Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the ESV. Switch to the ESV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Hukom 7:1-8:17

Ang tatlong daang mangdidigma.

Nang magkagayo'y si (A)Jerobaal na siyang Gedeon, at ang buong bayan na kasama niya ay bumangong maaga, at humantong sa bukal ng Harod: at ang kampamento ng Madian ay nasa dakong hilagaan nila, sa (B)dako roon ng Moreh, sa libis.

At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Ang bayang kasama mo ay totoong marami sa akin upang aking ibigay ang mga Madianita sa kanilang kamay, baka ang Israel ay (C)magmalaki laban sa akin, na sabihin, Aking sariling kamay ang nagligtas sa akin.

Kaya't ngayo'y yumaon ka, ipagpatawag mo sa mga pakinig ng bayan, na iyong sabihin, (D)Sinomang matatakutin at mapanginig, ay bumalik at pumihit mula sa bundok ng Galaad. At bumalik sa bayan ang dalawang pu't dalawang libo; at naiwan ang sangpung libo.

At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Ang bayan ay totoong marami pa; palusungin mo sila sa tubig, at doo'y aking susubukin sila sa iyo: at mangyayari, na sinomang aking sabihin sa iyo, Ito'y sumama sa iyo, yaon sumama sa iyo; at sa sinomang sabihin ko sa iyo, Ito'y huwag sumama sa iyo, yao'y huwag sumama sa iyo.

Sa gayo'y kaniyang inilusong ang bayan sa tubig: at sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Bawa't humimod sa tubig ng kaniyang dila, gaya ng paghimod ng aso, ay iyong ihihiwalay: gayon din ang bawa't yumukong lumuhod upang uminom.

At ang bilang ng mga humimod, na inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ay tatlong daang lalake: nguni't ang buong labis ng bayan ay yumukong lumuhod upang uminom ng tubig.

At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, (E)Sa pamamagitan ng tatlong daang lalake na humimod ay ililigtas ko kayo, at ibibigay ko ang mga Madianita sa iyong kamay: at pabayaan mong ang buong bayan ay yumaon bawa't isa sa kanikaniyang dako.

Sa gayo'y nagbaon ang bayan sa kanilang kamay ng mga pagkain at ng kanilang mga pakakak: at kaniyang sinugo ang lahat ng mga lalake sa Israel na bawa't isa ay umuwi sa kanikaniyang tolda, nguni't pinigil ang tatlong daang lalake: at ang kampamento ng Madian ay nasa ibaba niya (F)sa libis.

At nangyari nang (G)gabi ring yaon, na sinabi ng Panginoon sa kaniya, Bumangon ka, lusungin mo ang kampamento; sapagka't (H)aking ibinigay sa iyong kamay.

10 Nguni't kung ikaw ay natatakot na lumusong, ay lumusong ka sa kampamento na kasama ni Phara na iyong lingkod.

11 (I)At iyong maririnig kung ano ang kanilang sinasabi, at pagkatapos ang iyong mga kamay ay lalakas na lumusong sa kampamento. Nang magkagayo'y lumusong siyang kasama si Phara na kaniyang lingkod sa pinakahangganan ng mga lalaking may sakbat na nangasa kampamento.

12 At ang mga Madianita at ang mga Amalecita at ang (J)lahat ng mga anak sa silanganan ay nalalatag sa libis na parang balang dahil sa karamihan; at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang, na (K)gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat dahil sa karamihan.

13 At nang dumating si Gedeon, narito, may isang lalake na nagsasaysay ng isang panaginip sa kaniyang kasama, at kaniyang sinabi, Nanaginip ako ng isang panaginip; at, narito, isang munting tinapay na sebada, ay gumulong hanggang sa kampamento ng Madian, at umabot sa tolda, at tinamaan yaon ng malakas na tuloy bumagsak, at natiwarik, na ang tolda'y lumagpak.

14 At sumagot ang kaniyang kasama, at nagsabi, Ito'y hindi iba, kundi ang tabak ni Gedeon, na anak ni Joas, isang lalaking Israelita, na ibinigay ng Dios sa kaniyang kamay ang Madian at ang buong hukbo niya.

