Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Deuteronomio 31:1-32:27

Katapusang bilin ni Moises.

31 At si Moises ay yumaon at sinalita ang mga salitang ito sa buong Israel.

At kaniyang sinabi sa kanila, (A)Ako'y may isang daan at dalawang pung taon sa araw na ito; hindi na ako makapaglalabas at pumasok; at sinabi ng Panginoon sa akin, (B)Huwag kang tatawid sa Jordang ito.

Magpapauna (C)ang Panginoon mong Dios at kaniyang lilipulin ang mga bansang ito sa harap mo, at iyong aariin: si Josue ay magpapauna sa iyo, (D)gaya ng sinalita ng Panginoon.

At gagawin sa kanila ng Panginoon ang (E)gaya ng ginawa kay Sehon, at kay Og, na mga hari ng mga Amorrheo, at sa kanilang lupain na kaniyang nilipol.

(F)At ibibigay sila ng Panginoon sa harap mo, at iyong gagawin sa kanila ang ayon sa buong utos na aking iniutos sa iyo.

(G)Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong (H)matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios (I)ay siyang yumayaong kasama mo; (J)hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya.

At tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa paningin ng buong Israel, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't ikaw ay yayaong kasama ng bayang ito sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila; at iyong ipamamana sa kanila.

At ang Panginoon, (K)ay siyang nagpapauna sa iyo; siya'y sasa iyo, hindi ka niya iiwan, ni pababayaan ka: ikaw ay huwag matatakot ni manglulupaypay.

Ang batas ay ibinigay sa mga saserdote; at inilagay sa tabi ng kaban ng tipan.

At isinulat ni Moises ang kautusang ito, (L)at ibinigay sa mga saserdote na mga anak ni Levi, (M)na silang nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at sa lahat ng matanda sa Israel.

10 At iniutos sa kanila ni Moises, na sinabi, Sa katapusan ng bawa't pitong taon, (N)sa takdang panahon ng taon ng pagtubos, (O)sa kapistahan ng mga balag,

11 Pagdating ng buong Israel upang (P)pakita sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong kaniyang pipiliin ay (Q)iyong babasahin ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa kanilang pakinig.

12 (R)Pisanin mo ang bayan, ang mga lalake at mga babae at mga bata, at ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kanilang marinig, at upang kanilang pagaralan, at matakot sa Panginoon mong Dios, at isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito;

13 At upang ang kanilang mga anak, (S)na hindi nakakilala, ay (T)makarinig at magaral na matakot sa Panginoon ninyong Dios, habang kayo'y nabubuhay sa lupain na inyong pinaroroonan, na inyong itinatawid ng Jordan upang ariin.

14 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ang iyong mga araw na ikamamatay ay nalalapit: tawagin mo si Josue, at magsiharap kayo sa tabernakulo ng kapisanan (U)upang siya'y aking mapagbilinan. At si Moises at si Josue ay yumaon at humarap sa tabernakulo ng kapisanan.

15 (V)At ang Panginoon ay napakita sa Tolda, sa isang tila haliging ulap; at ang tila haliging ulap ay tumayo sa pintuan ng tabernakulo.

16 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ikaw ay (W)matutulog na kasama ng iyong mga magulang; at ang bayang ito'y babangon, at sasamba (X)sa kakaibang mga dios sa lupain, na kanilang pinaroroonan upang sumagitna nila, at (Y)ako'y pababayaan, at sisirain ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanila.

17 Kung magkagayo'y ang aking galit ay magaalab laban sa kanila sa araw na yaon, (Z)at aking pababayaan sila, at aking ikukubli ang aking mukha (AA)sa kanila, at sila'y sasakmalin, at maraming kasamaan at kabagabagan ang darating sa kanila; na anopa't kanilang sasabihin sa araw na yaon, Hindi ba ang mga kasamaang ito ay dumating sa atin dahil sa ang ating Dios ay (AB)wala sa gitna natin?

18 At (AC)ikukubli ko nga ang aking mukha sa araw na yaon dahil sa buong kasamaang kanilang ginawa, sa paraang sila'y pumihit sa ibang mga dios.

19 Ngayon nga'y sulatin ninyo sa ganang inyo ang awit na ito, at ituro mo sa mga anak ni Israel: ilagay mo sa kanilang mga bibig, upang ang awit na ito'y maging saksi sa akin laban sa mga anak ni Israel.

20 Sapagka't pagka sila'y naipasok ko na sa lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang, na binubukalan ng gatas at pulot, at sila'y nakakain at nabusog (AD)at tumaba; ay pipihit nga sila sa ibang mga dios, at paglilingkuran nila, at ako'y lalabagin nila, at sisirain ang aking tipan.

