Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Bilang 11:24-13:33

24 At si Moises ay lumabas, (A)at isinaysay sa bayan ang mga salita ng Panginoon: at siya'y nagpisan ng pitong pung lalake sa mga matanda sa bayan at kaniyang pinatayo sa palibot ng Tolda.

25 At ang (B)Panginoon ay bumaba sa ulap, at nagsalita sa kaniya; at kumuha sa Espiritung sumasakaniya at isinalin sa pitong pung matanda: at nangyari, na nang sumakanila ang Espiritu, ay nanganghula, nguni't hindi na sila umulit.

Eldad at si Medad.

26 Nguni't naiwan ang dalawang lalake sa kampamento, na ang pangalan ng isa ay Eldad, at ang pangalan ng isa ay Medad: at ang Espiritu ay sumasakanila; at sila'y kabilang sa nangasulat, nguni't (C)hindi nagsilabas sa Tolda: at sila'y nanghula sa kampamento.

27 At tumakbo ang isang binata, at isinaysay kay Moises, at sinabi, Si Eldad at si Medad ay nanghuhula sa kampamento.

28 At si (D)Josue na anak ni Nun, na tagapangasiwa ni Moises, na isa sa kaniyang mga piling lalake, ay sumagot at nagsabi, Panginoon kong Moises, (E)pagbawalan mo sila.

29 At sinabi ni Moises sa kaniya, Ikaw ba'y may paninibugho sa akin? (F)ibigin nawa na ang buong bayan ng Panginoon ay maging propeta na isakanila ng Panginoon ang kaniyang Espiritu!

30 At naparoon si Moises sa kampamento, siya at ang mga matanda sa Israel.

Ipinadala ang mga pugo na kasama ang salot.

31 (G)At lumabas ang isang hanging galing sa Panginoon, at nagdala ng mga pugo na mula sa dagat, at pinalapag sa kampamento na may isang araw lakarin sa dakong ito, at isang araw lakarin sa kabilang dako sa palibot ng kampamento, at nagsilipad na may dalawang siko ang taas sa balat ng lupa.

32 At ang bayan ay nangakatindig ng buong araw na yaon at ng buong gabi, at ng buong ikalawang araw, at nagsipanghuli ng mga pugo; yaong kaunti ang napisan ay nakapisan ng sangpung (H)homer: at kanilang ikinalat para sa kanila sa buong palibot ng kampamento.

33 (I)Samantalang ang karne ay nasa kanilang mga ngipin pa, na hindi pa nila nangunguya ay nagningas laban sa bayan ang galit ng Panginoon at sinaktan ng Panginoon ang bayan ng isang salot na di kawasa.

34 At ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Kibroth-hattaavah; sapagka't doon inilibing nila ang bayang sakim.

35 (J)Mula sa Kibroth-hattaavah ay naglakbay ang bayan na patungo sa Haseroth; at sila'y tumira sa Haseroth.

Si Miriam ay nagkaketong.

12 At si Miriam at si Aaron ay nagsalitaan laban kay Moises tungkol sa pagkapagasawa niya sa isang babaing Cusita: sapagka't (K)siya'y nag-asawa sa isang babaing Cusita.

At kanilang sinabi, Ang Panginoon ba'y kay Moises lamang nakipagsalitaan? (L)hindi ba nakipagsalitaan din naman sa atin? At (M)narinig ng Panginoon.

Ang lalake ngang si Moises ay totoong maamong loob, na higit kay sa lahat ng lalaking nasa ibabaw ng lupa.

(N)At sinalita agad ng Panginoon kay Moises, at kay Aaron, at kay Miriam, Lumabas kayong tatlo sa tabernakulo ng kapisanan. At silang tatlo ay lumabas.

(O)At ang Panginoon ay bumaba sa isang tila haliging ulap, at tumayo sa pintuan ng Tolda, at tinawag si Aaron at si Miriam: at sila'y kapuwa lumabas.

At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya (P)sa pangitain, na kakausapin ko siya sa (Q)panaginip.

(R)Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon; siya'y tapat sa (S)aking buong buhay:

(T)Sa kaniya'y makikipagusap ako ng bibig, sa bibig, ng maliwanag, at hindi sa malabong salitaan; at ang (U)anyo ng Panginoon ay kaniyang (V)makikita: bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?