Ang paggamit ng pakakak.

15 At nangyari, nang marinig ni Gedeon ang salaysay tungkol sa panaginip, at ang pagkapaliwanag niyaon, na siya'y sumamba; at siya'y bumalik sa kampamento ng Israel, at sinabi, Tumindig kayo; sapagka't ibinigay ng Panginoon sa inyong kamay ang hukbo ng Madian.

16 At binahagi niya ang tatlong daang lalake ng tatlong pulutong, at kaniyang nilagyan ang mga kamay nilang lahat ng mga pakakak, at mga bangang walang laman at mga sulo sa loob ng mga banga.

17 At kaniyang sinabi sa kanila, Masdan ninyo ako, at inyong parisan: at, narito, pagka ako'y dumating sa pinakahuling bahagi ng kampamento, ay mangyayari, na kung anong aking gawin ay siya ninyong gagawin.

18 Pagka ako'y hihihip ng pakakak, ako at lahat na kasama ko, ay humihip nga naman kayo ng mga pakakak, sa buong palibot ng buong kampamento, at sabihin ninyo, Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon.

Nalupig ang Madian.

19 Sa gayo'y si Gedeon, at ang isang daang lalake na kasama niya ay napasa pinakahuling bahagi ng kampamento sa pasimula ng pagbabantay sa hating gabi, ng halos kahahalili lamang ng bantay: at sila'y humihip ng mga pakakak, at kanilang binasag ang mga banga na nasa kanilang mga kamay.

20 At hinipan ng tatlong pulutong ang mga pakakak, at binasag ang mga banga, at itinaas ang mga sulo sa kanilang kaliwang kamay, at ang mga pakakak sa kanilang kanang kamay na kanilang hinihipan, at sila'y naghiyawan, Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon.

21 At (L)sila'y nangakatayo, bawa't isa, sa kaniyang dako sa (M)palibot ng kampamento: at ang buong hukbo ay tumakbo; at sila'y sumigaw at pinatakas nila.

22 At (N)hinipan nila ang tatlong daang pakakak at inilagay ng (O)Panginoon ang (P)tabak ng bawa't isa laban sa kaniyang kasama, at laban sa buong hukbo: at tumakas ang hukbo hanggang sa Beth-sitta sa dakong Cerera, hanggang sa hangganan ni (Q)Abelmehola, sa siping ng Tabbat.

23 At ang mga lalake ng Israel ay nagpipisan, ang sa (R)Nephtali, at ang sa Aser, at sa buong Manases, at hinabol ang Madian.

24 At nagsugo si Gedeon ng mga sugo sa buong lupaing (S)maburol ng Ephraim, na sinasabi, Lusungin ninyo ang Madian, at agapan ninyo ang tubig, hanggang sa Beth-bara, at ang Jordan. Sa gayo'y ang lahat ng mga lalake ng Ephraim ay nagkapisan, at (T)inagapan ang tubig hanggang sa Beth-bara, at ang Jordan.

25 At kanilang hinuli ang (U)dalawang prinsipe sa Madian, si Oreb at si Zeeb: at kanilang pinatay si Oreb sa (V)batuhan ni Oreb at si Zeeb ay kanilang pinatay sa pisaan ng ubas ni Zeeb, at hinabol ang Madian: at kanilang dinala ang mga ulo ni Oreb at ni Zeeb kay Gedeon sa dako roon ng Jordan.

Pinapanahimik ni Gedeon ang Ephraimita.

At (W)sinabi ng mga lalake ng Ephraim sa kaniya, Bakit ginawa mo sa amin ang ganyan, na hindi mo kami tinawag nang ikaw ay yumaong makipaglaban sa Madian? At siya'y pinagwikaan nilang mainam.

At sinabi niya sa kanila, Ano ang aking ginawa ngayon na paris ng inyo? Di ba mainam ang pagsimot ng ubas ng Ephraim kay sa pagaani ng sa Abiezer?

(X)Ibinigay ng Dios sa inyong kamay ang mga prinsipe sa Madian, si Oreb, at si Zeeb, at ano ang aking magagawa na paris ng inyo? Nang magkagayo'y ang kanilang galit sa kaniya ay lumamig, nang kaniyang sabihin yaon.

