Bible in 90 Days
26 Sapagka't kayong (A)lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus.
27 Sapagka't (B)ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis (C)si Cristo.
28 (D)Walang magiging Judio o Griego man, (E)walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka't kayong lahat ay (F)iisa kay Cristo Jesus.
29 (G)At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana (H)ayon sa pangako.
4 Nguni't sinasabi ko na samantalang (I)ang tagapagmana ay bata, ay walang pagkakaibang anoman sa alipin bagama't siya'y panginoon ng lahat;
2 Datapuwa't nasa ilalim ng mga tagapagampon at ng mga tagapangasiwa hanggang sa panahong itinakda ng ama.
3 Gayon din naman tayo, nang tayo'y mga bata pa, (J)tayo'y nasasakop ng pagkaalipin sa ilalim ng mga pasimulang aral ng sanglibutan.
4 Datapuwa't (K)nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, (L)na ipinanganak ng isang babae, na (M)ipinanganak sa ilalim ng kautusan,
5 (N)Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan, (O)upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak.
6 At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.
7 Ano pa't hindi ka na alipin, kundi anak; (P)at kung anak, ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios.
8 Gayon man nang panahong yaon, sa hindi ninyo pagkakilala sa Dios, kayo'y nasa pagkaalipin (Q)ng sa katutubo ay hindi mga dios:
9 Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, bakit muling nangagbabalik kayo (R)doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral, na sa mga yao'y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin?
10 Ipinangingilin ninyo ang mga araw, (S)at mga buwan, at mga panahon, at mga taon.
11 Ako'y natatakot tungkol sa inyo, (T)baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan.
12 Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na kayo'y mangagsitulad sa akin, sapagka't ako'y katulad din ninyo. Wala kayong ginawa sa aking anomang kasamaan.
13 Datapuwa't nalalaman ninyo na (U)dahil sa sakit ng laman, ay ipinangaral ko sa inyo ang evangelio (V)nang pasimula:
14 At yaong sa inyo'y isang tukso sa aking laman ay hindi ninyo inalipusta, ni itinakuwil man; kundi ako'y tinanggap ninyong tulad sa isang anghel ng Dios, (W)tulad kay Cristo Jesus.
15 Saan nga naroon yaong inyong kapalaran? sapagka't pinatototohanan ko sa inyo, na, kung mangyayari, ay inyong dinukit sana ang inyong mga mata at ibinigay sa akin.
16 Kaya nga ako baga'y naging kaaway ninyo, sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan?
17 May (X)nangagmamalasakit sa inyo sa hindi mabuting akala; subali't, ang ibig nila ay ihiwalay kayo, upang ipagmalasakit ninyo sila.
18 Datapuwa't mabuti ang ipagmalasakit sa mabuting bagay sa lahat ng panahon, at hindi lamang samantalang ako'y kaharap ninyo.
19 Maliliit kong mga anak, (Y)na muli kong ipinagdaramdam sa panganganak hanggang si Cristo ay mabadha (Z)sa inyo—
20 Datapuwa't, ibig kong makaharap ninyo ako ngayon, at baguhin ang aking tinig; sapagka't ako'y nagaalinlangan tungkol sa inyo.
21 Sabihin ninyo sa akin, kayong nagsisipagnasang mapasa ilalim ng kautusan, hindi baga ninyo naririnig ang kautusan?
22 Sapagka't nasusulat, na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak, (AA)ang isa'y sa aliping babae, at (AB)ang isa'y sa babaing malaya.
23 Gayon man (AC)ang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa laman; nguni't (AD)ang anak sa babaing malaya ay sa pamamagitan ng pangako.
24 Ang mga bagay na ito'y may lamang talinghaga: sapagka't ang mga babaing ito'y dalawang tipan; ang isa'y mula sa bundok ng Sinai, na nanganganak ng mga (AE)anak sa pagkaalipin, na ito'y si Agar.
25 Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa (AF)Arabia, at ito'y katulad ng Jerusalem ngayon: sapagka't ito'y nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.
26 Nguni't ang (AG)Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ina natin.
27 Sapagka't nasusulat,
(AH)Magsaya ka, Oh baog na hindi nanganganak;
Magbiglang umawit at humiyaw ka, ikaw na hindi nagdaramdam sa panganganak:
Sapagka't higit pa ang mga anak ng pinabayaan kay sa mga anak ng may asawa.
28 At tayo, mga kapatid, tulad ni Isaac, ay (AI)mga anak sa pangako.
29 Datapuwa't kung papaanong yaong (AJ)ipinanganak ayon sa laman ay nagusig sa ipinanganak ayon sa espiritu, ay gayon din naman ngayon.
30 Gayon man ano ang sinasabi ng kasulatan? (AK)Palayasin ang aliping babae at ang kaniyang anak: sapagka't hindi magmamana ang anak ng babaing alipin na kasama ng anak ng babaing malaya.
31 Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo mga anak ng babaing alipin, kundi ng babaing malaya.
5 Sa (AL)kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli (AM)sa pamatok ng pagkaalipin.
2 Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, (AN)na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo.
3 Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, (AO)na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan.
4 Kayo'y hiwalay kay Cristo, (AP)kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula (AQ)sa biyaya.
5 Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay (AR)naghihintay ng pangako ng katuwiran.
6 Sapagka't (AS)kay Cristo Jesus, kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli; (AT)kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.
7 Nagsisitakbo kayong mabuti nang una; (AU)sino ang gumambala sa inyo upang kayo'y huwag magsisunod sa katotohanan?
8 Ang paghikayat na ito ay hindi nagmula (AV)doon sa tumawag sa inyo.
9 Ang kaunting lebadura ay (AW)nagpapakumbo sa buong limpak.
10 Ako'y may pagkakatiwala sa inyo sa Panginoon, na hindi kayo nagsipagisip ng ibang paraan: datapuwa't (AX)ang gumagambala sa inyo ay magtataglay ng kaniyang kahatulan, maging sinoman siya.
