa bawa't burol, at sa mga (EK)bitak ng mga malaking bato.

17 Sapagka't ang aking mga mata ay nangasa lahat ng kanilang lakad, sila'y hindi nangakukubli sa aking mukha, o nangalilingid man ang kanilang kasamaan sa harap ng aking mga mata.

18 At akin munang (EL)gagantihin (EM)ng ibayo ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan, sapagka't (EN)kanilang dinumhan ang aking lupain ng mga bangkay ng kanilang karumaldumal na mga bagay, at kanilang pinuno ang aking mana ng kanilang mga kasuklamsuklam.

19 Oh Panginoon, (EO)aking kalakasan, at aking katibayan, at aking kanlungan sa kaarawan ng pagkadalamhati, sa iyo paroroon ang mga bansa na mula sa mga hangganan ng lupa, at mangagsasabi, Ang aming mga magulang ay walang minana kundi mga kabulaanan walang kabuluhan at mga bagay na (EP)hindi mapapakinabangan.

20 Gagawa baga ang tao sa kaniyang sarili ng mga dios (EQ)na hindi mga dios?

21 Kaya't, narito, ipakikilala ko sa kanila, na paminsang ipakikilala ko sa kanila ang aking kamay at ang aking kapangyarihan; at kanilang makikilala na ang (ER)aking pangalan ay (ES)Jehova.

Ang kasalanan ng Juda ay hindi mapapawi.

17 Ang kasalanan ng Juda ay nasulat ng (ET)panulat na bakal, at ng dulo ng diamante: nakintal sa kanilang puso, at sa mga (EU)sungay ng inyong mga dambana;

Habang naaalaala ng kanilang mga anak ang kanilang mga dambana at ang (EV)kanilang mga Asera (EW)sa tabi ng mga sariwang puno ng kahoy sa mga mataas na burol.

Oh (EX)aking bundok sa parang, aking ibibigay sa pagkasamsam ang iyong mga tinatangkilik sa lahat ng iyong lupa at ang lahat ng iyong mga kayamanan, at ang iyong mga mataas na dako, dahil sa kasalanan, sa lahat ng iyong hangganan.

At ikaw, sa makatuwid baga'y ang iyong sarili, mawawalaan ka ng iyong mana na ibinigay ko sa iyo; at paglilingkurin (EY)kita sa iyong mga kaaway sa lupain na hindi mo nakikilala: sapagka't pinapagningas ninyo ang aking galit na magniningas magpakailan man.

Ang Panginoon lamang ang dapat na pagtiwalaan.

Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at (EZ)ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon.

Sapagka't siya'y magiging (FA)gaya ng kugon sa ilang, at hindi makakakita pagka ang mabuti ay dumarating, kundi tatahan sa mga tuyong dako sa ilang, (FB)lupaing maalat at hindi tinatahanan.

Mapalad (FC)ang tao na tumitiwala sa Panginoon, at ang pagasa ay ang Panginoon.

Sapagka't siya'y magiging (FD)parang punong kahoy na itinanim sa tabi ng tubig, at naguugat sa tabi ng ilog, at hindi matatakot pagka ang init ay dumarating, kundi (FE)ang kaniyang dahon ay magiging sariwa; at hindi mababalisa sa taon ng pagkatuyu, o maglilikat man ng pagbubunga.

Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?

10 Akong Panginoon, ay (FF)sumisiyasat ng pagiisip, aking tinatarok ang mga puso, (FG)upang magbigay sa bawa't tao ng ayon sa kanikaniyang lakad, ayon sa bunga ng kanikaniyang mga gawain.

11 Kung paanong lumilimlim ang pugo sa mga itlog na hindi kaniya, gayon siya nagtatangkilik ng mga kayamanan, at hindi sa pamamagitan ng matuwid; (FH)sa kaniyang mga kaarawan ay (FI)iiwan niya yaon, at sa kaniyang wakas (FJ)ay nagiging mangmang siya.

12 Ang maluwalhating luklukan, na naitaas mula nang pasimula, ay siyang dako ng aming santuario.

13 Oh Panginoon, na pagasa ng Israel, (FK)lahat na nagpapabaya sa iyo ay mapapahiya. Silang nagsisihiwalay sa akin ay (FL)masusulat sa lupa, sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, (FM)na bukal ng buháy na tubig.