At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa kanila; at siya'y umalis.

10 At ang ulap ay lumayo sa Tolda; at (W)narito, si Miriam ay (X)nagkaketong, na pumuting gaya ng niebe; at tiningnan ni Aaron si Miriam, at narito, siya'y nagkaketong.

11 At sinabi ni Aaron kay Moises, Oh panginoon ko, isinasamo ko sa iyo na (Y)huwag mong iparatang ang kasalanan sa amin, sapagka't ginawa namin na may kamangmangan, at sapagka't kami ay nagkasala.

12 Huwag mong itulot sa kaniya, isinasamo ko sa iyo, na maging parang isang patay na tunaw ang kalahati ng kaniyang laman paglabas sa tiyan ng kaniyang ina.

13 At humibik si Moises sa Panginoon, na sinasabi, Pagalingin mo siya, Oh Dios, ipinamamanhik ko sa iyo.

14 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Kung siya'y (Z)niluran ng kaniyang ama sa kaniyang mukha, hindi ba siya mahihiyang pitong araw? (AA)kulungin siyang pitong araw sa labas ng kampamento, at pagkatapos ay madadala siyang muli sa loob.

15 (AB)At si Miriam ay kinulong na pitong araw sa labas ng kampamento: at ang bayan ay hindi naglakbay hanggang si Miriam ay nadalang muli sa loob.

16 At pagkatapos nito ay naglakbay ang bayan mula sa (AC)Haseroth, at humantong sa ilang ng Paran.

Nagpadala ng tiktik sa Canaan.

13 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

(AD)Magsugo ka ng mga lalake na makakapaniktik sa lupain ng Canaan, na aking ibibigay sa mga anak ni Israel: isang lalake sa bawa't isa sa mga lipi ng kanilang mga magulang ay susuguin ninyo, na bawa't isa'y prinsipe sa kanila.

At sinugo sila ni Moises mula sa (AE)ilang ng Paran ayon sa utos ng Panginoon: silang lahat ay mga lalaking pangulo sa mga anak ni Israel.

At ito ang kanilang mga pangalan: sa lipi ni Ruben, ay si Sammua na anak ni Zaccur.

Sa lipi ni Simeon, ay si Saphat na anak ni Huri.

(AF)Sa lipi ni Juda, ay si (AG)Caleb na anak ni Jephone.

Sa lipi ni Issachar, ay si Igal na anak ni Jose.

Sa lipi ni Efraim, ay si Oseas na anak ni Nun.

Sa lipi ni Benjamin, ay si Palti na anak ni Raphu.

10 Sa lipi ni Zabulon, ay si Gaddiel na anak ni Sodi.

11 Sa lipi ni Jose, sa makatuwid baga'y sa lipi ni Manases, ay si Gaddi na anak ni Susi.

12 Sa lipi ni Dan, ay si Ammiel na anak ni Gemalli.

13 Sa lipi ni Aser, ay si Sethur, na anak ni Michael.

14 Sa lipi ni Nephtali, ay si Nahabi na anak ni Vapsi.

15 Sa lipi ni Gad, ay si Geuel na anak ni Machi.

16 Ito ang mga pangalan ng mga lalake na sinugo ni Moises upang tiktikan ang lupain. At tinawag ni Moises na Josue ang anak ni Nun na si (AH)Oseas.

17 At sinugo sila ni Moises upang tiktikan ang lupain ng Canaan, at sinabi sa kanila, Sumampa kayo rito sa dakong Timugan at (AI)umakyat kayo sa mga bundok:

18 At tingnan ninyo ang lupain, kung ano; at ang bayan na tumatahan doon, kung sila'y malakas o mahina, kung sila'y kaunti o marami;

19 At kung ano ang lupain na kanilang tinatahanan, kung mabuti o masama; at kung ano ang mga bayan na kanilang tinatahanan, kung sa mga kampamento, o sa mga nakukutaan;

20 At kung ano ang lupain, kung mataba o payat, (AJ)kung mayroong kahoy o wala. At (AK)magpakatapang kayo, at magdala kayo rito ng bunga ng lupain. Ngayon ang panahon ay panahon ng mga unang hinog na ubas.