11 Nguni't ako, mga kapatid, (AY)kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli, (AZ)bakit ako'y pinaguusig pa? kung gayon ay natapos (BA)na ang katitisuran sa krus.
12 Ibig ko sana na ang mga nagsisigulo sa inyo ay gumawa ng (BB)higit sa pagtutuli.
13 Sapagka't kayo, mga kapatid, ay tinawag sa (BC)kalayaan; (BD)huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo.
14 Sapagka't ang (BE)buong kautusan ay natutupad sa isang salita, sa makatuwid ay dito: (BF)Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili.
15 Nguni't kung kayo-kayo rin ang nangagkakagatan at nangagsasakmalan, magsipagingat kayo na baka kayo'y mangaglipulan sa isa't isa.
16 Sinasabi ko nga, (BG)Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.
17 Sapagka't (BH)ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka't ang mga ito ay nagkakalaban; (BI)upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.
18 Datapuwa't (BJ)kung kayo'y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan.
19 (BK)At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,
20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,
21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na (BL)ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.
22 Datapuwa't (BM)ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, (BN)kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
23 Kaamuan, pagpipigil; (BO)laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.
24 At (BP)ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito.
25 (BQ)Kung tayo'y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu.
26 Huwag tayong maging mga palalo, (BR)na tayo-tayo'y nangagmumungkahian sa isa't isa, nangagiinggitan sa isa't isa.
6 Mga kapatid, (BS)kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway, kayong (BT)mga sa espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa (BU)espiritu ng kahinhinan; na iyong pagwariin ang iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso.
2 Mangagdalahan kayo ng mga (BV)pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon (BW)ang kautusan ni Cristo.
3 Sapagka't kung (BX)ang sinoman ay nagaakala na siya'y may kabuluhan bagaman siya ay walang kabuluhan, ang kaniyang sarili ang dinadaya niya.
4 Nguni't siyasatin ng (BY)bawa't isa ang kaniyang sariling gawa, at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng kaniyang kapurihan tungkol sa kaniyang sarili lamang, at hindi tungkol sa kapuwa.
5 Sapagka't ang (BZ)bawa't tao ay magpapasan ng kaniyang sariling pasan.
6 Datapuwa't ang tinuturuan (CA)sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo sa lahat ng mga bagay na mabuti.
7 Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang (CB)lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.
8 Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan.
9 (CC)At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, (CD)kung hindi tayo manganghihimagod.
10 Kaya nga, samantalang tayo'y may pagkakataon, ay (CE)magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa (CF)mga kasangbahay sa pananampalataya.
11 Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo (CG)ng aking sariling kamay.
12 Yaong (CH)lahat na may ibig magkaroon ng isang mabuting anyo sa laman, (CI)ay siyang pumipilit sa inyo na mangagtuli; upang huwag lamang silang (CJ)pagusigin dahil sa krus ni Cristo.
13 Sapagka't yaon mang nangatuli na ay hindi rin nagsisitupad ng kautusan; nguni't ibig nilang kayo'y ipatuli, upang sila'y mangagmapuri sa inyong laman.
14 Datapuwa't malayo nawa sa akin ang (CK)pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao'y ang sanglibutan ay (CL)napako sa krus sa ganang akin, at ako'y sa sanglibutan.
15 Sapagka't ang pagtutuli ay walang anoman, kahit man ang di-pagtutuli, kundi (CM)ang bagong nilalang.
16 At ang lahat (CN)na mangagsisilakad ayon sa alituntuning ito, (CO)kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanila, at sa (CP)Israel ng Dios.
17 Buhat ngayon sinoman ay huwag bumagabag sa akin; sapagka't dala kong nakalimbag sa aking katawan (CQ)ang mga tanda ni Jesus.
18 Mga kapatid, (CR)ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu. Siya nawa.
1 Si (CS)Pablo, na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, sa mga banal na nangasa Efeso, (CT)at sa mga tapat kay Cristo Jesus:
2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.
3 (CU)Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang (CV)ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo:
4 Ayon sa pagkapili niya sa atin (CW)sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis (CX)sa harapan niya sa pagibig:
5 Na tayo'y itinalaga niya nang una pa (CY)sa pagkukupkop na tulad sa mga anak (CZ)sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, (DA)ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban,
6 Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa (DB)Minamahal:
7 Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, (DC)na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,
8 Na pinasagana niya sa atin, sa buong (DD)karunungan at katalinuhan,
9 Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga (DE)ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin.
10 Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, (DF)upang tipunin ang (DG)lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,
11 Tayo rin naman sa kaniya ay (DH)ginawang mana, na itinalaga na niya tayo nang una pa (DI)ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban;
12 (DJ)Upang tayo'y maging kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian, tayong nagsiasa nang una kay Cristo:
13 Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan,—na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan (DK)ng Espiritu Santo, na ipinangako,
14 Na siyang patotoo (DL)sa ating mana, hanggang sa ikatutubos (DM)ng sariling pagaari ng Dios, (DN)sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.
15 Dahil dito ako rin naman, (DO)pagkarinig ng pananampalataya sa Panginoong Jesus na nasa inyo, at ng pagibig na inyong ipinakita sa lahat ng mga banal,
16 Ay (DP)hindi ako tumitigil ng pagpapasalamat dahil sa inyo, na aking binabanggit kayo sa aking mga panalangin;
17 Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo, (DQ)ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya;
18 Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano (DR)ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang (DS)pamana sa mga banal,
19 At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, (DT)ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas,
20 Na kaniyang ginawa kay Cristo, (DU)nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at (DV)pinaupo sa kaniyang kanan (DW)sa sangkalangitan,
21 Sa kaibaibabawan ng (DX)lahat na (DY)pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa (DZ)bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating:
22 At ang lahat ng mga bagay ay (EA)pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang (EB)maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia,
23 (EC)Na siyang katawan niya, (ED)na kapuspusan niyaong (EE)pumupuspos ng lahat sa lahat.