14 Iyong pagalingin ako, Oh Panginoon, at gagaling ako; iyong iligtas ako, at maliligtas ako: sapagka't ikaw ang aking kapurihan.

15 Narito, (FN)kanilang sinasabi sa akin, Saan nandoon ang salita ng Panginoon? paratingin ngayon.

16 Sa ganang akin, ay (FO)hindi ako nagmadali sa pagpapakapastor sa pagsunod sa iyo; o ninasa ko man ang kaabaabang kaarawan: iyong nalalaman: ang lumabas sa aking mga labi ay nasa harap ng iyong mukha.

17 Huwag maging kakilabutan sa akin: ikaw ang aking kanlungan sa araw ng kasakunaan.

18 Mangapahiya sila sa nagsisiusig sa akin, nguni't huwag akong mapahiya; manganglupaypay sila, nguni't huwag akong manglupaypay; datnan sila ng araw ng kasakunaan, at ipahamak sila ng (FP)ibayong pagkapahamak.

Ang sabbath ay dapat na pakabanalin.

19 Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka sa pintuang-bayan ng mga anak ng bayan, na pinapasukan, at nilalabasan ng mga (FQ)hari sa Juda, at sa lahat ng pintuang-bayan ng Jerusalem;

20 At iyong sabihin sa kanila, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong mga hari sa Juda, at ng buong Juda, at ng lahat na nananahan sa Jerusalem, na nagsisipasok sa pintuang-bayang ito:

21 Ganito ang sabi ng Panginoon, (FR)Mangagingat kayo sa inyong sarili, at huwag kayong mangagdala ng pasan sa araw ng sabbath, o mangagpasok man sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem;

22 Huwag din kayong maglabas ng pasan sa inyong mga bahay sa araw ng sabbath, o magsigawa man kayo ng anomang gawain: kundi inyong ipangilin ang araw ng sabbath, (FS)gaya ng iniutos ko sa inyong mga magulang.

23 Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi pinapagmatigas ang kanilang leeg, upang huwag nilang marinig, at huwag makatanggap ng turo.

24 At mangyayari, kung kayo'y mangakinig na maingat sa akin, sabi ng Panginoon, na huwag magpasok ng pasan sa mga pintuan ng bayang ito sa araw ng sabbath, kundi ipangilin ang araw ng sabbath, upang huwag gawan ng anomang gawain;

25 Kung magkagayo'y magsisipasok (FT)sa mga pintuan ng bayang ito ang mga hari at mga prinsipe na nangauupo sa luklukan ni David, na nangakakaro at nangakakabayo, sila at ang kanilang mga pangulo, ang mga lalake ng Juda, at ang mga taga Jerusalem; at ang bayang ito ay mananatili magpakailan man.

26 At sila'y manganggagaling sa (FU)mga bayan ng Juda, at sa (FV)mga palibot ng Jerusalem, at sa lupain ng Benjamin, at sa (FW)mababang lupain, at sa mga bundok, at (FX)sa Timugan, na magdadala ng mga handog na susunugin, at ng mga hain, at ng mga alay, at ng kamangyan, at mangagdadala ng mga hain na pasalamat sa bahay ng Panginoon.

27 Nguni't kung hindi ninyo didinggin ako upang ipangilin ang araw ng sabbath, at huwag mangagdala ng pasan at pumasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem sa araw ng sabbath; kung magkagayo'y (FY)magsusulsol ako ng apoy sa mga pintuang-bayan niyaon, at pupugnawin niyaon ang mga palacio sa Jerusalem, at hindi mapapatay.

Ang aral mula sa palyok na ginagawa ng magpapalyok.

18 Ang salita na dumating kay Jeremias mula sa Panginoon, na nagsasabi,

Ikaw ay bumangon, at bumaba sa (FZ)bahay ng magpapalyok, at aking iparirinig sa iyo ang aking mga salita roon.

Nang magkagayo'y bumaba ako sa bahay ng magpapalyok, at, narito, siya'y gumagawa ng kaniyang gawa sa pamamagitan ng mga gulong.

At nang mabasag sa kamay ng magpapalyok ang sisidlang putik na kaniyang ginagawa, ay gumawa siya uli ng ibang sisidlan, na minagaling na gawin ng magpapalyok.

