Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the GNT. Switch to the GNT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Josue 13-14

Mga lupang dapat pang mapasa Israel.

13 Si Josue (A)nga'y matanda at puspos ng mga taon; at sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ikaw ay matanda at puspos ng mga taon, at may nalalabi pang totoong maraming lupain na aariin.

(B)Ito ang lupain na nalalabi pa: ang lahat na lupain ng mga Filisteo, at ang lahat na Gessureo:

(C)Mula sa Sihor na nasa tapat ng Egipto, hanggang sa hangganan ng Accaron na dakong hilagaan, na nabilang sa mga Cananeo: ang (D)limang pangulo ng mga Filisteo, ang mga Gazeo, ang mga Asdodeo, ang mga Ascaloneo, ang mga Getheo, ang mga Accaronneo; gayon din ang mga Heveo,

Sa dakong timugan: ang lahat na lupain ng mga Cananeo, at ang Mehara, na nauukol sa mga Sidonio hanggang sa Aphec, na hangganan ng mga Amorrheo;

At ang lupain ng mga Gebalita at ang buong Libano, sa dakong sinisikatan ng araw, (E)mula sa Baal-gad, sa ibaba ng bundok Hermon hanggang sa (F)pasukan sa Hamat:

Ang lahat ng taga lupaing maburol mula sa Libano hanggang sa Misrephoth-maim, sa makatuwid baga'y lahat ng mga Sidonio; sila'y aking itataboy mula sa harap ng mga anak ni Israel: iyo lamang (G)bahagihin sa Israel na pinakamana, gaya ng iniutos ko sa iyo.

Iyo ngang bahagihin ang lupaing ito na pinakamana sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi ni Manases.

Sa kaniya'y tinanggap ng mga Rubenita at ng mga Gadita, ang kanilang mana, (H)na ibinigay sa kanila ni Moises, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan gaya ng ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon;

(I)Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ng buong (J)kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon:

10 At ang (K)lahat na bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na naghahari sa Hesbon hanggang sa hangganan ng mga anak ni Ammon;

11 At ang (L)Galaad, at ang hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo at ang buong (M)bundok ng Hermon, at ang buong Basan hanggang sa Salca;

12 Ang buong kaharian ni Og sa Basan, na naghari sa (N)Astaroth at sa Edrei (na siyang naiwang labi sa mga Rephaim); sapagka't sinaktan ang mga ito ni Moises at mga itinaboy.

13 Gayon ma'y hindi itinaboy ng mga anak ni Israel ang mga Gessureo, ni ang mga Maachateo; kundi ang Gessureo at ang Maachateo ay tumahan sa gitna ng Israel hanggang sa araw na ito.

14 (O)Ang lipi lamang ni Levi ang hindi niya binigyan ng mana; ang mga handog sa Panginoon, sa Dios ng Israel na pinaraan sa apoy ay siyang kaniyang mana, (P)gaya ng sinalita niya sa kaniya.

15 At nagbigay si Moises sa lipi ng mga anak ni Ruben ng ayon sa kanilang mga angkan.

16 At ang kanilang hangganan ay (Q)mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayang nasa gitna ng libis, at ang buong kapatagan sa tabi ng Medeba;

17 Ang Hesbon at ang lahat ng mga bayan niyaon na nasa kapatagan; ang Dibon at ang Bamoth-baal, at ang Beth-baal-meon;

18 At ang Jaas, at ang Ced-demoth, at ang Mephaath;

19 At ang Chiriataim, at ang Sibma, at ang Zereth-shahar, sa bundok ng libis;

20 At ang (R)Beth-peor, at ang mga tagudtod ng Pisga, at ng Beth-jesimoth;

21 (S)At ang lahat ng mga bayan sa kapatagan at ang buong kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na naghari sa Hesbon, na siyang (T)sinaktan ni Moises na gayon din ang mga (U)pinuno sa Madian, si Hevi, si Recem, at si Sur, at si Hur, at si Reba, na mga prinsipe ni Sehon, na tumahan sa lupain.

22 Si (V)Balaam man na anak ni Beor na manghuhula, ay pinatay ng mga anak ni Israel ng tabak sa gitna ng nalabi sa kanilang nangapatay.

23 At ang hangganan ng mga anak ni Ruben ay ang Jordan, at ang hangganan niyaon. Ito ang mana ng mga anak ni Ruben ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon.