21 At mangyayari na pagka ang maraming kasamaan at kabagabagan ay dumating sa kanila, ay magpapatotoo ang awit na ito sa harap nila na pinakasaksi; sapagka't hindi malilimutan ng mga bibig ng kanilang binhi; sapagka't talastas (AE)ko ang kanilang (AF)iniisip na kanilang inaakala ngayon pa, bago ko sila ipasok sa lupain na isinumpa ko.

22 Kaya't isinulat ni Moises ang awit na ito nang araw ding yaon, at itinuro sa mga anak ni Israel.

23 (AG)At kaniyang pinagbilinan si Josue na anak ni Nun, at sinabi, (AH)Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't iyong ipapasok ang mga anak ni Israel sa lupain na isinumpa ko sa kanila; at ako'y sasa iyo.

24 At nangyari, nang matapos ni Moises na masulat ang mga salita ng kautusang ito sa isang aklat, hanggang sa natapos,

25 Na nagutos si Moises sa mga Levita, na may dala ng kaban ng tipan ng Panginoon, na sinasabi,

26 Kunin ninyo ang aklat na ito ng kautusan (AI)at ilagay ninyo sa siping ng kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, upang doo'y maging (AJ)pinakasaksi laban sa iyo.

27 Sapagka't talastas ko ang iyong panghihimagsik, at ang iyong (AK)matigas na ulo: narito, nabubuhay pa akong kasama ninyo, sa araw na ito, (AL)kayo'y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon: at gaano pa kaya pagkamatay ko?

28 Pulungin mo ang mga matanda sa iyong mga lipi at ang inyong mga pinuno upang masalita ko ang mga salitang ito sa kanilang pakinig, (AM)at matawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa kanila.

29 Sapagka't talastas ko na pagkamatay ko, (AN)kayo'y mangagsisisama at mangaliligaw sa daan na aking itinuro sa inyo; at ang kasamaan ay sasapit sa inyo sa mga huling araw; sapagka't inyong gagawin yaong masama sa paningin ng Panginoon, (AO)upang ipamungkahi niya kayo sa kagalitan sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay.

30 At sinalita ni Moises sa pakinig ng buong kapisanan ng Israel ang mga salita ng awit na ito, hanggang sa natapos.

Ang awit ni Moises.