2 At kayo'y binuhay niya, (EF)nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,
2 Na inyong nilakaran (EG)noong una ayon sa (EH)lakad ng sanglibutang ito, ayon (EI)sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa (EJ)mga anak ng pagsuway;
3 Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa (EK)mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at (EL)tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba:—
4 Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin,
5 Bagama't (EM)tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, (EN)tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas),
6 At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya (EO)sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus:
7 Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus:
8 Sapagka't sa biyaya (EP)kayo'y nangaligtas (EQ)sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, (ER)ito'y kaloob ng Dios;
9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, (ES)upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
10 Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, (ET)na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.
11 Kaya nga (EU)alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na (EV)Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay:
12 Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa (EW)mga tipan ng pangako, na (EX)walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan.
13 Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo (EY)ay inilapit sa dugo ni Cristo.
14 Sapagka't siya ang ating kapayapaan, (EZ)na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,
15 Na inalis (FA)ang pagkakaalit (FB)sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang (FC)taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;
16 At (FD)upang papagkasunduin silang dalawa sa (FE)isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, (FF)na sa kaniya'y pinatay ang pagkakaalit.
17 At siya'y naparito (FG)at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo, at ang kapayapaan sa nangalalapit:
18 Sapagka't (FH)sa pamamagitan niya (FI)tayo'y may pagpasok sa (FJ)isang Espiritu rin sa Ama.
19 Kaya nga hindi na kayo mga (FK)taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga (FL)kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios,
20 (FM)Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga (FN)apostol at ng mga (FO)propeta, na si Cristo Jesus din (FP)ang pangulong bato sa panulok;
21 Na sa kaniya'y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging (FQ)isang templong banal sa Panginoon;
22 Na sa kaniya'y itinayo naman (FR)kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.
3 Dahil dito, akong si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus dahil sa inyong mga Gentil,—
2 Kung tunay na inyong narinig (FS)yaong pagiging katiwala sa biyaya ng Dios na sa akin ay ibinigay sa ikagagaling ninyo;
3 (FT)Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala (FU)sa akin ang hiwaga, (FV)gaya ng isinulat ko nang una sa ilang salita.
4 Sa pamamagitan niyaon, sa pagbasa ninyo, ay inyong mapagtatalastas ang aking pagkakilala (FW)sa hiwaga ni Cristo;
5 Na nang ibang panahon ay hindi ipinakilala sa mga anak ng mga tao, na (FX)gaya ngayon na ipinahayag sa kaniyang mga banal na apostol at propeta sa Espiritu;
6 Na ang mga Gentil (FY)ay mga tagapagmana, at mga (FZ)kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio,
7 (GA)Na dito'y ginawa akong ministro, ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay (GB)ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan.
8 Sa akin, na ako (GC)ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga (GD)kayamanan ni Cristo;
9 At (GE)maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios (GF)na lumalang ng lahat ng mga bagay;
10 Upang ngayo'y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa (GG)mga kapangyarihan (GH)sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios,
11 (GI)Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin:
12 Na sa kaniya'y mayroon tayong lakas ng loob at (GJ)pagpasok (GK)na may pagasa sa pamamagitan (GL)ng ating pananampalataya sa kaniya.
13 Kaya nga ipinamamanhik ko (GM)na huwag kayong manglupaypay sa mga kapighatian ko dahil sa inyo, (GN)na pawang kapurihan ninyo.
14 (GO)Dahil dito (GP)ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama,
15 Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan (GQ)ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa,
16 Upang sa inyo'y ipagkaloob niya, ayon sa mga (GR)kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, (GS)na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob;
17 Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso (GT)sa pamamagitan ng pananampalataya; upang (GU)kung kayo'y magugat at magtumibay sa pagibig.
18 Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim,
19 At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y (GV)mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios.
20 Ngayon sa makapangyarihang (GW)gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, (GX)ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin,
21 Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa.
4 Namamanhik nga (GY)sa inyo akong (GZ)bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag,
2 Ng buong kapakumbabaan (HA)at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig;
3 Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu (HB)sa tali ng kapayapaan.
4 May (HC)isang katawan, at (HD)isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang (HE)pagasa ng pagtawag sa inyo;
5 Isang (HF)Panginoon, (HG)isang pananampalataya, isang bautismo,
6 (HH)Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang (HI)sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.
7 Datapuwa't (HJ)ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo.
8 Kaya't sinasabi niya,
(HK)Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag,
At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.
9 (Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa (HL)mga dakong kalaliman ng lupa?
10 Ang bumaba ay siya rin namang (HM)umakyat (HN)sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, (HO)upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.)
11 At pinagkalooban niya ang mga iba na maging (HP)mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y (HQ)evangelista; at ang mga iba'y (HR)pastor at (HS)mga guro;
12 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay (HT)ng katawan ni Cristo:
13 Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng (HU)kapuspusan ni Cristo:
14 Upang tayo'y huwag nang maging (HV)mga bata pa, (HW)na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;
15 Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, (HX)ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;
16 Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan (HY)na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig.
17 Ito nga ang sinasabi ko, at sinasaksihan sa Panginoon, (HZ)na kayo'y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil, (IA)sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip,
18 Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, (IB)ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa (IC)kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;
19 Na sila (ID)sa (IE)di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman.
20 Nguni't kayo'y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo;
21 Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, (IF)at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus.
22 At (IG)inyong iwan, (IH)tungkol sa (II)paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, (IJ)ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;
23 At (IK)kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,
24 At kayo'y mangagbihis (IL)ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.
25 Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, (IM)ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y (IN)mga sangkap na isa't isa sa atin.
26 Kayo'y mangagalit (IO)at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit:
27 Ni bigyan daan man ang diablo.
28 Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, (IP)na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, (IQ)upang siya'y may maibigay sa nangangailangan.