Nang magkagayo'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi,

Oh sangbahayan ni Israel, hindi baga (GA)ako makagagawa sa inyo na gaya ng paggawa ng magpapalyok na ito? sabi ng Panginoon. Narito, kung paano ang putik sa kamay ng magpapalyok, gayon kayo sa kamay ko, Oh sangbahayan ni Israel.

Sa (GB)anomang sandali ay magsasalita ako ng tungkol sa isang bansa, at tungkol sa isang kaharian, upang bunutin at upang ibagsak at upang lipulin;

Kung ang bansang yaon, na aking pinagsalitaan, ay humiwalay sa kanilang kasamaan, ako'y (GC)magsisisi sa kasamaan na aking inisip gawin sa kanila.

At sa anomang sangdali ay magsasalita ako ng tungkol sa isang bansa, at tungkol sa isang kaharian, upang itayo at upang itatag;

10 Kung gumawa ng kasamaan sa aking paningin, na hindi sundin ang aking tinig, ay pagsisisihan ko nga ang kabutihan, na aking ipinagsabing pakikinabangan nila.

11 Ngayon nga, salitain mo sa mga tao sa Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y humahaka ng kasamaan laban sa inyo, at kumatha ng katha-katha laban sa inyo: manumbalik bawa't isa sa inyo mula sa kanikaniyang masamang lakad, at inyong pabutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa.

12 Nguni't kanilang sinabi, (GD)Walang pagasa; sapagka't kami ay magsisisunod sa aming sariling mga katha-katha, at magsisigawa bawa't isa sa amin ng ayon sa katigasan ng kanikaniyang masamang puso.

13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, (GE)Inyong itanong nga sa mga bansa, kung sinong nakarinig ng ganiyang mga bagay? ang dalaga ng Israel ay gumawa ng totoong kakilakilabot na bagay.

14 Magkukulang baga ng niebe sa Lebano sa bato sa parang? ang malamig na tubig na umaagos mula sa malayo ay matutuyo baga?

15 Sapagka't kinalimutan (GF)ako ng aking bayan, sila'y nangagsunog ng kamangyan sa mga diosdiosan; at sila'y nangatisod sa kanilang mga lakad, sa mga dating (GG)landas, at pinalalakad sa mga lana, sa daan na hindi patag;

16 Upang gawin ang kanilang lupain (GH)na isang katigilan, at walang hanggang kasutsutan; lahat na nangagdadaan doon ay mangatitigilan, at mangaggagalaw ng ulo.

17 Aking pangangalatin (GI)sila na parang hanging silanganan sa harap ng kaaway; (GJ)tatalikuran ko sila, at hindi ko haharapin, sa kaarawan ng kanilang kasakunaan,

18 Nang magkagayo'y sinabi nila, Kayo'y magsiparito, at (GK)tayo'y magsikatha ng mga katha-katha laban kay Jeremias; sapagka't (GL)ang kautusan ay hindi mawawala sa saserdote, o ang payo man sa pantas, o ang salita man sa propeta. Kayo'y magsiparito, at ating saktan siya ng dila, at huwag nating pansinin ang kaniyang mga salita.

Si Jeremias ay dumalangin laban sa mga kaaway.

19 Pakinggan mo ako, Oh Panginoon, at ulinigin mo ang tinig nila na nakikipagtalo sa akin.

20 Igaganti baga'y kasamaan sa kabutihan? (GM)sapagka't sila'y nagsihukay ng hukay para sa akin. Iyong alalahanin kung paanong ako'y tumayo sa harap mo, upang magsalita ng mabuti para sa kanila, upang ihiwalay ang iyong kapusukan sa kanila.

21 Kaya't (GN)ibigay mo ang kanilang mga anak sa kagutom, at ibigay mo sila sa kapangyarihan ng tabak; at ang kanilang mga asawa ay mawalan ng anak, at mga bao; at ang kanilang mga lalake ay mangapatay sa patayan, at ang kanilang mga binata ay masugatan ng tabak sa pagbabaka.

22 Makarinig nawa ng daing mula sa kanilang mga bahay, pagka ikaw ay biglang magdadala ng hukbo sa kanila; sapagka't sila'y nagsihukay ng hukay upang hulihin ako, at ipinagkubli ng mga silo ang aking mga paa.