21 Sila nga'y umakyat, at kanilang tiniktikan ang lupain mula sa (AL)ilang ng Zin hanggang sa (AM)Rehob, sa pagpasok sa Emath.

22 At sila'y umakyat sa dakong Timugan, at sila'y dumating sa Hebron; at si (AN)Aimen, si Sesai at si Talmai, na mga anak ni Anac, ay nangaroon. (Ngayon ang Hebron ay (AO)natayong pitong taon bago ang Zoan (AP)sa Egipto).

23 (AQ)At sila'y dumating sa libis ng Escol, at sila'y pumutol doon ng isang sangang may isang kumpol na ubas, at dinala sa isang pingga ng dalawa; sila'y nagdala rin ng mga granada, at mga igos.

24 Ang dakong yaon ay tinawag na libis ng Escol, dahil sa kumpol na kinitil ng mga anak ni Israel doon.

Masamang balita ng mga tiktik.

25 At sila'y nagbalik pagkatiktik sa lupain, sa katapusan ng apat na pung araw.

26 At sila'y nagsiyaon at nagsiparoon kay Moises, at kay Aaron at sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, sa ilang ng Paran, (AR)sa Cades; at kanilang binigyang sagot sila, at ang buong kapisanan, at kanilang ipinakita sa kanila ang bunga ng lupain.

27 At kanilang isinaysay sa kaniya, at sinabi, Kami ay dumating sa lupaing yaong pinaparoonan mo sa amin, at tunay na binubukalan ng (AS)gatas at pulot; at ito ang (AT)bunga niyaon.

28 Gayon man (AU)ang bayan na tumitira sa lupaing yaon ay malakas, at ang mga bayan ay nakukutaan, at napakalalaki: at saka aming nakita ang mga anak ni Anac doon.

29 (AV)Si Amalec ay tumatahan sa lupain ng Timugan: at ang Hetheo, at ang Jebuseo, at ang Amorrheo ay tumatahan sa mga bundok: at ang Cananeo ay tumatahan sa tabi ng dagat, at sa mga pangpang ng Jordan.

30 At pinatahimik ni (AW)Caleb ang bayan sa harapan ni Moises, at sinabi, Ating akyating paminsan, at ating ariin; sapagka't kaya nating lupigin.

31 (AX)Nguni't sinabi ng mga lalaking nagsiakyat na kasama niya, Hindi tayo makaaakyat laban sa bayan; sapagka't sila'y malakas kay sa atin.

32 At sila'y nagdala ng masamang balita tungkol sa lupaing kanilang tiniktikan, sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Ang lupain na aming pinaroonan upang tiktikan ay isang lupain na kinakain ang mga tumatahan doon; at (AY)lahat ng bayan na aming nakita roon, ay mga taong malalaki.

33 (AZ)At doo'y aming nakita ang mga Nefilim, ang mga anak ni Anac, na mula sa mga Nefilim: at kami sa aming sariling paningin ay naging (BA)parang mga balang, at gayon din kami sa kanilang paningin.

Marcos 14:22-52

22 At samantalang sila'y nagsisikain, ay (A)dumampot siya ng tinapay, at nang kaniyang mapagpala, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, at sinabi, Inyong kunin: ito ang aking katawan.

23 At siya'y dumampot ng isang saro, at nang siya'y makapagpasalamat, ay ibinigay niya sa kanila: at doo'y nagsiinom silang lahat.

24 At sinabi niya sa kanila, Ito'y ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami.

25 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hindi na ako iinom ng bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago sa kaharian ng Dios.

26 At (B)pagkaawit nila ng isang imno, ay nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo.

27 At sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangatitisod: sapagka't nasusulat, (C)Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa.

28 Gayon ma'y pagkapagbangon ko, ay mauuna ako sa inyo sa Galilea.

29 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Bagama't mangatitisod (D)ang lahat, nguni't ako'y hindi.

30 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na ngayon, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok (E)ng makalawa, ay ikakaila mo akong makaitlo.

31 Datapuwa't lalo nang nagmatigas siya na sinabi, Kahima't kailangang mamatay akong kasama mo, ay hindi kita ikakaila. At sinabi rin naman ng lahat ang gayon din.