24 At si Moises ay nagbigay sa lipi ni Gad, sa mga anak ni Gad, ng ayon sa kanilang mga angkan.

25 At (W)ang kanilang hangganan ay ang Jacer, at ang lahat na bayan ng Galaad, at (X)ang kalahati ng lupain ng mga anak ni Ammon hanggang sa Aroer na nasa tapat ng Rabba;

26 At mula sa Hesbon hanggang sa Ramath-mizpe, at sa Betonim; at mula sa (Y)Mahanaim hanggang sa hangganan ng Debir.

27 At sa libis, ang Bet-haram, at ang Beth-nimra, at ang Sucoth, at ang Saphon, na labis ng kaharian ni Sehon na hari sa Hesbon, ang Jordan at ang hangganan niyaon, hanggang sa kaduluduluhang bahagi (Z)ng dagat ng Cinnereth, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan.

28 Ito ang mana ng mga anak ni Gad ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon.

29 At si Moises ay nagbigay ng mana sa kalahating lipi ni Manases: at yao'y sa kalahating lipi ng mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan.

30 At ang kanilang hangganan ay mula sa Mahanaim, ang buong Basan, ang buong kaharian ni Og na hari sa Basan at ang (AA)lahat ng mga bayan ng Jair na nasa Basan, anim na pung bayan.

31 At ang kalahati ng Galaad at ang Astaroth at ang Edrei, ang mga bayan ng kaharian ni Og sa Basan, ay sa mga anak ni Machir na anak ni Manases, sa makatuwid baga'y sa kalahati ng (AB)mga anak ni Machir ayon sa kanilang mga angkan.

32 Ito ang mga mana na binahagi ni Moises sa mga (AC)kapatagan ng Moab, sa dako roon ng Jordan sa Jerico, na dakong silanganan.

33 (AD)Nguni't sa lipi ni Levi ay walang ibinigay si Moises na mana: ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay siyang kanilang mana, (AE)gaya ng kaniyang sinalita sa kanila.

Ang mga bahagi sa mana. Si Levi ay walang mana.

14 At ito ang mga mana na sinakop ng mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan, na binahagi sa kanila ni (AF)Eleazar na saserdote, at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel,

Sa pamamagitan ng (AG)sapalaran ng kanilang mana, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises, sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi.

(AH)Sapagka't nabigyan na ni Moises ng mana ang dalawang lipi at ang kalahating lipi sa dako roon ng Jordan: nguni't sa mga Levita ay wala siyang ibinigay na mana sa kanila.

Sapagka't ang (AI)mga anak ni Jose ay naging dalawang lipi ang Manases at ang Ephraim: at hindi sila nagbigay ng bahagi sa mga Levita sa lupain, liban ang mga bayan na matahanan, pati ng mga nayon niyaon sa kanilang hayop at sa kanilang pagaari.

Kung (AJ)paano iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel, at kanilang binahagi ang lupain.

Nang magkagayo'y lumapit ang mga anak ni Juda kay Josue sa Gilgal: at sinabi sa kaniya ni Caleb na anak ni (AK)Jephone na Cenezeo, Iyong (AL)talastas ang bagay na sinalita ng Panginoon kay Moises na (AM)lalake ng Dios, tungkol sa akin at tungkol sa iyo sa Cades-barnea.

Ako'y may apat na pung taon nang ako'y (AN)suguin ni Moises na lingkod ng Panginoon mula sa Cades-barnea upang tiktikan ang lupain; at aking dinalhan ng sagot siya ng gaya ng nasa aking puso.

(AO)Gayon ma'y pinapanglumo ng mga kapatid na kasama ko ang puso ng bayan: nguni't ako'y (AP)lubos na sumunod sa Panginoon kong Dios.

At si Moises ay sumumpa nang araw na yaon, (AQ)na nagsasabi, Tunay na ang lupain na (AR)tinuntungan ng iyong paa ay magiging isang mana sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man, sapagka't sumunod kang lubos sa Panginoon kong Dios.

10 At ngayon, narito, iningatan akong buhay ng Panginoon, gaya ng (AS)kaniyang sinalita, nitong apat na pu't limang taon, mula nang panahon na salitain ng Panginoon ang salitang ito kay Moises, samantalang lumalakad ang Israel sa ilang; at ngayon, narito, sa araw na ito ako'y may walong pu't limang taon na.

11 Gayon ma'y malakas pa ako sa araw na ito na (AT)gaya nang araw na suguin ako ni Moises: kung paano nga ang lakas ko noon, ay gayon ang lakas ko ngayon, sa pakikidigma, (AU)at gayon din sa paglalabas pumasok.