23 Gayon man, Panginoon, iyong talastas ang lahat nilang payo laban sa akin upang patayin ako; (GO)huwag mong ipatawad ang kanilang kasamaan, o pawiin mo man ang kanilang kasalanan sa iyong paningin; kundi sila'y mangatisod sa harap mo; parusahan mo sila sa kaarawan ng iyong galit.

Ang pagkagiba ng Jerusalem ay itinulad sa basag na palyok.

19 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ikaw ay yumaon, at bumili ka ng isang (GP)sisidlang lupa ng magpapalyok, at magsama ka ng mga matanda sa bayan, at (GQ)ng mga matanda sa mga saserdote;

At ikaw ay lumabas (GR)sa libis ng anak ni Hinnom, na nasa tabi ng pasukan ng pintuang-bayan ng Harsit, at itanyag mo roon ang mga salita na aking sasaysayin sa iyo:

At iyong sabihin, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, (GS)Oh mga hari sa Juda, at mga nananahan sa Jerusalem: Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magpaparating ng kasamaan sa dakong ito, (GT)na sinomang makarinig ay magpapanting ang mga pakinig.

Sapagka't kanilang pinabayaan (GU)ako, at kanilang pinapaging iba ang dakong ito, at nangagsunog sila ng kamangyan dito sa ibang mga dios, na hindi nila nakilala, nila at ng kanilang mga magulang at ng mga hari sa Juda, at pinuno ang dakong ito ng dugo ng mga walang sala,

At (GV)itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, (GW)upang sunugin ang kanilang mga anak sa apoy na mga pinakahandog na susunugin kay Baal; (GX)na hindi ko iniutos, o sinalita man, o pumasok man sa aking pagiisip:

Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ang dakong ito ay hindi na tatawaging (GY)Topheth, ni (GZ)Ang libis ng anak ni Hinnom, kundi Ang libis ng Patayan.

At aking sasayangin ang payo ng Juda at ng Jerusalem sa dakong ito; at aking ibubuwal sila sa pamamagitan ng tabak sa harap ng kanilang mga kaaway, at sa pamamagitan ng kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay: (HA)at ang kanilang mga bangkay ay mangabibigay na pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa.

At (HB)gagawin ko ang bayang ito na katigilan, at kasutsutan; bawa't isa na mangagdadaan doon ay mangatitigilan at magsisisutsot dahil sa lahat na salot niyaon.

At (HC)pakakanin ko sila ng laman ng kanilang mga anak na lalake at ang laman ng kanilang mga anak na babae; at kakain bawa't isa sa kanila ng laman ng kaniyang kaibigan, sa pagkakulong at sa kagipitan, na igigipit sa kanila ng kanilang mga kaaway, at ng nagsisiusig ng kanilang buhay.

10 Kung magkagayo'y (HD)babasagin mo ang sisidlang lupa sa paningin ng mga lalake na nagsisiyaong kasama mo, at iyong sasabihin sa kanila,

11 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ganito ko babasagin ang mga taong ito at ang bayang ito, gaya ng pagbasag ng isang sisidlan ng magpapalyok, na hindi mabubuo uli; at sila'y mangaglilibing (HE)sa Topheth hanggang sa mawalan ng dakong mapaglilibingan.

12 Ganito ang gagawin ko sa dakong ito, sabi ng Panginoon, at sa mga nananahan dito, sa makatuwid baga'y gagawin ang bayang ito na (HF)gaya ng Topheth:

13 At ang mga bahay ng Jerusalem, at ang mga bahay ng mga hari sa Juda, na nangahawa ay magiging gaya ng dako ng Topheth, lahat ng bahay (HG)na ang mga bubungan ay pinagsunugan ng kamangyan sa lahat ng natatanaw sa langit, at (HH)pinagbuhusan ng mga handog na inumin sa ibang mga dios.

14 Nang magkagayo'y nagbalik si Jeremias mula sa Topheth, na pinagsuguan sa kaniya ng Panginoon upang manghula; at siya'y tumayo sa (HI)looban ng bahay ng Panginoon, at nagsabi sa buong bayan,

15 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magdadala sa bayang ito, at sa kaniyang lahat na bayan ng lahat na kasamaan na aking sinalita laban doon; sapagka't kanilang pinapagmatigas ang kanilang leeg, upang huwag nilang marinig ang aking salita.

Ang pagkagiba ng Jerusalem ay itinulad sa basag na palyok.