At si Gedeon ay dumating sa Jordan, at siya'y tumawid, siya, at ang (Y)tatlong daang lalake na mga kasama niya, mga pagod na, ay humahabol pa.

At sinabi niya sa mga lalake sa (Z)Succoth, Isinasamo ko sa inyo na bigyan ninyo ng mga tinapay ang bayan na sumusunod sa akin; sapagka't sila'y mga pagod, at aking hinahabol si Zeba at si Zalmunna, na mga hari sa Madian.

At sinabi ng mga prinsipe sa Succoth, (AA)Nasa iyo na bang kamay ngayon ang mga kamay ni Zeba at ni Zalmunna, upang bigyan namin ng tinapay ang iyong hukbo?

At sinabi ni Gedeon, Kaya, pagka ibinigay ng Panginoon, si Zeba at si Zalmunna sa aking kamay, ay (AB)akin ngang gagalusan ang inyong laman ng mga tinik sa ilang at ng mga dawag.

At inahon niya mula roon ang (AC)Penuel, at siya'y nagsalita sa kanila ng gayon din: at sinagot siya ng mga lalake sa Penuel na gaya ng isinagot ng mga lalake sa Succoth.

At sinalita niya naman sa mga lalake sa Penuel, na sinasabi, (AD)Pagbabalik kong payapa, ay aking (AE)ilalagpak ang moog na ito.

10 Ngayo'y si Zeba at si Zalmunna ay nasa Carcor, at ang kanilang mga hukbo na kasama nila, na may labing limang libong lalake, yaong lahat na nalabi sa buong (AF)hukbo ng mga (AG)anak sa silanganan: sapagka't nabuwal ang isang daan at dalawang pung libong lalake na (AH)humahawak ng tabak.

11 At si Gedeon ay umahon sa daan ng mga tumatahan sa mga tolda sa silanganan ng (AI)Noba at Jogbea, at sinaktan ang (AJ)hukbo; sapagka't ang hukbo ay tiwasay.

12 At si Zeba at si Zalmunna ay tumakas; at kaniyang hinabol sila: at kaniyang (AK)hinuli ang dalawang hari sa Madian, na si Zeba at si Zalmunna, at nalito ang buong hukbo.

13 At tinalikdan ni Gedeon na anak ni Joas ang pagbabaka, mula sa sampahan sa Heres.

14 At hinuli niya ang isang may kabataan sa mga lalake sa Succoth, at nagusisa siya sa kaniya: at ipinaalam sa kaniya ang mga prinsipe sa Succoth, at ang mga matanda niyaon na pitong pu't pitong lalake.

15 At sila'y naparoon sa mga lalake sa Succoth, at sinabi, Narito si Zeba at si Zalmunna, na tungkol sa kanila, ay inyo akong tinuya na inyong sinasabi, (AL)Nasa iyo na bang kamay ngayon ang mga kamay ni Zeba at ni Zalmunna, upang bigyan namin ng tinapay ang iyong mga lalake na mga pagod?

16 At kaniyang kinuha ang mga matanda sa bayan, at mga tinik sa ilang at mga dawag, at sa pamamagitan ng mga yaon ay kaniyang tinuruan ang mga lalake sa Succoth.

17 At kaniyang (AM)inilagpak ang moog ng Penuel, at pinatay ang mga lalake sa bayan.

Lucas 23:13-43

13 At tinipon ni Pilato ang mga pangulong saserdote, at ang mga pinuno at ang bayan,

14 At sinabi sa kanila, Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nagpapasama sa bayan: at narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, ay wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito, tungkol sa mga bagay na isinusumbong ninyo laban sa kaniya;

15 Wala, kahit si Herodes man; sapagka't siya'y ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya.

16 Siya nga'y aking parurusahan, at siya'y pawawalan.[a](A)

18 Datapuwa't silang lahat ay nagsisigawang paminsan, na nangagsabi, Alisin mo ang taong ito, at pawalan mo sa amin si Barrabas:

19 Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan, at sa (B)pagpatay.