29 (IR)Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng (IS)biyaya ang mga nagsisipakinig.
30 At (IT)huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, (IU)na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng (IV)pagkatubos.
31 Ang lahat ng kapaitan, (IW)at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:
32 At (IX)magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, (IY)na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.
5 Kayo (IZ)nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal;
2 At magsilakad kayo sa pagibig, (JA)gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na (JB)hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.
3 Nguni't ang (JC)pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal;
4 O (JD)ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.
5 Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, (JE)na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, (JF)ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.
6 Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't (JG)dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios (JH)sa mga anak ng pagsuway.
7 Huwag kayong makibahagi sa kanila;
8 Sapagka't noong panahon (JI)kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon (JJ)kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga (JK)anak ng kaliwanagan
9 (Sapagka't (JL)ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan),
10 Na inyong pinatutunayan (JM)ang kinalulugdan ng Panginoon;
11 At huwag kayong makibahagi sa (JN)mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain;
12 Sapagka't ang mga bagay na (JO)ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang.
13 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan.
14 Kaya sinasabi niya, (JP)Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.
15 Mangagingat (JQ)nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong;
16 Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.
17 Kaya huwag kayong maging mga mangmang, (JR)kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
18 At (JS)huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;
19 Na kayo'y mangagusapan (JT)ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon;
20 Na kayo'y laging magpasalamat (JU)sa lahat ng mga bagay (JV)sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa (JW)Dios na ating Ama;
21 Na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo.
22 Mga babae, (JX)pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na (JY)gaya ng sa Panginoon.
23 Sapagka't ang lalake (JZ)ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas (KA)ng katawan.
24 Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.
25 Mga lalake, (KB)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at (KC)ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;
26 Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis (KD)sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig (KE)na may salita,
27 Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na (KF)maluwalhati, na (KG)walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; (KH)kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.
28 Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili:
29 Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia;
30 Sapagka't (KI)tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan.
31 Dahil dito'y (KJ)iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman.
32 Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.
33 (KK)Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay (KL)gumalang sa kaniyang asawa.
6 Mga anak, (KM)magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.
2 Igalang mo ang iyong ama (KN)at ina (na siyang unang utos na may pangako),
3 Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.
4 At, (KO)kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi (KP)inyong turuan sila ayon sa saway at (KQ)aral ng Panginoon.
5 Mga alipin, (KR)magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon, (KS)na may takot at panginginig, sa (KT)katapatan ng inyong puso, na (KU)gaya ng kay Cristo;
6 Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga (KV)alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios;
7 (KW)Maglingkod na may mabuting kalooban, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao:
8 Yamang napagaalaman na anomang mabuting bagay na gawin ng bawa't isa, (KX)ay gayon din ang muling tatanggapin niya sa Panginoon, (KY)maging alipin o laya.
9 At kayong (KZ)mga panginoon, gayon din ang inyong gawin sa kanila, at iwan ninyo ang mga pagbabala: yamang napagaalaman na ang Panginoon nila at ninyo ay nasa langit, (LA)at sa kaniya'y walang itinatanging tao.
10 Sa katapustapusa'y (LB)magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.
11 Mangagbihis kayo ng (LC)buong kagayakan (LD)ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.
12 Sapagka't (LE)ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa (LF)mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga (LG)namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.
13 Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal (LH)sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.
14 (LI)Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na (LJ)may sakbat na baluti ng katuwiran,
15 At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;
16 Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.
17 At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at (LK)ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:
18 (LL)Na magsipanalangin kayo (LM)sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at (LN)daing na patungkol sa lahat ng mga banal,
19 At sa akin, (LO)upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan (LP)ang hiwaga ng evangelio,
20 Na dahil dito (LQ)ako'y isang sugong (LR)natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain.
21 Datapuwa't (LS)upang mangaalaman ninyo naman ang mga bagay na ukol sa akin, at ang kalagayan ko, si Tiquico na aking minamahal na kapatid at tapat na ministro sa Panginoon, ay siyang magpapakilala sa inyo (LT)ng lahat ng mga bagay:
22 Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito, upang makilala ninyo ang aming kalagayan, at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso.
23 Kapayapaan nawa sa mga kapatid, at pagibig na may pananampalataya, mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.
24 Ang biyaya nawa'y sumalahat ng mga nagsisiibig sa ating Panginoong Jesucristo ng pagibig na walang pagkasira. Siya nawa.
1 Si Pablo at si (LU)Timoteo, na mga alipin ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga banal (LV)kay Cristo Jesus na nangasa (LW)Filipos, pati ng mga (LX)obispo at ng mga (LY)diakono:
2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.
3 (LZ)Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala,
4 Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat,
5 Dahil sa inyong pakikisama (MA)sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon;
6 Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin (MB)hanggang sa araw ni Jesucristo:
7 Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka't kayo'y nasa aking puso, palibhasa'y, (MC)sa aking mga tanikala at (MD)pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya.
8 Sapagka't saksi ko ang Dios, (ME)kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa (MF)mahinahong habag ni Cristo Jesus.
9 At ito'y idinadalangin ko, na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa (MG)kaalaman at sa lahat ng pagkakilala;
10 Upang (MH)inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan (MI)hanggang sa kaarawan ni Cristo;
11 Na mangapuspos ng (MJ)bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, (MK)sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios.
12 Ngayon ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng evangelio;
13 Ano pa't ang aking mga tanikala kay Cristo ay nahayag sa lahat ng mga bantay ng pretorio, at sa mga iba't iba pa;
14 At ang karamihan sa mga kapatid sa Panginoon, na palibhasa'y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala, ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng Dios.
15 Tunay na ipinangangaral ng iba si Cristo sa kapanaghilian at sa pakikipagtalo; at ng mga iba naman sa mabuting kalooban:
16 Ang isa'y gumagawa nito sa pagibig, palibhasa'y nalalaman na ako'y nalalagay sa (ML)pagsasanggalang ng evangelio;
17 Datapuwa't itinatanyag ng iba si Cristo dahil sa pagkakampikampi, hindi sa pagtatapat, na ang iniisip ay dalhan ako ng kapighatian sa aking mga tanikala.