20 Napakinggan (HJ)ni Pashur, na anak (HK)ni Immer, na saserdote, na siyang (HL)pangulong pinuno sa bahay ng Panginoon, si Jeremias na nanghuhula ng mga bagay na ito.

Nang magkagayo'y sinaktan ni Pashur si Jeremias na propeta, at inilagay siya sa pangawan na nasa lalong mataas na (HM)pintuang-bayan ng Benjamin, na nasa bahay ng Panginoon.

At nangyari, nang kinabukasan, na inilabas ni Pashur si Jeremias mula sa pangawan. Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias sa kaniya, Hindi tinawag ng Panginoon ang iyong pangalan na Pashur, kundi Magormissabib.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, gagawin kitang kakilabutan sa iyong sarili, at sa lahat mong mga kaibigan; at sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak ng kanilang mga kaaway, at mamamasdan ng iyong mga mata: at ibibigay ko ang buong Juda sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang dadalhin sila na bihag sa Babilonia, at papatayin sila ng tabak.

Bukod dito ay ibibigay ko ang lahat na kayamanan ng bayang ito, at ang lahat na pakinabang nito, at ang lahat na mahalagang bagay nito, oo, ang lahat na kayamanan ng mga hari sa Juda ay ibibigay ko sa kamay ng kanilang mga kaaway; na magsisisamsam sa kanila, at magsisihuli sa kanila, (HN)at mangagdadala sa kanila sa Babilonia.

At ikaw Pashur, at ang lahat na tumatahan sa iyong bahay ay magsisipasok sa pagkabihag; at paroroon ka sa Babilonia, at doon ka mamamatay, at doon ka malilibing, ikaw, at ang lahat mong mga kaibigan, na iyong pinanghulaan na may kasinungalingan.

Itinangis ni Jeremias ang pagsubok sa kaniya.

Oh Panginoon, iyong hinikayat ako, at ako'y nahikayat; ikaw ay lalong malakas kay sa akin, at nanaig ka: (HO)ako'y nagiging katatawanan lahat ng araw, bawa't isa'y tumutuya sa akin.

Sapagka't kung paano kadalas nagsasalita ako, humihiyaw ako; (HP)humihiyaw ako, Pangdadahas at paninira; sapagka't ang salita ng Panginoon ay naging kakutyaan sa akin, at kadustaan, lahat ng araw.

At kung aking sabihin, Hindi ko babanggitin siya, o magsasalita ng ano pa man sa kaniyang pangalan, mayroon nga sa aking puso na (HQ)wari nagaalab na apoy na nakukulong sa aking mga buto, at ako'y pagod ng pagpipigil, at hindi makapagpigil.

10 Sapagka't aking narinig (HR)ang paninirang puri ng marami, kakilabutan sa lahat ng dako. Kayo'y mangagsumbong, at aming isusumbong siya, sabi ng (HS)lahat ng mga kasamasama kong kaibigan, na nagsisipaghintay ng aking pagkabagsak; marahil siya'y mahihikayat, at tayo'y mangananaig laban sa kaniya, at tayo'y mangakagaganti sa kaniya.

11 Nguni't ang Panginoon ay sumasaakin na parang makapangyarihan at kakilakilabot: kaya't ang mga manguusig sa akin ay mangatitisod, at sila'y hindi mangananaig; sila'y lubhang mangapapahiya, sapagka't sila'y hindi nagsisigawang may karunungan, ng (HT)walang hanggang kapintasan na hindi malilimutan.

12 Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, (HU)na tumatarok ng matuwid, at nakakakita ng mga pagiisip at ng puso, ipakita mo sa akin ang iyong panghihiganti sa kanila; sapagka't sa iyo ay inihayag ko ang aking usap.

13 Kayo'y magsiawit sa Panginoon, magsipuri kayo sa Panginoon; sapagka't kaniyang iniligtas ang kaluluwa ng mapagkailangan mula sa kamay ng mga manggagawa ng kasamaan.

14 Sumpain (HV)ang araw na kinapanganakan sa akin: huwag pagpalain ang araw na kinapanganakan sa akin ng aking ina.

15 Sumpain ang tao na nagdala ng balita sa aking ama, na nagsabi, Isang lalake ay ipinanganak sa iyo, na pinasaya siyang mainam.