20 At si Pilato'y nagsalitang muli sa kanila, sa pagnanais na pawalan si Jesus;

21 Datapuwa't sila'y nagsigawan, na sinasabi, Ipako sa krus, ipako siya sa krus.

22 At kaniyang sinabi sa kanila, (C)na bilang ikatlo, Bakit, anong masama ang ginawa ng taong ito? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya: parurusahan ko nga siya, at siya'y pawawalan.

23 Datapuwa't pinipilit nilang hingin sa malalakas na tinig, na siya'y ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig.

24 At hinatulan ni Pilato na gawin ang kanilang hinihingi,

25 At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, na siyang kanilang hiningi; datapuwa't ibinigay si Jesus sa kalooban nila.

26 At nang siya'y kanilang dalhin (D)ay kanilang pinigil ang isang Simong taga Cirene, na nanggaling sa bukid, at ipinasan sa kaniya ang krus, upang dalhin sa likuran ni Jesus.

27 At siya'y sinusundan ng isang makapal na karamihan sa bayan, at ng mga babaing nagiiyakan at nananambitan dahil sa kaniya.

28 Datapuwa't paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi, Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak.

29 Sapagka't (E)narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyang kailan ma'y hindi nangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso.

30 Kung magkagayon (F)ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; at sa mga burol, Takpan ninyo kami.

31 Sapagka't kung ginagawa ang mga bagay na ito sa (G)punong kahoy na sariwa, (H)ano kaya ang gagawin sa tuyo?

32 At dinala rin naman na (I)kasama niya, ang dalawang tampalasan, upang patayin.

33 At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.

34 At sinabi ni Jesus, (J)Ama, (K)patawarin mo sila; sapagka't (L)hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At (M)sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan.

35 At nakatayong nanonood (N)ang bayan. At tinutuya naman siya (O)ng mga pinuno, na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; iligtas niya ang kaniyang sarili, kung ito ang Cristo ng Dios, ang hinirang niya.

36 At nililibak rin naman siya ng mga kawal, na nagsisilapit sa kaniya, na dinudulutan siya ng suka,

37 At sinabi, Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.

38 At (P)mayroon naman sa itaas niya na isang pamagat, ITO'Y ANG HARI NG MGA JUDIO.

39 At siya'y inalipusta ng (Q)isa sa mga tampalasang nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami.

40 Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan?

41 At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama.

42 At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.

43 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa (R)Paraiso.

Mga Awit 97-98

Ang kapangyarihan ng Panginoon at ang kaniyang nasasakupan.

97 Ang Panginoon ay (A)naghahari; magalak ang lupa;
Matuwa ang karamihan ng mga pulo.
(B)Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya:
Katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.
Apoy ay nagpapauna sa kaniya, At sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot.
Tumatanglaw (C)ang mga kidlat niya sa sanglibutan:
Nakita ng lupa, at niyanig.
(D)Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon,
Sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.
Ipinahahayag (E)ng langit ang kaniyang katuwiran,
At nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.
Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan,
Nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan:
Kayo'y magsisamba sa kaniya (F)kayong lahat na mga dios.
Narinig ng Sion, at natuwa,
At ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak;
Dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon.
Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay (G)kataastaasan sa buong lupa:
Ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios.
10 Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, (H)ipagtanim ninyo ang kasamaan.
Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal;
Kaniyang iniligtas sila (I)sa kamay ng masama.
11 (J)Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal,
At kasayahan ay sa may matuwid na puso.
12 Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid;
(K)At mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan.

Awit.

98 (L)Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit;
Sapagka't siya'y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay:
(M)Ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya:
(N)Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas:
(O)Ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa.
(P)Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel:
Nakita ng (Q)lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios.
Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa.
Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga pagpuri.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri (R)ng alpa;
Ng alpa at ng tinig na tugma.
Ng mga pakakak at tunog ng corneta
(S)Magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon.
(T)Humugong ang dagat at ang buong naroon;
Ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon;
(U)Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay;
Magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan;
Sa harap ng Panginoon, (V)sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:
Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng karapatan ang mga bayan.

Mga Kawikaan 14:7-8

Paroon ka sa harapan ng taong mangmang,
At hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman:
Ang karunungan ng mabait ay makaunawa ng kaniyang lakad:
Nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay karayaan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978