12 Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinalita ng Panginoon nang araw na yaon: sapagka't iyong nabalitaan nang araw na yaon kung paanong nariyan ang mga (AV)Anaceo, at mga bayang malalaki at nakukutaan: marahil ay sasa akin ang Panginoon, at akin silang maitataboy na gaya ng sinalita ng Panginoon.

Ang Hebron ay kay Caleb.

13 At binasbasan siya ni Josue (AW)at kaniyang ibinigay ang Hebron kay (AX)Caleb na Anak ni Jephone, na pinakaari niya.

14 Kaya't ang (AY)Hebron ay naging mana ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang lubos na sinunod ang Panginoon, ang Dios ng Israel.

15 Ang pangalan nga ng Hebron nang una ay Chiriath-arba; na siyang Arba na pinaka malaking lalake sa mga Anaceo. (AZ)At ang lupain ay nagpahinga sa pakikidigma.

Lucas 18:1-17

18 At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na sila'y dapat (A)magsipanalanging lagi, at (B)huwag manganglupaypay;

Na sinasabi, May isang hukom sa isang bayan, na hindi natatakot sa Dios, at walang taong pinagpipitaganan:

At sa bayang yaon ay may isang babaing bao; at siya'y naparoroong madalas sa kaniya, na sinasabi, Iganti mo ako sa aking kaalit.

At may ilang panahon na siya'y tumatanggi: datapuwa't pagkatapos ay sinabi sa kaniyang sarili, Bagaman di ako natatakot sa Dios, at di nagpipitagan sa tao:

Gayon man, (C)sapagka't nililigalig ako ng baong ito, ay igaganti ko siya, baka niya ako bagabagin ng kapaparito.

At sinabi ng Panginoon, Pakinggan ninyo ang sinabi ng likong hukom.

At hindi baga, (D)igaganti ng Dios ang kaniyang mga (E)hirang, na sumisigaw sa kaniya sa araw at gabi, at siya'y (F)may pagpapahinuhod sa kanila?

Sinasabi ko sa inyo, (G)na sila'y madaling igaganti niya. Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?

At kaniyang sinalita naman ang talinghagang ito sa (H)nagsisiasa (I)sa kanilang sarili, na nangagpapanggap na sila'y matutuwid, at pinawawalang halaga ang lahat ng mga iba:

10 May dalawang lalaking (J)nagsipanhik sa templo upang magsipanalangin; ang isa'y Fariseo, at ang isa'y (K)maniningil ng buwis.

11 (L)Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin sa kaniyang sarili ng ganito, Dios, pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga manglulupig, mga liko, mga mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito.

12 Makalawa akong (M)nagaayuno sa isang linggo; (N)nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinakamtan.

13 Datapuwa't ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay (O)ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi (P)dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan.

14 Sinasabi ko sa inyo, Nanaog at umuwi sa kaniyang bahay ang taong ito na inaaaring-ganap kay sa isa: (Q)sapagka't ang bawa't nagmamataas sa kaniyang sarili ay mabababa; datapuwa't ang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay matataas.

15 At dinala naman nila (R)sa kaniya ang kanilang mga sanggol, upang kaniyang hipuin sila; datapuwa't nang mangakita ito ng mga alagad, ay sila'y sinaway nila.

16 Datapuwa't pinalapit sila ni Jesus sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka't sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios.

17 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na gaya ng isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan.

Mga Awit 85

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

85 Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain:
(A)Iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.
(B)Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan,
Iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
Iyong pinawi ang buong poot mo:
(C)Iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.
(D)Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan,
At papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.
(E)Magagalit ka ba sa amin magpakailan man?
Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?
Hindi mo ba kami bubuhayin uli:
Upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?
Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
At ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.
(F)Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon:
Sapagka't (G)siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga (H)banal:
Nguni't huwag silang manumbalik uli (I)sa kaululan.
Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya;
(J)Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
10 (K)Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong;
(L)Katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
11 Katotohanan ay bumubukal sa lupa;
At ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
12 Oo, ibibigay ng (M)Panginoon ang mabuti;
At ang ating (N)lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
13 Katuwira'y mangunguna sa kaniya;
At gagawing daan ang kaniyang mga bakas.

Mga Kawikaan 13:7-8

(A)May nagpapakayaman, gayon ma'y walang anoman:
(B)May nagpapakadukha, gayon ma'y may malaking kayamanan.
Ang katubusan sa buhay ng tao ay siyang kaniyang mga kayamanan:
Nguni't ang dukha ay hindi nakikinig sa banta.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978