16 At ang lalaking yaon ay maging gaya ng mga bayang (HW)giniba ng Panginoon, at hindi pinagsisihan: at (HX)makarinig nawa siya ng daing sa umaga, at hiyawan sa katanghaliang tapat;

17 Sapagka't (HY)hindi niya pinatay ako sa bahay-bata; at sa gayo'y naging libingan ko sana ang aking ina, at ang kaniyang bahay-bata, ay naging laging dakila sana.

18 Bakit nga ako'y (HZ)nalabas sa bahay-bata upang makakita ng hirap at kapanglawan, upang ang aking mga araw ay manaw na may kahihiyan?

Ang pagtatanong ni Sedechias, at ang sagot ni Jeremias.

21 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, nang suguin ng haring Sedechias sa kaniya si (IA)Pashur na anak ni Malchias, at si (IB)Sephanias na anak ni Maasias na saserdote, na sinasabi,

Isinasamo ko sa iyo, na ipagusisa mo (IC)kami sa Panginoon; sapagka't si (ID)Nabucodonosor na hari sa Babilonia, ay nakikipagdigma laban sa amin: marahil ang Panginoon ay gagawa sa amin ng ayon sa lahat niyang kamanghamanghang gawa, upang siya'y sumampa na mula sa amin.

Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias sa kanila, Ganito ang inyong sasabihin kay Sedechias:

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Narito, (IE)ibabalik ko ang mga almas na pangdigma na nangasa inyong mga kamay, na inyong ipinakikipaglaban sa hari sa Babilonia, at laban sa mga Caldeo na kinukubkob ninyo sa labas ng mga kuta, at aking pipisanin sa gitna ng bayang ito.

At ako sa aking sarili ay lalaban sa inyo na (IF)may unat na kamay at may malakas na bisig, sa galit, at sa kapusukan, at sa malaking poot.

At aking susugatan ang mga mananahan sa bayang ito, ang tao at gayon din ang hayop: sila'y mangamamatay sa malaking pagkasalot.

At pagkatapos, sabi ng Panginoon, (IG)aking ibibigay si Sedechias na hari sa Juda, at ang kaniyang mga lingkod, at ang bayan, at yaong nangaiwan sa bayang ito na mula sa pagkasalot, mula sa tabak, at mula sa gutom, sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at sa kamay ng kanilang mga kaaway, at sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay: at kaniyang susugatan sila ng talim ng tabak; (IH)hindi niya patatawarin sila, o panghihinayangan man, o kaaawaan man.

At sa bayang ito ay sasabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, (II)inilalagay ko sa harap ninyo ang daan ng kabuhayan at ang daan ng kamatayan,

Ang (IJ)tumatahan sa bayang ito ay mamamatay sa pamamagitan ng kagutom, at sa pamamagitan ng tabak at sa pamamagitan ng salot; nguni't ang lumalabas at kumakampi sa mga Caldeo na kumukubkob sa inyo, siya'y mabubuhay, at ang (IK)kaniyang buhay ay magiging sa kaniya'y pinakahuli.

10 Sapagka't itinitig ko (IL)ang mukha ko sa bayang ito sa ikasasama, at hindi sa ikabubuti, (IM)sabi ng Panginoon: ito'y ibibigay sa kamay ng hari sa Babilonia, at (IN)kaniyang susunugin sa apoy.

Ang Juda ay binabalaan tungkol sa paghatol ng hindi matuwid.

11 At tungkol sa sangbahayan ng hari sa Juda, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon,

12 Oh sangbahayan ni David, ganito ang sabi ng Panginoon, Maglapat ka ng kahatulan (IO)sa umaga, at iligtas mo ang nanakawan sa kamay ng mamimighati, baka ang aking kapusukan ay lumabas na parang apoy, at magningas na walang makapatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawain.

13 Narito, (IP)ako'y laban sa iyo, Oh nananahan sa libis, at sa batohan ng kapatagan, sabi ng Panginoon; kayong nangagsasabi, Sinong bababang laban sa atin? o sinong papasok sa ating mga tahanan?

14 At aking parurusahan kayo ayon sa bunga ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon; at ako'y magsusulsol ng apoy sa kaniyang gubat, at susupukin niyaon ang lahat na nangasa palibot niyaon.

Ang Juda ay binabalaan tungkol sa paghatol ng hindi matuwid.