32 Makinig kayo, (AP)mga langit, at ako'y magsasalita,
At pakinggan ng lupa ang mga salita ng aking bibig.
Ang aking aral ay (AQ)papatak na parang ulan;
Ang aking salita ay bababa na parang hamog;
(AR)Gaya ng ambon sa malambot na damo,
At gaya ng mahinang ambon sa gugulayin:
Sapagka't aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon:
(AS)Dakilain ninyo ang ating Dios.
Siya (AT)ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal;
Sapagka't lahat (AU)niyang daan ay kahatulan:
(AV)Isang Dios na tapat at walang kasamaan,
Matuwid at banal siya.
Sila'y nagpakasamá, sila'y hindi kaniyang mga anak, itong kanilang kapintasan;
Mga tampalasan at likong (AW)lahi.
Ganyan ba ninyo (AX)ginaganti ang Panginoon,
O mangmang na bayan at hindi pantas?
Hindi ba siya ang (AY)iyong ama na tumangkilik (AZ)sa iyo?
(BA)Kaniyang nilalang ka, at itinatag ka.
Alalahanin mo ang mga araw ng una,
Isipin mo ang mga taon ng lahi't lahi:
(BB)Itanong mo sa iyong ama at kaniyang ibabalita sa iyo;
Sa iyong mga matanda, at kanilang sasaysayin sa iyo.
(BC)Nang ibigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang mana,
Nang kaniyang (BD)ihiwalay ang mga anak ng tao,
Kaniyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan
Ayon sa bilang ng mga anak ni Israel.
Sapagka't ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan;
Si Jacob ang bahaging mana niya.
10 Kaniyang nasumpungan (BE)sa isang ilang sa lupain,
At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang;
Kaniyang kinanlungan sa palibot, kaniyang nilingap,
(BF)Kaniyang iningatang parang salamin ng kaniyang mata:
11 (BG)Parang aguila na kumikilos ng kaniyang pugad,
Na yumuyungyong sa kaniyang mga inakay,
Kaniyang ibinubuka ang kaniyang mga pakpak, kaniyang kinukuha,
Kaniyang dinadala sa ibabaw ng kaniyang mga pakpak:
12 Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya,
At walang ibang dios na kasama siya.
13 (BH)Ipinaari sa kaniya ang matataas na dako ng lupa,
At siya'y kumain ng tubo sa bukid;
At kaniyang pinahitit ng (BI)pulot na mula sa bato,
At ng langis na mula sa batong pinkian;
14 Ng mantika ng baka, at gatas ng tupa,
(BJ)Na may taba ng mga kordero,
At ng mga tupang lalake sa Basan, at mga kambing,
Na may taba ng mga butil ng trigo;
At (BK)sa katas ng ubas ay uminom ka ng alak.
15 Nguni't (BL)tumaba si Jeshurun, at (BM)tumutol:
(BN)Ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis:
Nang magkagayo'y kaniyang pinabayaan ang Dios na lumalang sa kaniya,
At niwalang kabuluhan ang (BO)Bato na kaniyang kaligtasan.
16 (BP)Siya'y kinilos nila sa paninibugho sa ibang mga dios,
Sa pamamagitan ng mga karumaldumal, minungkahi nila siya sa kagalitan.
17 Kanilang inihain sa mga demonio, na hindi Dios,
Sa mga dios na hindi nila nakilala,
Sa mga bagong dios, na kalilitaw pa lamang,
Na hindi kinatakutan ng inyong mga magulang.
18 (BQ)Sa Batong nanganak sa iyo, ay nagwalang bahala ka,
At iyong kinalimutan ang Dios na lumalang sa iyo.
19 At nakita ng Panginoon, at (BR)kinayamutan sila,
(BS)Dahil sa pamumungkahi ng kaniyang mga anak na lalake at babae.
20 At kaniyang sinabi, (BT)Aking ikukubli ang aking mukha sa kanila,
Aking titingnan kung anong mangyayari sa kanilang wakas;
Sapagka't sila'y isang napakasamang lahi,
Na mga anak na walang pagtatapat.
21 Kinilos nila ako sa paninibugho doon sa hindi Dios;
Kanilang minungkahi ako sa galit (BU)sa kanilang mga walang kabuluhan:
At akin silang kikilusin sa paninibugho sa mga hindi bayan:
(BV)Aking ipamumungkahi sila sa galit, sa pamamagitan ng isang mangmang na bansa.
22 Sapagka't may apoy na nagalab sa aking galit,
At nagniningas hanggang sa Sheol,
At lalamunin ang lupa sangpu ng tubo nito,
At paniningasan ng apoy ang mga tungtungan ng mga bundok.
23 Aking dadaganan sila ng mga kasamaan;
(BW)Aking gugugulin ang aking busog sa kanila:
24 Sila'y mangapupugnaw sa gutom, at lalamunin ng maningas na init,
At ng mapait na pagkalipol;
(BX)At ang mga ngipin ng mga hayop ay susunugin ko sa kanila,
Sangpu ng kamandag ng nangagsisiusad sa alabok.
25 Sa labas ay pipighatiin ng tabak.
At sa mga silid ay kakilabutan;
Malilipol kapuwa ang binata at dalaga,
Ang sanggol sangpu ng lalaking may uban.
26 Aking sinabi, Aking pangangalatin sila sa malayo,
Aking papaglilikatin sa mga tao ang alaala sa kanila;
27 Kundi aking kinatatakutan ang mungkahi ng kaaway;
Baka ang kanilang mga kalaban ay humatol ng mali,
Baka kanilang (BY)sabihin, Ang aming kamay ay tanghal,
At hindi ginawa ng Panginoon ang lahat ng ito.

Lucas 12:8-34

At sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin naman siya ng Anak ng tao sa harap ng (A)mga anghel ng Dios:

Datapuwa't ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao, ay ikakaila sa harap ng mga anghel ng Dios.

10 Ang bawa't (B)magsalita ng salitang laban sa Anak ng tao ay patatawarin: nguni't ang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin.

11 At pagka kayo'y dadalhin (C)sa harap ng mga sinagoga, at sa mga pinuno, at sa mga may kapamahalaan, ay huwag kayong mangabalisa kung paano o ano ang inyong isasagot, o kung ano ang inyong sasabihin:

12 Sapagka't ituturo sa inyo ng Espiritu Santo sa oras ding yaon ang inyong dapat sabihin.

13 At sinabi sa kaniya ng isa sa karamihan, Guro, iutos mo sa aking kapatid na bahaginan ako ng mana.

14 Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, Lalake, sino ang gumawa sa aking hukom o tagapamahagi sa inyo?

15 At sinabi niya sa kanila, (D)Mangagmasid kayo, at kayo'y mangagingat sa lahat ng kasakiman: sapagka't ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya.

16 At nagsaysay siya sa kanila ng isang talinghaga, na sinasabi, Ang lupa ng isang taong mayaman ay namumunga ng sagana:

17 At iniisip niya sa sarili na sinasabi, Ano ang gagawin ko, sapagka't wala akong mapaglalagyan ng aking mga inaning bunga?