18 Ano nga? gayon man, sa lahat ng paraan, maging sa pagdadahilan o sa katotohanan, ay itinatanyag si Cristo; at sa ganito'y nagagalak ako, oo, at ako'y magagalak.
19 Sapagka't nalalaman ko na ang kahihinatnan nito'y sa aking ikaliligtas, (MM)sa pamamagitan ng inyong pananaing at kapuspusan (MN)ng Espiritu ni Cristo,
20 Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa, na, (MO)sa anoma'y hindi ako mapapahiya, kundi (MP)sa buong katapangan, na gaya ng dati, gayon din naman ngayon, ay dadakilain si Cristo sa aking katawan, maging sa pamamagitan ng kabuhayan, o sa pamamagitan ng kamatayan.
21 Sapagka't sa ganang akin (MQ)ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang.
22 Nguni't kung ang mabuhay sa laman ay siya kong palad,—ito'y magiging mabungang pagpapagal, na aywan ko nga kung ano ang aking pipiliin.
23 Sapagka't ako'y nagigipit (MR)sa magkabila, akong may nasang (MS)umalis at suma kay Cristo; sapagka't ito'y lalong mabuti:
24 Gayon ma'y ang manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan dahil sa inyo.
25 At sa pagkakatiwalang ito, ay aking nalalaman na ako'y mananatili, oo, at mananatili ako na kasama ninyong lahat, sa ikasusulong ninyo at ikagagalak sa pananampalataya;
26 Upang managana ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus sa akin sa pamamagitan ng aking pagharap na muli sa inyo.
27 Ang inyo lamang pamumuhay (MT)ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na (MU)kayo'y matitibay sa isang espiritu, (MV)na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa (MW)na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;
28 At sa anoman ay huwag kayong mangatakot sa mga kaaway: (MX)na ito sa kanila ay malinaw na tanda ng kapahamakan, datapuwa't tanda ng inyong pagkaligtas, at ito'y mula sa Dios;
29 Sapagka't sa inyo'y (MY)ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:
30 Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno (MZ)na inyong nakita rin sa akin, at ngayo'y nababalitaan ninyong taglay ko.
2 Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anomang kaaliwan ng pagibig, kung mayroong anomang pakikisama ng Espiritu, (NA)kung mayroong anomang (NB)mahinahong awa at habag,
2 Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, (NC)upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip;
3 Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng (ND)pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi (NE)sa kababaan ng pagiisip, (NF)na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili;
4 Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang (NG)bawa't isa naman ay sa iba't iba.
5 Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na (NH)ito'y na kay Cristo Jesus din naman:
6 Na siya, bagama't (NI)nasa anyong Dios, (NJ)ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,
7 Kundi bagkus (NK)hinubad niya ito, (NL)at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:
8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, (NM)na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
9 (NN)Kaya siya naman ay pinakadakila ng (NO)Dios, at (NP)siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;
10 Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang (NQ)lahat ng tuhod, ng (NR)nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,
11 At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay (NS)Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.
12 Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may (NT)takot at panginginig;
13 Sapagka't (NU)Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban.
14 Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo:
15 Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, (NV)mga anak ng Dios na walang dungis (NW)sa gitna ng isang lahing (NX)liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong (NY)tulad sa mga ilaw sa sanglibutan,
16 Na nagpapahayag (NZ)ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri (OA)ako sa kaarawan ni Cristo, na (OB)hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan (OC)ni nagpagal man nang walang kabuluhan.
17 Oo, kahit (OD)ako'y maging hain sa paghahandog (OE)at paglilingkod ng inyong pananampalataya, (OF)ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat:
18 At sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin.
19 Datapuwa't inaasahan ko sa Panginoong Jesus na suguing madali sa inyo si (OG)Timoteo, upang ako naman ay mapanatag, pagkaalam ko ng inyong kalagayan.
20 Sapagka't walang taong katulad ko ang pagiisip na magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan.
21 Sapagka't (OH)pinagsisikapan nilang (OI)lahat ang sa kanilang sarili, hindi ang mga bagay ni Jesucristo.
22 Nguni't nalalaman ninyo ang pagkasubok sa kaniya (OJ)na gaya ng paglilingkod ng anak sa ama, ay gayon naglilingkod siyang kasama ko sa ikalalaganap ng evangelio.
23 Siya nga ang aking inaasahang suguin madali, pagkakita ko kung ano ang mangyayari sa akin:
24 Datapuwa't (OK)umaasa ako sa Panginoon, na diya'y makararating din naman akong madali.
25 Nguni't inakala kong kailangang suguin sa inyo si (OL)Epafrodito, na aking kapatid at kamanggagawa, at kapuwa kawal at inyong sugo at katiwala sa aking kailangan.
26 Yamang siya'y nananabik sa inyong lahat, at totoong siya'y namanglaw, sapagka't inyong nabalitaan na siya'y may-sakit:
27 Katotohanan ngang nagkasakit siya na malapit na sa kamatayan: nguni't kinahabagan siya ng Dios; at hindi lamang siya kundi pati ako, upang ako'y huwag magkaroon ng sapinsaping kalumbayan.
28 Siya nga'y sinugo kong may malaking pagpipilit, upang, pagkakitang muli ninyo sa kaniya, kayo'y mangagalak, at ako'y mabawasan ng kalumbayan.
29 Tanggapin nga ninyo siya sa Panginoon ng buong galak; at ang gayon ay papurihan ninyo:
30 Sapagka't dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nalapit siya sa kamatayan, na isinasapanganib ang kaniyang buhay (OM)upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin.
3 Sa katapustapusan, mga kapatid ko, (ON)mangagalak kayo sa Panginoon. Ang pagsulat ko nga sa inyo ng mga gayon ding bagay, sa akin ay tunay na hindi nakangangalay, nguni't sa inyo'y katiwasayan.