22 Ganito ang sabi ng Panginoon, Bumaba ka sa bahay ng hari sa Juda, at iyong salitain doon ang salitang ito,

At iyong sabihin, (IQ)Dinggin mo ang salita ng Panginoon, Oh hari sa Juda, na nauupo sa luklukan ni David, ikaw at ang iyong mga lingkod, at ang iyong bayan na pumapasok sa mga pintuang ito.

Ganito ang sabi ng Panginoon, (IR)Mangagsagawa kayo ng kahatulan at ng katuwiran, at iligtas ninyo ang nanakawan sa kamay ng mamimighati: at huwag kayong magsigawa ng kamalian, huwag kayong magsigawa ng pangdadahas (IS)sa mga nakikipamayan, sa ulila, o sa babaing bao man; o mangagbubo man ng walang salang dugo sa dakong ito.

Sapagka't kung tunay na inyong gawin ang bagay na ito, magsisipasok nga sa mga pintuang-daan ng bahay na ito (IT)ang mga hari na nangauupo sa luklukan ni David, na nakasakay sa mga karo at sa mga kabayo, siya at ang kaniyang mga lingkod, at ang kaniyang bayan.

Nguni't kung hindi ninyo didinggin ang mga salitang ito, (IU)ako'y susumpa sa aking sarili, sabi ng Panginoon, na ang bahay na ito ay masisira.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa sangbahayan ng hari sa Juda, Ikaw ay Galaad sa akin, at ulo ng Libano; gayon ma'y tunay na gagawin kitang isang ilang, at mga bayang hindi tinatahanan.

At ako'y maghahanda ng mga manglilipol laban sa iyo, bawa't isa'y may kaniyang mga almas; at kanilang puputulin ang (IV)iyong mga piling cedro, at ipaghahagis sa apoy.

At maraming bansa'y magsisipagdaan sa bayang ito, at mangagsasabi bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, (IW)Ano't gumawa ang Panginoon ng ganito sa dakilang bayang ito?

(IX)Kung magkagayo'y magsisisagot sila, Sapagka't kanilang pinabayaan ang tipan ng Panginoon na kanilang Dios, at nagsisamba sa ibang mga dios, at mga pinaglingkuran.

Ang kalungkot-lungkot na katapusan ni Sallum.

10 Huwag ninyong iyakan (IY)ang patay, o panaghuyan man ninyo siya; kundi iyakan ninyong mainam ang yumayaon; sapagka't (IZ)hindi na siya babalik, o makikita man niya ang kaniyang lupaing tinubuan.

11 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay (JA)Sallum na anak ni Josias, na hari sa Juda, na nagharing kahalili ni Josias na kaniyang ama, (JB)na lumabas sa dakong ito. Siya'y hindi na babalik pa rito:

12 Kundi sa dakong pinagdalhan sa kaniyang bihag, doon siya mamamatay, at hindi na niya makikita ang lupaing ito.

Ang katapusan ni Joacim.

13 (JC)Sa aba niya na nagtatayo ng kaniyang bahay sa pamamagitan ng kalikuan, at ng kaniyang mga silid sa pamamagitan ng kalisyaan; na (JD)pinapaglilingkod ng kaniyang kapuwa (JE)na walang upa, at hindi niya binibigyan ng kaniyang kabayaran;

14 Na nagsasabi, Ako'y magtatayo ng maluwang na bahay at maluwang na mga silid, at nabubuksan ng mga dungawan; at nakikisamihan ng cedro, at nakukulayan ng pula.

15 Ikaw baga'y maghahari, sapagka't ikaw ay mayroong lalong maraming cedro? (JF)hindi ba ang iyong ama ay kumain at uminom, at naglapat ng kahatulan at kaganapan? nang magkagayo'y ikinabuti niya.

16 Kaniyang hinatulan ang usap ng dukha at mapagkailangan; nang magkagayo'y ikinabuti nga. (JG)Hindi baga ito ang pagkilala sa akin? sabi ng Panginoon.

17 Nguni't ang iyong mga mata at ang iyong puso ay sa kasakiman lamang, at upang magbubo ng walang salang dugo, at sa kapighatian, at sa karahasan, upang gawin.

18 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay (JH)Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, (JI)Hindi nila tataghuyan siya, na sasabihin, (JJ)Ah kapatid kong lalake! o, Ah kapatid na babae! hindi nila tataghuyan siya, na sasabihin, Ah panginoon! o, Ah kaniyang kaluwalhatian!