18 At sinabi niya, Ito ang gagawin ko: igigiba ko ang aking mga bangan, at gagawa ako ng lalong malalaki; at doon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at aking mga pagaari.

19 At sasabihin ko sa aking kaluluwa, (E)Kaluluwa, marami ka nang pagaaring nakakamalig para sa maraming taon; magpahingalay ka, kumain ka, uminom ka, matuwa ka.

20 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Dios, Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing (F)ito ang iyong kaluluwa; at (G)ang mga bagay na inihanda mo, ay mapapa sa kanino kaya?

21 Gayon nga ang (H)nagpapakayaman sa ganang kaniyang sarili, at (I)hindi mayaman sa Dios.

22 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Kaya nga sinasabi ko sa inyo, (J)Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano ang inyong kakanin; kahit sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin.

23 Sapagka't ang buhay ay higit kay sa pagkain, at ang katawan kay sa damit.

24 Wariin ninyo ang mga uwak, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas man; na walang bangan ni kamalig man; at sila'y pinakakain ng Dios: gaano ang kahigtan ng kahalagahan ninyo kay sa mga ibon!

25 At sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay?

26 Kung hindi nga ninyo magawa kahit ang lalong maliit, bakit nangababalisa kayo tungkol sa mga ibang bagay?

27 Wariin ninyo ang mga lirio, kung paano silang nagsisilaki: hindi nangagpapagal, o nangagsusulid man; gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, Kahit si Salomon man, sa buong kaluwalhatian niya, ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito.

28 Nguni't kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang, na ngayon ay buháy, at sa kinabukasan ay iginagatong sa kalan; gaano pa kaya kayo na di niya pararamtan, Oh kayong mga kakaunti ang pananampalataya?

29 At huwag ninyong pagsikapan kung ano ang inyong kakanin, at kung ano ang inyong iinumin, o huwag man kayo'y mapagalinlangang pagiisip.

30 Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga bansa sa sanglibutan: datapuwa't talastas ng inyong Ama na inyong kinakailangan ang mga bagay na ito.

31 Gayon ma'y hanapin ninyo ang kaniyang kaharian, at idaragdag sa inyo ang mga bagay na ito.

32 Huwag kayong mangatakot, (K)munting kawan; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y ibigay (L)ang kaharian.

33 Ipagbili ninyo ang inyong mga tinatangkilik, (M)at kayo'y mangaglimos; magsigawa kayo sa ganang inyo ng mga supot na hindi nangaluluma, isang (N)kayamanan sa langit na hindi nagkukulang, na doo'y hindi lumalapit ang magnanakaw, o naninira man ang tanga.

34 Sapagka't kung saan naroroon ang inyong kayamanan, ay doroon naman ang inyong puso.

Mga Awit 78:32-55

32 Sa lahat ng ito ay (A)nangagkasala pa sila,
At hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa.
33 (B)Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa (C)walang kabuluhan,
At ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan.
34 (D)Nang kaniyang patayin sila, sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios.
35 At kanilang naalaala na ang (E)Dios ay kanilang malaking bato,
At ang Kataastaasang Dios ay (F)kanilang manunubos.
36 Nguni't tinutuya nila (G)siya ng kanilang bibig,
At pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila.
37 Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya,
Ni tapat man sila sa kaniyang tipan.
38 (H)Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol:
Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit,
At hindi pinukaw ang buo niyang poot.
39 (I)At naalaala niyang (J)sila'y laman lamang;
Hanging dumadaan, at hindi bumabalik.
40 Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang,
At pinapanglaw nila (K)siya sa ilang!
41 At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios,
At minungkahi ang Banal ng Israel.
42 Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay,
Ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway.
43 (L)Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto,
At ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
44 (M)At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog,
At ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi sila makainom.
45 (N)Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila;
At mga (O)palaka, na nagsigiba sa kanila.
46 Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong,
At ang kanilang pakinabang sa (P)balang.
47 Sinira niya ang (Q)kanilang ubasan ng granizo,
At ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
48 (R)Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo,
At sa mga lintik ang kanilang mga kawan.
49 Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit,
Poot at galit, at kabagabagan,
Pulutong ng mga anghel ng kasamaan.
50 Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit;
Hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan,
Kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;
51 (S)At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto,
Ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni (T)Cham:
52 Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na (U)parang mga tupa,
At pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
53 At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot:
Nguni't (V)tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang (W)santuario,
Sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
55 Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila,
At (X)binahagi sa kanila na pinakamana (Y)sa pamamagitan ng pising panukat,
At pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.

Mga Kawikaan 12:21-23

21 (A)Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid:
Nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan.
22 (B)Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran.
23 (C)Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman:
Nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978