2 Magsipagingat kayo sa mga aso, (OO)magsipagingat kayo sa masasamang manggagawa, (OP)magsipagingat kayo sa mga sa pagtutuli:
3 Sapagka't tayo (OQ)ang pagtutuli, (OR)na nagsisisamba sa Espiritu ng Dios, at nangagmamapuri kay Cristo Jesus, at walang anomang pagkakatiwala sa laman:
4 Bagama't ako'y makapagkakatiwala sa laman: na kung ang iba ay nagaakala na may pagkakatiwala sa laman, ay lalo na ako:
5 Na tinuli ng ikawalong araw, (OS)mula sa lahi ng Israel, (OT)mula sa angkan ni Benjamin, Hebreo sa mga Hebreo; tungkol sa kautusan, ay (OU)Fariseo;
6 Tungkol (OV)sa pagsisikap, (OW)ay manguusig sa iglesia; (OX)tungkol sa kabanalan na nasa kautusan, ay walang kapintasan.
7 Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan, alangalang kay Cristo.
8 Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan (OY)dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo,
9 At ako'y masumpungan sa kaniya, na walang katuwirang (OZ)aking sarili, sa makatuwid baga'y sa kautusan, kundi (PA)ang katuwirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwiran ngang buhat sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya:
10 Upang makilala ko siya, at (PB)ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli, at (PC)ang pakikisama ng kaniyang mga kahirapan, na ako'y natutulad sa kaniyang pagkamatay;
11 Kung aking tamuhin sa anomang paraan ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.
12 Hindi sa ako'y (PD)nagtamo na, o ako'y nalubos na: kundi nagpapatuloy ako, baka sakaling maabot ko yaong ikinaaabot naman sa akin ni Cristo Jesus.
13 Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, (PE)na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at (PF)tinutungo ang mga bagay na hinaharap,
14 Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala (PG)ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus.
15 Kaya nga, kung ilan tayong (PH)mga sakdal, ay magisip ng gayon: at kung sa anoma'y nangagkakaiba kayo ng iniisip ay ipahahayag naman ito sa inyo ng Dios:
16 (PI)Lamang, ay magsilakad tayo (PJ)ayon sa gayon ding ayos na ating inabot na.
17 Mga kapatid, (PK)kayo'y mangagkaisang tumulad sa akin, at tandaan ninyo ang mga nagsisilakad ng gayon, ayon sa halimbawang nakikita ninyo sa akin.
18 Sapagka't marami ang mga nagsisilakad, na siyang madalas na aking sinabi sa inyo, at ngayo'y sinasabi ko sa inyo na may pagiyak, na sila ang mga (PL)kaaway ng krus ni Cristo:
19 (PM)Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, (PN)na ang kanilang dios ay ang tiyan, (PO)at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na (PP)nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa.
20 Sapagka't ang ating pagkamamamayan (PQ)ay nasa langit; mula doon ay (PR)hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo:
21 Na (PS)siyang magbabago (PT)ng katawan ng ating pagkamababa, (PU)upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, (PV)ayon sa paggawa na (PW)maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.
4 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at (PX)pinananabikan, aking (PY)katuwaan at putong, (PZ)magsitibay nga kayo sa Panginoon, mga minamahal ko.
2 Ipinamamanhik ko kay Euodias, at (QA)ipinamamanhik ko kay Sintique, na mangagkaisa ng pagiisip sa Panginoon.
3 Oo, ipinamamanhik ko rin naman sa iyo, tapat na kasama sa pagtulong, na iyong tulungan ang mga babaing ito, sapagka't sila'y nangagpagal na kasama ko sa evangelio, at kasama rin naman ni Clemente, at ng ibang aking mga kamanggagawa, na ang kanilang pangalan ay nangasa (QB)aklat ng buhay.
4 Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: (QC)muli kong sasabihin, Mangagalak kayo.
5 Makilala nawa (QD)ang inyong kahinhinan ng lahat ng mga tao. (QE)Ang Panginoon ay malapit na.
6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; (QF)kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
7 At (QG)ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.
8 Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, (QH)anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.
9 Ang mga bagay na inyong natutuhan (QI)at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at (QJ)ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.
10 Datapuwa't ako'y totoong nagagalak sa Panginoon, na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang (QK)inyong pagmamalasakit sa akin; na dito'y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit, nguni't (QL)kayo'y nagkulang ng mabuting pagkakataon.
11 Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan: sapagka't aking natutuhan ang (QM)masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan.
12 Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana: sa bawa't bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan.
13 Lahat ng mga bagay ay aking magagawa (QN)doon sa (QO)nagpapalakas sa akin.
14 Gayon man ay mabuti ang inyong ginawa na (QP)kayo'y nakiramay sa aking kapighatian.
15 At kayo mga taga Filipos, nalalaman naman ninyo, na (QQ)nang pasimulan ang evangelio, nang ako'y umalis sa (QR)Macedonia, (QS)alin mang iglesia ay walang nakipagkaisa sa akin sa pagkakaloob at pagtanggap kundi kayo lamang;
16 Sapagka't sa (QT)Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan.
17 (QU)Hindi sa ako'y naghahanap ng kaloob; kundi hinahanap ko ang bunga na dumadami sa ganang inyo.
18 Datapuwa't mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako'y busog, palibhasa'y tumanggap (QV)kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, (QW)na isang samyo ng masarap na amoy, isang (QX)handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios.
19 At (QY)pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo (QZ)ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.
20 Ngayon nawa'y suma ating (RA)Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
21 Batiin ninyo ang bawa't banal kay Cristo Jesus. Binabati kayo (RB)ng mga kapatid na kasama ko.
22 Binabati kayo (RC)ng lahat ng mga banal, (RD)lalong lalo na ng mga kasangbahay ni Cesar.
23 Ang biyaya (RE)ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu.
1 Si Pablo, na (RF)apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at ang (RG)kapatid nating si Timoteo,
2 Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo, na nangasa sa Colosas: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama.