19 Siya'y malilibing ng libing asno, na (JK)hihilahin at itatapon sa labas ng mga pintuang-bayan ng Jerusalem.

20 Ikaw ay sumampa sa Libano, at humiyaw; at ilakas mo ang iyong tinig sa Basan, at ikaw ay humiyaw mula (JL)sa Abarim; sapagka't lahat ng mangingibig sa iyo ay nalipol.

21 Ako'y nagsalita sa iyo sa iyong kaginhawahan; nguni't iyong sinabi, Hindi ko didinggin. Ito ang naging iyong paraan mula sa iyong kabataan, na hindi mo dininig ang aking tinig.

22 Lahat (JM)mong pastor ay pakakanin ng hangin, at ang mga mangingibig sa iyo ay mapapapasok sa pagkabihag; kung magkagayon ikaw ay mapapahiya at malilito dahil sa lahat mong kasamaan.

23 Oh nananahan sa Libano, na ginagawa mo ang iyong pugad sa mga cedro, kahabaghabag ka nga pagka ang mga pagdaramdam ay dumating sa iyo, ang hirap na gaya ng sa babae sa pagdaramdam!

Ang katapusan ni Conias.

24 (JN)Buhay ako, sabi ng Panginoon, bagaman si (JO)Conias na anak ni Joacim na hari sa Juda (JP)ay maging singsing na panatak sa aking kanang kamay, akin ngang huhugutin ka mula roon;

25 At aking ibibigay ka (JQ)sa kamay ng nagsisiusig ng iyong buhay, at sa kamay nila na iyong kinatatakutan, sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at sa kamay ng mga Caldeo.

26 At itataboy ka, at ang iyong ina na nanganak sa iyo, sa ibang lupain, na hindi pinapanganakan sa inyo; at doon kayo mangamamatay.

27 Nguni't sa lupain na pinagnanasaan ng kanilang kaluluwa na pagbalikan, doon hindi sila mababalik.

28 Ito bagang lalaking si Conias ay isang sisidlang basag na walang kabuluhan? (JR)siya baga'y sisidlan na hindi kinaluluguran? bakit kanilang itinataboy, siya at ang kaniyang angkan, at itinapon sa lupain na hindi nila kilala?

29 Oh lupa, (JS)lupa, lupa, iyong pakinggan ang salita ng Panginoon.

30 Ganito ang sabi ng Panginoon, Isulat ninyo (JT)ang lalaking ito na walang anak, ang lalake na hindi giginhawa sa kaniyang mga kaarawan; sapagka't walang tao sa kaniyang angkan na giginhawa pa, na (JU)nauupo sa luklukan ni David, hindi na magpupuno pa sa Juda.

Ang masamang pastor at ang matuwid na sanga.

23 Sa aba ng mga pastor (JV)na nangagpapahamak at nangagpapangalat sa mga tupa sa aking pastulan! sabi ng Panginoon.

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, laban sa mga pastor na nangagpastol ng aking bayan, Inyong pinangalat ang aking kawan, at inyong iniligaw sila, at hindi ninyo sila dinalaw; narito, dadalawin ko sa inyo ang kasamaan ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon.

At (JW)aking pipisanin ang nalabi sa aking kawan mula sa lahat na lupain na aking pinagtabuyan sa kanila, at aking dadalhin sila uli sa kanilang mga kulungan; at sila'y magiging palaanak at magsisidami.

At ako'y maglalagay ng mga (JX)pastor sa kanila na kakandili sa kanila; at hindi na sila matatakot, o manglulupaypay pa, o kukulangin ang sinoman sa kanila, sabi ng Panginoon.

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David (JY)ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng (JZ)hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng (KA)kahatulan at kaganapan sa lupain.

Sa kaniyang mga kaarawan ay (KB)maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating (KC)katuwiran.

Kaya't narito, ang mga araw ay (KD)dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na nila sasabihin, Buháy ang Panginoon, na nagahon ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng Egipto;

Kundi, Buháy ang Panginoon, na nagahon at pumatnubay sa angkan ng binhi ng Israel mula sa hilagaang lupain, at mula sa lahat ng lupain na aking pinagtabuyan sa kanila. At sila'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978