32 At (F)nagsirating sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani: at sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y nananalangin.

33 At kaniyang isinama si Pedro at si Santiago at si Juan, at nagpasimulang nagtakang totoo, at namanglaw na mainam.

34 At sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at mangagpuyat.

35 At lumakad siya sa dako pa roon, at nagpatirapa sa lupa, at idinalangin na, kung mangyayari, ay (G)makalampas sa kaniya ang oras.

36 At kaniyang sinabi, (H)Abba, Ama, may pangyayari sa iyo ang lahat ng mga bagay; ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y hindi ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.

37 At siya'y lumapit, at naratnang sila'y nangatutulog, at sinabi kay Pedro, Simon, natutulog ka baga? hindi ka makapagpuyat ng isang oras?

38 Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman.

39 At muli siyang umalis, at nanalangin, na sinabi (I)ang gayon ding mga salita.

40 At muli siyang nagbalik, at naratnang sila'y nangatutulog, sapagka't nangabibigatang totoo ang kanilang mga mata; at (J)wala silang maalamang sa kaniya'y isagot.

41 At lumapit siyang bilang ikatlo, at sinabi sa kanila, Mangatulog na kayo, at mangagpahinga: sukat na; dumating na ang (K)oras; narito, ang Anak ng tao ay ipagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.

42 Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin.

43 At pagdaka, samantalang nagsasalita pa siya, (L)ay dumating si Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang isang karamihang may mga tabak at mga panghampas, na mula sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba at sa matatanda.

44 Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga; hulihin ninyo siya, at dalhin ninyo siyang maingat.

45 At nang dumating siya, pagdaka'y lumapit siya sa kaniya, at nagsabi, Rabi; at siya'y hinagkan.

46 At siya'y sinunggaban nila, at siya'y kanilang dinakip.

47 Datapuwa't isa sa nangaroon ay nagbunot ng kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinigpas ang kaniyang tainga.

48 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Kayo baga'y nagsilabas, na parang laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako?

49 Araw-araw ay kasama ninyo ako sa templo, na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli: nguni't nangyari ito upang matupad ang mga kasulatan.

50 At iniwan siya ng lahat, at nagsitakas.

51 At sinundan siya ng isang binata, na nababalot ng isang kumot ang katawan niyang hubo't hubad: at hinawakan nila siya;

52 Datapuwa't kaniyang binitiwan ang kumot, at tumakas na hubo't hubad.

Mga Awit 52

Sa Pangulong Manunugtog. Masquil ni David; nang dumating at magsaysay kay Saul si (A)Doeg na Idomeo, at magsabi sa kaniya, Si David ay naparoon sa bahay ni Ahimelech.

52 Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh (B)makapangyarihang tao?
Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi.
(C)Ang dila mo'y kumakatha ng totoong masama;
Gaya ng matalas na (D)pangahit, na gumagawang may karayaan.
Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan;
(E)At ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran. (Selah)
Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita,
Oh ikaw na magdarayang dila.
Ilulugmok ka ring gayon ng Dios magpakailan man,
Itataas ka niya, at ilalabas ka sa iyong tolda,
At (F)bubunutin ka niya sa (G)lupain ng may buhay. (Selah)
(H)Makikita naman ng matuwid, at matatakot,
(I)At tatawa sa kaniya, na magsasabi,
Narito, ito ang tao na hindi ginawang kaniyang katibayan, ang Dios;
Kundi (J)tumiwala sa kasaganaan ng kaniyang mga kayamanan,
At nagpakalakas sa kaniyang kasamaan.
Nguni't tungkol sa akin, (K)ay gaya ako ng sariwang punong kahoy ng olibo sa bahay ng Dios:
Tumitiwala ako sa kagandahangloob ng Dios magpakailan-kailan man.
Ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man, sapagka't iyong ginawa:
At ako'y maghihintay sa iyong pangalan (L)sapagka't mabuti, sa harapan ng (M)iyong mga banal.

Mga Kawikaan 11:1-3

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

11 Ang marayang (A)timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran.
Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan:
Nguni't nasa mababa ang karunungan.
Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila:
Nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978