3 Nagpapasalamat kami (RH)sa Dios, na Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y laging idinadalangin,
4 Nang nabalitaan namin ng inyong pananampalataya kay Cristo Jesus, at ang pagibig ninyo sa lahat ng mga banal,
5 Dahil sa pagasa (RI)na natataan para sa inyo sa langit, na nang una ay inyong narinig sa (RJ)salita ng katotohanan ng evangelio,
6 Na ito'y dumating sa inyo; (RK)gayon din naman kung paano sa buong sanglibutan na namumunga at lumalaganap, gaya rin naman sa inyo, mula nang araw na inyong marinig at maalaman (RL)ang biyaya ng Dios sa katotohanan;
7 Ayon sa inyong natutuhan kay (RM)Epafras na aming minamahal na kasamang lingkod, na isang tapat na ministro ni Cristo, sa ganang atin;
8 Na siya rin namang sa amin ay nagbalita ng inyong (RN)pagibig sa Espiritu.
9 Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu,
10 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, (RO)sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios;
11 Na kayo'y palakasin ng buong (RP)kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;
12 (RQ)Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan;
13 Na siyang nagligtas sa atin sa (RR)kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig;
14 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:
15 Na (RS)siya ang larawan ng (RT)Dios na di nakikita, (RU)ang panganay ng lahat ng mga nilalang;
16 Sapagka't (RV)sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga (RW)pagsakop o mga (RX)pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan (RY)niya at ukol sa kaniya;
17 At siya'y (RZ)una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.
18 At (SA)siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang (SB)panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.
19 Sapagka't minagaling ng Ama (SC)na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya;
20 At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, (SD)maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.
21 At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama.
22 Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon (SE)sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya:
23 Kung tunay na kayo'y mamamalagi sa pananampalataya, na nababaon at matitibay, at di makilos sa (SF)pagasa sa evangelio na inyong narinig, na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit; (SG)na dito akong si Pablo ay ginawang ministro.
24 (SH)Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin (SI)ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa (SJ)kaniyang katawan, na siyang iglesia;
25 Na ako'y ginawang ministro nito, ayon sa (SK)pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios,
26 Maging (SL)ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapuwa't ngayo'y ipinahayag sa kaniyang mga banal,
27 (SM)Na sa kanila'y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano (SN)ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil, na ito'y si Cristo na nasa inyo, (SO)na pagasa ninyo sa kaluwalhatian:
28 Na siya naming inihahayag, na pinaaalalahanan ang bawa't tao at tinuturuan ang bawa't tao, sa buong karunungan, upang maiharap naming sakdal kay Cristo ang bawa't tao;
29 Na dahil dito'y nagpapagal din naman ako, na nagpipilit ayon sa kaniyang paggawa, na siyang sa akin ay gumagawa na may kapangyarihan.
2 Sapagka't ibig ko na inyong maalaman kung gaano kalaki ang aking pagpipilit dahil sa inyo, at sa nangasa (SP)Laodicea, at sa lahat na hindi nakakita ng mukha ko sa laman;
2 Upang mangaaliw ang kanilang mga puso, sa kanilang pagkakalakip sa pagibig, at sa (SQ)lahat ng mga kayamanan ng lubos na katiwasayan ng pagkaunawa, upang makilala nila (SR)ang hiwaga ng (SS)Dios, sa makatuwid baga'y si Cristo,
3 Na siyang (ST)kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman.
4 Ito'y sinasabi ko, upang huwag kayong madaya ng sinoman sa mga pananalitang kaakitakit.
5 Sapagka't bagaman sa laman ako'y wala sa harap, gayon ma'y nasa inyo ako sa espiritu, na nagagalak at nakikita ko ang inyong ayos, at ang katibayan ng inyong pananampalataya kay Cristo.
6 Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon, ay magsilakad kayong gayon sa kaniya,
7 Na nangauugat (SU)at nangatatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat.
8 Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa (SV)sali'tsaling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo:
9 Sapagka't (SW)sa kaniya'y nananahan ang buong (SX)kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,
10 At sa kaniya (SY)kayo'y napuspus (SZ)na siyang pangulo ng lahat na (TA)pamunuan at kapangyarihan:
11 Na sa kaniya ay tinuli rin naman kayo ng pagtutuling (TB)hindi gawa ng mga kamay, (TC)sa pagkahubad ng katawang laman, sa pagtutuli ni Cristo;
12 Na nangalibing na (TD)kalakip niya sa bautismo, na kayo nama'y (TE)muling binuhay na kalakip niya, sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagawa ng Dios, na muling bumangon sa kaniya sa mga patay.
13 At (TF)nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay kaniyang binuhay kayo na kalakip niya, na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan:
14 Na pinawi (TG)ang usapang (TH)nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naayon sa atin: at ito'y kaniyang inalis, na ipinako sa krus;
15 (TI)Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila'y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay siya sa kanila (TJ)sa bagay na ito.
16 Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo (TK)tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol (TL)sa kapistahan, o (TM)bagong buwan o araw ng sabbath:
17 Na (TN)isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't (TO)ang katawan ay kay Cristo.
18 Sinoman ay huwag manakawan ng ganting-pala sa inyo sa pamamagitan ng kusang pagpapakababa at pagsamba sa mga anghel, na nananatili sa mga bagay na kaniyang nakita, na nagpapalalo ng walang kabuluhan sa pamamagitan ng kaniyang akalang ukol sa laman,
19 At hindi nangangapit sa (TP)Ulo, na sa kaniya'y ang buong katawan, na inaalalayan at nakalakip sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid, ay lumalago ng paglagong mula sa Dios.
20 (TQ)Kung kayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo mula sa (TR)mga pasimulang aral ng sanglibutan, (TS)bakit, na waring kayo'y nangabubuhay pa sa sanglibutan, kayo'y nangapasasakop sa mga palatuntunan,
21 Gaya ng: (TT)Huwag dumampot, ni huwag lumasap, ni huwag humipo
22 (Ang lahat ng mga bagay na ito ay mangasisira sa paggamit), ayon sa mga utos at mga aral ng mga tao?
23 Ang mga bagay na iya'y katotohanang mayroong anyo ng karunungan sa (TU)pagsambang kusa, at sa pagpapakababa, at sa pagpapakahirap sa katawan; nguni't walang anomang kabuluhan laban sa ikalalayaw ng laman.
3 Kung kayo nga'y (TV)muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.
2 Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.
3 Sapagka't (TW)kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios.
4 Pagka si Cristo na (TX)ating buhay ay mahayag, (TY)ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya (TZ)sa kaluwalhatian.
5 (UA)Patayin nga ninyo ang (UB)inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, (UC)pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, (UD)na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan;
6 Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating (UE)ang kagalitan ng Dios sa (UF)mga anak ng pagsuway:
7 Na inyo ring nilakaran nang una, nang kayo'y nangabubuhay pa sa mga bagay na ito;
8 Datapuwa't ngayon ay (UG)inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: (UH)galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, (UI)mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig:
9 Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; (UJ)yamang hinubad na ninyo (UK)ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa,
10 At kayo'y nangagbihis ng bagong pagkatao, na nagbabago sa kaalaman ayon (UL)sa larawan niyaong lumalang sa kaniya:
11 Doo'y hindi maaaring magkaroon ng (UM)Griego at ng Judio, ng (UN)pagtutuli at ng di pagtutuli, ng barbaro, ng Scita, ng alipin, ng laya; kundi si (UO)Cristo ang lahat, at sa lahat.
12 Mangagbihis nga kayo (UP)gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, (UQ)ng isang pusong mahabagin, ng (UR)kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod:
13 Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at (US)mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin:
14 At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay (UT)mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.
15 At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, (UU)na diya'y tinawag din naman kayo (UV)sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat.
16 Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa (UW)sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.
17 At anomang inyong ginagawa, (UX)sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya.
18 Mga babae, (UY)pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.
19 Mga lalake, (UZ)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.
20 Mga anak, (VA)magsitalima kayo sa inyong magulang sa lahat ng mga bagay, sapagka't ito'y totoong nakalulugod sa Panginoon.
21 Mga ama, (VB)huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila.
22 (VC)Mga alipin, magsitalima kayo sa lahat ng mga bagay sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon: hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na mangatakot sa Panginoon:
23 Anomang inyong ginagawa, (VD)ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao;
24 Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay (VE)tatanggapin ninyo ang ganting (VF)mana; sapagka't naglilingkod kayo sa Panginoong Jesucristo.
25 Sapagka't ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng ayon sa masama na kaniyang ginawa; (VG)at walang itinatanging mga tao.
4 Mga panginoon, (VH)gawin ninyo sa inyong mga alipin ang matuwid, at katampatan; yamang nalalaman ninyo na kayo naman ay mayroong ding isang Panginoon sa langit.
2 (VI)Manatili kayong palagi (VJ)sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na (VK)may pagpapasalamat;
3 (VL)Na tuloy idalangin din ninyo kami, na buksan sa amin ng Dios ang pinto sa salita, upang aming salitain (VM)ang hiwaga ni Cristo, (VN)na dahil din dito'y may mga tanikala ako;
4 Upang ito'y aking maihayag, gaya ng aking nararapat na salitain.
5 Magsilakad kayo na may karunungan (VO)sa nangasa labas, (VP)na inyong samantalahin ang panahon.
6 Ang inyong pananalita nawa'y (VQ)laging may biyaya, (VR)na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.
7 (VS)Ang lahat na mga bagay ukol sa akin ay ipatatalastas sa inyo ni Tiquico, na minamahal na kapatid at tapat na ministro, at kasamang lingkod sa Panginoon:
8 Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito, upang maalaman ninyo ang aming kalagayan, at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso;
9 Na kasama ni (VT)Onesimo, tapat at minamahal na kapatid, na siya'y isa sa inyo. Sila ang magpapatalastas sa inyo ng lahat ng mga bagay na nangyayari dini.
10 Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko sa bilangguan, at ni (VU)Marcos na pinsan ni Bernabe (tungkol sa kaniya'y tinanggap na ninyo ang mga utos: kung paririyan siya sa inyo, ay inyong tanggapin),
11 At si Jesus na tinatawag na Justo, (VV)na pawang sa pagtutuli: ang mga ito lamang ang aking kamanggagawa sa kaharian ng Dios, mga taong naging kaaliwan ko.
12 Binabati kayo ni Epafras, (VW)na isa sa inyo, na lingkod ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap dahil sa inyo sa kaniyang pananalangin, upang kayo'y magsitatag na mga sakdal at lubos na tiwasay sa lahat na kalooban ng Dios.
13 Sapagka't siya'y binibigyan kong patotoo na siya'y totoong nagpapagal sa inyo, at sa nangasa (VX)Laodicea, at sa nangasa Hierapolis.
14 Binabati kayo ni (VY)Lucas, ang minamahal na manggagamot, at ni (VZ)Demas.
15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nangasa Laodicea, at si Nimfas, at (WA)ang iglesiang nasa kanilang bahay.
16 At pagkabasa (WB)ng sulat na ito sa inyo, ay ipabasa naman ninyo sa iglesia ng mga taga Laodicea; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea.
17 At sabihin ninyo kay (WC)Arquipo, Ingatan mong tuparin ang ministerio na tinanggap mo sa Panginoon.
18 Ang bating sinulat ng aking sariling kamay, (WD)akong si Pablo. Alalahanin ninyo ang (WE)aking mga tanikala. (WF)Ang biyaya'y sumasainyo nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978